Chapter 61
batibotbot
Thursday, 12:47
lele boy: hala bat ganun, sembreak ng mga highschool next week, tas tayo wala man lang sembreak? andaya naman
lele boy: ay shuta mga hindi pa nakakauwi
nono the samoyed: Hello hello, online ako
nono the samoyed: Nandito pa ko sa school, sa dance practice room
lele boy: ay onga pala, pati si jisung
nono the samoyed: Alam mo na, kase mga college na nga daw tayo, di natin alam yung sembreak
lele boy: luh? ang daya talaga
nono the samoyed: Kaya nga eh, nakakainis
nono the samoyed: Hello, gusto rin po namin magpahinga
lele boy: baka naman po hahaha
mojji: nyare?
mojji: water break namin haha
lele boy: ay nga pala, @nana banana thank you sa strawberry shake hehe
haechan: hello hello mic test
haechan: asan si renjun?
haechan: kanina lang binigay yung anatomy exam pt 1 ko, and im so happy
nono the samoyed: Anong grade mo dun pre?
haechan: 96 HAHAHAHA galeng ko pala mag-drawing
haechan: dapat nag-fine arts nalang din ako HAHAHAHA joke
renren: hello kakauwi ko lang
renren: hey babe, congrats! <3
haechan: thanks, baby! <3
mojji: wow may hearts pa, awit
lele boy: ❤️❤️❤️
lele boy: oh ayan, baka naiinggit ka
mojji: gago HAHAHAHAHA
nana banana: shuta traffic anobayan
nana banana: oy ure welcome, lele
lele boy: hehe
nono the samoyed: Ingats, love.
nana banana: thanks, love.
mojji: oy brb, tapos na water break namin
nono the samoyed: Hahahaha kami rin, brb
lele boy: sige langs
×××
mine♡
active now
13:24
mine♡:
renjuuuun!
baby♡:
who's renjun? i'm baby :((
mine♡:
babyyyyy~
baby♡:
yes?
mine♡:
call?
baby♡:
sige sige, habang kumakain ako
mine♡:
ay kumakain ka rin pala? sige, sabay tayo kumain HAHAHA
baby♡:
loko HAHAHA tawag ka na
Incoming call from mine♡
ACCEPT | DECLINE
"Injun-ah!"
"Hm? Naka-speaker ka."
"Ay."
"Wait, kunin ko lang earphones ko."
"Okay."
Pagkatapos ang ilang minutong paghahanap sa bag ko ay bumalik sa pwesto ko kanina. Ini-plug ko na ang earphones sa aking cellphone.
"Ayan, okay na. Hello ulit!"
"Nand'yan nanay mo?"
"Opo. Ayun, nanonood ng TV."
"Okay na ba tayo sa kanya?"
"She doesn't say anything, but yeah, I think."
"Because my parents are very okay with you. Support nila ako sa 'yo, sa totoo lang. 'Di ba, Papa?"
"Huh, ano 'yon, anak?"
"Okay ka kay Renjun, 'di ba? Support niyo ako sa kanya?"
"Ay, oo naman. Ang mama mo nga ay kinikilig pa sa inyo, daig pa ang teenager."
Nang marinig ko 'yon ay tumawa ako nang bahagya.
"Right, Renjun, you heard that?"
"Yes. Sobrang masaya ako na support tayo ng mga magulang mo."
"Syempre! Simula umpisa pa lang na kinuwento kita sa kanila, botong-boto na sila sa 'yo."
Ano ba naman 'to, pinapakilig na naman ako. "Sus! Crush mo nga dati 'yung dating crush ni Jisung, e. Ano ngang pangalan no'n, Mark ba?"
"Ano ba! Hindi ka pa ba get over do'n? Hindi ko na crush si Mark. Ang tagal-tagal na no'n."
Tumawa ako, "Binibiro lang kita, ikaw naman. Alam ko namang loyal ka sa 'kin, e." I smile widely.
"Huang Renjun, 'wag mo 'kong pinapakilig. Mas lalo kitang minamahal."
I bit my bottom lip for a second then scream silently. I swear, mukha na akong kamatis.
"Uy, hindi ka na umimik d'yan. Kinikilig ka 'no?"
"Ewan ko sa 'yo."
"Oh, tignan mo."
I roll my eyes but still smiling. "Tapos ka nang kumain?" Pangingibang topic ko.
"Yup. Paakyat ako sa kwarto."
Tumayo ako para ilagay ang pinagkainan ko sa lababo saka umakyat din sa kwarto ko.
"Donghyuck."
"Po?"
"Wala lang."
"Baliw! Miss mo na ako, 'no? You miss my hugs and kisses. Ayaw mo kasi ng PDA."
Grabe 'yung atake. "Yes, I miss your hugs and kisses. And you, of course."
"I miss you too."
"Naisip ko lang. That day when we about to, you know, what if walang umistorbo? What if walang nagpatugtog ng worship song sa labas ng bahay namin? What if hindi agad umuwi si Mama?" I bit my lip.
"Whoa! You think about all of that?"
"Yeah."
"Hoy babe, baka kung ano nang ginagawa mo d'yan, ah."
"Baliw!"
"Edi kung natuloy tayo, we're not virgins anymore." Bigla na lang akong sumigaw. "Hoy, ayos ka lang?"
"Hindi."
"Wag mo nang isipin 'yon. Kantahan mo na lang ako."
"Ayaw."
"Dali na. Patulugin mo 'ko, pagod na pagod ako kanina."
Umiling-iling ako. "Sige na, humiga ka na. Kakantahan kita."
"Ang cute mo talaga."
"Alam ko, hehe."
-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top