Chapter 59

"Hello po, Tita, good afternoon."

"Good afternoon din."

"Ano bang ginagawa mo rito?"

"Binilhan kita ng milktea. Sabi mo 'di ba?"

"Ano ka ba! Nagbibiro lang ako."

"Nakabili na ako, tanggapin mo na. Alam mo namang kahit anong gusto mo, gagawin ko e."

"Ewan ko sa 'yo." Ngumiti ako at tinanggap 'yung milktea.

"Kinikilig—"

"Paano kung sabihin kong halikan mo 'ko dito ngayon, gagawin mo?"

"Oo naman. Kaso nakakahiya naman kay Tita."

"Siraulo ka talaga! Umuwi ka na nga. Wala na nga kayong pera, kung ano-ano pang pinagbibibili mo para sa 'kin."

"Well, nag-iipon ako. Pero 'yung ipon na 'yon, para sa ating dalawa rin." I swear, nahihiya na ako kay Mama at mukha na akong kamatis.

"Ewan ko sa 'yo! Sige na, uwi ka na."

"Hindi mo man lang ba ako pakakainin? Ni hindi mo rin ako pinaupo."

"Bakit kasi hindi ka umupo?"

"Nakakahiya naman kay Tita kung uupo ako bigla sa maganda niyong sofa."

Bumuntong hininga ako at lumingon kay Mama. Umirap siya at umiling-iling. "May pagkain sa lamesa." sabi niya at naglakad papunta sa hagdanan.

Hinampas ko naman si Hyuck, "Umuwi ka na."

He pouts, "Okay. Pero, isang kiss?"

I give him a peck on the lips, "Ayan."

"Isa pa." I kiss him again. "More."

"Anoba! Tama na. Uwi ka na."

Tumawa siya nang malakas, "Cute mo talaga. Sige na, uwi na ako." He kissed me one last time before leaving.

"I love you!"

"Ano?"

"Wala. Sabi ko ingat ka."

"I love you too!"

Ngumiti ako habang umiirap. What did I do to deserve him?
-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top