Chapter 3

"Hoy, Renjun!" Isang nakangiting Donghyuck ang tumatakbo papunta kay Renjun na halos matanggal na ang mga mata dahil sa kaiirap.

"Ano?" Muli itong umirap habang nakaupo sa bench sa labas ng classroom niya.

"Bakit ka nandito sa labas ng classroom mo?"

"Na-late ako."

"Aww, same pala tayo, e. Tara, samahan mo ako sa canteen, libre kita."

"Ayoko."

"Libre na nga, e."

"Ayoko nga, ang kulit mo. Lumayo ka nga sa 'kin."

Napanguso naman si Donghyuck at umatras nang konti, "Okay. Nga pala, na kay Jaemin na 'yung essay mo, kunin mo na lang mamaya. Bye!"

Pinanood lang ni Renjun na maglakad palayo si Donghyuck, ni hindi man lang ito lumingon pabalik sa kanya.

Napabuntong hininga siya nang napakalalim, "Putangina mo naman, self."

×××

Flashback ¬

(A/N: May pa-flashback kasi cliché tayo xD)

"Hala! May bulaklak, para kanino kaya 'yan?"

"Ayyieee."

"Tangina n'yong mag-jowa."

"Happy birthday!" Haechan made a kissy face at halos mawasak na yata ang mukha ni Renjun sa cringe.

"Ewan ko sa 'yo."

"Aw, gan'yan ba ang sagot sa pagbati ng birthday, 'Ewan ko sayo'?"

Umirap na naman s'ya, "Thank you." Tinanggap niya na rin ang bulaklak dahil nakita niyang nangangalay na si Donghyuck.

"Thank you lang? Wala bang kiss d'yan?" He made another kissy face and Renjun slapped his arms.

"Asa ka."

"Aasa talaga ako."

"Goodluck."

Haechan chuckles, "Deny ka pa, kinikilig ka rin naman."

"Ewan ko sa 'yo!"

End of flashback.

"Hoy, tulala ka d'yan. Anong iniisip mo?"

"Wala."

"'Yung iniisip mo, nasa taas lang naman 'yung room. Puntahan mo na."

"Puta ka talaga, Jaemin." Saglit niya itong sinamaan ng tingin. "Nga pala, nasaan 'yung essay ko?"

"Anong essay?"

"'Yung binigay ni Donghyuck."

"Ah! Wait lang." Naghalungkat si Jaemin sa kanyang bag para kunin ang essay na sinasabi ni Renjun. "Oh, heto. Pina-proofread mo ba 'yan sa kanya?"

Tumango lamang siya habang kinukuha ang papel mula kay Jaemin.

"Salamat."

"Sure."

×××

Kasalukuyang nasa canteen sina Jaemin at Jeno with Renjun as their thirdwheel.

"Jeno," kumuha siya ng limandaang piso mula sa wallet niya ang iniabot kay Jeno.

"Hala, anong gagawin ko d'yan?"

"Ibigay mo kay Donghyuck."

"Bakit?"

"Basta, alam niya na 'yan."

"Okay."

"Wow, ang taray!"

"Tangina mo talaga, Jaemin."
-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top