Chapter 23 [PG-13]
Nakarating na kami sa bahay nina Donghyuck. Medyo madilim, at ang nagbibigay lang ng liwanag ay kapag nakabukas ang pinto.
"Ma, nandito na kami."
"OMG! Ikaw si Renjun. Nice to meet you!"
Napangiti na lang ako nang awkward sa nanay ni Donghyuck, "Nice to meet you din po."
"Kain muna kayo bago kayo gumawa ng kung ano mang gagawin niyo." Kakaiba 'yung ngiti niya, parang iba yata ang iniisip.
Sandale! Hindi kami mag-aano.
"Okay."
Hinila niya ako papunta sa hapagkainan at pinaupo sa isang upuan. Umupo rin naman siya sa tabi ko.
Iniangat nita yung food cover at hotdog ang ulam. "Sorry, isang linggo nang hotdog ulam namin. Feeling ko nga magiging hotdog na ako."
Natawa ako dahil do'n. "Siraulo! Okay lang."
"Anong okay lang? Okay lang na maging hotdog ako?"
"Gago! Okay lang na hotdog ang ulam."
"Ah! Linawin mo kasi. Akala ko okay lang sa 'yo na maging hotdog ako, e. Ayos lang naman din sa 'kin, basta ba kakainin mo 'ko." Ngumisi pa siya, amputa talaga.
"Ano ba! Napakabastos talaga ng bunganga mo."
"Sorry na, hehe. Tara na, kain na tayo." Tumango na lang ako at nilagyan naman niya ng kain ang plato ko.
×××
"Hubad na."
"Huh?" Puta, ano raw?
"I thought you want to be my model?" Nakaupo siya sa sahig tapos may maliit na lamesa sa harapan niya at do'n nakalagay 'yung mga gamit niya. Meron ding isang maliit na de bateryang lampara sa ibabaw. Nakatayo ako sa kama niya habang nagtatakang nakatingin sa kanya.
Kinamot ko ang batok ko, "Uhm, nahihiya ako."
Tumawa siya nang bahagya, "Naka-lock naman 'yung pinto atsaka ako lang naman makakakita sa 'yo, 'wag kang mag-alala." pagkatapos ay ngumiti siya nang konti.
Ang gwapo!
"Teka lang, hindi kasi ako sanay."
"You don't need to do this, Renjun."
"Pero-" Napalunok ako nang tinaasan niya ako ng isang kilay. Shit.
Ang hot niya tignan.
"Come here." He made a gesture at bigla yatang nanuyo ang laway ko.
Lumapit ako sa kanya at tumayo naman siya sa harapan ko. Ngayon ko lang na-realize na mas matangkad pala siya sa 'kin. "Ang cute mo, sarap wasakin."
Bigla ko siyang hinampas sa braso, "Ang bastos mo talaga!"
Nanlaki ang mga mata ko nang sinimulan niyang i-unbutton ang pinakaunang butones ng polo ko. "Tell me if you want me to stop."
Huh?
"A-anong gagawin mo?"
"Huhubaran ka. Kasi 'di ba gusto mong maging model ko?" Puta, bakit ang straight forward niya?
Tumango na lang ako nang nag-aalangan at nagpatuloy naman siya sa pag-unbutton ng mga butones ko. "Hindi ko napansin na ganito ka pala kaputi." Ngumiti lang ako nang bahagya.
Natanggal na niya ang polo ko at sinunod ang sandong suot ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, naririnig niya kaya?
"So skinny. Kumain ka nang marami, ha." sabi niya saka tumawa nang bahagya. Parang nanuyo na naman ang laway ko at hindi ako makapagsalita.
Sinunod niyang i-unbutton ang pantalon ko. Shit. "Donghyuck,"
He stops and looks at him, "Hm?"
"Ako na." Tumango lang siya at bumalik sa pwesto niya kanina. Umupo ulit siya sa sahig, sa harapan ng maliit na lamesa.
Habang tinatanggal ko ang pantalon ko ay nakatingin lang siya sa 'kin. Bigla na naman akong nahiya.
Nang matanggal ko ay nilapag ko sa kama kung sana niya rin nilapag ang mga damit ko. Naka-boxer na lang ako ngayon.
"Wow!"
"Stop staring at me."
He fucking smirks. "Oh, 'yung boxer pa atsaka underwear."
Nanlaki ang mga mata ko, "Kasama 'yon?" Tumango lang siya. "Putangina mo."
"Bilisan mo nang matapos na 'to. Diba may homework ka rin?"
Bumuntong hininga ako. "Turn around."
Umirap siya bago tumalikod. "Turn around, turn around? Makikita ko rin naman 'yan."
"Para mabawasan 'yung kahihiyan ko."
"Okay, okay. Pasalamat ka mahal kita." Ngumiti ako at buti na lang hindi niya nakikita.
"P-pwede ka nang h-humarap."
"Bakit parang kinakabahan-wow!" Kinagat niya ang ibabang labi niya at tinitigan ako paitaas, he didn't even blink. "Fuck." Napalunok na lang ako ulit.
I can't believe I'm doing this. Wala na akong dignidad. "Tangina mo."
"Pretty." he smirks again. Shuta. "Punta ka na do'n."
"I hate you."
He laughs, "I love you, too."
×××
"Tapos na ba? Mahigit dalawang oras na yata akong nakatayo rito."
"Wait." Tumingin ako sa lamesa niya at nakita kong may sinulat siya sa baba ng papel niya. "Okay na, pwede ka nang magbihis ulit."
Bumuntong-hininga ako. Buti naman! Kasi sobrang init, pinagpapawisan na ako. Pati siya.
Lumakad siya papunta sa cabinet niya at binuksan ang pinakataas na drawer. "Oh, magpunas ka ng pawis-what the heck!"
Nagtaka ako nang magmura siya. Anong nakita niya do'n?
Nagbihis muna ako ng underwear at boxer saka siya nilapitan. "Ano 'yan?"
Kinuha n'ya kung ano man 'yon sa 'kin. Nanlaki ang mga mata ko. Isa 'yung condom na may sticky note pa tapos ang nakalagay ay 'be safe' at tatlong hearts.
"Bakit may condom ka d'yan?"
"Excuse me, hindi sa 'kin 'to. Saan ko naman gagamitin 'to?"
"Hindi kaya..." Napalunok ako.
"Hindi kaya nilagay ni Mama d'yan kasi akala n'ya mag-aano tayo?"
"Hoy!" Hinampas ko siya sa braso. Hindi ko na nga sinabi, e.
Tumawa siya, "Gusto mo ba?"
"Gago! Hindi pa nga tayo, e."
"So, kapag naging tayo, pwede na?"
"E... ewan. Ewan ko sa 'yo!"
"Kinikilig ka na naman." Umirap lang ako kasi oo, kinikilig ako. Bigla niya akong hinila sa magkabilang-balikat. "You're so pretty, baby."
"Ano ba, tumigil ka nga." Ngumuso naman siya. What I am supposed to do?
"Dito ka muna, please." Umiling ako. "Why?" Umiling ako ulit. "Please?"
"Hyuck, mainit."
"Painitin pa natin lalo."
"Gago ka talaga!" Tumawa ako at tinulak siya nang marahan at binitawan na niya ang mga balikat ko.
"Joke lang! I love you." Tinitigan ko lang siya. "I love you, Renjun." Hindi ako sumagot kaya inulit niya. "Baby, I love you."
I sigh, "I love you too, Haechan. Happy?"
Tumango-tango siya, "Yes!" Ugh, ang cute.
-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top