Chapter 15

"Hindi ba kayo magpapansinan? Kanina pa awkward 'yung atmosphere, oh. Konti na lang, lalamukin na ako rito."

Rumolyo lang ang mga mata ni Jeno habang nakanguso naman si Jaemin.

"Jeno, hindi ko nga crush si Donghyuck. Maniwala ka naman."

"Kaya pala. Kaya pala apektado ka sa Yuna na 'yun kasi crush mo 'yung kaibigan ko. Okay lang, Jaemin, okay lang talaga."

"Damang-dama ko 'yung pagka-sarcastic no'n ah." Awkward na ngumiti si Renjun at luminga-linga sa paligid. "Nasa'n ba si Haechan?"

"Donghyuck-ah! Wala pa akong pambayad, pwede bang bukas na lang, please?" Nakarinig si Renjun na isang napakalanding boses ng babae.

"That must be Yuna," bulong niya sa sarili.

Nakita niyang umiling si Donghyuck. "No. You must pay today. I exerted effort for this, you promised to pay today. 'Yung iba nga nagbayad at nakuha na rin nila ang essay nila."

"But baby—"

"Puta, stop calling me that!"

Napatakip siya ng bibig at palihim na tumawa. "Buti nga sa 'yo."

"Donghyuck, please. Promise, magbabayad na ako bukas."

"Kawawa ka kapag hindi ka nakapagpasa ngayon ng essay, singko ka kay Prof." Ngumisi si Donghyuck at naglakad na palayo sa babae.

Nakita ni Renjun na papalapit ito sa kanya kaya umiwas siya agad ng tingin.

"Hi." Umupo ito kay tabi ni Jeno dahil nasa tabi ni Renjun si Jaemin. "Oh, ang weird, hindi kayo nagpapansinan?"

"I wonder kung bakit." sabi ni Jeno at rumolyo ang mga mata.

"Hala! Bakit parang kasalanan ko?"

"Kasalanan daw maging gwapo." Nanlaki ang mga mata ni Renjun nang ma-realize niyang nasabi niya pala nang malakas ang nasa isip niya.

Lumingon naman si Donghyuck kay Renjun at ngumisi. "Anong sabi mo, babe?"

"Wala! Babe ka d'yan? Ulol."

Donghyuck giggles and bit his bottom lip, "Cute." And Renjun smiled.

×××

"Okay lang ba sa 'yo kung 'yung manliligaw mo, walang pera?"

Tumawa nang bahagya si Renjun, "Oo naman."

"Ang cute mo, nakakagigil ka! Ang sarap mong ilagay sa bulsa ko." Dahil do'n, hinampas siya ni Renjun, ngunit tumawa lamang siya .

"Puro ka talaga kalokohan."

Donghyuck pouts, "Hindi naman, ah."

"Ewan ko sa 'yo. Uwi na nga tayo."

"Iuwi na kita?"

"Gago!"

"Love you too." Umirap na lamang si Renjun habang natatawa.
-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top