Chapter 120
Ngayong araw ang alis ni Hyuck, 5:30 pa lang ay nakahanda na siya.
Bakit ba ako nalulungkot kung tatlong araw lang naman 'yon?
Ugh, mamimiss ko siya nang sobra.
"Ma, alis na po kami."
"Sige, ingat ka, anak! Alagaan ang sarili. Love you!"
"Love you too."
Lumabas na kami ng bahay at bumungad sa amin si Jeno sa labas. Naglakad na kaming tatlong palabas ng subdivision.
Nag-tricycle na lang kami para mabilis. Sa backride seat si Jeno kasi mahangin daw.
Ilang minuto lang ay nasa school na kami. Sa laki ng school namin, kasyang-kasya ang tatlong bus sa loob.
"Ma'am, nandito na po si Donghyuck!"
"Mr. Lee, bilisan!"
"Wait lang po!" Humarap siya sa 'kin at bigla akong niyakap. "I'm gonna miss you." Kumalas na siya agad sa yakap. "Wag kang mag-alala kung hindi kita ma-text or ma-chat kasi probably, they're not gonna let us use our phone kapag nandoon na kami. You trust me, don't you?"
"I do."
"Ikaw na muna bahala kina Mama, okay?"
I nod, "Okay. I love you."
He smiles, "I love you too."
"One kiss before you go?"
"Gladly." He gave me a peck on the lips.
"Grabe 'yon! Sana all may jowa!"
"God, when ba kasi?"
"Donghyuck lang malakas!"
"See you soon, baby. Ikaw din, Jeno, see you soon."
"Ay, akala ko nakalimutan mo na ako. See you soon, pre!"
Naglakad na siya papunta sa bus nila. Lumingon siya sa akin para kumaway at kumaway rin ako pabalik. Sumakay na sila ng bus at umalis na kami ni Jeno ng school.
"Breakfast?"
"Nah, wala akong perang dala."
"Alis-alis ka tapos wala kang dalang pera. Tara na nga, uwi na tayo." Tinawanan ko lang siya.
-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top