Chapter 117

Nasa McDo na kami at kasalukuyang naghihintay kina Jaemin at Chenle kasi sila 'yung nag-order sa counter.

"Punta kaya ako do'n, tulungan ko sila?" Tatayo pa lang si Hyuck nang biglang may lumapit sa kanya.

"OMG! Hyuckie!"

Narinig ko na naman ang malanding boses na 'yon.

Hindi na tumayo si Hyuck at nirolyo ang mga mata.

Pero ang hindi ko inasahan ay kasama niya si Dad.

"Coincidence 'no? Dito rin kayo kakain." Sabi ni Yunhee habang nakatingin sa 'kin. Nirolyo ko lang ang mga mata ko.

Pumwesto sila ni Dad sa katabing lamesa namin. Nakakainis talaga.

Maya-maya ay dumating na sina Jaemin at Chenle. May dalang tray si Jaemin na may lamang anim na baso ng tubig. Tapos si Chenle naman ay mga kutsara't tinidor ang dala.

Nilapag nila sa lamesa ang mga dala nila bago umupo sa pwesto nila.

Katapat ko si Hyuck at katabi ko naman si Jaemin na katapat ni Jeno, at katabi naman ni Jaemin si Jisung na katapat ni Chenle na katabi ni Jeno. (Gets ba?)

"Dadalhin na lang daw rito. Ang dami, e." sabi ni Jaemin at tumango na lang kami. "Oh, ba't nandito 'yang babaeng 'yan at 'yung sperm donor ng Mama mo?" bulong niya sa akin.

Tumawa ako nang bahagya dahil sa sperm donor. "Ewan ko. Hayaan mo sila."

"Sperm donor, amputa." biglang nagsalita si Jeno. Ang lakas naman kasi ng bulong ni Jaemin, parang hindi bulong.

"Nagugutom na ako!"

"Si Renjun, kainin mo."

"Great idea."

"Tangina mo, Jeno!"

Maya-maya lang ay dumating na 'yung orders namin. Limang Ala King at isang Ala Carte para kay Hyuck kasi ayaw niya nung green sauce na ewan, hindi ko alam ang tawag. Lahat kami ay may Coke McFloat at french fries tapos sina Chenle at Jisung lang ang may ice cream.

"Sandali, pipicturan ko muna tapos ima-myday ko." biglang sabi ni Jaemin kaso nakainom na ng McFloat si Jeno. "Love, mamaya ka na uminom, wait lang."

"Okay, okay."

Pinanood lang namin siyang kumuha ng pictures, hindi ko alam kung ilan.

"Hyung, tapos ka na?"

"Wait lang, bebe Jisung."

"Ilang pictures pa ba 'yan, ha? Nagugutom na ako."

"Ayan, tapos na. Kain na kayo."

"Ayown!"

Mapayapa kaming kumakain nang bigla na namang lumapit si Yunhee sa lamesa namin. Ano na namang problema nito?

"Just wanted to give this to Hyuckie." May inilapag siya sa tapat ni Hyuck na McBurger. "You're welcome."

"Para saan?"

"Wala lang, I just want to give it to you. Oh by the way, I want you to meet my father—step father, actually."

Ay, gorl, wala kaming pakialam.

"Ikaw si Donghyuck? Hello! Nice to meet you, iho."

Dad is his step father. Therefore, Yunhee is really my step sister.

Ew!

"Uh, excuse me lang. May boyfriend na kasi siya, so bakit ka pa nangingialam dito?"

"Oh, I know. Isn't Hyuckie going to be your brother-in-law?"

"MY brother-in-law? May sira nga siguro 'yang tuktok mong babae ka."

"Injun!"

"Aww. Respeto naman sa tatay natin at sa boyfriend ko." Tinuro pa niya si Dad bago si Hyuck.

"Natin? Tatay mo lang, hindi ko kaano-ano 'yan. And Hyuck is my boyfriend, not yours. Atsaka ikaw ang mahiya, nananahimik kami rito tapos bigla kang lalapit." Kapag hindi ako nakapagtimpi, baka sabunutan ko na 'tong babaeng ito.

"Excuse me lang po, Mr. Huang, or whoever you are, pakiuwi na po 'yang step daughter niyo. Salamat." biglang sabi ni Jaemin.

"Hyuck!"

"Hm?" he cutely responds habang may fries sa bibig.

"Uwi na tayo."

"Pero hindi pa ako tapos kumain."

"Dalhin mo na 'yan. Tara na!" Tumayo na ako sa mula sa kinauupuan ko.

Ngumuso si Hyuck at kinuha ang french fries niya at 'yung burger na binigay ni Yunhee bago tumayo.

×××

"Dapat kasi hindi mo na pinatulan."

"Nakakainis na kasi. Atsaka ayokong makita si Dad."

Nakauwi na kami at ngayon ay nasa kwarto niya. Magkatapat kaming naka-indian seat sa kama niya.

"You can always ignore them, you know."

"Paano mo nagagawang tiisin ang babaeng 'yon kahit gusto mo na siyang hampasin ng upuan talaga?"

Tumawa siya nang bahagya, "Iniisip ko lang na kapag sinapak ko ang babaeng 'yon, hindi ako makaka-graduate on time."

"Ah, magandang motibasyon nga 'yon." Tumawa ako.

"Atsaka kapag pinansin ko siya, hindi niya ako titigilan. Hindi ko siya pinapansin para mapahiya siya."

"Oo nga 'no."

"Nand'yan naman si Jaemin, hayaan mo na lang na siya ang makipagbangayan kay Yunhee."

"I'm sorry."

"Why, for what?"

"Hindi ko alam."

He chuckles and pulls me for a hug. I hug him back, tightly. "I love you, Renjun."

"I love you too, Donghyuck."

~

×××

injun 🔒 @huang-renren

what do i do without my boyfriend in my life? :((

[ 14:14 • 18 Jan 21 ]

~

BrightYellow made an announcement.

Kumusta! Ipu-publish ko po ang Epilogue pagkatapos ng exams namin, siguro sa friday o sabado. Ipapa-beta ko pa po kasi sa aking personal proofreader. Set your calendars now HAHAHA. Yun lang, have a nice day! <3

replies ¬

BrightYellow: Ay, nakalimutan ko, may international readers din pala ako.

BrightYellow: Translation - Hello! I will be publishing the Epilogue after the exams, probably on friday or saturday. I will going to ask my personal proofreader to proofread it for me first. Set your calendars now HAHAHA. That's all, have a nice day! <3

junglekook: HALA EPILOGUE NAAA

parkx-jimins: shet wait lang di pa ako ready. matatapos na ba talaga? huhuhu

neomuyeppeo: OMG I'M GLAD THERE WAS A TRANSLATION THERE BC I COULDN'T UNDERSTAND IT HAHSHAHA anyway, author-nim, take your time, please. I don't want the book to end yet, it's so great T^T

byeolbit_ara: okay i'm setting my calendar and alarms now SHSJDKDKDK

moonxxstar23: omg renjun-nim, suggestion only. why don't you set a name for your readers? skdhdjdkdk

neomuyeppeo: @moonxxstar23 i like this idea

-


A/N

konti na lang din, matatapos na rin po ito :(( gusto niyo ba ng book two? char HAHAHAHA thank u po sa pagbabasa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top