Chapter 109

Walang Poreber Pero Walang Iwanan

Dec. 22

Tuesday, 08:12

nana banana: GOOD MORNINGGG

nana banana: oyt happy monthsary nga pala sa ating new couple @mojji @lele boy

nana banana: hello may tao ba dyan?

haechan: hinde, alien lang

haechan: happy monthsary sa chensung or jichen,, whatever. stay strong

mojji: good morninggg

mojji: hala weh monthsary namin ngayon?

mojji: dejoke lang, thank u po

mojji: dun lang kami sa bahay ni chenle magse-celebrate, tinatamad daw siyang umalis grr

nana banana: edi mga anong oras ka aalis nyan?

mojji: basta mamaya, mga 10 siguro

haechan: HAHAHAHA enjoy

haechan: lintek tulog pa si injun :<

nana banana: balik ako mamaya, kakain muna kami

mojji: eat well

~

"Injun-ah! Baby, wake up." Tinapik-tapik ko ang balikat niya.

I heard him groan. "Maaga pa."

"Anong maaga pa? Hindi ka na naman makakakain ng breakfast. Diretso lunch ka na naman?"

Minulat niya ang mga mata niya at nag-pout. Bumangon siya at nag-unat ng katawan. "Good morning." His. Morning. Voice. Is. So. Freaking. Hot.

"G'Morning. Let's go eat breakfast?"

Tumango siya at hinawakan ang kamay ko. Lumabas na kami ng kwarto ko at bumaba sa sala.

×××

"Hyuck,"

"Hm?"

Nasa sala kami at nanonood lang ng TV.

"Ngayon ko lang na-realize na pagkatapos ng pasko, 3rd monthsary na natin."

Napatingin ako bigla sa kalendaryo. Oo nga 'no? "Where should we go this time?"

"Dito na lang tayo sa bahay niyo."

Tumango ako, "Okay, madali naman akong kausap."

Tumawa siya nang bahagya at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko. "Lipat mo 'yung channel."

"Saan mo gusto?"

"Gusto ko cartoons."

Nilipat ko sa Disney Channel at bigla siyang umupo nang maayos. "Ayan, Disney!"

Para siyang bata, ang cute.

Tumawa ako nang bahagya at hinagod ang buhok niya. Nakita ko siyang ngumiti habang naka-focus pa rin sa TV.

-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top