Chapter 108
Walang Poreber Pero Walang Iwanan
Saturday, 17:21
nono the samoyed: hellooo -nana
mojji: wtf nandito rin ako kina Chenle HAHAHA
nono the samoyed: si haechan din ata na kay renjun?
haechan: actually, it's the other way around -renj
nono the samoyed: akala ko ba si haechan ang mags-stay sa bahay mo?
haechan: i decided to move in for a while, balik na lang ako kapag pasukan na HAHAHAHA
haechan: madaliang impake ginawa ko kanina HAHAHA may mga naiwan pa nga sa bahay eh, balikan ko na lang after ng pasko
nono the samoyed: sandale punta ako dyan HAHAHAHAHA
haechan: hoy gago hindi nagpapapasok si hyuck ng ibang tao
nono the samoyed: ayt ganun? ikaw na lang lumabas
haechan: ayoko, tinatamad ako. nasa kwarto niya kami, nakahiga ako
nono the samoyed: ooohhh,, use protection this time. marami namang condom si haechan diba? 👀
haechan: TANGINA MO TALAGA JAEMIN
haechan: NABASA NI HYUCK GAGO KUMUHA NGA NG CONDOM NAPAKABASTOS TALAGA
nono the samoyed: HAHSHSHHSHSHAHA
nono the samoyed: enjoyyy
haechan: bwiset!
lele boy: ang kalat na naman grabe
~
"Ano, tara na? Dali, para makarami."
"GAGO!" Umupo ako sa kama at hinampas siya ng unan. "Tsk, Jaemin kasi."
Tumawa siya at umupo sa tabi ko. "Just kidding. But what do you wanna do? Watch movie?"
"Pwede rin."
"Kunin ko laptop ko, wait lang."
Humiga ako ulit sa kama niya habang kinukuha naman niya ang laptop niya mula sa pinakababang drawer ng cabinet niya.
Bumalik na siya kaya umupo na ako ulit. Pero pinigilan niya ako.
"Hindi, sige, higa ka lang."
Ngumiti ako at sinunod ang sinabi niya.
Tumabi naman siya sa akin habang inia-unlock ang laptop niyang nakapatong sa lap niya. Hindi siya masyadong nakahiga, kumbaga nakasandal lang siya sa headboard pero parang pahiga na rin.
"Nag-download ako dati ng movies na hanggang ngayon hindi ko pa rin napapanood. Anong gusto mo?"
Sumilip ako sa screen ng laptop niya.
"Spider Man: Far From Home? 2019 pa 'yan, ha."
"Yep. Wanna watch it?"
"Wait lang, tignan ko pa kung anong meron."
May Predestination, Son of Big Foot, Frozen 2, Joker, How To Train Your Dragon: Homecoming at Parasite. Halos puro mga palabas noong 2019.
Wait, Parasite?
"Gusto ko 'yung Parasite. Napanood mo na ba 'yan?"
"Kalahati lang. Panoorin natin?"
"Opo."
Tumango siya at pinindot ang Parasite. Umayos kami ng pwesto bago niya i-play ang movie.
×××
After ng movie ay parehas kaming napatulala.
"Yung... yung sofa scene habang naglalaro sa labas 'yung anak nila at pwedeng-pwede silang mahuli. I'm traumatized!" Umakto pa akong nasusuka.
"Mas natakot ako do'n sa lalaking inuumpog-umpog ang ulo sa switch ng ilaw. Nabaliw na."
Niyakap ko siya at biglang kinilabutan nang maalala ang scene na 'yon. Ayoko na.
"Wala bang pampawala ng trauma d'yan?"
"Son of Big Foot, gusto mo? Cartoon ito pero maganda."
"Hindi ko alam 'yan pero sige."
Pipindutin pa lang niya ang movie nang biglang may kumatok sa pinto. "Mga anak, kakain na!"
"Sige po, Ma, susunod na kami."
"Bilisan ninyo at lalamig ang pagkain."
"Tara na, mamaya na lang ulit tayo manood." Tumango lang siya at isinara ang laptop niya.
Tumayo na kami mula sa kama at lumabas ng kwarto niya para kumain ng dinner.
-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top