Chapter 106
Walang Poreber Pero Walang Iwanan
Dec. 19
Saturday, 07:21
mojji: awts wala pa kayo?
mojji: CHENLEEE SAN KA NA?
lele boy: nasa bahay pa lang HAHAHA ito na paalis na
nana banana: wait traffic
haechan: sandale ang bagal mag-ayos ni jeno, nagpapagwapo pa masyado
nana banana: sabihin mo di na kelangan kase gwapo na talaga siya
haechan: HAHAHAHAHAHA
mojji: nandito na si renjun hyung
mojji: MGA PUTA BILISAN NIYOOO, HINTAYIN NAMIN KAYO SA CANTEEN -renj
nana banana: bat galet?
haechan: nagsusuklay pa si Jeno tangina naman iwanan ko to e
nana banana: iwanan mo na nga
haechan: joke lang, wala ako pamasahe
nana banana: gageu HAHAHAHAHA
nana banana: exchange gift ha, baka makalimutan
lele boy: hala oo nga wtf paliko na ako
lele boy: ok balik
mojji: TANGINA NAMAN CHENLE HAHSHAHAHAHA
nana banana: hay nako
nana banana: malapit na ako
nana banana: paliko na shemay
nana banana: nakita ko si chenle pabalik HAJSHSHSHSHAHA
mojji: TAGAL -renj
mojji: ALAM KO NA KUNG SINO NABUNOT NI JISUNG HAHAHAHAHA -renj
nana banana: kunware surprise
haechan: paalis na kami, hay salamat
mojji: BILIIISSSS -renj
haechan: eto na babe wait lang, miss naman aq masyado hihi
~
×××
Naghihintay kami nina Jisung at Jaemin dito sa canteen. Maya-maya ay sabay na dumating sina Hyuck, Jeno at Chenle.
"Wow! Finally! Lagpas alas otso na."
"Kasi naman. Nine o' clock pa sa amin."
"Sa amin din." sabi naman ni Jeno.
"Tara, akyat na tayo sa kanya-kanyang classroom. Maya na lang tayo mag-exchange gift, late na tayo." sabi ni Chenle.
"Tara na, Renjun!" Inakbayan naman ako ni Jaemin.
Lumapit si Jisung kay Chenle at inakbayan din ito.
"Dito muna kami, mamayang 9 pa sa amin, e. Enjoy!" Nakaakbay din si Hyuck kay Jeno.
"Okay, see you later."
Naglakad na kami ni Jaemin papunta sa classroom namin.
Pagkapasok namin ay nagsipalakpakan sila habang nakatayo. Anong mayroon?
"Grand entrance!" sabi ni Yeji.
"Ang aga niyo, ha." sabi naman nung isang classmate ko na si Yiren.
Tumawa na lang kami ni Jaemin bago pumunta sa bakanteng upuan sa bandang likuran.
×××
Tapos na ang christmas party namin. Maliban kina Hyuck at Jeno, huli kasi silang nag-start.
Nasa tapat ako ng room nina Hyuck tapos si Jaemin naman na kina Jeno. 'Yung dalawang pinakabata ay naghihintay sa waiting area malapit sa gate.
Sumilip ako sa loob at bumungad sa paningin ko si Yuna. Umirap ako at hinanap si Hyuck.
"Hoy Donghyuck, 'yung jowa mo nandito." may lalaking sumigaw.
Nakita ko siyang papalapit sa akin. "Hey, baby! Saglit na lang. Exchange gift na lang tapos uwian na."
Tumango ako, "Okay lang."
Nag-announce na mag-e-exchange gift na sila kaya bumalik na siya sa loob. Umupo ako sa bench sa labas ng classroom nila. Ewan ko ba kung bakit may bench dito sa hallway.
Nilabas ko ang cellphone ko at tinignan ang GC.
Walang Poreber Pero Walang Iwanan
12:29
nana banana: ANG TAGAL NINA JENOOO
lele boy: nilalangaw na kami dito
mojji: legit, may basurahan kasi dito HAHAHA
nana banana: HAHAHAHA WAIT LANG
renren: mag-exchange gift pa raw sina Hyuck aknskskdkd
mojji: ghe ghe tulog muna ako
nana banana: sleep well HAHAHAHA
renren: oy puta
renren: bat nandito yung sperm donor ni mama?
nana banana: SPERM DONOR HAHSHAHAHA
lele boy: umiinom aq tubig, muntik kong maibuga
renren: kunware na lang di ko siya kilala, brb
Nakakainis. Buti na lang naka-hoodie ako kaya isinuot ko ang hood ko at saka itinali pa ito.
Umupo siya sa kabilang dulo ng bench. Act normal, Renjun.
"Sino sunod?"
"Si Yuna." Napairap ako nang marinig ko ang pangalan niya.
"I'm so excited kasi ang nabunot ko ay si Hyuckie." Mas lalo akong napairap nang banggitin niya ang nickname ni Hyuck sa napakalanding tono.
"Weh? Nakita kaya kitang nakipagpalit kay Seungmin."
"And so? Basta! Hyuckie, here's my gift."
Gusto kong masuka, juskolord.
"Uh, thanks."
"Open it."
"Right now?"
"Yes."
"Mamaya na lang."
"Sige. Basta don't forget to open it, okay?"
Randam ko 'yung awkwardness sa loob ng classroom kahit hindi ko sila nakikita.
Ilang minuto ang lumipas at natapos na sila. Lumabas na si Hyuck na may dalang dalawang paper bags, samantalang kanina ay isa lang.
"Injun-ah!"
"Injun-ah?"
"Baby! Let's go?"
Patayo na sana ako nang lumabas si Yuna mula sa classroom.
Nagkatinginan kami at umirap. Dumiretso siya sa sperm donor ni Mama. Yep, he's not my dad anymore.
"Hey, Dad!"
"Let's go!"
"Sandali lang. Renjun?"
Napatigil ako at napakapit nang mahigpit kay Hyuck. Bumuntong-hininga ako.
"Dad, kilala mo 'yan?"
"Renjun! Anak!"
"Hyuck, tara na!"
"O-okay."
Lakad-takbo ang ginawa namin pababa ng building. Ayoko na siyang makita ulit.
Hinila ko siya papunta sa waiting area at nandoon na rin sina Jaemin at Jeno.
"Tara, exchange gift na. Si Jisung una, tapos kung sinong nabunot niya, 'yon sunod. And so on." sabi ni Chenle.
Bumuntong-hininga ako ulit.
"Ang nabunot ko ay si... Renjun hyung."
"Grabe, nabigla ako." Parehas kaming tumawa ni Jisung saka ko kinuha ang regalo mula sa kamay niya.
Aksidente ko kasing nakita kanina tapos tumawa lang siya.
Tumingin ako kay Hyuck at ngumiti, "Oh!" Hinagis ko sa kanya 'yung paper bag.
"Aray! Grabe naman. Baka may doctor toy set ulit 'to?" Tumawa pa siya.
"Baliw! Wala."
"Bakit gano'n, pa-triangle? Si Jisung nabunot ko."
"Ngi."
Tumawa naman kaming lahat. Kinuha na ni Jisung 'yung regalo niya mula kay Hyuck.
"Chenle, ikaw na sunod."
"Okay." Kinuha niya ang regalo niya mula sa bulsa. "For Jeno hyung."
"Waaaah! Thank you." Nakangiti niya itong tinanggap. "Love, ikaw nabunot ko."
"Enebe!" Kinuha niya 'yung malaking paper bag mula kay Jeno. Ang laking regalo naman. "For Nana, my love." binasa niya pa 'yung Christmas card. "Thank you." He kissed his boyfriend on the cheek. "Hulaan niyo kung sinong nabunot ko? Mahirap hulaan."
"Si Mark." biglang sabi ni Jisung at binatukan naman siya ni Chenle.
"Di ba sabi ko 'wag mo nang babanggitin 'yang pangalang 'yan."
"Hala, LQ." biro ni Jeno.
"Sorry na!"
"Baka magkagiyera pa rito. Oh ito na, Chenle. Merry Christmas!"
Biglang ngumiti si Chenle kay Jaemin habang kinukuha ang regalo. "Thanks, Hyung."
"Chenl—"
"Bahala ka d'yan."
"Bakit galit ka kay Mark?"
"Kasi nga 'di ba, naging crush ni Jisung si Mark, kaya naiinis ako doon."
Napatingin siya sa akin. "Oh, bakit?"
Tinaasan niya ako ng kilay, "You get insecure whenever you're talking about my past crush on Mark. And I hate it."
"Kung hindi mo kasi 'yon naging crush, edi hindi ako insecure."
"Hala? Ano ba 'yan. Baka nabibilaukan na si Mark dahil sa inyo, kawawa naman 'yon." sabi ni Jeno.
"Tama, tama. Buti na lang kami nito ni Jeno, first crush ang isa't isa."
"First crush ko si Hyuck. Pero siya, si Mark ang first crush."
"Huang Renjun!"
"Parehas sila ni Jisung."
"Ikaw nga, first crush mo si Renjun hyung, e."
"Tama na nga 'yan! Magbukas na lang tayo ng regalo." Tumingin kami kay Jeno at nag-agree na lang.
-
A/N
Tinamad na akong i-narrate pero ito ang mga natanggap nila.
from Hyuck to Jisung — wristwatch
from Jisung to Renjun — sketchbook and faber castel coloured pencils
from Renjun to Hyuck — set of highlighters, eyeliner and a SHINee album
from Chenle to Jeno — wallet
from Jeno to Jaemin — rillakuma teddy bear
from Jaemin to Chenle — three facial masks, lip balm and two sweat bands
from Yunhee to Hyuck — unan na may mukha ni Yunhee (ew)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top