Chapter 103
"Hoy, bunutan muna, wait lang!"
Napalingon kami kay Chenle nang palakad na sana kami papuntang gate.
"Oo nga pala."
Nilahad niya 'yung dalawang palad niya na may lamang mga nakatuping papel. Sabay-sabay kaming kumuha ng isa at kung anong natira, 'yon ang kay Chenle.
Patago kong binuksan 'yung papel at nakita ang pangalan ni Hyuck. Napangiti ako nang bahagya bago itupi ulit ang papel. Pagkatapos ay nilagay ko ito sa bulsa ko.
"Walang magsasabihan kung sinong nabunot niyo ah." tumatawang sabi ni Chenle.
Nagulat ako nang bigla akong inakbayan ni Hyuck. "Baby, sinong nabunot mo?"
"Kasasabi lang na walang magsasabihan, siraulo ka talaga." Tumawa lang siya.
"Tara na, palapit na naman si Yuna." sabi ni Jaemin kaya naglakad na kami papunta sa gate.
Nang nasa labas na kami ng gate ay patawid na sana kami nang may humawak ng balikat ko kaya nagulat ako.
"Renjun?"
Lahat kami ay napalingon doon sa tumawag sa akin. Dad?
"Uh, excuse me, sino po kayo?"
"Sorry, kamukha mo kasi 'yung anak ko. Pasensya na."
Tinanggal ni Hyuck ang kamay niya mula sa pagkakaakbay sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Tara na."
Umiwas na ako ng tingin at tumawid na kami papunta sa kabilang gilid ng daanan.
Bumuntong-hininga ako.
"Is that your dad?"
"Hindi ko na siya tatay simula noong umalis siya."
"I'm sorry."
~
×××
Walang Poreber Pero Walang Iwanan
Wednesday, 13:05
nana banana: yow @renren u okay bhie?
nono the samoyed: Kausap ata si Hyuck
nana banana: ayt okieee
lele boy: hellooo
nana banana: Chenle
lele boy: yow
nana banana: tatay niya ba yung kanina?
lele boy: ewan, di ko na maalala itsura. isang beses ko lang kasi nakita yung tatay niya, nung elem pa kami nun
lele boy: pero I mean, tinawag niya si Renjun-ge. kung ibang pangalan ang itinawag niya tas sinabing kamukha ni Renjun-ge yung anak niya, edi hindi niya tatay yun
nono the samoyed: Oo nga naman, logic
nana banana: nagulat kasi talaga ako
nono the samoyed: Lahat naman tayo nagulat, ready to fight na nga kami ni Hyuck eh
lele boy: actually hindi gusto ni Renjun-ge na pinag-uusapan ang tatay niya
nana banana: hala sorry huhu
~
Sinagot ko ang tawag ni Hyuck at itinapat ko sa tenga ang phone ko. "Hello?"
"Baby, are you okay?"
"I am."
"You don't sound okay. And you don't look okay earlier either. Hindi ako mangingialam pero tandaan mong nandito lang ako. You can tell me anything."
"Hindi lang kasi ako makapaniwalang nakita ko siya ulit. The worst thing is, Yunhee might be my step sister. Nakakainis!"
"Step what?"
"Oo, step sister. Narinig mo naman 'di ba?"
"How are you sure Yunhee's your step sister?"
"I saw him with her yesterday, she even called him Dad." Nanlaki ang mga mata ko nang napataas ang boses ko.
"Renjun, kalma!"
I sigh. "Mamaya na lang tayo ulit mag-usap, please. Mag-iisip muna ako."
"If you say so. Please, call me later, okay?"
"Okay." I hung up the phone at binagsak ang sarili ko sa kama.
-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top