PROLOGUE

Blog Entry #01 - September 3

| May gusto akong lalaki. Ang pangalan niya, Baron Medel.

Love,

Desiree Claud Franco |

'Yan ang laman ng love letter na ibinigay ko kay Baron Medel. Hindi ko alam kung nabasa niya na at kung ano ba'ng sagot niya sa pagtatapat ko kasi hindi ko pa siya nakakausap ulit. Pero sana, mapansin niya na ako.

Isang magaling at kilalang tattoo artist si Baron. Matagal na siyang kaibigan ng pamilya namin, at ngayon ay nagtatrabaho na rin siya sa FRANCO, ang tattoo shop ng papa ko na isa ring tattoo artist. Dito rin siya sa resort namin sa Batangas kasalukuyang nakatira. Pinagamit sa kanya ng parents ko ang maliit na bahay malapit sa likod namin.

High school pa lang ako, crush na crush ko na talaga si Baron. Ba't naman kasi hindi? Bukod sa magaling siyang mag-tattoo ay sobrang pogi at astig niya talaga! Gusto ko ang mga naglalakihan niyang mga tattoo na bumabalot sa mga braso niya at sa malapad niyang dibdib.

Hindi naman talaga ako mahilig sa mga itsurang bad boy pero iba si Baron. Ang lakas ng dating niya sa 'kin, lalo na kapag napapanood ko siyang nagta-tattoo. Ang cool-cool niya. Wala ring kaso sa 'kin kung malaki ang agwat ng mga edad namin sa isa't isa. 22 pa lang ako, e. Siya, 29 'ata.

'Yong mga tattoo niya, parang mas dumami pa ngayon kaysa no'ng huling beses ko siyang nakita. Mayro'n na rin siya sa magkabilang pulso niya. Dati ay wala naman ang mga 'yon. Sa braso lang siya mayro'n saka sa dibdib at likod. Tapos ngayon, mayro'n na rin siyang tattoo sa buong leeg niya. Lumilitaw 'yon kahit naka-t-shirt siya.

Ang paborito kong tattoo niya ay ang nasa likod niya. Hebrew characters 'yon na nakasulat pababa sa spine. Si Papa ang nag-tattoo n'on. Pinanood ko sila no'ng ginagawa 'yon sa balat niya e, kaya memorable. Sobrang gwapo ni Baron habang tina-tattoo-an siya.

Nagmukha rin lalong bad boy si Baron dahil sa hikaw niya sa kaliwang tainga, sa buhok niyang semi-mohawk, at sa maangas niyang mukha. Oo, maangas talaga ang itsura niya. Mukha siyang supladong lalaki na bigla na lang manununtok kapag napikon. Ang alam ko nga, war freak talaga siya sabi ni Papa.

Ngayon, masayang-masaya ako dahil dito na sa 'min sa Batangas nakatira si Baron. Feeling ko nga sign ko na 'yon para magtapat na talaga. At hindi na nga ako nagdalawang-isip. Binigyan ko na siya ng love letter. Sana lang talaga basahin niya. At kung mabasa na niya, sana mapansin niya na ako at magustuhan niya na rin ako.

Desiree Claud Franco

"D.C Franco"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top