Kabanata 5
"Five six seven eight, cupie!" raising both of my hands, I positioned myself rightly upang maganda ang pag landing ko mamaya.
"Ready for front tuck! In three four five six seven eight! " sigaw ni coach at agad ko naman ito ginawa.
Sinigurado ko na magiging tama ang paglanding ko, ngunit sa pagbaba ko ay hindi ako nasalo ng isa sa mga base sa may bandang paanan kaya diretso ang pag baba ko. Nakaramdam agad ako ng pananakit sa paa.
Putchaks, naman oo.
"Bring Faye to the bleachers!" sigaw ni coach. Alerto naman ang mga bases kong dalhin ako roon.
Pagkaupo ko roon ay agad kong minasahe ang paa ko, napangiwi ako dahil sa sakit. Namumula na ito. Napagawi ang tingin ko sa base na hindi ako nasalo ng maayos kanina. Nakatingin siya sa akin ngunit agad yumuko ng magtama ang paningin namin. Ang ibang mga bases ay bumalik na sa pwesto nila.
Our coach went near the both of us. "Ano ba naman iyan Carlo! Bakit hindi mo nasalo si Faye?!" sermon nito sa kasama ko.
Napakamot nalang ito ng ulo, alam niya naman na kasalanan niya talaga. "Sorry coach, hindi ko sinasadya" hingi niya ng paumanhin.
"Rason mo bulok! Bantayan mo dito sa Faye, tutal ikaw naman may kasalanan niyan!" tinuturo pa ako ni coach habang kinakausap si Carlo.
Lumipat ang tingin ni coach sa akin, "Faye, manuod ka muna sa practice ha. Mukhang masama ang pagkakahulog mo." mahinaon na saad ni coach.
"Opo" sagot ko sabay tango.
"Ayusin mo yan Carlo! Two weeks na lang, intrams niyo na! Ang laking parte ni Faye sa sayaw!" pinandilatan pa siya ng baklang coach.
Maya maya ay bumalik na sila sa pag papractice at naka upo lamang si Carlo sa tabi ko habang inaaply ang cold compress sa paa ko.
"Faye mauna na kami" paalam ni Sheryl sa akin bago sumama sa ibang kasama namin paalis. Mag cocommute lang kasi sila pauwi. Iyung iba naman ay sinundo na.
Liningon ko si Carlo na nakatayo pa din sa gilid ko. Inayos niya ang pagkakasukbit ng gym bag niya. Napansin ko pa na nakatingin siya sa mga paa ko, mukhang nag aalala talaga siya.
"Huy, okay lang." saad ko para maibsan ang pagaalala niya.
"Pasensya na talaga kanina Faye dahil hindi kita nasalo ng maayos, nangyari pa tuloy sa iyo yan." I can really see how guilty he is.
Nginitian ko siya, "Okay lang, basta sa susunod be cautious ha." paalala ko.
"Hindi ka pa uuwi?" tanong ko.
Umiling siya, "Antay kitang makauwi" sabi niya.
Tumango tango ako at kinuha ang cellphone sa gym bag ko. Agad kong tiningnan kung may message ba si Archer.
Simula nung araw na iyun, halos palagi niya na akong sinusundo pagkatapos ng practice ko. Sinasabi ko naman na baka naabala ko na siya, pero sinasabi niya na may ginagawa din siya sa school nila kaya okay lang. May mga araw din naman na nag tetext siya at sinasabing hindi niya muna ako masusundo, kaya okay lang. Hindo niya naman ako responsibilidad.
@samaniego.archer I may fetch you late, there's an emergency
Iyun lamang ang menasheng natanggap ko at sinend niya iyun kanina pang alas otso y media.
@itsasecret Sige. Kakatapos lang ng practice namin :)
Napaupo ako sa bench dito sa may labasan ng main gate. Sumunod din naman si Carlo at umupo sa tabi ko.
"Anong oras dadating sundo mo?" tanong niya.
Napakibit balikat ako, "Hindi ko alam eh, pero baka parating na iyun." paninigurado ko sa kanya. Nakakahiya naman kasi na sinasamahan niya pa ako mag antay kay Archer dito. Tanging ilaw na lang mula sa poste ang nagsisilbing liwanag dahil nga sarado na ang school. May tao naman sa guard house di kalayuan sa inuupuan namin kaya okay lang.
Minutes turned to hours. No sign of Archer around. Napatingin ako sa wristwatch ko, alas onse na. Napabuntong hininga ako.
"Wala pa ba? Ihahatid nalang kita sa inyo Faye. Delikado na sa daan." Carlo suggested.
Nilalamok na nga kami didto. Naka dolphin shorts pa naman ako dahil sa practice, hayst.
Pagod akong ngumiti at tinanguan na lamang siya. Putchaks, saan na ba iyung Archer na iyun?
Saktong pagtayo namin ay may tumigil na Porsche 911 sa harapan namin. Napakunot pa ang noo ko dahil wala naman akong kilala na may ganitong sasakyan.
Agad bumaba si Archer mula rito kaya nagulat ako. He is wearing a black plain shirt on top and a light denim jeans.
"Faye come on, let's go home" agad niyang sabi. His voice looks tired, saan ba siya galing?
"Ikaw ba susundo sa kanya pre?" tanong ni Carlo.
"Yes" maikling sagot nito habang naka tuon pa din ang titig niya sa akin.
I should be mad. I waited for two hours. Ano? Magpapakita lang siya kung trip niya? Hindi na lang sana siya nagsabi na susunduin niya ako kung ganitong oras naman pala ako masusundo. Mabuti na lang at sinamahan ako ni Carlo.
Umiling iling ako, "Hindi ako sasabay sa iyo" sagot ko kay Archer. He should know how I am mad at him!
Napansin ko ang pag igting ng panga niya. But a minute after, his eyes showed it all. Ngayon ko lang napansin ang magulo nitong buhok, he looks tired and sleepy.
"Please?" he said softly. Hindi alintana kung may ibang tao kaming kasama.
Napabuntong hininga ako "Carlo, pasensya na. Salamat sa pagsama ah." nginitian ko siya.
Saglit pa siyang nagulat dahil sa sinabi ko ngunit tumango nalang dahil wala naman siyang magagawa.
Papalapit na kami sa bahay ko ngunit hindi ko pa din siya pinapansin. I am still mad. Kung hindi ko lang naisip na baka maabala ko si Carlo kung magpapahatid pa ako sa kanya ay hindi ako sasama sa hinayupak na to. He was quiet the whole time so was I.
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng bigla niya akong higitin papalapit sa kanya dahilan para mag tama ang paningin namin.
I can still see how tired he is, "I'm sorry. I'm reay sorry." panimula niya.
"Na osptial si ate Allison mula pa kahapon. Hindi ako pumasok sa klase ngayong araw dahil may business trip pa sila mama sa ibang bansa, walang mag aalaga kay ate." A tear fell from his eyes ngunit agad niya itong pinunasan.
I can truly see how he loves his sister. Bakit hindi ko napansin na hindi siya nakasuot ng uniform niya?
"I want to tell you how I badly need you that time. Pero ayaw kung maka abala dahil alam kong madami ka ding ginagawa."
"I understand kung hindi mo ako masusundo ngayon. You could have just messaged me right away." nginitian ko siya.
"Everything will be alright" paninigurado ko.
It made me guilty. Alam ko naman na may rason kung bakit matagal niya akong masusundo. Pero hindi ko naman inakala na ganito pala kabigat. Seeing him struggle makes me want to stay with him.
Nagkataon na walang practice ngayong araw dahil magsisimula na ang laro sa ibang sports para sa intrams. Kailangan ng supporters kaya hindi muna pinag practice ang cheerdance. Nasiyahan naman ako sa balita dahil kailangan ko ng pahinga.
Kumakain kami ngayon ng kwek kwek nina Avi sa tapat ng skwelahan.
"ate Iris, tingnan mo, panay tingin sayo iyung tindero ng kwek kwek" pang aasar ni Scarlet sa kanya.
"Gaga, baka tinitingnan lang ako niyan dahil sa laki ko. Iniisip na ako umuubos ng paninda niya" she rolled her eyes. Natawa na lamang ako.
"Pero tingnan niyo, siguro kung iaalis iyang pangit niyang eyeglass at bonet, mukhang gwapo naman" ate Aly said while eating the seweed on her paper plate.
Napatingin naman kami sa nagbebenta ng kwek kwek at inexamine siya. He has nice pair of eyes. Iyun lang naman, hmp.
"Eh pinagloloko mo ata kami eh!" saad ni Avi, tinuturo turo niya pa ang stick kay ate Aly. Umilag naman ito agad.
"Bahala kayo diyan kung ayaw niyo maniwala" sabi ni ate Aly ay binelatan si Avi.
Mukhang tanga lang, hindi halatang may ari ng isang kilala at mamahaling restaurant.
Nakapagtapos na ng four year culinary course si ate Aly sa ibang bansa. Nagpatayo agad siya ng restaurant pagbalik niya rito sa Pilipinas. Naging kilala agad ito at dinagsa ng mga customer kahit pa mamahalin ito. Ngayon ay nag aaral siya ulit at kumuha ng kursong Business Ad, kasi trip niya lang. Lakas ng amats!
Saktong pag abot ko ng bayad sa tindero ng kwek kwek ay sinundot sundot ako ni Avi.
"Huy papunta si Archer" nanlaki naman ang mata ko at agad kinuha ang maliit na mirror sa bag ko para tingnan kung may dumi ako sa mukha.
"Hi! Familiar ka!" masiglang saad ni ate Aly. I rolled my eyes. Malamang, siya pa nga kumausap kay Archer sa mall.
"Malamang, siya yung nilapitan niyo ni ate Faye sa mall." nabasa ata ni Scarlet iniisip ko.
Binati sila ni Archer isa isa at ngumiti, tila hindi pinapansin ang pinagsasabi ni ate Aly.
"Hindi, pamilyar ka talaga eh!" nag iisip pa si ate Aly.
Umiling ako.
"Naparito ka?" tanong ko kay Archer. Sasagot na sana siya ng biglang sumabat si ate Aly.
"Aha! Ikaw iyung lalaking may picture sa wallet ni Faye!" putchaks, ano raw?
"And that was five years ago!" dagdag nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top