Chapter 1

BARON MEDEL

"HI THERE . . . " NILAPITAN ako nitong seksing babae tapos dinikit ang malusog niyang dibdib sa braso ko.

". . . I'm Michelle. I'm actually alone right now kasi wala pa ang mga friends ko. Could you keep me company muna habang hinihintay ko sila?" aniya sabay haplos sa mga tattoo ko sa dibdib na nakalitaw dahil sa suot kong sando.

Tangina, napangisi na lang ako. Siya na yata ang pangatlong babaeng lumapit sa akin ngayong gabi dito sa club nina Arkhe.

Inubos ko na lang muna 'tong alak sa baso tapos tumayo na ako. Siya naman 'tong pinaupo ko sabay bulong sa gilid ng mukha niya. "Pasensya na. May girlfriend ako, e. Iiyak 'yon 'pag nalamang may kasama akong iba."

Kitang-kita ko ang panghihina sa itsura niya. Tinarayan pa ako ng tingin. Nginisian ko na lang saka ako umalis.

Dumeretso ako rito sa maliit na kwarto sa may dulo ng club. Naabutan ko si Arkhe na ang sarap ng upo habang syuma-shot mag-isa.

"Oy, anong oras set mo?" tanong ko.

Napasilip siya sa akin bago inalis ang suot niyang earphones. "Ano?"

"Sabi ko kung anong oras set mo."

"Ah." Umayos siya ng upo. "Maya-maya. Ba't nandito ka? Hindi ka ba nag-e-enjoy sa labas?"

"Tss." Umupo ako sabay dukot sa cellphone ko para maglaro. "Pa'no mag-e-enjoy e tangina, ang daming babaeng dikit nang dikit sa akin. Nilulusutan ko na nga lang. Sinasabi kong may girlfriend ako kahit wala."

Natawa siya. "Gago, para namang hindi ka sanay na nilalapitan ng chicks sa ganitong klaseng lugar. Landiin mo lang din, kaysa nagtatago ka rito."

"Hindi na 'ko malandi, 'tol. Medyo na lang."

"Tangina." Nagsalin siya ng alak sa baso. Inabot niya sa akin. "O, shot."

Umiling ako habang tutok sa nilalaro ko. "Mamaya na. Ang dami ko nang nainom sa labas."

"Sige, akin na." Siya na ang uminom sa inaabot niya. "Oo nga pala, si Desa ba, na-contact mo na?"

Natigilan ako.

Ang tagal kong napatitig dito sa nilalaro ko bago ko nagawang makasagot. "Hindi. Kailangan ba?" Sabay balik ko ulit sa paglalaro.

"Gago, baka nag-aantay sa 'yo 'yon. Dalawang buwan na mula no'ng pinuntahan ka niya sa studio mo. Nasa iyo na nga ang number. Ano, tatawagan mo pa ba siya o kakalimutan mo na lang talaga?"

Kumunot ang noo ko. "'Kapag tinawagan ko, ano namang sasabihin ko? Parang wala na rin namang silbi kung makausap ko pa siya. May bago na nga, e. Saka siya naman 'tong unang nakalimot. Hindi naman ako."

"Hindi ka naman kasi kinalimutan, 'tol. Pinuntahan ka na nga. 'Yon ba 'yong 'kinalimutan'?"

Tinigil ko ang paglalaro ko.

Sinuksok ko pabalik sa bulsa ko 'tong cellphone sabay pikon na napahilamos sa mukha. "Alam mo, diyan nga 'ko takang-taka. Naguguluhan ako. Ba't ba pinuntahan niya pa ako kung meron na pala siyang iba? Pinapahirapan niya lang ako. Sobrang saya ko na sana no'ng nakita ko na ulit siya tapos biglang gano'n. Tangina, para 'kong pinaasa."

"Dapat nga kasi nilinaw mo sa kanya 'yan no'ng nagkita kayo. 'Langya, dinala ko na nga siya sa 'yo para makapag-usap na kayo nang maayos, tapos wala pa rin?"

Tiningnan ko siya nang masama. "E, kung hindi ka ba naman kasi gago. Dinala mo nga siya sa 'kin, pero pati 'yong bago niya binitbit mo."

"Sinadya ko 'yon, 'tol. Ayaw mo ba n'on? Dinala ko na 'yong Evo sa 'yo nang walang kahirap-hirap. Kaso tangina mo, pinatakas mo naman. Nasa teritoryo mo na, dapat ginulpi mo na."

"Ayoko. Makikita ni Desa."

"Tingnan mo 'tong kupal na 'to, si Desa pa rin naman pala ang inaalala mo. Nagkukunyari ka pang walang pakialam d'yan. O sa susunod, 'pag nakita mo ulit 'yong Evo, bigyan mo na ng isa para makaganti ka."

Kinuyom ko ang kamao ko. "Tangina, hindi lang isa ibibigay ko 'pag nakita ko ulit 'yon. Baka basagin ko pa mukha niyang tarantado siya. Babaliin ko ang mga buto niya nang matigil siya sa kakakapit sa kamay ni Desa."

"Kailangan mo ng backup? Magtatawag ako."

"Hindi na. Alam mong hindi ko kailangan ng katulong 'pag nakikipagbasag-ulo ako. Saka sisiw sa akin 'yong Evo na 'yon. Mukha naman siyang lalampa-lampa. Baka isang sapak ko nga lang do'n, tangina, dumeretso na sa langit 'yon."

"Sabagay. Saka sayang din naman 'yang pagbo-boxing mo kung hindi mo sosolohin ang panggugulpi mo."

"Kung alam ko nga lang sana, hindi lang pagbo-boxing ang pinag-aralan ko. Dapat pinag-aralan ko na rin kung paano pumatay ng tao." Napasuklay ako pataas sa buhok ko sabay sandal dito sa upuan. "Tsk. Sinabi ko nang magtitino na 'ko, pero pagdating talaga kay Desa, puta, umiiral ang pagiging demonyo ko."

Napailing-iling na lang 'tong si Arkhe bago uminom sa baso niya ng alak. "Tawagan mo na kasi. Malay mo 'pag nakausap mo na at marinig mo na ang boses niya, mawala na 'yang sama ng loob mo."

"Bahala na." Ako naman ang nagsalin ng alak sa baso. "Saka ko na iisipin 'pag kaya ko na uling masaktan. Ang hirap sunod-sunurin, nakakadurog."

"Pero 'tol, 'di ba sabi niya sa 'yo gusto niyang mag-usap kayo nang matagal? Baka may ipapaliwanag 'yon. Hindi naman siguro n'on gugustuhing sumama sa 'kin at puntahan ka kung talagang wala na siyang pakialam sa inyong dalawa."

"Malay ko. Kung may gusto naman siyang ipaliwanag, pwede niya namang sabihin sa akin nang mabilisan do'n sa shop. Pero hindi niya ginawa." Uminom ako bago nagpatuloy. "No'ng hinatid mo siya sa 'kin, wala ba siyang nakwento sa 'yo tungkol doon sa Evo?"

"Wala. Puro ikaw nga ang bukambibig niya."

Napangisi ako. "Ano'ng sinasabi niya tungkol sa 'kin?"

"Kinukumusta ka niya. Kung ano raw nangyari sa 'yo no'ng nagkahiwalay kayo. Ang kulit nga. Hindi mapakali. Sabi ko kayong dalawa na lang ang mag-usap 'pag nagkita na kayo. Ayoko naman kasing makisawsaw."

Natahimik ako saglit. Parang mas lalo akong naguguluhan. Ano ba, ako pa rin ba o 'yong Evo na. "Sinabi mo bang hinahanap ko siya?"

"Oo. Kaya nga lalong natuwa. Gustong sumama sa akin para makita ka. Inaantay ko ring mabanggit niya sa 'kin yong Evo, pero wala. Ni hindi nga pinakilala sa 'kin nang matino. Pero, brad, hindi sa nang-aano, ah, unang tingin ko ro'n sa Evo, parang mabait naman."

"Tangina niya. Wala 'kong pakialam kung mabait siya. Gugulpihin ko pa rin siya."

Natawa siya. "Saka sweet din siya, p're. Pinaghiwalay ko nga sila ni Desa bago kami bumiyahe papunta sa 'yo. Sa harapan ko pinaupo si Desa para hindi sila magkatabi. Masyado kasi silang matamis, nakakaumay."

Kinunutan ko siya ng noo. "Ano?"

"Mahawak 'yong Evo sa Desa mo. Ang hilig mang-akbay, nangkukurot din ng ilong. Ang tindi pa kung mag-alaga. Ultimo pagkakabit ng seatbelt ni Desa, pinaalala pa. Walang-wala ka, 'tol."

"Tangina, salamat, a."

Natawa ulit siya. "Hindi, biro lang. Pero sweet talaga sila."

Tumahimik na lang ako.

Tangina, umiinit na naman ang ulo ko. Sinabi ko nang wala na dapat akong pake sa kanilang dalawa pero ba't ba naaapektuhan pa rin ako? Nakakaselos, tangina.

Kahit na anong gawin ko, hindi ko talaga kayang hayaan na lang si Desa. Nilalamon ako ng inggit. Gusto ko ako lang ang gumagawa ng mga gano'n sa kanya.

"Iinom mo na lang 'yan, brad." Sinalinan ulit ni Arkhe ng alak 'yong baso tapos inabot sa akin.

Tinanggap ko naman. "Sobra akong napipikon sa mga nangyayari." Hinilot ko ang pagitan ng mga mata ko. "Ewan ko kung ano bang mas tama kong gawin. 'Yong gulpihin 'yong Evo hanggang sa gumaan ang pakiramdam ko, o 'yong lumuhod at magmakaawa kay Desa na balikan niya na lang ako."

"Tsk." Tumayo ako bitbit 'tong baso ko ng alak. Uminom ako bago nagpako ng tingin sa sahig. "Hindi ko inaasahan na biglang magiging gan'to. Tangina, pagkatapos kong maghintay, magpabalik-balik sa Batangas para lang alamin kung nasaan siya, biglang gan'to lang pala ang kahihinatnan ko. Ayos na sana ako, pero ngayon, tangina, parang bumalik na naman ako sa umpisa. Magpapagaling na naman ako."

"Pansin ko nga, p're. Nawala ka na naman sa sarili mo. Nagpapakamatay ka pa. Sa susunod nga, kung may balak ka ulit, h'wag mo nang idamay 'yong motor mo. Sayang, ibigay mo na lang sa 'kin."

Napangisi ako. "Gago, hindi ako nagpapakamatay." Sabay silip sa malaki kong langib sa siko.

Naaksidente kasi ako sa motor habang pauwi no'ng gabing pinuntahan ako ni Desa at nalaman ko 'yong totoo tungkol sa bago niya. Wala e, nablangko ang utak ko, hindi ko napansin na may paparating na jeep. Hindi naman masyadong malala. Ang dami ko lang talagang natamong sugat, pati sa mukha ko.

"Saka h'wag mong pagdiskitahan 'yong motor ko," dagdag ko. "Bigay ng ermat ko 'yon."

Narinig ko na lang na natawa na naman siya. "Huling paalala ko na sa 'yo 'to, 'tol. Tawagan mo na si Desa. Baka hindi na ulit kayo magkita, malamang ngayon nakabalik na ulit 'yon ng Cebu."

Nilingon ko siya. "Bakit, sinabi niya bang babalik pa siya ron?"

"Ang alam ko. Nabanggit niya sa 'kin na magbabakasyon lang sila n'ong Evo sa resort. Birthday niya kasi kaya pinagbigyan ng lola niya. O, 'yon pa pala ang isang dahilan kung ba't kailangan mo siyang tawagan. Batiin mo kahit sobrang huli ka na."

Napabuntonghininga ako sabay tingala sa kisame.

"Saka, brad, aminin mo..." habol ni Arkhe. "...na gustong-gusto mo rin namang marinig ulit ang boses ng kuting mo. Tangina, hayaan mo 'yong Evo, nadadaan sa sapak 'yon. Si Desa lang ang isipin mo. H'wag mong kalimutan 'yong tao. Sayang, parang mas gumanda pa naman siya ngayon."

Tangina, hindi ko napigilan ang ngiti ko ro'n, ah.

Bigla ko tuloy naalala 'yong itsura niya no'ng nakita ko siya sa shop. Pati 'yong suot niya. Oo nga, mas gumanda siya. Mas lumakas ang dating niya sa akin. Tsk. Kaya mas lalo niyang ang hirap pakawalan, e.

"Una na 'ko, 'tol."

Hindi ko napansin si Arkhe na palabas na pala ng kwarto.

Napatuwid ako ng tayo. "Tangina mo, sa'n ka pupunta? Pati ba naman ikaw iiwan na rin ako?"

"Gago! Ano'ng pinagsasabi mo diyan. Naapektuhan na talaga ni Desa 'yang pag-uutak mo. Set ko na. Sumunod ka na lang sa labas kung ayos ka na." Sinara na niya 'yong pinto.

Napailing-iling na lang ako bago bumalik sa pagkakaupo sa kanina kong pwesto. Inubos ko lang 'tong natitirang alak tapos sumunod na rin ako ng labas.

MAAGA PA, ALAS-onse pa lang, pero uuwi na ako. Mas dumami na kasi ang mga tao rito sa Third Base kumpara kanina. Ayoko muna uling madikitan ng mga babae, naba-badtrip ako.

Kaso bago ako tuluyang makalabas, may isang chic na nakakuha ng atensyon ko. Natigilan nga ako, para akong biglang nabuhayan ng dugo. Tangina kasi, sobrang kahawig ni Desa! Ewan ko kung may amats na ba ako at kung anu-ano nang nakikita ko, o totoong siya 'to.

Tinitigan ko nang maigi habang hila-hila siya ng isa pang babae papunta sa harapan. Sa malapitan, mas nakasiguro na 'ko. Seksi lang ang suot pero alam kong si Desa talaga 'to.

Napapikit ako nang madiin. Akala ko ba bumalik na ng Cebu 'to, ba't biglang nakarating dito. At tangina, sino'ng nagsabi sa kanyang pwede siyang magpunta sa mga gan'tong klase ng lugar!

Pumagitna na ako sa mga taong nagsasayawan para mapuntahan siya.

Pagkalapit ko, hinigit ko agad siya sa braso. Napabitiw tuloy siya roon sa humihila sa kanya.

Ang bilis niyang naglipat ng tingin sa akin sabay pinanlakihan ng mga mata. "B-Baron?"

Hindi ko na siya pinagsalita ulit. Diniinan ko ang kapit ko tapos hinila na siya palabas ng club. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top