Chapter 6 - A Father's Peace Offering


Dinner at the Almendrez household that night was quiet if a bit strained. Nakaupo si Don Ramon sa kanyang kinagawian nang lugar sa ulo ng hapagkainan samantalang nasa kanan nito si Louisa at sa kaliwa naman ay si Matthew. Paalis na sana si Matthew ngunit pinilit siya ng kaibigan na saluhan ito sa hapunan. Ayaw pa rin kasi nitong mapag-isa sila ng ama sa takot na baka kung ano lang ang masabi nito ng wala sa oras. Matapos kasi itong mag-iiyak at magtatalak, halos wala nang natirang lakas (o boses) ang dalaga. At dahil ayaw din naman ni Matthew na mas lumala pa ang sitwasyon ng kaibigan at ng ama nito, pumayag na rin siya agad sa kahilingan nito. Hindi naman siguro kalabisang ituturing ang tatlong gabing sunod-sunod na siyang nakikikain sa hapag-kainan ng kanyang 'employer'.

Si Yaya Seling naman, gayung tahimik na nagmamasid sa isang sulok ng dining room, ay dama ang tensyon sa pagitan ng mag-ama. Bihirang mangyari ito dahil likas na malambing ang kanyang alaga at hindi ito mapagtanim ng galit. Gustuhin man niyang aluin ito, natitiyak niyang hindi iyon magugustuhan ng dalaga. Ayaw kasi nitong pina-pamper pa siya na parang bata. At kapag ganitong mainit ang ulo nito, kung minsan ay nakapagbibitaw ito ng mga salitang pagsisisihan din niya sa huli. Kaya, nalulungkot man ang matanda sa nangyayari, hindi na lang siya kumibo. Magsasabi rin naman sa kanya si Louisa kapag handa na ito.

At dahil halos buong kabahayan ay nabalitaan na ang hindi magandang mood ng kanilang mahal na Senyorita, maging si Nanay Iling, ang kanilang resident cook ay pilit na nag-gayak ng mga pagkaing paborito ng dalaga - cold cuts and seaweeds for appetizer, fresh green salad with applesauce, Almondigas bilang sabaw, calderetang baka, roast chicken at leche flan para sa pang-himagas. Naglabas din ng sparkling white wine ang matandang cook na sadyang kapag Pasko, Bagong Taon at birthdays lang ginagawa nito.

Louisa appreciated the old cook's efforts but her betrothal seemed to have left a bitter taste in her mouth kaya't parang wala siya talagang ganang kumain. Natatakot kasi siyang baka lalong ma-stress ang kanyang bituka kapag pinuno niya itong ng pagkain. Ang dalawang kasama niyang lalaki naman ay walang ganitong problema kaya't sila na halos ang nagpakasasa sa mala-fiestang hapunan na nakahain sa kanilang harapan. Madalang din naman ang usapan at kadalasan ay tungkol sa Hacienda lang naka-sentro kaya hindi na siya nagtangkang makihalubilo pa.

"Tio Ramon, nakausap ko na nga pala si Mr. Castañeda kahapon tungkol sa stud service na matagal na niyang itinatanong. I said I'd discuss the details with you first before recommending which stallion from our stock would best fit his needs," sabi ni Matthew na saglit na tumigil sa paghiwa ng kanyang beef caldereta.

"Good. Anong linya ba ang gusto niya? Is he looking for racers in particular?"

"Sa tingin ko gusto niyang ituloy na mag-breed ng racers, but not from his own stallions. Hindi maganda ang naging performance ng kanyang mga kabayo noong huling derby. Dalawa dito ang hindi halos nakatapos," sagot ni Matthew.

"So now he wants to compete with us with our own stock?"

"Well, actually, he also implied na gusto sana niyang mag-propose ng joint venture."

Napailing si Ramon sa sinabi ni Matthew. Kilalang-kilala niya si Leon Castañeda at duda siyang ang 'joint venture' na sinasabi nito ay tungkol lang sa mga kabayo ng kanilang mga Hacienda. Simula kasi nang sumikat na ang Hacienda Constantina dahil sa kanilang mga kabayo, na di kalaunan ay naglagay sa kanila sa top spot bilang breeders, nagpaparamdam na ito ng kagustuhang magkaroon ng mas permanenteng koneksiyon sa kanilang mga pamilya. The old man had been insinuating for quite some time now that his eldest son, Reginald, was on very good terms with Louisa and that he believed that the two would make a lovely pair. Kamuntik na ngang maibulalas ni Ramon dito na huli na siya dahil betrothed na si Louisa kay Gabriel. Mabuti na nga lang at lagi niyang naaalala na kilalang Reyna ng mga Chismosa ang asawa nito kaya napigilan pa rin niya ang sarili.

"Tell him, I'll think about it, just to pacify him. Aalis naman kami Louisa ng mga ilang araw kaya matatahimik na muna sa pangungulit 'yang si Leon," sagot ni Ramon habang palihim na sumulyap sa anak. Napansin niyang bahagya itong natigilan nang banggitin niya ang pag-alis nilang dalawa, pero hindi ito kumibo at itinuloy lang ang pagkain na parang walang narinig.

Ramon cleared his throat. Hindi naman maaring hindi sila mag-usap ng anak. Mabuti nang siya na ang magumpisa. "I'm sorry to cut your vacation short, dear. Pero kailangan talaga nating dalawin ang Tio Fernando mo."

"Si, Papa," tahimik na sagot ni Louisa. Humugot ng isang malalim na hininga ang dalaga at pilit na pinakalma ang sarili. Nararamdaman kasi niya ang galit na nag-aalimpuyo na naman sa kanyang dibdib at ayaw niyang mabunton ito sa ama. Matapos ang ilang sandali, nakita niyang sinenyasan ng ama ang kanyang Yaya Seling. Agad namang lumapit ang matanda.

"Señor?" sabi ni Yaya Seling matapos na sumulyap sa alaga.

"Pakitulungan mo nga na mag-empake si Louisa. Mag-empake ka rin ng mga damit mo. Isasama ka namin paluwas ng Manila. Pakisabihan mo na rin si Pedro na matulog ng maaga. Ayokong antok-antukin siya sa pagmamaneho bukas."

"Si, Señor," tumango si Yaya Seling saka lumabas ng dining room.

Tapos na rin si Matthew sa pagkain at akma na siyang tatayo at magpapaalm nang maramdaman niya ang mahinang sipa sa binti. Pagbaling kay Louisa nakita niyang nakatitig ito ng matalim sa kanya, wina-warningan siyang huwag umalis. Uupo na sana siya uli nang mapansin naman niya ang tila nagsusumamong mga mata ni Don Ramon. Naunawaan niya ang nais sabihin nito kaya bago pa man makapalag si Louisa ay dali-dali siyang nagpaalam at tumalilis palabas ng silid. Ite-text na lang niya ang kaibigan mamaya para magpaliwanag.

Humigop muna ng white wine si Ramon bago sumandal sa kanyang upuan, bakas sa mukha ang matinding pag-aalala at pagsisisi.

"Louisa, I really am sorry that I did not tell you about this arranged marriage sooner. I really thought I had more time," napatigil siya nang makitang nakatitig sa kanya ang anak ng may hindi mawaring emosyon sa mukha nito.

Nagbuntong-hininga si Louisa at pumikit. Nang muling dumilat ito, nakita ni Ramon ang lungkot at pagsuko sa mga mata ng anak. Halata namang hindi pa rin nito gusto ang ginawa ng amang pakikipagkasundo ng kasal kay Gabriel pero tanggap na rin niya ito.

"It's okay, Papa. I think I understand why you did it. You only wanted to make sure that I would not be left alone to fend for myself someday. And you knew that the Montoyas will protect me," sabi nito sa ama.

Para namang nabunutan ng tinik sa dibdib si Ramon sa sinabing iyon ni Louisa. Pero sa kabila nito, dama niyang may parating na 'but' sa pananalita nito. At hindi nga siya nagkamali.

"But, I'd have to ask you - why Gabriel?"

Tahimik na naghintay si Louisa ng kasagutan ng ama. Pero nanatiling wala itong kibo at nakatitig lang sa kanya na para bang tinitimbang ng mabuti ang sasabihin.

"Bakit naman si Gabriel pa, Papa? Apat na lalaki ang anak ni Tio Fernando, kaya bakit si Gabriel pa ang napili ninyong ipakasal sa akin? If the Montoyas really wanted to have me in their family, any one of their sons would have been eligible."

"It was Fernando who suggested the match. Marahil ay dahil panganay si Gabriel at nag-iisa naman kitang anak. I wanted to protect you while Fernando wanted to protect his empire. And Gabriel, being the heir apparent would be the prime target of unscrupulous, fortune-seeking women. Gustong makasigurado ni Fernando na ang mapapangasawa ni Gabriel ay hindi siya pakakasalan ng dahil lamang sa pera."

"Okay, I get that. Tio Ramon was looking out for the family's best interests. Pero bakit ako pa ang napili niya? Paano kung lumaki akong pakawala o naging masamang babae? I'm not even pure Spanish!"

Napangiti na lang si Ramon sa sinabi ng anak. Obvious naman na inaatake lang ito ng inferiority complex at iniisip na hindi siya karapat-dapat na maging miyembro ng makapangyarihang Montoya clan.

"Because Fernando saw the best in you kahit noong bata ka pa. And he knew that you would grow up into a fine, smart, and lovely woman. As for not being pure Spanish, alam nating dalawa na walang halaga kay Fernando ang mga ganoong bagay," pabiro niyang sagot habang pinipisil ang dulo ng ilong ng anak.

"You're my father, of course, you only see the best in me."

"Hindi mo ama si Fernando's pero nakita pa rin niya ang nakikita ko. Sure, you were quite a handful when you were younger but Fernando did not see that as a black mark against you. Ang sabi pa nga niya ay ikaw ang nakikita niyang perfect match para kay Gabriel niya. Alam niya kasing you'd be able to stand up to him when needed."

Would she? Ang tangi lang niyang naaalala ay kung paanong napapasunod siya ni Gabriel sa lahat ng gusto nito sa isang tingin lamang.

"O, sige. Yun ang dahilan ni Tio Fernando. But what about you, Papa? Why did you agree to have me betrothed to Gabriel? Why not to Miguel or Angelo who's much closer my age?"

"Because you would've walked all over them. When you were kids, those boys worshiped you and you took advantage of it, naging sunud-sunuran lang sa iyo ang mga batang iyon. Maliban na lang kay Gabriel."

And because I knew you liked him, worshiped him even, gusto sanang idagdag ni Ramon.

"And you think that's good? That the man I'm going to be married to was the only one na hindi ko kayang i-dominate?" namamanghang tanong ni Louisa.

Ngumit ng makahulugan ang ama bago tumayo mula sa kinauupuan. Bago tuluyang lumabas ng dining room, tumigil ito sa likuran niya at hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo.

"Go to sleep now, Louisa. Get some rest. I have a feeling we're going to have a long day tomorrow." Hinagod nito ang kanyang buhok bago tuluyan nang lumabas at iniwan siyang mag-isa sa hapag-kainan.

Louisa felt drained, exhausted and very badly in need of sleep. Pero alam din niyang hindi siya dadapuin ng antok dahil sa mga nangyari. Napahinga ng malalim ang dalaga bago napagtuunan ng pansin ang maliit na blueberry pie na ni hindi nagalaw sa ibabaw ng lamesa. Hindi naiwasan ni Louisa na mapangiti.  Alam niyang it was her father's way of saying 'sorry'.  Isa sa mga comfort food niya kasi ito dahil paborito rin ng kanyang namayapang ina ang blueberry pie.  It was a reminder of better, happier days.  At dahil kailangan niya ngayon ng comfort, hindi niya maaaring tanggihan ang peace offering ng ama.

Just one slice, sabi niya sa sarili habang kinakabig papalapit ang blueberry pie na sadyang hindi ginalaw at iniwan ng ama para sa kanya.

She took one bite and sighed in contentment. 

She ended up eating the whole thing.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top