Chapter 4 - "No WiFi - Let's Talk"

Ang café na pinuntahan ng magkakapatid na Montoya ay maliit ngunit may kakaibang charm. Napapaligiran ito ng mga pader na gawa sa faded, red bricks kung saan nakasabit ang iba't ibang sketches ng mga sikat na landmark mula sa lahat ng sulok ng mundo. Mula sa kisame ay nakasabit ang mga maliliit na yellowish-white bulbs na para bang mga alitaptap na naglipana kung gabi.  Apat na square wooden tables ang nasa gitna nito. Bawat isa ay may nakapalibot na makikintab na metallic chairs samantalang sa magkabilang dingding ay may nakahilerang tatlong set ng couches at lounge chairs na gawa sa medyo kupas at malambot na brown leather. Mayroon ding mga antique wooden trunks sa gitna ng bawat isang set. Ito ang nagsisilbing lamesita kung saan ipinapatong ang mga pagkain at inumin ng mga customer.

The combination of old-world charm and contemporary austerity, done to perfection, gave the café its unique ambiance of laid-back chic and homey comfort.  Wala ring WiFi dito kagaya ng ino-offer ng ibang mga café. Sa katunayan nga, may signage sa labas na ipinamamalita ito: 'No WiFi, so just talk'.  Maging ang pangalan nito, 'Let's Talk', ay sapat na para ipaalam sa publiko na ine-encourage nito ang tradisyonal na pagtitipon, isang lugar kung saan maaring mag-relax at kalimutan kahit sandali ang fast-paced, constantly wired, at metropolitan lifestyle na sadya namang nakakasawa na kung minisan.  Ang mahinang piped-in jazz music sa background, kasama ang katakam-takam na amoy ng reshly-baked pastries at brewed coffee, ay dumadagdag din sa enchanting ambiance of this cozy and charming hole-in-the-wall.

Sa kabila ng kawalan ng lugar ng free WiFi, sikat na sikat pa rin ito sa mga yuppies na nagtatrabaho o naninirahan sa mga kalapit na condo/office towers nito kaya't napakahirap makakuha ng table dito lalo na sa mga oras na ito.  Mayroong spill-out section para sa mga gusto manigarilyo, pero dahil wala naman sa kanilang tatlo ang may ganitong bisyo, mas minabuti nila ang magbakasakaling makakuha ng pwesto sa loob ng coffeshop. Mabuti na lamang at nagkataong may papaalis na sa isa sa mga lounges kaya madali silang nakaupo at naka-order. Gabriel had not had a decent meal since leaving London and he was ready for some hearty fare. Laking tuwa niya nang makita niyang nagse-serve din pala ng pasta at sandwiches ang café kaya agad siyang umorder ng isang large plate of Spaghetti in aubergine sauce, a chicken sandwich, a tall cappuccino and a slice of blueberry cheesecake. Umorder naman si Miguel ng roast beef sandwich, a tall Café Americano at isang slice din ng blueberry cheesecake. Si Angelo naman, dahil medyo busog pa sa kanyang umagahan ng scrambled eggs and sausages ay nagkasya na lang sa isang espresso at isang slice ng Sans Rival. Habang hinihintay ang kanilang order, pinagpatuloy ng magkakapatid ang naudlot na kwentuhan.

"So, Gab, what have you been up to?" tanong ni Miguel habang sumasandal sa kanyang kinauupuan, ang dalawang mahahabang braso ay nakadantay sa likod ng malambot na couch.

"Not much. Turned over our London office to our new country manager without much ado, naset-up ko na rin yung deal natin with the Bank of London, pati na rin yung sa publishing house Papa was bringing to the local market, dated a few girls, successfully avoided getting hitched," sagot naman ni Gabriel na may kasamang kindat.  Ang huli ay umani ng tawa mula sa dalawang kapatid. "But what about you, guys? Hindi naman kayo nagku-kwento sa mga email ninyo. Pati mga video chats natin puto kalokohan lang ang mga pinag-uusapan natin."

"Well, since alam mo naman ang lahat ng nangyayari sa kumpanya, 'wag na natin itong pag-usapan, baka ma-bore lang kita. As for my personal life-" hindi na naituloy ni Miguel ang sasabihin dahil biglang sumingit ang bunsong kapatid.

"What personal life? Never heard you having one, bro," patawang sabi ni Angelo.

"Oo nga pala, nakalimutan ko. I don't have one," pailing-iling na sabi ni Miguel.  Napabulalas ng tawa si Gabriel habang tinatapik ang kapatid sa likod.

"You're working too hard, baby brother!  Baka dumating ang panahon na mukha ka pang mas matanda kay Papa. You should get out and socialize more."

"Sus! Hindi na, 'no? Sagot na ako ni Angel d'yan!"

"Hey, that's unfair.  And that is not true.   Alam mo namang hindi ko mino-monopolize ang social scene.  I share it once in a while with Raffy," tangi naman ni Angelo.

"See?  Between the two of them, the social life of the Montoyas is safe and secure."

Sabay-sabay na nagtawanan ang magkakapatid. Dahil medyo napalakas, biglang napabaling sa kanila ang atensyon ng iba pang mga patrons. Nag-apologize naman agad ang tatlo. Kahit na karamihan ng mga ito ay bumalik na sa kani-kanilang usapan, may ilan-ilang mga kababaihan ang patuloy pa ring panakaw na tumitingin sa tatlong mala-Adonis na magkakapatid. The three brothers, obviously used to such attention, weren't bothered in the least.

"Actually, I'm thinking of getting out of the social scene for a while, if not for good," tahimik na sabi ni Angelo na may kakaibang ningning sa kanyang grayish-green eyes. Biglang nagkatinginan naman si Gabriel at Miguel, kapwa tila nabigla sa sinabi ng bunsong Montoya.

"Ok, I give up, where's the punch line?" sabi ni Miguel na nakakunot ang noo.

"No punch line, bro. Seryoso ako sa sinabi ko, Migz."

"Hey, bakit naman?" tanong ni Gabriel, hindi mapigilang mag-alala sa kalagayan ng kapatid. Kahit hindi sila ganun ka-close, pakiramdam niya'y responsibilidad pa rin niya ito. Napigil naman ang kanyang pagtatanong nang dumating ang kanilang order na pagkain. Ngunit lingid sa kaalaman ng kapatid, habang inilalapag ng service crew ang kanilang mga order, palihim na pinagmamasdan ni Gabriel si Angelo, na para bang tinutuklas kung may itinatago ito sa kanya. Tanging ang pagkalam lang ng sikmura ang naka-distract sa kanya sa mga iniisip. And for the next few minutes Gabriel devoted himself to gorging on the scrumptious spread before him. Ganun din naman ang ginawa ng dalawang kapatid. 

Nang tanging ang blueberry cheesecake na lang ang natitira, sumandal si Gabriel sa upuan at humigop ng kanyang cappuccino. His eyes closed in pure gastronomic pleasure after forking a small piece of the delicious pie into his mouth. Ngunit ngayong napalis na ang kanyang gutom, muling binalikan ni Gabriel ang pagmamasid kay Angelo.  Wala naman siyang makitang kakaiba dito.  Angelo looked as he always did, handsome to a fault with a body honed to near perfection by his athletic pursuits.

At least sigurado akong wala siyang sakit, sambit ni Gabriel sa sarili.  Nang biglang may isang bagay na para bang nag-click sa kanyang isipan.

"It's a girl, isn't it, what brought about this outlandish change in you?" nabulalas ni Gabriel bago pa napigilan ang sarili.  

Hindi agad sumagot si Angelo. Nakatungo itong pinaglalaruan ang natitira sa kanyang Sans Rival.  Matapos ang ilang sandali, sumulyap ito kay Gabriel na may bahagyang ngiting namumutawi sa mga labi.

"Yes and No," tahimik na sagot ni Angelo.

"Yes and No? Which is it really?" tanong ni Miguel matapos ilapag ang hinihigop na kape.

"Yes, kasi it's basically because of her and no, kasi it's not just about her."

"I still don't get it," giit ni Gabriel bago muling sumubo ng blueberry cheesecake.

"Okay, here's how it is. Pero, please, huwag kayong tatawa, ha? Pakinggan n'yo muna ang sasabihin ko."

Nang tumango ang dalawang nakakatandang kapatid, pinagpatuloy ni Angelo ang sinasabi. "Alam ko naman na ang tingin sa akin ng karamihan ng tao ay ako yung 'brawny but brainless' type of guy," itinaas niya ang kamay nang halos sabay si Gabriel at Miguel na nagprotesta sa kanyang sinabi, "but it's only because Papa never gave me any heavy responsibilities like he did the two of you. Hindi na kabilang dito si Rafael dahil wala naman talagang interest ito na magpatakbo ng kahit ano sa mga negosyo ni Papa. Baka daw kasi masira ang kanyang 'inner artist' with such trivial pursuits. Anyway, as I was saying, all these years I had been, unofficially, relegated to the part of PR man, doing all the promotions, launches and basically just showing up for the publicity.  All no-brainers!  At talaga namang sobrang boring ang role na ito.   Kaya kailan lang, kinausap ko si Papa.  I asked him if he could assign me some real work, a job that I can do without having to make the rounds in the social circuits.   Isang seryosong trabaho na higit pa sa pagpapa-pogi lang sa harap ng mga kamera," tumigil saglit si Angelo at pinakiramdaman ang mga kapatid.  Nang makitang seryosong nakikinig ang mga ito, nagpatuloy muli siya.

"Well, he agreed and assigned to me, on a trial basis, one of the hotels na ilo-launch natin next year. Sabi niya it's a good way to get my feet wet and have a feel for the business. Sa ngayon daw ay probationary CEO ako of our chain of hotels 'cause that's what he's going to assign to me if I pull this assignment off.  Construction's done and we're doing finishing touches now, you know, furnishings and interiors.  Bagong-bago lang itong desisyon na ito ni Papa kaya marahil ay hindi pa niya ito nasasabi sa inyo."

"Well, that's just great, Angelo! Mabuti naman at simula ngayon ay magkakaroon ka na ng headaches from worrying instead of hangovers," pabirong sabi ni Miguel habang si Gabriel naman ay tinapik sa balikat ang bunso, bakas sa mukha nito ang pride para sa kapatid.  Tuwang-tuwa naman si Angelo sa naging reaksyon ng mga kapatid.

"So, where does the girl enter the picture?" tanong ni Gabriel.

"Well, it's like this. Nakilala ko siya nang magumpisa ang outfitting ng hotel. Actually, met is not the right term. Reacquainted, siguro ang tama kasi matagal ko na siyang kakilala. Simula pagkabata pa nga kung tutuusin. Medyo nawalan lang ng communication noong lumaki na kami pero when we saw each other again, it's as if those years never existed, para bang ni hindi kami nagkalayo ng kahit isang araw. She just made me feel something different, made me think about my future, you know?" Na-relieve si Angelo nang makitang tila nauunawaan siya ng dalawa.

"Good for you! Malamang napaka-exceptional na babae niya to make our Angelo even consider giving up his harem of extremely beautiful models and celebs," tukso ni Miguel.

"Ha, ha! Maka-harem ka dyan, Migz! Alam mo namang gawa-gawa lang yan ng mga paparazzi. The press just loves to pounce on everything that I do and turn it into a scandal," mariing pagtanggi ni Angelo.

"Oo naman, alam ko 'yun. I was just messing with you, baby brother," biro ni Miguel habang ginugulo ang buhok ng kapatid. Napangiti na rin si Angelo.

"That's good to hear. We're happy for you and we're looking forward to meeting this exceptional lady of yours," sabi naman ni Gabriel.

"Huwag kayong mag-alala, ire-reveal ko din agad ang identity niya pero hindi ngayon.  Gusto kong ma-sorpresa kayo.  And as for being mine?  Hindi pa naman.  I'm not even sure if she sees me as anything more than a friend.  Pero siyempre, hindi na ako magdadalawang-isip pa na paganahin ang Montoya charm para masiguradong mahuhulog din siya sa akin, di ba?  Besides, you guys already know her.  I just don't want to preempt anything, ok?"

"Sure! Sure! Suportado ka namin, bro," sabi ni Miguel. .

Sinenyasan ni Gabriel ang waiter para kunin ang kanilang bill. Matapos nito ay bumaling sa dalawang kapatid, "Siguro dapat balikan na natin si Papa."  Agad namang pumayag ang dalawa at matapos na mabayan ang bill ay agad silang bumalik ng ospital.

"Would you like to see Papa first or would you rather go directly to his suite and wait for him there?" tanong ni Miguel.

Umiling si Gabriel. "No, we'll go to the ICU first.  Gusto kong makasigurong maililipat na si Papa sa kanyang suite as soon as possible."

"Uh, hindi ba pwedeng doon na lang tayo sa suite maghintay kay Papa? That place is really sucking the life out of me. I swear there are dementors up there, bro," pabirong sabi ni Angelo, patunay na nanumbalik na naman ang kanyang masayahing bunsong kapatid.

"O, sige. Kung gusto mo, tumuloy ka na sa suite. Susunod na lang kami doon. Pero huwag mo munang sabihin kay Mama na nandito na si Gabriel. I'm sure he wants to surprise her," bilin ni Miguel sa kapatid.

"Got it! Really sorry I can't come with you, Gab. HIndi ko lang talaga kayang makita si Papa doon sa ICU. My heart is too delicate for this, you know," sambit ni Angelo na may kasama pang kindat kay Gabriel.

"Yeah, right. For all I know gusto mo lang mag-online and chat with your numerous admirers," patawang ginulo ni Gabriel ang medyo kulot na buhok ng kapatid.

"Kasalanan ko ba kung marami akong admirers? I just can't bring myself to break any hearts, as long as they're willing to share, all's fair, blah, blah, blah.  Catch you later, guys.  Sabihin nyo kay Papa bilisan niya ang pag-alis ng ICU!"

"Sure, sure! Now, go!" sagot ni Miguel habang tinutulak ang kapatid papasok ng elevator. elevator.  Nang makaalis na si Angelo, bumaling ito muli kay Gabriel.  "So, are you sure you're ready for this?"

"Is it really that bad?" tanong ni Gabriel na may bahagya pa ring takot.

"Okay na si Papa. But are you?" tanong ni Miguel.  Siya ang pinakamalapit kay Gabriel kaya't siya na rin ang confidante nito.  At tanging siya lang sa kanilang magkakapatid ang nakakaalam ng tunay na ikinababahala ng panganay na Montoya.

Alam din niya kung bakit mas ginusto ni Gabriel na manatili sa England kahit matagal nanag tapos ito sa pag-aaral. At nauunawaan naman niya ito. Gabriel, being the eldest and heir to the Montoya Empire, was the only one being forced into an arranged marriage and Miguel knew how difficult that was for his headstrong brother. Sa hindi lang unang pagkakataon, nagapasalamat si Miguel na wala siya sa kinalalagyan ng kapatid. Lahat naman sila ay ituturing na karangalan ang mapagkatiwalaang hawakan ang business dynasty ng mga Montoyas, pero ang magpakasal sa babaeng hindi mo naman pinili, malamang ay wala sa kanila ang gugustuhin ito.

Like Gabriel, he took the marriage vows seriously and so preferred to find a mate that suited him instead of having her shoved down his throat. Ngunit alam din ni Miguel na kahit hindi siya pipilitin ng mga magulang sa isang arranged marriage, ang sino mang dalagang mapupusuan niya ay dadaan din sa butas ng karayom. It was the price they all had to pay for the privilege of belonging to one of the richest and most powerful clans in the land.

"I'm okay now, Migz. Promise," sabi ni Gabriel na nakuha pang bigkasin ang huli ng pabiro. Ngumiti ito at inakbayan ang nakababatang kapatid habang binabagtas nila ang hallway na papunta sa ICU upang sa wakas ay haraping muli ang ama.

At least he's out of danger. I'll deal with my other problem later.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top