Chapter 21 - Kisses and Promises
"Louisa! Louisa! Wake up, for God's sake," bulalas ni Gabriel habang paulit ulit na tinatapik ang pisngi ng dalaga. Nakahinga lang siya ng maluwag nang unti-unting dumilat ang mga mata ng fiancée.
"Sweetheart, you scared me!" sambit ni Gabriel. "Please don't ever do that to me again."
Ngumiti lang si Louisa sabay hagod sa pisngi ng binata na para bang sinisiguradong hindi lamang isang panaginip ang nasa harap niya.
"I'm sorry, Gabriel. I've never done that before. I guess I'm just not used to hearing those words from a goon like you," pabirong sabit ni Louisa.
Idinantay ni Gabriel ang kanyang noo sa noo ng dalaga. Matapos ang ilang sandali ay dahan-dahan nitong pinaglapit ang kanilang mga labi at saka hinalikan ang mapapangasawa. Hindi na niya maikakaila ang nararamdaman para sa dalaga. Nakakatawang isipin na noong isang buwan lamang ay tutol na tutol siya sa ginawang pakikipagkasundo ng ama. Ngunit ngayon na unti-unti na niyang nakikila ang dalaga, handa na siyang tanggapin ang lahat at ihain sa paanan nito ang pagkatagal-tagal niyang iningatang puso.
Could this really be love? O natatangay lang siya ng kanyang pagnanasa sa dalaga? Sadya bang nakalimutan na niya lahat ng nakaharang sa kanilang dalawa, ang kanyang pride at paninindigan laban sa ginawa ng kanilang mga ama? Handa na ba siyang tanggapin ang dati niyang kinaiinisang si 'little tyrant Louie'?
Pilit niyang hinanap sa mukha nito ang mga bakas ng pilyang batang nakilala niya, ngunit ang tanging tumambad pa kanyang paningin ay ang imahe ng isang dalagang handang isuko ang buong pagkatao sa kanya. Pwedeng may natitira pa rin sa kanyang kapilyahan, pero handa na si Gabriel na tanggapin ito. Isa pa, kung talagang handa na siyang umibig, hindi ba tama lang na sa babaeng ito siya mahulog?
Tutoong sa umpisa ay tutol na tutol siya sa kasunduang pinasok ng kanyang Papa sa papa ni Louisa. Pinagisipan na rin niya ng maigi kung paano makakawala sa engagement nila ni Louisa. Minsan nga nasabi pa niya kay Miguel na pakakasalan lang niya ang dalaga para lang mapabigyan ang kahilingan ng ama. Maari naman siyang magpakasal kahit wala siyang balak na tuparin ang mga tungkulin sa asawa.
Ngunit iyon ay bago pa niya nakitang muli si Louisa. Bago nag-rebelde ang kanyang puso at tuluyang sumuko sa dalagang unang nagpatibok dito. Bago siya ipagkanulo ng sariling katawan na ngayon ay nagsusumigaw na angkinin ang dalaga.
Napangiti si Gabriel nang dumaplis sa kanyang isipan ang magiging wedding night nila ni Louisa. Para siyang isang batang paslit na super-excited na dumating na ang summer vacation. Bago pa man niya mapigilan ang sarili, muling dumampi ang kanyang mga labi sa labi ng dalaga. He felt pleasure bloom within him as she responded to his kisses habang ang kanyang mga braso ay pumulupot sa leeg ni Gabriel, pilit na ipinaglalapit ang kanilang mga katawan, nang-aaya, nang-aakit.
Subalit alam ni Gabriel na hindi siya maaring bumigay sa kanyang pagnanasa. Naipangako niya sa sarili na gagawin niyang tama ang lahat sa unang gabi nila bilang mag-asawa. Hindi siya pwedeng maging marupok. Labag man sa kalooban, unti-unting inilayo ni Gabriel ang sarili sa dalaga. Muntik na siyang makalimot nang makita ang pagnanasa sa mga mata ni Louisa. Pero pinilit pa rin niyang magpakatatag at para makasiguradong hindi na mami-misinterpret ang kanyang ginawa, hinatak niya muli ang dalaga sa kanya at hinalikan ang noo nito.
"Oh, dearest! You have no idea how hard it is for me to restrain myself from finishing what we've started. But I can't take advantage of your innocence and lead you to dishonor. I can wait. And I assure you, there will be time enough to show you what I really feel."
Nang muling tignan ang dalaga nakita niya ang relief sa mga mata nito. Saka lang niya na-realize na may struggle ding naramdaman ang dalaga. Hindi lamang siya ang nagtitimpi at kung hindi niya pinigil ang sarili ay marahil hindi na nito magagawang manlaban. Nasiyahan si Gabriel sa napagtanto. It gave him the assurance that things could still work out between them. Marahil ay hindi lamang kasal sa papel ang mangyayari sa kanila.
Matapos na mabilisang halikan ang pisngi ng dalaga, dali-daling tumayo si Gabriel, hinawakan ang kamay nito at hinatak pataas.
"Come on, sweetheart. Let's get you out of that tempting contraption before I forget myself and ravish you again," patawang sabi ni Gabriel.
"As if I'd let you do such a despicable thing," sagot naman ni Louisa habang nakataas ang isang kilay na para bang nang-iinis.
Napangiti naman si Gabriel. So, she's still got claws afterall. Good! I really much prefer the untamed lioness to the docile kitten.
"Shall we put it to the test then?" sambit ni Gabriel habang hinahatak si Louisa pabalik sa kanya. Pabirong hinataw ni Louisa ang mga kamay ng binata at saka kumalas dito.
"Later perhaps, mi amor. For now, let's eat. I'm starving!" sabi ni Louisa, sabay kindat sa kasintahan habang tumatakbo ng papalayo na may ngiting mapanukso sa mga labi. Lalo nitong binilisan ang takbo nang makita ang sagot na pilyong ngiti ng binata.
Nasa may kitchen na si Louisa nang abutan siya ni Gabriel. Dali-dali nitong hinatak si Louisa papalapit sa kanya sabay siil sa mga namumuong labi nito. Mabilis namang tumugon ang dalaga. Halos malunod si Gabriel sa nararamdamang pagnanasang namumuo sa kanilang dalawa nang marinig niya ang malakas na ubo.
Dahan-dahan niyang binitawan ang mga labi ng kasintahan at tumanaw sa loob ng kitchen. Nabalot ang binata ng kahihiyan nang makitang ang 'audience' pala nila ay ang kanyang Papa pati na rin ang kanyang mga kapatid na si Miguel at Rafael. Lalong tumindi ang hiya ng binata nang makitang naroon din pala ang Papa ni Louisa.
Napawi naman ang kanyang nararamdamang kahihiyan nang mapatingin sa dalaga. Nakapikit pa rin ito at nanunulis ang mga nguso, na tila naghihintay ng kanyang halik. Nang mapabulalas ng tawa si Gabriel, biglang napadilat si Louisa. Akma nitong sitahin ang binata nang mapansin niya kung saan nakatuon ang mga mata nito.
Saka lang napagtanto ng dalaga na hindi nila solo ang kitchen. Biglang namula ang mga pisngi nito at dagliang hinatak ang mga kamay ni Gabriel saka tumakbo papalayo. Walang nagawa si Gabriel kundi ang sumunod habang parang isang runaway train na tumatakbo ang kasintahan. Tumigil lang ito nang makarating na sila sa garden. Nang hilahin ni Gabriel ang kamay ng dalaga, bigla itong humarap sa kanya ng nakapamewang. Pulang-pula ang mga pisngi at labi nito habang naniningkit ang mga mata sa galit.
Even in anger she still looks like a goddess. How could I resist such a woman! Ang tanging naisip ni Gabriel.
Nang muling hatakin papalapit ni Gabriel ang dalaga, bahagya itong pumalag ngunit pumayag din sa huli. Natawang muli si Gabriel nang maalala ang itsura ng dalaga kani-kanina lang nang malaman nitong hindi sila nag-iisa sa kitchen. Dalawang maliliit na kamao ang nagumpisang sumuntok sa dibdib ni Gabriel. Patawa nitong niyakap ang dalaga na bigla namang nanginig sa kanyang mga bisig. Sa pagaakalang umiiyak ito, niyapos niya ito ng mahigpit at hinagod ang buhok. Ngunit buong lakas na tinulak siya ni Louisa at umupo sa pinakamalapit na bangko.
Lumapit si Gabriel upang i-comfort ang kasintahan nang makita niyang hindi pala ito umiiyak kundi tumatawa. Kaya ito nanginginig ay dahil pilit nitong pinipigil ang kanyang tawa. Napatawa na lang din si Gabriel. Bakit ba niya kasi inisip na umiiyak si Louisa? How could he have thought that such a trivial incident would bring tears to her eyes! The 'little tyrant Louie' he knew cried out of anger and frustration but never from embarrassment.
"That was quite a show we put on for them, eh?" sabi ni Louisa kasabay ng kanyang pilyang ngiti.
"Quite. But did you know who else was in that kitchen?" tanong ni Gabriel.
"I'm sure andun si Papa. You wouldn't have blushed like that if he wasn't."
"Yes, well, I wonder what he's thinking now."
"He's probably thinking that you're despicable and he'd be crazy to entrust his only daughter to you."
"Really? I believe he's thinking his daughter is so lucky to have a fiancé who adores her that much."
"Hmmm...Well, he might adore his fiancée but will he still adore her kapag kasal na sila? Hindi kaya magsawa na siya dito?"
Inakbayan ni Gabriel si Louisa at hinalikan ang buhok nito. "He would adore her above everything else; he would put her on a pedestal and worship her day and night."
Lumayo ng bahagya si Louisa at tumingin kay Gabriel, na ngayo'y seryoso na rin and mukha. "I don't want to be put on a pedestal and I don't want to be worshipped."
"Well then, what would you rather have me do, my sweetness?"
"I just want to be loved, Gabriel, that's all. Nothing more."
"I think I can do that. But then, there's one thing I'd require from my wife, too."
"What's that?"
"She'd have to love me back."
I already do, muntik ng sambitin ni Louisa. Pero nanaig pa rin ang takot sa kanyang dibdib kaya't napigilan pa rin niya ang kanyang bibig.
"Well, perhaps I'd be able to do that, too. IF you don't turn back into that ogre that I used to know."
"Me? An ogre? I disagree completely. I was just too serious and quiet for my age back then."
"Hah! You weren't 'serious and quiet' for your age! You were brutish and snobbish and cold and..."
The rest of her words were cut off when Gabriel cupped her face and kissed her with total abandon. Hindi naman nagatubili si Louisa na tumbasan ang nagaalab na halik ng kasintahan.
Nang sa wakas ay mahimasmasan na ang dalawa tumayo sila at magkahawak-kamay na lumakad pabalik ng villa, handang harapin ang kanilang future ng buo ang pag-asa. Walang kamalay-malay ang dalawa na ang kanilang kasiyahan ay panandalian lamang dahil ang may mga mabubunyag na lihim ng kanilang nakaraan at sisira sa kanilang relasyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top