Chapter 17 - Mixed Signals
A/N: SORRY! Sorry for the long absence! I hope you're still there. And I hope you like this chapter. :)
About the Video: Angelo's state of mind
(Video Credits: Shawn Mendez - Treat You Better)
**********************
Ang Montoya compound ay hindi pangkaraniwang rest house. Sa isang banda, ito ay pinagsama-samang limang malalaking bloke ng prime land na nakatanaw sa Laguna De Bay. Pangalawa, pinamamahayan ito ng isang bungalow, isang two-storey house, isang kwadra at ang malaking main house or Villa, kung tawagin, na makikita sa gitna mismo ng malawak na lupain. Pinakamalapit dito ang bungalow na nagsisilbing servants' quarters. Sa kanan naman nito, malapit sa hangganan ng bangin, ay ang kwadra kung saan makikita ang limang naggagandahang mga Thoroughbred, isa para sa bawat lalaking Montoya. Matagal nang huminto sa pangangabayo si Doña Aurora kaya't wala nang nakalaang kabayo para sa kanya. Sa kaliwa naman ng Villa ay ang tinatawag na Guest House. Di hamak na mas maliit ito sa Villa dahil lima lamang ang mga kwarto dito. Ang Villa ay mayroong pitong kwarto with ensuite baths sa ikalawang palapag, samantalang sa ibaba naman ay naroon ang Master Suite, isang Music Room, dalawang Powder Rooms at dalawang guest rooms.
Ang Gazebo, kuns saan naka-set-up na ang pananghalian ay nakagayak na rin para sa magiging kaganapan pagsapit ng gabi. Nakatayo ito sa isang pathway mula sa Villa kung saan matatanaw ang napakagandang Taal Lake, habang nasa kaliwa naman nito ang pamosong Taal Volcano. Napapalibutan ang Gazebo ng ilang hanay ng salitang pale pink at puting Pygmy roses na mismong si Doña Aurora ang nagpalaki. Idagdag pa ang matingkad na luntiang crabgass na bumabalot sa lupa at talaga namang kamangha-mangha ang tanawing ito. Isang matuturing na magical place na nagdudulot ng kapayapaan sa sinumang nais mag-unwind.
Ngunit hindi iyon ang nadarama ng isa sa mga lalaking kasalukuyang namamahinga dito. Mula nang lumabas pa lamang sila ng Villa, pagkablisa at pagngingitngit na ang nadama ni Angelo. Matagal na siyang nakaupo sa dining table at naghihintay sa pagdating ning Gabriel at Louisa. Sa pagkakaalam niya, kasunod lamang niya ang dalawa kanina kaya dapat ay nanadito na rin sila. Pero ni anino ng isa man sa kanila ay wala. Sadyang pinipilit lang niyang matimpi kaya't hindi pa siya sumusugod pabalik ng Villa. Nang ma-corner niya kasi ang tatlo sa kanilang mga kasambahay, hindi niya nagustuhan ang ibinalita ng mga ito. Wala sa kanila ang nakakita sa dalawa sa loob o labas man ng Villa. Na nangangahulugan lamang na nasa loob sila ng isa sa mga guest rooms sa ibaba. And that thought wrenched his guts mercilessly and made him seethe with jealousy.
Halos maubos na ang pasensya ni Angelo nang hindi pa rin lumitaw sina Gabriel at Louisa makalipas ang mahigit sa kalahating oras. Babalik na siya sa Villa para hanapin ang dalawa nang matanaw niya ang paparating na si Louisa, kunot ang noo at parang balisa. Akmang sasalubungin niya ang dalaga nang marinig ang matigas na boses ng ama na tinatawag ang pangalan niya. Pagbaling ng kanyang tingin dito, umiling ito na para bang pinipigilan siya sa balak niyang gawin. Noon lang na-realize na kanina pa pala siya inoobserbahan ng ama. Noon lang din niya napansin ang tahimik na nakatitig sa kanya na si Miguel na para bang ina-analyze siya. Napasandal na lang si Angelo sa kinauupuan at binalikan na lang ang appetizer na kanina pa niya pinagtutuunan ng galit. Ayaw na rin kasi niyang magpaumpisa ng gulo kaya nanahimik na lang siya sa kinauupuan.
"There you are! I've been wondering where you'd been, hija," magiliw na sabi ni Don Ramon kay Louisa habang patuloy na hinihiwa ang mga gulay sa kanyang pinggan. Halata sa ikinikilos nito na wala siyang kamalay-malay tungkol sa nangyari kanina sa foyer.
Bahagyang napatalon si Louisa sa boses ng ama. "I-I was just in t-t-the, uhm, hmm, p-powder room, f-freshening up," pautal na sagot nito, namumula ang mga pisngi at balisang napalingon sa Villa.
Tumango lamang ang ama at sinenyasan siyang umupo na agad dahil ise-serve na ang kanilang main course. Dali-dali namang tumalikod si Louisa at naglakad patungo sa dulo ng mahabang lamesa. Dalawang beses pa itong muntik na matapilok bago tuluyang naupo sa tabi ng kaibigang si Matthew. Dahil sa kabalisaan, hindi napansin ni Louisa na katapat pala niya si Angelo sa napiling upuan. Napasinghap pa ito nang makitang nakatitig sa kanya ang pinakabatang Montoya. Mabilis na iniwas ng dalaga ang kanyang mga mata at tumungo.
Kung kanina ay nagdududa lamang si Angelo na may hindi kanais-nais na bagay ang namagitan kina Gabriel at Louisa sa loob ng Villa, ang mga kinikilos ng dalaga ang nagpatunay dito. And somehow, that notion forcefully squeezed at Angelo's heart. Pinangako niya sa sariling hindi siya manghihimasok sa dalawa ngunit dahil sa kakaibang ikinikilos ng dalaga, daglian niyang pinaisangtabi ang pangakong iyon.
"You certainly took your time freshening up, Louie. You've been gone for more than half an hour," marahang sabi ni Angelo, taliwas sa nagpupuyos na ngitngit na kanyang sinasaloob.
Tumingala si Louisa upang tumingin sa kanya, bakas sa mga mata nito ang mga luhang pilit na pinipigilan. Naglaho bigla ang anumang galit sa dibdib ni Angelo at napalitan ito ng pagaalala sa kalagayan ng dalaga. Something wasn't right. Kung mayroon mang nangyaring hindi maganda dito at sa kanyang nakatatandang kapatid, nakatitiyak siyang hindi iyon nagustuhan ng kanyang kaibigan. Agad na inabot ni Angelo ang nanginginig na kamay ni Louisa.
"What's wrong, Louie? Are you alright?" tanong niya.
Si Matthew na walang kibong nagmamasid sa kanilang dalawa ay biglang napabaling kay Louisa, bakas sa mukha ang pagaalala.
"Bakit? Anong nangyari? You don't look well," tanong ni Matthew sa kababata.
"I'm okay. I-I think I j-just n-need to r-rest," sagot naman ni Louisa habang marahan na binabawi ang kamay mula sa pagkakahawak ni Angelo.
"Come on, I'll take you to the guest house where you can lie down," sambit ni Angelo matapos na tumayo sa likuran ng upuan ni Louisa.
Mabilis din naman tumayo din si Matthew at inalalayan ang kaibigan. "Sasamahan ko na kayo. Ayokong ma-trap ka na naman sa kung sang powder room," pabulong na sabi nito.
Nabigla naman si Angelo sa sinabi nito dahil lumalabas na pareho sila ng naisipang dahilan kung bakit na-late si Louisa ng paglabas.
"I'll make sure she doesn't," pangako ni Angelo.
"Sasama pa rin ako. Can't be too careful, you know," patunay ang mapait na ngiti ni Matthew na wala rin siyang tiwala sa nakababatang Montoya.
"Suit yourself. Come, Louisa. I'll just have something brought up to your room so you can eat later," sagot ni Angelo. Madahang tumayo si Louisa mula sa kinauupuan nang biglang natahimik ang kanina'y masayang kwentuhan sa lamesa, lahat ng mata ay nakatuon sa kanilang tatlo.
"Where are you all going?" tanong ni Doña Aurora. Don Fernando and the others looked on quietly but with undisguised interest.
"Louisa's not feeling well. We're taking her to the guest house," sagot Angelo, tangan ang kamay ni Louisa habang inaakay niya ito paalis ng gazebo kasunod si Matthew.
"She won't be staying at the guesthouse. I've already fixed a room for her at the Villa," bulalas ng malalim na boses ni mula sa gazebo steps.
Natigilan ang tatlo nang makita ang mabangis na pagkakatitig sa kanila ni Gabriel. Sa isang iglap ay nasa harapan na nila ito. At bago pa man makakilos si Angelo, naiakbay na agad na nakatatandang kapatid ang kamay nito sa balikat ni Louisa habang dahan-dahang inilalayo ito sa kanila ni Matthew.
"Come on, chica. We'll eat later. I already gave instructions for food to be sent up to the villa," bulong ni Gabriel sa mapapangasawa.
Para namang nahimasmasan si Louisa sa pagkabigla. Napakunot ito at nanlisik ang mga mata. Ikinagulat ng lahat nang buong lakas nitong itinulak si Gabriel at bumalik sa pagitan ni Angelo at Matthew.
"Thanks, but no thanks. I'd rather stay in the guest house with my father. I think I'd be safer there," mariing sagot ng dalaga. Gone was the stuttering, bewildered girl of a few moments ago. In her place was a furious, little spitfire, all riled up for battle. Para bang ang presensiya ni Gabriel ang nagbibigay buhay sa kanyang galit.
Natawa naman si Don Ramon sa sinabi ng anak. "Louisa, I'm sure you're safe anywhere in the compound. Kaya sumunod ka na lang kay Gabriel."
"But I'd rather stay in the guesthouse with you, Papa," giit naman ni Louisa.
"I've already prepared your room in the villa, Louisa. I'm staying at the villa, so that's where you'd be staying, too." pilit naman Gabriel, bakas sa mukha nito ang pagtitimpi.
"Says who?" balik naman sa kanya ni Louisa.
"Says I, your fiancé," matigas namang sagot ni Gabriel habang papalapit kay Louisa. Agad naman humarang si Angelo sa kapatid, his stance challenging and defiant.
"Get out of the way, baby brother. This does not concern you."
Kanina pa nagpipigil si Angelo at muntik na siyang makalimot sa sinabi ng kapatid. "Well, I'm making it my concern, Gabriel."
"Por Dios! What's this all about, Angelo? Gabriel, what's the meaning of this?" malakas na sambit ni Don Fernando nang daglian itong pagulungin ang wheelchair patungo sa grupo.
"Would anybody care to explain what is going on here?" tanong ni Doña Aurora habang mabilis na sinundan ang asawa.
Atubiling lumayo si Gabriel kay Angelo, bakas sa mukha ang pagtitimpi ng galit. Lumayo rin ng bahagya si Angelo sa kapatid kahit hindi inaalis ang matalim na tingin dito.
"Louisa's not feeling well, Papa. I was just about to escort her to the guesthouse," pagpapaliwanag na tahimik ni Angelo.
"And I was about to escort my fianceé to the villa," sambit naman ni Gabriel.
Angelo recognized the seething fury in his older brother's tone when he emphasized the word 'fiancee'.
"Well, then, you two best get going now so Louisa can rest," malumanay na sambit ni Don Fernando bago ibinaling ang tingin sa dalaga na para bang nagtatanong.
"But Papa, she doesn't..." protesta ni Angelo. Napatigil lang siya nang maramdaman ang pagkapit ni Louisa sa kanyang braso. Nang lingunin niya ito, umiling lang ito at ngumiti.
"It's okay, Angelo. I'll go with Gabriel. I think I really need to rest for a while,"sabi ng dalaga bago ibinaling ang tingin sa kanyang Niniong, "I'm sorry I'm causing such a fuss, Tio. I think I'm not feeling myself today."
"It's okay, hija. Sumama ka na kay Gabriel sa Villa and get some rest. I'll just have food brought up to you," pangiting sagot ni Don Fernando. Tumango ito kay Gabriel, patunay na ibinibigay dito ang kanyang pahintulot.
Nanikip ang dibdib ni Angelo habang pinapanood ang unti-unting paglakad ni Gabriel at Louisa pabalik ng Villa. Susunod sana siya nang may kamay na dumampi sa kanyang balikat. Alam niyang ang Papa niya iyon kaya't inaasahan na niya ang galit na makikita sa mukha nito sa kanyang pagharap dito. Ngunit iba ang kanyang nakita. Sa halip na galit, what he saw was sadness and quiet understanding instead.
"Hijo, I think it's time that we had a talk," sabi ng kanyang ama bago pakiusapan ang asawa na itulak na ang kanyang wheelchair pababa ng ramp.
Sandaling humugot ng malalim na hininga si Angelo bago tuluyang sumunod sa kanyang Papa at Mama. Matagal na niyan inasam ang pagkakataong ito, ang mabigyan siya ng pagkakataon na ipaliwanag sa ama kung ano ang kanyang nararamdaman. Napag-praktisan na nga niya ang sasabihin dito, pero ngayong narito na ang sandaling iyon, wala man lang siyang maramdamang kasiyahan. What he felt was dread and a very disquieting premonition that his much anticipated talk with his father would bring him nothing but pain and grief in the end.
***************
A/N: Can I get some encouragement, please? A vote or comment will do.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top