Chapter 14 - Showtime

A/N:  Hey, guys!  The first update for this week.  Sana magustuhan ninyo ito.  :) 

And thanks to @rochvin for voting and @DhanSilagan for adding this story to your Reading list.  Much appreciated, guys. :)

*********

Video Credits: "Let's Pretend" by Al Jarreau (iTunes); uploaded by Donald Becker on YouTube (Standard YouTube License applies) 

**********

Nagmumukmok na tinitigan ni Louisa ang magandang tanawin na mabilis na nilalampasan ng kanilang SUV. Papunta sila sa bahay ng mga Montoya sa may Tagaytay kaya't marami silang nadaraanang mga taniman ng pinya. If she looked below, down the rolling hills running parallel to the concrete highway, she would see rows and rows of pineapple shrubs, a sea of yellow-orange and green that sat calmly on the brown earth, tahimik na naghihintay ng pipitas sa kanila. Gustong-gusto niyang binabagtas ang daang ito na siya ring dinaraanan nila papunta sa Hacienda Constantina ng pamilay Almendrez sa Batangas. Ang malamig na simoy na nanggagaling sa bulubunduking lugar na ito ay laging nakapagpapakalma sa kanyang pagod na pag-iisip lalo na kapag siya'y galing sa trabaho.

But not today.

Ngayon, sobrang balisa ang kanyang isip at puso kaya't hindi na ito kayang patahimikin ng isang simpleng road trip.

Sa araw na ito kasi siya pormal na siyang ipapakilala sa angkan ng mga Montoya.

Ngayong gabi, ia-announce na ng kanyang Tio Fernando ang engagement nila ni Gabriel. Sa gabing iyon, she will officially and publicly, be the fiancée of the Montoya heir.

Halos mabulunan siya sa salitang iyon. Para bang gustong tumalon ng puso niya mula sa kanyang dibdib. Ramdam na ramdam niya ang bawat tibok nito. Maging ang pagdaloy ng dugo sa kanyang mga ugat ay para bang isang ilog na gustong dumagundong. Kung mahina-hina lang ang loob niya, malamang ay nawalan na siya ng ulirat pag-akyat pa lang niya sa kanilang sasakyan sa dami ng gumugulo sa kanyang puso't isipan. She took a deep breath, and then another. And another. Nagbilang siya ng hanggang sampu at saka inulit muli ang sequence ng kanyang ginawa. Matapos ang tatlong ulit, unti-unti nang bumalik sa normal ang kanyang paghinga. Kailangan niyang i-compose ang sarili. She must be at her stoic best today. Hindi niya hahayaang makita ni Gabriel ang kanyang pagkabalisa. Muntik nang mag-panic uli si Louisa nang sumagi sa isip ang pangalan ng fianće.

Gabriel.

The name sliced through her like liquid fire.

Sa tutoo lang, ang huli nilang pagkikita ang dahilan ng kasulukuyan niyang pagkabalisa. Pagkatapos kasi ng napaka-intense na deklarasyon ng binata tungkol sa kanilang future relationship, dali-dali itong umalis at hindi na nagbalik pa uli. Ni hindi na rin ito tumawag man lang o dumalaw uli sa kanilang bahay sa Alabang. Tanggap na sana niya ang biglaang pagbabago ng taktika nito. Naisip pa nga niya na baka biglang nawalan na ito ng interes sa balak nitong panggugulo sa isip niya. Matapos kasi siyang mahimasmasan, naisip niyang tinatakot o kaya'y nililito lang siyang talaga ng binata. Their last encounter was the cause of her present vexation. Kung hindi nga lang ba ito nagpadala ng isang napakalaking multi-colored bouquet of roses kahapon na may kasamang note na halos nagpahinto sa kanyang puso.

Two simple lines of text that sent her reeling from its implicit message: "The most beautiful roses for my own prickly rose. Looking forward to being your husband, IN EVERY SENSE OF THE WORD! – Gabriel"

And there they were. Ang mga katagang lalo lamang gumugulo sa kanyang utak - in every sense of the word. Kung tutoo lang sana ang mga iyon, siya na ang pinakamasayang babae sa mundo. Yet, reality always intruded and her tiny bubble of bliss would always be pricked in an instant. Dahil alam niya kung ano ang tunay na pakay ng binata sa kanya. Ang masakit pa, hindi niya sinasadyang matuklasan ito. Naulinigan lang kasi niya ang pakikipag-usap ni Angelo sa telepono sa kapatid nitong si Miguel. Mabuti na rin at ganoon ang nangyari, kung hindi kasi ay baka tuluyan na siyang nalinlang ng kanyang nobyo, kuno.

Tandang-tanda pa niya ang bawat salita ni Angelo noong araw na iyon: "Miguel, alam kong alam mo ang tungkol sa betrothal ni Gabriel kay Louisa...Come on, bro, you're the one closest to him..Yes, yes. Pero halos ipagsigawan na ang tungkol doon ni Gabriel sa akin sa ospital...No, what I want to know is what he intends to do with her...It's nothing, no, no, I'm just curious...Louisa's a friend and I've always known about his dislike for Louisa before...yes, I know it's been a long time...but what does he intend...oh, I see. He feels honor-bound...obligated...So, plano na niya talagang pakasalan si Louisa?... But, wait...wait...what? What? On paper only?...Just to keep Papa happy?...Then it wouldn't be a real marriage after all..."

Dali-dali siyang umalis matapos ang huling sinabi ni Angelo. Ayaw na niya kasing marinig pa kung ano ang susunod na sasabihin nito. Hindi naman siya talaga nabigla sa narinig. She'd always known that Gabriel was not too fond of her (to put it mildly). What surprised her was the pain that the words 'on paper only' brought her – three simple words that slammed through her like a wrecking ball, breaking her already fractured heart into a million tiny pieces.

Pero kailangan niyang maging matapang kaya pilit niyang pinatatag ang sarili, binuo muli ang nadurog na puso at pinalibutan ito ng bakal at yelo. And just when she thought she had succeeded in barricading her heart, dumating naman itong si Gabriel and kissed her senseless. Matapos niyon ay nagibitiw pa ito ng mga salitang muling nagbigay ng pag-asa sa kanya, binabalik ang pangarap na gusto na sana niyang kalimutan. Kaya lalong naguluhan ang kanyang puso.

How could he kiss her with such sweetness if he was that cold-hearted? Bakit pilit pa siyang sinusuyo nito kung wala naman siyang balak na tutohanin ang kanilang kasal? At bakit pinapa-asa pa siya nito kung hindi naman niya intensyong maging tunay na asawa sa kanya? Bakit nagpapakahirap pa ito na kumbinsihin siyang may future ang kanilang relationship? Na magkakaroon sila ng isang relationship?

Tanggap na naman niya ang kanyang sitwasyon. Magiging si Mrs. Gabriel Montoya siya in a few months time, gustuhin man niya o hindi. Hindi na mahalaga kung ano ang tunay niyang nararamdaman. Only family, honor and duty mattered. Alam naman niyang ganun din ang sitwasyon ni Gabriel. Pareho nilang hindi kayang talikuran ang obligasyon sa pamilya kaya bakit pinagugulo pa nito ang lahat? Ano ba ang tutoong intensyon ng binata? Batid naman niyang pagdating kay Gabriel, hindi maaring hindi siya masaktan. Napaghandaan na niya iyon. Alam niyang kahit na manumbalik pa man ang kanyang dating nararamdaman para dito, hinding hindi naman ito susuklian ng kanyang mapapangasawa. And so she had prepared for war. But she was also a realist, a practical woman who preferred to enter the battlefield with all her faculties intact. Naturuan na niya ang kanyang taksil na puso, hindi na ito magpapadala pa sa ano pa mang nararamdaman nito para sa kanyang future husband. Nabarikadahan na niya ito at napatatag. She would enter this marriage with her mind in tow and her heart in distant exile. Pero ngayon, sinisira ni Gabriel ang lahat ng proteksyong itinayo niya sa palibot ng kanyang puso at nararamdaman niyang unti-unting lumalambot muli ito. Sumandal si Louisa sa upuan at isinara ang mga mata, hindi pansin ang luhang dahang-dahang dumadaloy sa kanyang pisngi.

Oh, Gabriel. How I wish I could understand you. Bakit mo ba kasi ginagawa ito? Bakit pilit mong ginugulo ang isip ko? You give me hope every time you touch me. Every soft look that you throw my way makes me believe that we have a real future together. Yet, every time I give in to that hope, it gets shattered by what really lies between us, ang katotohanang isa lang akong obligasyon para sa iyo, a duty to be fulfilled. Honor and duty, those are the only things that will bind us to each other, nothing more.

Isang mahinang tapik sa balikat ang nagpatigil sa kanyang pagmumuni-muni. Pinunasan niya ang gilid ng mga mata at saka bumaling sa katabi. Muntik na niyang makalimutang kasama nga pala niya si Matthew. Huminga ng malalim si Louisa at saka nginitian ang kaibigan, pilit na itinatago ang sakit na nararamdaman.

"Yes, Matthew, what is it?" magiliw niyang tanong sa kaibigan.

"We're here," tahimik na sagot ni Matthew.

Napabalikwas si Louisa sa kanyang kaliwa, halos malunok ang puso nang ang unang makita sa pagbukas ng gate ng Montoya compound ay ang kaniyang fiance na matipunong nakasakay sa isang itim na kabayo. Medyo magulo ang buhok nito dahil sa lakas ng hangin, ngunit sa halip na makabawas ito sa kagwapuhan ng binata ay lalo pa itong na-enhance. It gave him a roguish, devil-may-care look na sadya namang nagpabilis sa tibok ng puso ni Louisa. Muling napasandal ang dalaga sa upuan ng sasakyan at ibinaling ang tingin kay Matthew. Nakita siguro ng kaibigan ang panic sa mukha niya kaya marahan nitong tinapik ang kanyang kamay at nginitian siya ng may halong simpatiya.

"Don't worry, Louie. We're here for you. I'm here for you," ani Matthew.

Tumango si Louisa at ipinikit ang mga mata, pilit na pinapakalma ang sarili. Ten deep breaths should do it, bulong niya sa sarili. Pero ni hindi pa niya nararating ang pam-pitong bilang nang biglang bumukas ang pinto sa tabi niya. Matapos noon ay narinig niya ang tinig na kayang kayang magpanginig ng kanyang tuhod.

"Louisa," usal ni Gabriel.

And with just one word, halos malusaw na ang dalaga. Bakit ba ganoon na lang katindi ng epekto ng binata sa kanya? Paglinga niya dito, nakita niya na inaabot ng fiance ang kamay nito sa kanya, akmang tutulungan siyang bumaba ng sasakyan. Why was he acting so chivalrous to her? Then, she knew. It's showtime! Oo nga pala, oras na para magpanggap sa harap ng maraming tao.

Itinaas niya ang mga mata kay Gabriel at binigyan ito ng isang matamis na ngiti. Nakaramdam siya ng satisfaction nang makita ang pagkabigla sa mukha ng binata. Marahil ay inaasahan nitong sisimangot siya at tatanggihan ang alok na tulong.

"Good morning, Gabriel. Nice to see you again," sabi niya sa binata bago binigyan ito ng isang halik sa pisngi. "My future husband, in every sense of the word," bulong ni Louisa sa kanyang fiance na para bang nang-aakit.

If it's acting you want then I'll give you a performance you'll never forget.

Muntik mapangisi muli si Louisa nang makitang namula ang mukha ni Gabriel. She batted her lashes at him for one final blow then slowly retrieved her hand from Gabriel's. Matapos noon ay tumalikod na siya at marahang naglakad papunta sa loob ng bahay. Ni hindi na niya nilingon ang binatang naiwang nakangaga lang sa kanya.

Nakatulala pa rin si Gabriel nang dalawang malakas na tapik sa balikat ang halos nagpabalikwas sa kanya. Nang bumaling siya sa likuran, nakita niya si Matthew na nakangisi sa kanya na para bang nauunawaan ang kanyang pagkabigla sa nangyari.

"Hello, Gabriel. Don't worry, you'll get used to it," patawang sabi ni Matthew habang lumalakad palayo sa kanya.

Naiwang nakatayo si Gabriel na para bang wala sa sarili, stunned and speechless, wondering at how a wisp of a girl had demolished him completely, armed with nothing but a smile, a kiss and a tender promise of things to come.

**********

A/N: 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top