Chapter 12 - Baby Steps

A/N: Hey guys!  So, medyo napa-advance ang update ko this week.  I'll be busy tomorrow kasi, so I decided to upload this a day early.  At least, mapapa-aga ang pagsubaybay ninyo sa kwento nina Louisa, Gabriel and Angelo.  In this chapter, mas mauunawaan natin kung ano ang naiisip at nararamdaman ni Angelo para kay Louisa at kung ano ang balak gawin ng binata.  I hope you all like it :)

**************

About the Video:  Ito ang kinatatakutan ni Angelo mangyari pero sa ngayon, wala pa siyang magagawa tungkol dito.  Na-friendzone na nga kaya talaga si Angelo? Besides, cute ng video, di ba? 

Video Credits: "Friendzone" (Your Favorite Martian - iTunes); Uploaded by 'THIS PROJECT IS RETIRED' (Standard YouTube License applies)

***************

The next five days were peaceful if a bit strained for Angelo. Pinilit niyang hangga't maari ay iwasang makasama o makita si Gabriel. Madali naman itong gawin dahil abala ang nakakatandang kapatid sa pagtu-tour ng iba't ibang opisina ng kanilang kumpanya. Halos hindi na nga ito makabisita sa kanilang ama na naka-confine pa sa ospital. Kapag nagkakataong nag-aabot sila sa ospital, umaalis na lang agad si Angelo.

Masaya naman siya na nagbalik na sa normal ang relasyon nila ni Louisa sa kabila ng kanilang emosyonal (for him, anyway) na pag-uusap sa hospital lounge. Patunay ito ng matibay nilang pagkakaibigan na talaga namang na-appreciate ni Angelo. At least, he did not scare her off. Yun nga lang, dahil sobrang busy rin silang dalawa sa trabaho, halos hindi na rin sila nagkakaroon ng sapat na panahon para magkita kahit saglit man lang. Simula ng araw na iyon sa ospital, iisang beses pa lang niyang nakasama si Louisa - sa isang meeting sa hotel. Ni hindi man lang sila nagkaroon ng time para mag-lunch. Masyado na kasing busy si Louisa sa pagmo-monitor ng mga deliveries ng furniture para sa hotel. At dahil siya rin ang naging full-time Interior Designer nito, kailangan din niyang i-supervise ang final touches dito. Si Angelo naman ay abala din sa mga back-to-back meetings with his new staff and hotel personnel. Pero sa kabila ng lahat ng kanilang pinagkaka-abalahan, nagse-set aside pa rin siya ng time para tawagan si Louisa araw-araw, kahit na bago man lang siya matulog.

Alam niyang he's putting himself in a sticky situation, but he'd already fallen for Louisa long before he learned about that betrothal thing. At kahit anong pilit niya na tanggapin na lang ang bagay na ito at mag-move on na, hindi naman ito kayang gawin ng kanyang puso. Hindi niya kayang bitiwan na lang ng ganoon ang dalaga. Not until he'd spoken to his father and told him about his feelings for Louisa. Surely, if there was anyone who could give him a fighting chance with Louisa, it would be his father. Kailangan lang na maunawaan ng kanyang ama ang tunay na sitwasyon - na mahal niya talaga si Louisa.

Kaya ngayon, habang nakahiga siya sa kanyang kama at nakatitig sa mga bituing nakapintura sa kisame ng kanyang kwarto (hindi pa rin niya ito pinapa-alis kahit na alam niyang hindi na siya bata), sinusubak ni Angelo na mag-compose ng isang 'speech' na maari niyang iparinig sa ama sa oras na maka-recover ito ng tuluyan sa karamdaman. His father was already given a clean bill of health and would be discharged in the morning. Pero alam naman niyang masyado pang maaga para kausapin ang ama tungkol sa napaka-seryosong bagay na ito. Nevertheless, Angelo wanted to be prepared; one can ever know when an opportune moment would present itself.

Paano nga lang ba magsisimula at saan siya magsisimula? Sa tutoo lang, ni wala siya idea! Ni hindi nga niya alam kung kailan niya unang na-realize na nahulog na pala ang loob niya sa dalaga. He did not plan it, he did not anticipate it. It just happened. Para bang nagising na lang siya isang umaaga na in-love na sa 'fiancee' ng kanyang kapatid. Had she grown on him? Or had she always had a special place in his heart? Kahit noon pa man ay malapit na siya kay Louisa. Silang dalawa ang pinakamalapit ang edad kaya sila ang madalas na magkalaro noong mga bata pa sila. Hanggang noong High School ay nanatili silang magkaibigan. Medyo nawalan lang sila ng contact nang umalis siya patungo ng US para doon tapusin ang kanyang pag-aaral. Ngunit kahit na ganoon ang nangyari, hindi naman tuluyang naputol ang kanilang pagkakaibigan. Nang magkita kasi sila muli sa hotel, parang wala namang nangyaring paghihiwalay. Nagkuwentuhan sila na para bang kahapon lang silang huling nagkita.

Aminado siyang marami-rami na rin naman siyang mga naging ka-relasyon, lalo na noong nasa America siya. Pero hindi iyon kasing dami ng kagaya ng ibinabilita ng society press. Karamirahan doon ay haka-haka at tsismis lamang. Some were products of very fertile and rather malicious imaginations. Ang iba naman ay para lang sa publicity. No one ever knew, or probably even suspected, that he hated being portrayed as a ladies' man. Milya-milya ang layo nito sa katotohanan dahil ang tunay na Angelo Montoya ay isang pribadong tao, a man who detested being fawned over and pursued by women. Batid naman niyang ito marahil ay dahil sa kanyang hindi maitatagong Anglo-French-Spanish genes. Hindi naman siya conceited, alam lang niya kung ano ang tutoo at hindi, at tanggap na niya na wala na siyang magagawa kung sadyang habulin talaga ang lahi nila ng mga babae.

But there's always a limit to everything, and he had already reached his. He was tired of putting up with shallowness. Tired of living up to an image, of being someone he truly was not. Gusto lang naman niyang maging siya uli, plain and simple as that. Kailangan niya ng isang taong titignan siya beyond his looks alone. Isang taong magiging komportable siyang kumilos bilang si Angelo Montoya, isang simpleng binata. No pretensions, no expectations, no condemnation. At iyon ang nakita niya kay Louisa. Pwede niyang iladlad ang buong pagkatao niya sa dalaga ng walang pangamba o pag-aalinlangan.

Of course, sa umpisa, physical lang ang attraction niya sa dalaga. Kahit naman noong mga bata pa sila, alam na niyang maganda si Louisa. Marahil nga ay may crush siya dito noon. Ang hindi niya inasahan ay kung gaano pa kalaki ang igaganda nito paglipas lamang ng ilang taon. Halos huminto ang puso niya noong una niya itong nakitang pumasok sa kanyang Board Room. And it took him a while to remember na ang dalagang kaharap niya ay ang tinatawag nilang 'little tyrant Louie', ang batang kasama niyang umaakyat ng puno, kalaro niya sa lahat ng boyish games nilang magkakapatid, ang batang babaeng kayang-kayang inisin at ubusin ang pasensya ng kuya niyang si Gabriel.

Ironically, hindi ang kagandahan ni Louisa ang bumihag sa kanya. It was her personality that had ensnared his heart. Kung kumilos kasi ito, para bang ni hindi niya alam kung gaano siya kaganda, na sa isang ngiti lang niya ay kaya na niyang paluhurin sa harapan niya ang kahit na sinong lalaki. Para bang balewala lang sa kanya ang kanyang looks, hindi kagaya ng ibang babaeng nakilala ni Angelo na halos maubos na ang panahon sa pagpapaganda. Isa pa, Louisa has a sharp mind, a quick wit and a healthy sense of humor. At higit sa lahat, she has a deep sense of honor, duty and family.

Napangiwi si Angelo sa huling naisip. Kahit na sa tingin niya ay isa iyon sa mga assets ni Louisa, considering ang sitwasyon nila ngayon, ito pa marahil ang magdudulot ng pinakamalaking balakid para sa kanyan.

Pakakasalan ba ni Louisa si Gabriel dahil ito ang gusto ng ama para sa kanya? Uunahin ba niya ang duty and honor at isasakripisyo ang sariling kaligayahan?

Napapikit bigla si Angelo. Para kasing pinangungunahan niya ang sarili. Bakit namumrublema na siya tungkol sa kanilang dalawa ni Louisa gayong ni hindi niya alam kung ano binabalak gawin ng dalaga? Susunod ba siya sa magulang o lalabanan niya ang nakapintong pagpapakasal niya sa lalaking, ayon na rin sa dalaga, ay halos hindi niya kilala?

Tutoong hindi niya alam ang tungkol sa betrothal ni Louisa at Gabriel noong una siyang mahulog sa dalaga, pero ngayong alam na niya, dapat bang sumuko na siya? Tama ba na i-give up na niya ang pag-ibig niya para dito o mas dapat ba na ipaglaban niya ito?

Kaya ba niyang harapin si Gabriel at labanan ito para sa puso ng dalaga?

Kapag ginawa niya ito, sigurado siyang makakalaban din niya ang mga magulang at mga kapatid. Kakayanin ba niyang tanggapin ang galit ng mga ito?

Magagawa ba niyang i-contest ang betrothal ng kapatid kay Louisa considering na modern times na ngayon at hindi na uso ang arranged marriages?

Angelo shook his head as a sudden thought jolted him. Masyado siyang naging abala sa kanyang sariling nararamdaman at sa plano niyang pagpi-prisinta ng kanyang sitwasyon sa ama na nakalimutan na niya ang isang napaka-importatent bagay.

Ang pinakaimportanteng tanong ay: Kaya ba niyang paibigin si Louisa?

Now that was something that he should find out. ASAP!

At wala ng pinakamabuting panahon kundi ang ngayon para masubukan kung may puwang ba siya sa puso ng dalaga. Napabalikwas sa kama si Angelo at dali-daling kinuha ang kanyang cellphone. Dinayal ang numero ni Louisa at tahimik na naghintay na sagutin ito ng dalaga. Hindi naman siya nabigo dahil ilang ring lang at narinig na niya ang tinig na laging nagpapabilis sa tibok ng kanyang puso.

"Hello, Angelo! What's up?"

"Uh, wala naman. I just wanted to ask if you're doing anything tonight."

"Wala pa naman akong plans for tonight except stay home and take a look at my plants. I've really been neglecting them lately."

Natawa si Angelo. Mahal na mahal talaga ni Louisa ang kanyang mga halaman.

"They must've missed you terribly."

"Yes! They're missing mama's touch."

I miss your touch, he wanted to say. Pero siyempre, hindi niya ito sinabi. Hindi pa napapanahon para ipaalam kay Louisa ang mga ganoong bagay.

"Is it okay if I drop by your house tonight?" ang sinabi na lang niya.

Please, please, say yes, bulong ni Angelo sa sarili.

"Sure! That is if you like watching me trim unruly twigs and gnarly roots. It can be pretty boring," patawang sagot ni Louisa.

I'll never get bored watching you do anything, isip-isip ni Angelo.

"Oh, it couldn't be worse than what I'm doing now," sagot na lang niya.

"Which is what?" tanong naman ng dalaga.

Thinking of you, wishing you were here lying beside me staring at the stars on my bedroom ceiling.

"Staring at my bedroom ceiling," nakangiting sagot ni Angelo.

Narinig niya ang mala-musikang tawa ng dalaga.

"Wow! Pretty lame indeed! Okay, come on over here, then. Sasabihin ko na lang kay Nana Rosa na magluto ng masarap na hapunan. Have you had dinner yet?"

"I had a slice of pizza."

"Hindi 'dinner' ang pizza, Angelo. When you get here I'll feed you proper food."

Somehow, the thought of Louisa feeding him anything stirred something in him. And it wasn't his stomach.

"Uh, okay. But are you sure na okay lang talaga? Hindi ka napipilitan lang?"

"Duh! I asked you over, remember? Hindi ako napipilitan, I assure you."

"Okay, then! I'll be there within the hour."

"Great! See you later! Drive carefully, will you?"

Parang gustong lumipad ng puso ni Angelo sa pinakitang concern ng dalaga. Marahil ay may pag-asa pa siyang mapa-ibig ito bago pa mapapayag ng ama na magpakasal kay Gabriel.

"I will, I promise," nangingiting sagot ng binata.

"Okay. Bye! See yah!"

"Yup! Will be there shortly! Bye!" 

Nang matapos ang kanilang usapan, parang may kaunting pagsisising naramdaman si Angelo. Dapat sana ay naging mas charming siya. Mas marami pa sana siyang sinabi.

Ngunit batid din naman niyang hindi niya dapat madaliin ang panunuyo kay Louisa. Kailangan niyang magpasensya at maghintay ng tamang pagkakataon. He must not move too quickly or else he'll scare her away. Kailangang maingat na pag-planuhan ang bawat kilos niya.

Besides, he would be seeing her tonight and that's a step in the right direction.

One step at a time.

Small, baby steps.


****************

A/N:  Thanks for reading, guys!  In case hindi ako makapag-upload on Thursday, I promise to post a new chapter on or before Saturday.  Okay ba 'yun, mga friendship?  

O, ayan, nagpapakabait na ako, ha? Sana naman mag-iwan kayo ng comment at please, please, click on the star to vote.  Oks ba? Til next time mga beshies! 

Cheers! 

Liz

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top