Chapter 10 - Clarifications

A/N:  Sorry po kung medyo nabibitin kayo sa story.  I'll try to update at least twice a week.  Medyo mahirap din palang mag-translate from English to Tagalog! hahaha

Anyway, here is another installment.  I hope you all like it! This is for you @MariaTheresaCanque, dahil nabitin ka sa story. Hugs! 

***************

About the video:  Very close to what Gabriel is feeling right now.  Can you believe it?  The super-hunky, heartbreaker Gabriel Montoya feeling insecure? What gives? (Actually, the quirky dance number had me laughing soo freakin' hard...so, yeah...it's getting linked to this chappie lol)

Video Credits: "Insecure" by Shane (Standard YouTube license) 

**************

Everything went downhill after Gabriel's revelation. Nag-apologize muna ng husto si Angelo kay Gabriel bago ito humagalpak ng tawa. Tinawanan niya ang kapatid at ang sarili. Pagkatapos noon ay pinagtawanan naman nito ang sinabi ni Gabriel. Pero nang mahimasmasan na ito at mapansing hindi nakikitawa sa kanya ang dalawang kasama, saka lang niya napagtanto na hindi nagbibiro ang kapatid. Bakas sa mukha nito na hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi ng nakakatandang Montoya. Kalaunan, napalitan ito ng pagkagulat na nauwi sa galit kaya't daglian itong tumayo at tumalilis palabas ng suite.

Maging si Louisa ay hindi makapaniwala sa ginawa ni Gabriel. Halata sa mukha ng dalaga ang labis na pagkainis sa kasintahan bago ito lumabas din ng kuwarto at iniwang mag-isa si Gabriel sa munting dining table ng suite.

Ang hindi alam ng dalawa ay maging si Gabriel ay hindi mawari kung ano ang nag-udyok sa kanyang sabihin ang ganoong bagay sa nakababatang kapatid. He could not understand why he blurted his betrothal to Louisa in such a callous way.

Pakiramdam niya kasi ay parang sasabog ang dibdib niya kapag hindi niya napaalam agad sa kapatid na siya ang nakatakdang mapangasawa ni Louisa.

Not after he learned that Louisa was the girl that his brother was interested in.

Not after knowing that Angelo could easily steal her away from him.

Hindi niya talaga maipaliwanag kung bakit parang may kumukurot sa puso niya sa tuwing makikita niyang nginingitian ni Louisa ang nakababatang Montoya. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na na-attract siya sa isang babae (inamin na niya sa sariling attracted nga siya kay Louisa) pero ni minsan ay hindi siya naging possessive sa kahit na sino. Sa katunayan nga ay okay lang sa kanya noon kahit na alam niyang may kahati siya sa atensyon ng isang dalagang dine-date niya.

And it's not as if Angelo was actually flirting with Louisa before his very eyes. Nag-uusap lang naman silang dalawa. Isa pa, ni hindi nga niya alam kung aware si Louisa sa nararamdam ni Angelo para sa kanya.

But he knew.

And he also knew that it would not be difficult for Angelo to charm Louisa if he put his mind and heart to it. At iyon, malamang, ang dahilang kung bakit bigla siyang umarteng parang isang Neanderthal staking a claim on his woman. Sa sobrang gulo ng kanyang isip, hindi niya napansin ang dalawang pares ng mata na nakasilip sa likod ng curtained portion ng suite. Marahil ay narinig ng kanyang Mama at Tio Ramon ang nangyaring kaguluhan kanina kaya napiliting mag-imbestiga ang mga ito.

"What was that all about? Was that Angelo I heard guffawing like a jackass?" tanong ng kanyang Mama habang nakakunot ang noo na nakatingin sa kanyang basang shirt.

"Don't ask," napapa-iling na sagot ni Gabriel sa kanyang ina habang pinupunasan ang kanyang namantsahang shirt.

Napakunot lang uli ng noo ang kanyang Mama, ngunit hindi na ito kumibo at bumalik na lang sa kanyang Papa.

"O, nasaan na si Louisa?" tanong ni Ramon habang palinga-linga sa suite.

"They left for the hotel," sagot ni Gabriel. Tumayo ito para kumuha ng paper towels sa banyo. Habang papalakad papunta ng bathroom, bumaling ito sa ama ni Louisa.

"Tio Ramon, pwede ba tayong mag-usap sandali?"

"Sure. Let's go get something to eat. I need to have some fresh air, too. Your father is still sleeping anyway," sagot nito sa kanya.

"Okay. I know a nice place just across the hospital."

"Bueno! Let's go then!"

"Magpapalit lang po ako ng shirt. Good thing I left my carry-on here last night."

Matapos makapagbihis ni Gabriel, tumungo na silang dalawa sa kinainan nila nina Miguel noong dumating siya kahapon. Hindi siya makapaniwalang dalawang araw pa lang siya sa Pilipinas. This day was beginning to feel like a hundred years to him. Bago siya umuwi, siguradong sigurado na siya sa kanyang naging desisyon. Ipapalam niya sa kanyang Papa na hindi niya maaring pakasalan si Louisa, kahit pa alisan siya ng mana ng ama. Pero ngayon, parang tuluyan nang napalis sa isip niya ang bagay na iyon.

After that upsetting incident with the coffee, ni ayaw nang makakita ni Gabriel ng kape kaya umorder na lang siya ng iced-tea to go with an open-faced tuna sandwich. Si Ramon naman ay umorder ng chicken salad sandwich at lemon-iced tea.

After a few bites, hindi na mapigilan ni Gabriel ang sarili na tanungin ang kasamang ama ng kanyang mapapangasawa.

"Tio Ramon, alam ba ni Louisa ang tungkol sa aming betrothal?"

Napansin niyang medyo napangiwi si Ramon sa tanong na iyon.

"Yes. But I must apologize for my tardiness in telling her. I'm afraid she only learned about it yesterday."

Muntik nang mapanganga si Gabriel sa sinabi ng kanyang Tio Ramon. Paano nangyari ang ganun? Kung siya nga dose anyos pa lang siya ay alam na niyang may napili na ang kanyang mga magulang na mapapangasawa niya? Kung hindi alam noon ni Louisa ang tungkol sa kanilang betrothal, then she would've felt na malaya siyang pumili ng kahit na sinong maibigan niya.

Even Angelo! Somehow that thought made him queasy.

"Is Louisa seeing someone? I mean, since hindi niya alam ang tungkol sa aming engagement, she would not have felt constrained from having a...a..you know," Gabriel hesitated, parang bumabara sa lalamunan niya ang salitang 'boyfriend'.

Napatitig sa kanya ang ama ni Louisa, tila pilit na ina-analyze kung ano ang gustong sabihin ng binata. Malipas ang ilang saglit, napangiti ito sa kanya, malinaw na naunawaan na ang gusto talagang itanong ng kausap.

"Kung ang ibig mong sabihin ay kung may boyfriend ba si Louisa, ang sagot ko diyan ay wala. Sure, maraming nanligaw sa kanya pero wala siyang sinagot, kahit na isa. As far as I know, she never went beyond being friends with any of them," Kumagat si Ramon ng kanyang sandwich at humigop ng tea bago nagpatuloy. "Mabuti rin naman at ganoon ang nangyari. Imagine the complication it would've created if she did. I would've broken not only her heart but the guy's as well kapag sinabi ko sa kanilang naipangako ko na si Louisa sa iyo."

For some strange reason, that statement calmed Gabriel's nerves and brought him deep satisfaction. Pero may isa pa ring bagay na bumabagabag kay Gabriel.

"How long has Louisa been working with Angelo?"

"Around two months, I think. Why do you ask?"

"Wala naman po. Curious lang ako."

Ilang sandali rin siyang tinitigan ng ama ni Louisa bago ito bahagyang napangiti.

"Nag-alala ka ba na baka may namamagitan na sa dalawa?"

Hindi nakaimik si Gabriel. Kahit gusto niyang malaman ang tutoo, takot din siyang marinig iyon. Pero parang nahulaan naman ng Papa ni Louisa ang iniisip niya kaya tumango na lang siya. Ngumiti si Ramon at tinapik siya sa balikat.

"Wala kang dapat alalahanin doon. Sa tingin ko, kaibigan lang talaga ang tingin ni Louisa kay Angelo. Alam mo namang kahit noong mga bata pa kayo, si Angelo ang pinakamalapit sa kanya. Sila ang laging magkalaro at si Angelo lang ang nakakatagal sa kakulitan ni Louisa."

Bahagyang nakahinga ng maluwag si Gabriel sa sinabi ng kanyang Tio Ramon. Maaring mali ang paniniwala ng ama ni Louisa, pero ayaw niyang isipin ang ganoon. Mas pinili niyang panghawakan ang assurance nito na walang ibang nararamdaman si Louisa sa kapatid niya kundi pagkakaibigan lang. Hindi niya kasi alam ang gagawin kung sakaling higit pa doon ang pagtingin ni Louisa kay Angelo.

"Maybe I'm just reading too much into things. Mas kilala ninyo si Louisa kaya mas naiintindihan n'yo siya."

Napabuntong-hininga si Ramon. "Gabriel, pasensya ka na kung hindi ko agad nasabi kay Louisa ang tungkol sa inyong dalawa. Hindi ko lang talaga kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya o kung saan ako mag-uumpisa. Noong una kasi, kami dapat ng kanyang Mama ang magsasabi sa kanya kapag nagdalaga na siya. Pero..." Napalunok si Ramon, isang malungkot na ngiti ang namutawi sa mga labi nito.

"It's okay, Tio. Nauunawaan ko kayo," sambit ni Gabriel. Batid naman niyang namayapa na ang Mama ni Louisa kaya ang Papa na lang nito ang mag-isang nagpalaki sa dalaga.

"Besides, you know how she is – so independent and headstrong," natatawang sabi ni Ramon. Napangiti na rin si Gabriel dahil sadyang naga-agree siya sa sinabi ng kausap.

"I have a pretty good idea what you mean, Tio," ani Gabriel.

Nagkatawanan ng tahimik ang dalawa. Matapos ang ilang sandali, dinapuan na naman ng curiosity si Gabriel tungkol sa kanyang future wife. Gusto lang niyang malaman kung tama ang kanyang hinala.

"And how did she react when you told her about it, by the way?"

Muling natigilan si Ramon at marahang humigop ng iced tea, nakatingin sa binata na para bang tinitimbang ito. Sa tutoo lang, Ramon was thinking of sugar-coating his answer but looking at Gabriel's unyielding expression alam din niyang hindi niya maloloko ang binata. In the end, he opted for the truth.

"As expected – with thunder and lightning! And a flash flood of sorts."

Tumango si Gabriel at bahagyang napangiti.

So, as I suspected, she did not take it very well either. Too bad. She'd just have to re-think her position and get used to the idea of being my wife. Because I sure as hell am not backing out of this engagement now. 


***********

A/N:  Hey, hey! Thanks for reading.  Please don't forget to leave a comment.  And please...please, vote naman po if you like this story.  Your votes keep me going! 

Much love to y'all!

Liz

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top