XLII
May 15 at 4:00 PM
Mon Dly:
Anong ginagawa mo sa quadrangle? Bakit di ka pa umuuwi?
Lianna:
Talas ng mata ah. Where are you?
Mon Dly:
Pauwi na sana kaso napansin kitang nakaupo mag-isa.
Lianna:
Hinihintay ko lang si Louise. Nagpapahintay eh. May bibilhin lang daw siya sa university store.
Mon Dly:
Ah sige. Ayos ka lang diyan? 'Di na kita mababantayan, pinapauwi ako ng maaga ni Mama.
Lianna:
Ok lang. Mag-ingat ka pauwi.
Ngayon ko lang napansin, bakit trip mo ata magtagalog? Nung isang araw ka pa ah.
Mon Dly:
Ingat ka rin.
Baka lang mas komportable ka talaga sa tagalog. Napag-usapan natin nung Sabado 'di ba? Saka naalala ko sabi mo dati mas ramdam mo ang mga emosyon kapag tagalog ang gamit na salita. Hindi pa lang tayo masyadong malapit noon kaya nahihiya ako😅
Lianna:
Ok lang naman. I think I'm actually getting better at English because of talking to you.
Mon Dly:
Then I'm glad to be of service, Madam.
Lianna:
Loko! Ay, nasabi ko na ba sa'yo na plano kong kumuha ng English language tutorial ngayong summer break? It's a practice for our thesis defense. I've always been poor at speaking English😭
Mon Dly:
That's good. Gusto mo ako pa magsanay sa'yo eh. Video call tayo araw-araw HAHHAHA
Lianna:
Ayaw mo ngang magpakita at magsalita tuwing nag-aaral tayo ng sabay sa call eh.
Mon Dly:
After finals, promise.
Lianna:
After finals ano?
Mon Dly:
Basta.
Lianna:
Nasan ka ulit ngayon?
Mon Dly:
Nasa labas na ng school. Why?
Lianna:
Dumaan kasi si Rj sa harap ko.
Mon Dly:
What about him?
Lianna:
I haven't told you, but last Monday, I saw him taking the pizza I bought for you. Naalala ko rin na nabanggit niya ata isang beses nung second sem ng 1st year, habang nagpakilala siya sa klase, na nagtatrabaho siya bilang call center agent.
Tell me the truth, Mon. Are you him?
Mon Dly:
No, Lia. I promise to tell you who I am after the exams.
Lianna:
You're not lying?
Mon Dly:
I won't ever lie to you, even with my last breath.
Lianna:
That's cheesy HHAHAHA. Sige na. Nandito na si Louise. Take care!
Mon Dly:
Be safe😊
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top