VII - The Zom-Pit

Unio's Pov

"Ang ating Solar System ay binubuo ng pitong planeta, ito ay ang Mercules, Vernes, Sabado, Ling-- de joke lang.." Sabi ng teacher namin habang nakatayo sa harap ng klase. "Ang pitong planeta na ito ay ang Mercules, Vernes, Erthra, Marspautang, Sunternn, Uracist at Nephewns."

"Ang ating planeta, which is the Erthra, ay binubuo ng limang kontinente. Kasama sa limang ito ang Ashniaa, Euruoft, Norsuth Afferisia, at ang Glacia.." Pagtigil nito at tumingin sa bawat isa sa amin. "May nakakaalam ba sa isang bansa na sakop ng Ashniaa?"

"Ma'am, Phlipines!" Sagot ng isa naming kaklase habang nakataas ang kamay at pagkatapos ay pinalakpakan siya ng aming guro.

"Magaling, tama iyan Shiemeru. Isa ang Phlipines sa sakop ng Ashniaa, ang bansa kung saan tayo kasalukuyan na naninirahan."

At makaraan ay natapos na ang aming klase at oras na ng uwian.

"Unio.."

"Oy bakit, Riene?" Tanong ko.

"Itatanong ko lang sana kung anong balak mo nitong uwian."

"Ah 'yon ba, balak ko kasi na maglaro ng Minecraft pagkauwi at hanggang sa abutin ng gabi."

"A-ah, kasi hindi ba may pinagawa na project si Ma'am Sam. Iniisip ko lang baka gusto mong.. tayo nalang ang magsama." Tanong niya ngumiti sa akin. Kung sabagay, wala pa rin naman akong napagtanungan kung sino ang pwede kong makasama.

"Sure." Maikli kong sagot at matapos ay nagpaalam na kami sa isa't-isa.

Agad naman akong nakauwi at laking gulat ko na makita ang ate ko at ang kaklase nito sa sala.

"A-Ate?"

"U-Unio? A-ang aga mo naman umuwi!" Sabi nito at nagkahiyaan kami bago nagsalita si Ate.

"N-nagluto nga pala si Ray ng meryenda, gusto mo tikman?"

Natigilan ako sa sinabi niya at tinitigan silang dalawa.

"Mamaya na, palibhasa ikaw nakain mo na 'yong meryenda mo e." Pilyo kong tugon na ikinapanlaki ng mata niya.

"Ano?!"

"Magbibihis na ako, Ate. May bakas ka pa sa gilid ng labi mo, pakipunasan naman." Huling sinabi ko at iniwan sila na mga tulala sa gulat.

--

Zevia's Pov

"#069, Sta. Salcedo, Virginia.. Hayun!" Sabi ni Esor at itinuro sa akin ang isang building sa hindi kalayuan kaya nagpasya kami na pumaroon.

"GCA Corporation.." Pagbasa ko mula sa pangalan na nasa taas nito.

"Halika na, pumasok na tayo!" Sigaw nito at dali-dali na kami pumasok sa loob at agad kong napansin na ang daming tao.

"Umakyat tayo sa taas." Sabi niya at sinundan ko ito hanggang makarating kami sa parang pinakamagandang view para makita ang mga naghaharap sa arena.

"Mga minamahal naming mga tagasubaybay, inihahatid namin sa inyo para sa aming main event! Ang pakikipaglaban ng tugon sa tanong na, pera o buhay!" Sabi ng parang announcer na payat na may hawak ng mic at dahan dahan na binuksan ang gate sa areana.

"Mula sa mga pamilya ng mga patay gutom at ang walang kinatatakutan na hangal, Kisami!" Pagpapakilala nito sa isang lalaki na nasa baba, payat ito ngunit makikita mo na batak ang mga muscles nito sa katawan.

Kasunod naman nitong ipinakilala ang isang malaking mama na may suot na kadena sa kamay at paa, may gulanit na damit at tila ba naglalaway.

At tinawag niya itong Amaw.

Nagsimula na ang laban at ganoon din ang sigawan ng mga manonood. Tila nasa harap sila ng telebisyon at normal lang sa kanila ang kanilang nakikita.

"Amaw! Amaw! Amaw!" Sigawan nila habang unti-unting sumisirit ang dugo mula sa katawan ni Kisami.

Hindi ko na kinaya ang pagpapatuloy ng paglalapastangan sa katawan ng kapos-palad na binata at inilibot ko ang aking paningin sa ibang lugar.

"Nag-eenjoy ka ba, magandang binibini?" Usal ng isang lalaki na nakasuot ng tuxedo at dilaw na salamin. Mataas itong nakatingin sa akin habang may kasamang dalawang babae.

"Madami kang pagpipilian na pupustahan dito sa aking sabungan."

"Sabungan na pang tao, nakakasuka." Tugon na ikinabigla nito.

"Ganoon ba sa tingin mo? Halika sa kwarto ko at may ipapakita ako sa iyo. Mia, Pia, maaari ninyo ba muna kaming iwan?" Sabi niya at nagtungo kami sa isang silid na may kulay asul na pintuan.

Pagpasok namin ay napakaaliwalas ng paligid at may isang malaking salamin kung saan makikita mo ang lahat.

"Heto ang mga tao na nagmakaawa lamang upang makapasok sa sabungan ko." Sabi nito at itinuro sa akin ang isang grupo ng tao sa labas. "Mga palamunin na dukha."

At habang nagsasalita ito ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng awa sa mga tao.

"Hindi naman sila pinilit, sila ang kusang lumapit sa amin. Sino ba naman kami upang tanggihan ang kanilang kahilingan na makatulong sa pamilya nila?" Sabi nito at ngumisi na tila ba nakaloloko.

"P-pero hindi ito ang dapat ninyong ginagawa, wala bang pumipigil sa inyo?"

"Nagsasayang ka lang ng panahon mo kung iniisip mo na may pakiealam ang mga pulis sa aming mga ginagawa, kami ang gumagawa ng pera at ang perang iyon ang nagpapalamon sa kanila."

"Isa pa, sino naman ang may matinong pag-iisip ang susubok na bumangga sa amin? Nasa amin na ang lahat, kayamanan at ang kalayaan."

Nakakasuka.

"Bumalik ka kung sakali na magbago ang isip mo at gusto mo na maging asawa ko, palaging bukas ang aking kamay para sa mga gustong guminhawa!" Sabi nito bago kami tuluyang umalis.

"Anong iniisip mo ngayong gawin, Zevia?" Tanong sa akin ni Esor habang nasa loob ng taxi.

"Ang ikinakatakot ko lang sa ngayon ay ang lumala ang sitwasyon, sana lang ay may kung sino tayong pwedeng hingan ng tulong." Sagot ko.

--

Pag-uwi ko ay agad akong dumiretso sa aking kwarto upang makapagbihis.

Nakahiga ako sa aking kama at nag-iisip, hanggang sa isang boses mula sa labas ng pintuan ang katahimikan sa loob.

"A-Anak, kumain ka na ba?" Tanong ni Helen at dahan dahan na binuksan ang pintuan.

"Busog ako." Maikling tugon ko at pumasok ito na may bitbit na isang tray na naglalaman ng ilang kasangkapan sa pagkain.

"Nagdala ako ng kanin at sabaw para sa iyo, mukhang napagod ka sa araw mo." Sabi nito at inilapag niya sa maliit na lamesa ang hawak nito.

"A-Anak." Pagtawag niya ngunit walang sagot na lumabas mula sa bibig ko. "Mahal ka ni mama."

Nanatili akong nakatingin sa malayo habang pinipigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.

"A-alam mo naman na tayong dalawa na lang ang magkasama, patawarin mo na ako. Kahit alang-alang na lang sa ama m-"

"Tumigil ka na, hindi na siya babalik! Wala na ang lahat, wala na si papa at lahat na iyon ay dahil sayo!" Sigaw ko kasabay ng pagtangis.

Hindi ko lubos maintindihan ngunit hindi ko maiwasan.

Ang sakit.

Walang sinuman ang nagsalita sa pagitan naming dalawa kaya masama man ang loob ko ay tiningnan ko ito.

Umiiyak habang nakaupo sa kama.

Kulang pa ang lahat ng iyan.

"Ku-kumain.. kumain ka nalang kapag gusto nagutom ka, m-maghuhugas lang ako ng pinggan." Sabi niya habang hinahawi ang luha sa kanyang pisngi at lumabas ng kwarto.

Sa pananatili ng katahimikan, hindi ko maiwasan na lumipad ang isip ko sa kung saan saan.

--

Unio's Pov

"Nakatunganga ka na naman, laway mo tumutulo oh.."

"Unio.."

"Unio!"

*Pak*

"Aray!" Sigaw ko habang hawak ang pisngi kung saan niya ako sinampal. "Bakit ka ba nananakit ha, Reine?"

"E tulala ka kasi, kanina pa kita tinatawag para sa password ng wifi ninyo para sana sa project natin." Paliwanag niya habang nagkakamot sa batok.

"chup41nm0q, all small letters." Sagot ko at agad naman niya tinype.

"Ano pala ang iniisip mo kanina? Mukhang masyadong malalim 'yan ah, bawal ba natin hukayin?" Tanong nito.

"Wala naman." Maikling tugon ko ngunit sa totoo.. meron.

Iniisip ko lang kung ano ba ang nangyari kanina.

Ang weird.

"Anong oras ka uuwi?" Tanong ko sa kaniya at napatingin ito sa orasan.

"Nagpaalam ako na male-late ako ng uwi, pero baka mga alas-nuyebe uuwi na rin ako." Nahihiya nitong sagot sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top