IX - Another Fall
Someone's Pov
"So ang sinasabi mo, napatumba na ninyo si Ac? Mabuti, para hindi na siya maging tinik pa sa lalamunan natin."
"Kung nakita mo lang kung paano ang naging ekspresiyon ng mga mukha nila ng Jerick na iyon nang bigla akong nagbaba ng isang tumpok ng zombies sa tindahan niya."
"Mabuti iyan Khien, sa ngayon wala na ngayong makakaalam sa mga plano natin. Uminom na lang tayo, mukhang kanina pa naghihintay ang alak na pinakuha ko." Pag-uusap ng tatlo habang nakaupo sa maliit na sofa.
"Kanina ka pa ba diyan?" Maangas na tanong sa akin ng lalaking nakasuot ng jacket.
"Halos kararating ko lang rin." Sabi ko habang bitbit ang isang maliit na timba na naglalaman ng alak.
"Buksan mo na at nauuhaw na kami, ayusin mo at kung hindi ay isusunod ka rin namin sa mga niligpit namin kanina. HAHAHAHA!"
"Khien manahimik ka, huwag mo masyadong ipagyabang iyan at baka makarma ka."
"Eh bakit ba namamakielam ka, Nyx? Wala namang magagawa itong waiter na ito para pigilan ako lalo na at dala ko itong baby ko." Sabi no'ng Khien at agad na bumunot ng baril at itinutok sa noo ko. "Bang! Hahahaha!"
"A-ako na po ang magsasalin ng alak ninyo." Sabi ko at nginitian ko ang mga ito.
"Baliw ka talaga oo, Khien. Tinatatakot mo naman ang napakagandang binibini na ito, halika nga sa kandungan ko upang malasap mo ang sarap na hahanap-hanapin mo." Sabi ng isa pang lalaki na humihithit ng tabako at hinila ako papalapit sa kaniya. "Tawagin mo akong Aki.. hmm, ang bango mo."
"N-nahihiya ako, Aki."
Nakakasuka.
"Ayos lang 'yan miss, mamaya hindi mo na iisipin ang hiya na iyan kapag nasa kama na kita."
"Hoy anong kama mo? Kama natin, HAHAHA!" Sabi no'ng Khien at itinabi ang baril nito at nag-inuman silang lahat ng alak.
"Edi kung ganoon, bakit hindi pa natin simulan ngayon." Sabi ko na gaya ng inaasahan ay ikinagulat nila.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Apat.
Lima.
Mukhang hindi ako mahihirapan sa kanila.
Agad kong pinadausdos ang kamay ko mula sa mukha ng lalaki pababa sa pantalon nito.
"Aba pare, ang swerte mo! Maaga-aga mo yatang mararanasan ang langit."
"Mukhang master yata mga pare."
"Ako na rin isunod mo, Miss Beautiful." Kantyawan ng mga lalaki hanggang sa maalis ko na ang zipper ng pantalon ng isa.
Tamang-tama lang ang pagkakataon.
"Mamatay ka na!" Usal ko at bumunot ng isang baril mula sa ilalim ng lamesa at pinaputukan ito direkta sa kaniyang gitnang parte.
Mabilis akong gumulong papunta sa malayo at sunod-sunod na nagpaputok ng baril sa kanila na tila hindi makagalaw sa nangyari.
"S-sino ka?!" Utal na sabi ni Khien habang naghihingalo sa sahig.
"Ako lang naman ang anak ng dalawa sa mga taong itinumba ninyo, sila Jerick at Shamito."
"Ca-Cath?!"
"Isusunod ko na ang amo ninyo, magsasama-sama rin kayo sa impyerno." Huling sinabi ko at isang putok ng baril ang naiwang umalingawngaw sa loob ng restaurant.
--
Yuri's Pov
"Malapit na ba tayo? Naiihi na ako."
"Heto ang bote ng C2, tutok mo na lang."
"Kadiri ninyo naman yowo, HAHAHA."
"This trip is so exciting!"
"Pwede ba na manahimik muna kayo? Nagko-concentrate 'yung tao oh." Galit na sabi ni Lennon habang nagda-drive.
Kasalukuyan kasi kaming nasa biyahe dala nang malaman nito ang kinaroroonan ni Xenon. Magmula kasi nang mawala si Cyrine ay kasama na rin itong parang bula na nawala na lamang.
"Basta, I'm still be fine as long na kasama ko ang lalaking mahal ko." Sabi ng babae na mukhang niyog na kasama ni Ray. Nakayakap ito sa balikat niya na lubhang ikinainit ng mukha ko.
"Ang ilong mo mare, umuusok." Bulong sa akin ni Zyndel at sinundot ako sa tagiliran gamit ang daliri nito.
"Ano ba hehe, nakakahiya." Tugon ko.
"Ate, may pagkain ka ba diyan?" Sabi naman ng asungot mula sa likuran ko.
"Ah yes Unio, kunin mo na lang diyan sa cooler sa likod ang Fuji Barr ko." Sabi ni Zyndel with matching smile smile pa.
"Bakit nga pala ulit nasama ka sa road trip na ito, 'di ba hindi ka naman pinayagan ni mama?"
"Pumuslit ako, alangan naman na pababain ninyo pa ako 'di ba? Hehehe." Pang-aasar na tugon nito at dumila sa akin.
"Andito na tayo." Usal ni Lennon at isang malaking itim na gate ang bumungad sa amin.
Laking gulat ko na lamang nang automatic itong nagbukas at isang napakagarang mansiyon ang nakita ng mga mata ko.
"Mas malaki pa sa bahay ko."
"Mas malaki 'ka mo sa bahay nating lahat." Sagot ni Lennon matapos magsalita si Unio.
"Quite same just as our house in States." Sabi naman noong Callista at napahinto kami sa tapat mismo ng pintuan sa harap ng mansiyon.
"Sabi sa akin ng babae na iyon dito ko na lang siya hintay-"
"Magandang araw, ikaw ba si Lennon?" Pagbati ng isang napakagandang dalaga mula sa labas ng bintana ng sasakyan.
Pareho naman na mga nakanganga na tulala ang tatlong lalaking kasama namin.
Agad akong napatingin sa reaksiyon ni Zyndel at laking gulat ko na napanganga rin ito sa habang nakatingin sa babae.
"A-ahh e-eeehh, ah-ahhh." Utal na sabi ni Lennon kaya't wala na akong naisip na paraan kung hindi ay ako na mismo ang makipagusap.
"Patawarin mo sana ang mga manyak kong kasama, ako nga pala si Yuri."
"Ako si Nami Ichinose, nice to meet you."
"Nice to meet you too, sila nga pala sina Lennon, Zyndel, Callista, Ray, at ang kapatid ko na si Unio." Saad ko at pagkatapos ay malugod nito kaming pinaunlakan na pumasok sa loob ng bahay.
Huwaw, omaygams!!!
Napakalaki naman ng sala nila.
Nalulula ako sa laki.
"Malaya kayo na maglibot sa bahay, nakakahiya naman kung hindi ninyo masulit ang pagkakataon ngayon pa na minsan lang rin ako magkaroon ng mga butihing mga bisita." Saad ni Nami at yumukod ito sa amin bago umalis.
"Gala ako, ate." Bulong sa akin ni Unio habang hinihila ako sa mini-skirt na suot ko.
"Magtigil ka Unio, kararating lang natin pinapakita mo na agad ang attitude mo. Bakit hindi mo na lang gayahin magbehave ang mga kuya Ray at kuya Lennon mo." Pag-awat ko at lumingon sa likuran ko ngunit wala akong nakitang mga tao at kahit sina Zyndel at Callista ay nawala na rin.
"Nasaan sila?"
"Kanina pa sila naglibot, ang daldal mo kasi kaya hayun iniwan na tayo."
--
Lennon's Pov
"Ang laki naman."
"Ah sa tingin ko hindi tayo dapat humiwalay sa iba." Sabi ko habang nakakapit sa braso nito.
"Shhh, babalik rin tayo mamaya."
"Paano si Xeon?"
"Oo basta maglibot muna tay-"
"Hinahanap ba ninyo ang kaibigan ninyo?" Sabi ng isang matandang lalaki. "Halika, ihahatid ko na kayo sa kanila."
--
Blaze's Pov
"Magandang umaga, kayo siguro ang mga kaibigan ni Nami?" Tanong ng isang may katabaang babae. "Ako si Ezmeralda Reeves, pero pwede ninyo akong tawagin na Inang Ezme. Ako nga pala ang tagapag-alaga ni Nami."
"Hello good morning Inang, I'm Callista po and this is my pitches, Blaze."
"Napakagandang dalaga, halina kayo sa kwarto upang makita na ninyo ang kaibigan ninyo. Sabi nito at dinala niya kami sa isang kwarto at doon ay agad namin na nakita si Xeon na nakahiga sa kama.
May benda ito sa ulo habang may ilan na mga aparato na nakakabit sa kaniya.
"Kamusta po ang lagay niya?" Tanong ko habang dahan-dahan na lumalakad palapit sa kaniya.
"Sa huling pagtingin namin sa lagay niya ay bumubuti na ang kaniyang mga galos." Sagot ng matanda hanggang sa makuha ng atensyon ko ang kapansin pansin na pagtindig ng mga ugat ni Xeon sa balat.
"Ano ito?" Tanong ni Callista nang tila napansin rin nito ang kalagayan ng kaibigan niya.
"T-teka.. Pa-paanon-?" Gulat na sabi ni Inang at agad na nilapitan si Xenon. "Nami!"
"Nami!"
"Inang?" Sabi ni Nami na pumasok mula sa pintuan kasama sina Yuri at Unio. "Anong nangyari?"
"Ang ama mo, nandito siya!" Sagot nito na ikinabigla ni Nami.
"Hindi maar-" Putol na sabi ni Nami nang bigla namang gumalaw mula sa higaan nito si Xeon.
Nanlilisik ang mga mata at naglalaway.
"Lumayo kayo!" Sigaw ni Inang at agad naman namin na sinunod na siyang kasabay ng paglundag ni Xeon sa kaniya.
Nagbuno sila habang tulala sa gilid sina Nami at Unio.
"Anong maaari naming gawin para makatulong?" Tanong ni Yuri.
"Hindi malabo na nalaman na ng ama ni Nami ang pagdating ninyo, mabuti pa ay hanapin ninyo ang iba pang mga kasama ninyo bago pa mahuli ang lahat!" Sagot ni Inang at sa hindi namin inaasahan ay nakagat na pala ito sa braso.
''Inang!"
"Ackkk! Umalis na kayo, ako na ang bahala rito! Pipigilan ko siya hanggang kaya ko, ang mahalaga ngayon ay mahanap ninyo ang ama mo!" Sigaw ni Inang Ezme habang nakatingin kay Nami. "Ngayon na!"
"Tara na!" Sabi ni Yuri at mabilis kaming tumakbo sa labas at isinarado niya ang pintuan.
"M-maaaring nasa basement sila, doon lang nilalagay ni Papa ang mga nahuhuli nito para pag-eperimentuhan." Sabi ni Nami kaya agad kami nitong dinala sa basement at marahil hindi nga kataka-taka dahil kakaiba ang paligid.
--
"So hinahanap mo ang mga kaibigan mo, Nami?" Sabi ng boses mula sa isang lalaki na nakasuot ng lab coat. "Hindi ko inaakala na pauunlakan mo akong dalhan ng mga bagong lab rats para sa aking mga experiments"
A-ano?!
Lab rats?
"T-tumigil ka na, P-papa! Wa-wala nang kabuluhan ang lahat ng ito."
"Sa ganitong paraan lamang tayo mabubuhay, kailangan ng ilang mga magsa-sakripisyo para magtagumpay ang isang bagay."
"Kaya ba dinamay mo si Inang at ako, ako na sarili mong anak? B-bakit?"
"Hindi mo maiintindihan.." Sagot ng ama ni Nami at nag-usap lamang ang dalawa, tumingin ako kina Yuri at Callista at halatang mga kinakabahan din sila.
"Kailangan na ninyo sila na iligtas ngayon, hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya kayang pigilan." Bulong sa akin ni Nami.
Tama siya.
Kailangan namin maialis dito sina Lennon bago pa may masamang mangyari.
"Isusunod ko na rin ang mga kaibigan mo at pinapangako ko sa iyo na pagkatapos nito ay magiging maayos na ang lahat." Saad ng lalaki habang dahan-dahan ko naman na sinusubukan na gumawa ng paraan.
"At saan mo naman balak pumunta, binata?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top