II - The Protector
Yuri's Pov
"Miss Eurydyce Stanford, you're late!" Bungad na sabi sa akin ni Mrs. Leviste habang nagsusulat sa blackboard bagay na hindi ko mapigilan ang panliliit sa kadahilanan na nakatingin sa akin ang lahat sa klase.
"Narinig ko na magdamag daw 'yan naglaro ng minecraft kaya na-late."
"We? Baka nagwattpad lang, gan'on naman kadalasan 'yong mga ginagawa ng mga single ngayon, hindi ba?"
"Kawawa naman siya." Bulong-bulungan ng ilan sa mga kaklase ko habang nakayuko akong naglalakad papunta sa aking upuan.
"Mare, good morning." Sabi sa akin ni Zyndel na nakaupo sa bandang likuran ko. Napalingon ako rito at napansin ko ang bakanteng upuan sa tabi nito.
"Nasaan si Cyrine?" Tanong ko na ikinapagisip niya at dahan dahan na dumikit sa akin.
"May mga sabi-sabi na Lq daw sila ng jowa niya mula ng matalo ito sa laban nila kagabi. Nagkagulo rin daw dahil d'on sa isang lalaking nagwala at sa tingin ko ay malaki ang magiging epekto nito para sa grupo ng Holt's." Ani nito na hindi ko lubos na maiintindihan. "Magtanong tanong ka nalang sa iba, tiyak na mas marami silang nalalaman dahil sila mismo ang nakakita.. kung papaano 'di umano pinagkakagat nito ang mga nanonood ng laban."
"Sige salamat, mare."
"Ms. Utsukushi, Ms. Stanford! Mukhang maganda ang topic ninyo diyan, gusto ninyo bang kayo na ang pumalit sa akin dito!" Sabi ni Ma'am habang nakahalukipkip ang kamay nito.
"Hindi po, pasensya na po Ma'am Rhizzana."
--
"Nakakatakot 'yung nangyari kagabi no?"
"Oo nga sis, grabe even though like I woke up like this. Omg! That really weirdo guy is sooo crazy."
"Balita ko na nagpapagaling pa raw yung mga sugatan sa hospital at hindi na maipaliwanag yung mga itsura. As in so lala talaga." rinig ko sa mga babae sa loob ng Cr habang ako'y nasa gitna ng aking pagko-concentrate sa tawag ng kalikasan.
"You know what, para talagang gan'ong ganoon 'yung mga napapanood ko sa mga horror movies."
"As in, mapapasabi nalang ng.."
"Parang sinasapian ng masamang espiritu!" sabi nila in trio.
Ayy wow ha!
"Tara na nga umalis na tayo, kinikilabutan ako lalo ngayon nandito tayo sa cr." huling sinabi ng isang babae at nagtatawanan silang umalis sa loob habang ako ay naiwan at patapos na rin sa aking ginagawa.
Bakit ba bigla akong natakot na maiwan mag-isa dito?
Pagkatapos ko ay naghugas muna ako ng kamay at dali daling lumabas upang makapag lunch na. Naglalakad ko sa corridor habang nakatingin sa librong binabasa ko, nang hindi ko inasahan na may nabunggo akong isang malaking poste. Aray ko naman!
Tumingin ako sa poste na tinamaan ko at laking gulat ko nalang na hindi pala anumang parte ng gusali ito.
Kung hindi ay katawan ng isang matangkad at matipuno na lalaki.
"A-ayos ka lang ba, Miss?" malumanay na sabi nito at yumukod upang tingnan ang lagay ko. Ang pogi naman nito.
"Wait parang pamilyar ka, nagkita na ba tayo dati?" tanong nito na ikinapagtaka ko. "Teka, ikaw yung si cute na nakabangga rin sa akin kahapon, yung babaeng may ganiyang salamin."
Bigla naman nagsink-in sa akin ang naganap kahapon.
Oo nga pala!
"Dalawang beses na tayong nagkikita at dalawang beses ka na rin nababangga sa akin, you're so clumsy." sabi nito na ikinairita ko. Wait, iniinis niya ba ako?
"Sorry 'wag mo sana isipin na nilalait kita, I just wanna compliment you. Hindi ka kasi kagaya ng ibang mga babae na hindi totoo ang ugali."
Compliment nemen pele eh, ikew telege yuri eng ene ene mo.
"Nakakatawa lang kasi kanina pa ako nagsasalita pero ang ginagawa mo lang is titigan ako, baka malusaw na ako niyan." sabi niya na ikinapanlaki ng mga mata ko. Whattt?!! Ako? Tinititigan siya?
"Gusto mo ba na sumabay na sa akin para mag-lunch? Don't worry sagot ko na, para rin makabawi ako sa kahapon. Payag ka?" tanong nito at ngumiti sa akin na lubhang nagpakaba sa akin. Omaygams Yuri, is des rel?
"S-su-sure." at yan nalang ang tanging naisagot ko.
Naglakad kaming magkasama papuntang cafeteria at ramdam ko na pinagtititnginan kami ng lahat. Nakikita ko na puno ng galit at inggit sa mga mata nila, bagay na hindi ko maunawaan kung bakit.
"Ano pala ang gusto mong kainin?" sabi niya.
"K-kahit sandwich at saka mineral water nalang."
"Okay mis-?"
"Y..Yuri."
"What a nice name, I'm Ray." sabi nito bago kami nakarating sa Cafeteria, pinakisuyuan niya ako na humanap ng lamesa na pwedeng pag-kainan bagay na sinang-ayunan ko.
"Siya ba yung bagong girl na napapabalita na dine-date daw ni ano?"
"Oo, hindi mo ba nakita na sabay sila dumating sa Cafeteria. Baka sila na."
"Bakit naman papatulan ng campus crush ang isang nerd na katulad niya."
"So pathetic."
Yan ang ilan sa mga usapan na narinig ko habang naglalakad ako papunta sa bakanteng lamesa na nakita ko hanggang sa..
"You, Desperate nerd!" Sigaw ng isang pamilyar na boses ng babae habang hawak ako sa aking buhok.
"Z-Zevia! A-a-anong ginagawa mo? N-nasasaktan ako."
"You're dating with my future boyfie and who you think you are, Bitch?!" Boyfie? Sino?
"You will regret on walking with Blaze!" sabi ni Snoue na ikinagulat ko. Huh? Blaze? Saan at paanong..
"Let go of her!" sigaw ni Ray na nagpatigil sa dalawa. "You two, get off to my girl!" dagdag pa nito at binitawan ni Zevia ang pagkakahawak sa akin.
"But Bla-"
"Enough!" galit na sabi nito. "Umalis na kayo sa harap ko bago ko pa kayo isumbong kay Principal Ace K.O!"
"F-fine, but hindi pa rito nagtatapos ang lahat. Nanalo ka lang ngayon nerd pero babalik ako para tapusin ka at yang gayuma na pinainom o ano pa man para makuha mo siya." sigaw ni Zevia bago umalis ng Cafeteria.
"O-oo nga, Che!" maikling sabi ni Snoue bago sumunod kay Zevia.
"Ayos ka lang ba?" tanong nito habang hawak ang napisat na sandwich at mineral water na inorder niya para sa akin.
"A-ayos lang hehe, m..mukhang ikaw nga yata ang hindi. 'Yong pagkain ko kasi.." sagot ko at napatingin siya sa hawak nito.
"O-o-ohh! Sorry, hindi ko namalayan. Babawi nalang ako, ibibili kita ng bag-"
"H-huwag na Ray, a-ayos na sakin 'yan. Nakakahiya, naabala pa kita." putol ko sa sinabi niya na sinang-ayunan naman nito at umupo na kami pareho.
Habang kumakain ay nakikita ko sa paligid na hindi parin maiwasan na pagtinginan kami ng mga tao. Sabagay sino nga ba naman ang may balak na i-date ang isang katulad ko.
Tama naman si Zevia.
"Hey, are you okay?" tanong nito habang kumakain ng kanin. Tumango lang ako bilang tugon.
"Iniisip mo parin ba 'yong nangyari kanina?" dagdag nito.
"H-hindi, inisiip ko lang kasi Ray. Ano ba talaga ang mga nangyari kagabi?"
"Ah kahapon hmm, nagkaroon kasi ng kaguluhan habang naglalaro ng basketball. Pagbalik ko mula sa Cr ay nakita ko nalang na nagtatakbuhan na 'yong mga tao dahil yata sa lalaking nag-amok sa gitna ng court. Balita ko pa nga sabi ng ilang mga nakakita, may mga hindi umanong kinagat ito at agad na isinugod sa hospital sa malubhang mga pinsala na tinamo nila."
"Ang iba'y may kagat sa braso, leeg, balikat at tagiliran."
*Phone Rings
Si mama.
"Hello po, Ma. Napatawag po kayo?"
"H-hello anak, gusto ko lang kamustahin ka."
"Ayos lang naman po Ma, kumakain palang po ako nang Lunch ngayon. Kayo po kamusta?"
"Ah ayos lang din naman anak, pauwi na sana ako kaso biglang tumawag ang hospital at may kukunin daw na bangkay ng mga namatay mula sa insidente kahapon sa eskwelahan ninyo."
Patay na?
"Sinabi ng doktor na nagkaroon ng malalang inpeksiyong ang mga bangkay dala ng hindi maipaliwanag na virus yata 'yon."
"Nasabing tatlo sa apat na sugatan ang namatay at ang isa ay tumakas sa kadahilanan na wala ng lunas ang sakit nila. Ang tatlong namatay ay may tanda ng mga sugat sa leeg, balikat at tagiliran."
"Anak, nandiyan ka pa ba?"
"O-opo Ma."
"Ah sige anak baka nakaistorbo na rin ako babalik na sa pagtatrabaho si Mama, basta mag-iingat ka palagi. Mahal na mahal kita."
"M-mahal na mahal din po kita, Ma." huling sinabi ko bago ko tuluyang ibinaba ang tawag.
"Ang cute ninyo sigurong panoorin na dalawa kung personal kayong magkakausap." sabi ni Ray na tapos na rin kumain.
"H-hindi naman kami gaano nakakapagusap dahil busy din kaming pareho sa mga pinagka-aabalahan namin." tugon ko at ilang sandali pang paguusap ay natapos na rin ang Lunch break at oras na upang bumalik kami sa kaniya kaniya naming silid-aralan.
"Grade 12 ka na pala, kaya pala hindi kita nakikita sa ibang mga section." sabi Ray at ngumiti lamang ako rito. "Grade 11 palang kasi ako, ABM."
"Maganda 'yan basta pagbutihan mo, salamat pala sa lunch." sabi ko at ngumiti kami pareho sa isa't isa.
"Walang anuman 'yon, basta sa uulitin."
"Sige, pero next time ako naman ang manlilibre. Hahaha."
--
Zyndel's Pov
Yowo nagka-Pov ako.
Yowo.
"Babe." sabi ng isang napaka-gwapong binata sa buong universe na nasa harapan ko. Ang babe kong umiigting ang panga, uwu.
"Kanina ka pa nakatulala, ayos ka lang ba?"
"Iniisip ko lang kasi si Cyrine, mahal. Hindi siya pumasok today at never naman 'yon umaabsent ng hindi man lang nagsasabi sa amin." sabi ko.
"Baka naman busy lang o may biglaang pinuntahan kaya hindi na nakapagsabi." tugon niya ngunit hindi parin maalis sa isip ko na maaaring may nangyaring masama na sa kaniya. "Ganito nalang, gusto po puntahan natin after lunch?"
"Aabsent din tayo?" tanong ko at tumango lang ito. "S-sige, mag-aayos lang muna ako. Hintayin mo ako rito."
Agad akong nagtungo sa Cr upang makapagbawas na rin. Mga ilang saglit pa ay lumabas na ako at saktong naroon na sa labasan si Lennon.
"Tara!" Masigla kong sabi ko at sumakay sa motor nito. Dumaan na rin kami sa bakery na paboritong pinagbibilihan ni Cyrine ng tinapay para sa kaniya. Tiyak na magugustuhan niya ito.
Pagkarating namin ay agad akong bumaba at dumiretso sa pintuan ng bahay nila Cyrine, at d'on ko nalang napansin na tila hindi ito nakalock at kataka taka ang katahimikan ng bahay.
"Cyrine?! Nandiyan ka ba? Si Zyndel to, Mare. May pasalubong kami para sayo." sabi ko pagkapasok sa loob ng kanilang bahay.
Napakagulo ng bahay at may bakas ng dugo sa mga pader.
Kumpirmado, may hindi magandang nangyari.
Tumakbo ako at umakyat sa hagdan upang pumunta sa kwarto ni Cyrine ng mapansin ko na nakakandado ito.
"Cyrine." pagtawag ko ngunit walang sumasagot mula rito.
Wala na akong choice kung hindi ay ang sirain na ang pintuan.
Agad kong sinipa ang pintuan at gaya ng inaasahan ko ay hindi rin maayos ang mga gamit sa loob. Bagay na hindi hahayaan ni Cyrine.
Hanggang sa may marinig ako na boses ng tila umiiyak sa sulok sa kwarto..
"C-Cyrine?!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top