I - Yuri's Premonitions

Yuri's Pov

Run.

"Diretso lang, huwag na kayong lilingon!"

"Kami na ang bahala dito Yuri, umalis na kayo!"

"Humingi kayo ng saklolo sa taas, pababagalin namin sila!"

'Yan ang mga huling salitang narinig ko mula nang magsimula ang pandemyang hindi namin inasahan na balak umubos sa aming lahat.

Puro lang kami takbo at wala kaming ibang maasahan kung 'di ay umiwas sa mga zombie at makakarating sa lugar kung saan kami makakakuha ng tulong mula sa itaas.

Sa gobyerno kung saan kami ay pinabayaan, sa lugar ng kawalan ng pag-asa.

Ito na nga ba ang katapusan?

Dito na ba matatapos ang lahat ng aming mga pinaghirapan?

Kailangan namin magpatuloy sa pagtakbo.

--

"Yuriii!" Sigaw ni Cyrine na nagpabalik sa akin sa katinuan. Ano bang nangyari?

"Kanina ka pa diyan lutang, pinag-uusapan lamang natin 'yung Train to Busan movie. Tulo laway ka pa nga e." Sabi naman ni Zyndel habang kumakain.

Lunch break nga pala.

"Ang astig kaya no'ng scene na nagsikapit-kapit na 'yung mga zombie sa train."

"Ay oo hahaha yowo. Nakakaiyak lang din do'n sa parte na pamatay na rin 'yung bida sa bandang huli."

Patuloy lang sila sa pag-uusap habang hindi ko parin lubos na maiintindihan kung ano ang nangyayari sa akin.

That's weird.

Siguro kulang lang ako sa kain. Tama, baka gutom lang ako.

Kumagat muna ako saglit sa aking sandwich bago mapansin ang dalawang naggagwapuhang kalalakihan na palapit sa kinauupuan namin dito sa cafeteria.

"Babe. Mahal." Sabay nilang sabi at niyakap ang dalawang dalaginding na katabi ko. Aba, sana all no!

"Mga jowa ninyo?!" Tanong ko at nagkatinginan muna silang dalawa bago tumawa na tila ba mga nang-aasar.

"Mare pinapakilala ko nga pala sayo, si Xeon." Sabi ni Cyrine at nakipagkamay naman ito sa akin.

"Xeon Parker at your service." Sabi niya at ngumiti sa akin.

"At heto naman mare ang lovable boyfie ko na si Lennon Holt, kilabot ng Section D." Pabirong sabi ni Zyndel at gaya ni Xeon ay nakipagkamay rin sa akin, huli ko nalang nalaman na may mga pagka-maskulado pala ang mga pangangatawan nila.. at 'yong mga panga, shettt! Umiigting parang kagaya sa mga nababasa ko.

Mukang alagang wattpad ata tong mga nakuha ng mga bestfriends ko.

I wonder kung ano kaya yung size no'ng..

Ay gagi ka Yuri ang dumi dumi mo mag-isip shemay.

"Pareho silang lumaki sa mayamang pamilya, si Lennon ang panganay na anak ng isang kilalang manager ng sikat na bangko sa Sta. Fe." Sabi ni Zyndel na sinundan naman ni Cyrine.

"Yes, at unico iho naman itong si Xeon ko ng isang butihing farm owner dito sa atin. Nabalitaan mo na siguro ang Casa Parker, sila lang naman ang nagmamay-ari n'on. Mapapa-sana all ka nalang diba?"

At agad naman silang nagtawanan.

See? Minsan hindi ko nalang alam kung mga kaibigan ko ba talaga 'to o pinagtitripan na lang nila ako eh, Hahaha.

"Attention all students, tapos na ang lunch break. Enough na sa mga naghaharutan sa Cafeteria at magsipasok na kayo para sa next subject ninyo." sabi ng boses mula sa speaker sa itaas.

"Oh siya sige babe mauna na kami, punta na kami sa room." sabi ni Zyndel at humalik sa pisngi ng "boyfriend" nito, samantalang yung dalawa naman is hindi mapaghiwalay sa pagyayakapan.

Nasaan nga pala yung pamalo ko sa mga mahaharot?

"Gaano na ba kayo katagal?" tanong ko sa kanilang dalawa patungkol sa mga boyfriend nila na nakasalamuha ko kani-kanina lamang.

"It's been, 2 weeks na din." "Same."

What?!

"So two weeks ninyo na pala tinatago sa akin na may mga boyfriend na pala kayo?! Eh kung pagkukurutin ko kaya kayo sa singit ha. Ang daya ninyo naman!" sabi ko na kunwari ay nagtatampo.

"Ay hala si Mare yowo haha, sige na kami na bahala ireto ka mamaya."

"Oo nga, and I guess na bagay na bagay kayong dalawa." sabi nila bago kami tuluyan na pumasok sa classroom.

"Good afternoon, Ma'am Rhizzana."

"Good afternoon."

--

"Uwian na putangina!" sigaw ng isang kaklase namin habang nag-aayos ng gamit. "Nakakapagod, pero buti nalang maganda parin ako."

"Zevia, manonood ka ba ng liga ngayon? Balita ko laban daw ng team ng Holt Brothers mamaya." sabi ni Snoue habang nakatingin sa salamin nito.

"Syempre naman then binabalak ko na yayain siya lumabas mamaya pagkatapos ng game, as if naman makakatanggi siya sa isang diyosang katulad ko." sagot niya with matching posting pa.

"H-hoy nerdy, anong tinitingin tingin mo diyan?" sabi ni Snoue nang mahuli akong nakatingin. Hala.

"W-wala, makikiraan lang sana kasi naglilinis yung tao." tugon ko at tumabi ito saglit ngunit sa hindi ko inaasahan matapos kong makaraan ay ang tulak mula sa likod dahilan para mapasubsob ako sa upuan na siyang ikinatawa niya.

"Iniisip niya yata na magkakaroon rin siya ng pagkakataon para makita si Fafa Blaze."

"Hayaan mo na siya, Snoue. Minsan maski ang mga mabababang uri ay naghahangad rin makasungkit ng bituwin. Tara na, umalis na tayo." huling sinabi ni Zevia bago sila tuluyang umalis sa loob at naiwan ako kasama pa ang ibang cleaners na walang magawa kung hindi ang manood na lamang.

"Ang sakit ng braso ko." bulong ko habang naglalakad palabas ng campus. Gaya ng inaasahan ay madaming tao ang pupunta ngayon dahil lalaro ang sikat na magkapatid na Holt. At tama kayo ng narinig dahil si Lennon ang isa sa mga tinutukoy ko na kasamang lalaro mamaya.

Kaya ako iniwan nila Cyrine kanina upang maagang makapag-ayos para sa laro ng boyfriend nila.

Pero wala naman akong pake kasi wala rin naman akong kainte-interes sa panonood ng mga lalaking naka-short habang nag-aagawan sa isang bola para lang matira.

Bola. Matira. Sana all.

At dahil sa medyo lutang ang isip ko sa nangyari kanina ay hindi ko namalayan na nakabunggo na pala ako ng 'di umano sa isang Adonis na siyang ikinalaglag ng panty este salamin ko. Hindi ko ba nasabi na may weird eyeglasses akong suot para mas makakita ako ng mas maayos?

"H-hey ayos ka lang ba?" sabi nito at agad na dinampot ang salamin ko sa sahig at iniabot sa akin. Agad kong inayos ang sarili ko at tiningnan ng mabuti ang nabangga ko. Ang pogi nya shett.

"A-a-ayos l-ang ako, p-pasensya na."

"Nasaktan ka ba? May masakit ba sayo?" Oo nasagi mo ang fallopian tubes ko.

Umayos ka Yuri. Dalagang filipina!

"A-ahh eh okay lang ako, s-ige mauuna na ako. Baka h-hinahanap na ako sa amin." sabi ko at agad na tumakbo palayo.

Muntik na yon.

Akala ko hihimatayin na ako.

Bakit ba biglang uminit?

Ang weird ng araw na ito.

--

*Stanford's Residence

"Nandito na ako!" masiglang sigaw ko pagkarating sa aming bahay at agad naman ako sinalubong ni 17Xynch at masayang umiikot sa akin habang nag-aalis ako ng sapatos.

At kung magtataka kayo kung ano si 17Xynch, aso po siya oo aso po.

Itanong ninyo nalang kay Author bakit ganoon yung naisip niya na pangalan.

"Sapakan ey, sapakan. Owshieeettttt!" sigaw ng boses mula sa sala na tila ba naglalaro ng online games.

"Gsgu nabuhay sama ng loob ko diyan." dagdag pa nito ata agad naman ako tumakbo upang tingnan kung sino ito.

"Bulaga!" sabi ko at agad naman napatalon sa gulat si Unio na ikinatawa namin pareho.

"Sino ba ang kaaway mo, bakit parang seryoso ka masyado diyan?" sabi ko at tumingin sa computer. Naglalaro pala siya ng Minecraft, tapos hindi man lang nag-aaya ng ate niyang expert.

Expert tumakbo sa mga Zombies.

"Mga bata, aalis na ako. May hapunan na ako diyan, initin niyo nalang kung gusto ninyo." Sabi ni Mama habang hawak ang briefcase nito na naglalaman ng mga gamit niya. "Baka alaskahin ulit ako ng lalaking iyon kapag huli na naman ako nakarating."

Hanggang sa isang pagtunog ng doorbell ang narinig namin mula sa gate at agad naman itong binuksan ni mama.

"Merry Christmas, Hannie!"

"Happy New Yer." masungit na mukhang tugon ni mama na ikinatawa nila pareho bagay na hindi ko maintindihan. Matatanda talaga ngayon, ang bababaw na ng kaligayahan.

"Mang Yer!" sabi ni Unio at agad naman may iniabot si Mang Yer sa kaniya. Isang malaking box na kung hindi yata ay naglalaman ng regalo.

Akmang aalugin na sana niya ito nang pabirong inawat siya nito at sinabing. "Dahan dahan lang sa pag-alog baka sumabog 'yang bomba na nasa loob."

"Nga pala Hannie, naparito ako para sabihin na sakin ka na sana sumabay kasi papunta palang rin ako kasi kinailangan ko pa asikasuhin ang mga bata." sabi nito at agad namang sumangayon si mama at umangkas sa motor nito bago tuluyan na umalis.

"Ate, ano nga pala ulit yung trabaho ni mama?" Inosenteng tanong ni Unio.

"Nag-iembalsamo ng bangkay sa punerarya diyan sa bayan."

"Ah okay, paturo naman gumawa ng stick sa Minecraft. Nakakasawa na gumamit ng Netherite sword."

"Sige."

--

"Iligtas mo na ang sarili mo, Yuri."

"Hindi maaari Ray, Mahal kita!"

"Madami ka pang makikilalang iba."

"Ray!"

"Rayyy!!!"

"RAYYYYY!!!!!"

"ATEEEEE!" sigaw ni Unio kasabay ng isang malamig na tubig na bumuhos sa mukha ko.

"A-anong nangyari?!" gulat na sabi ko.

"Nanaginip ka, kanina pa kita ginigising pero mukang napasarap ata yung tulog mo dahil sa kagabi."

"Ano bang mayroon kagabi?" tanong ko habang unti-unti parin nagloloading ang utak ko.

"Remember naka-ilang rounds pa nga tayo, pagod na pagod na nga ako pero parang ang wild mo pa kagabi. Sagad pa nga hanggang batok yung ngiti mo eh." sabi nito na ikinapanlaki ng mga mata ko sa gulat. H-h-hanodaw?

Rounds? Wild? Sagad?

Shocks!

Gagi ka Yuri anong kapangahasan ginawa mo sa kapatid mo?!!!

"I-i-ikwento m-mo nga, a-a-anong nangyari?" tanong ko.

"Remember naglaro tayo kagabi.."

*Flashback

"A-ate may creeper sa likod, baka namatay si Gil!" tensiyonadong sabi ni Unio habang naglalaro at nakatayo sa loob ng bahay nito na hindi makatulog.

"Ibigay mo na ito kay Ate, ako nang bahala." sabi ko at kinuha ang mouse ng computer at gumawa ng sneak attack para makaiwas sa mga zombies sa paligid.

"Run!"

"Faster!"

"Ohh yes!"

"Ate!"

"Ang sarap!" sabi nito at binatukan ko nang napakalupet.

*End of flashback

"Nga pala late ka na rin pala para pumasok, 7:30 na." sabi pa nito na lalong nagpabilis sa tibok ng puso ko na agad na nagpabangon sa akin. Ahhhy.

Lagot ako nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top