Chapter 6

LUMIPAS ANG ILANG araw, pero hindi pa rin talaga ako pinapansin ni Desa. 

Mukhang malalim nga talaga ang tampo niya sa 'kin. Gusto ko sanang pabayaan na lang talaga, kaso parang naaapektuhan din kasi ako dahil alam kong ako 'tong may kasalanan.

Gustong-gusto ko na siyang kausapin para mag-sorry kaso hindi talaga ako makalapit sa kanya. Kapag nakakasalubong ko siya sa resort, ang bilis niyang umiiwas. Hanggang tingin lang tuloy ako.

"Tsk." Humigpit ang kapit ko rito sa manibela ng kotse habang nagda-drive.

"Oy, ayos ka lang?" tanong naman sa 'kin nitong si Arkhe na kasama ko ngayon.

"Ayos lang."

"Ayos lang, eh bigla-bigla kang nagsasalita."

Napakunot ako ng noo. "Nakakapikon lang kasi. Hindi pa rin ako pinapansin ni Desa. Ang tagal niyang magtampo."

Natawa siya. "Langya, 'yan pa rin pala iniisip mo? Kung hindi ka ba naman kasi isa't kalahating gago. Inaway mo, eh."

"Nakaka-guilty na nga. Alam mo bang 'pag nakakasalubong ko 'yon sa resort, bigla na lang 'yong mag-iiba ng daan para iwasan ako? Minsan sinusungitan pa ako ng tingin. Parang elementary na inaway ng kaklase ang puta."

"Sabi ko naman kasi sa 'yo 'tol, mahinhin 'yon. 'Yang mga ganyang mahihinhin, sensitive 'yan."

"Sobrang sensitive nga." Bumuntong-hininga ako. "Gusto ko ngang i-text."

"O hindi i-text mo."

"Hindi ko alam number."

"'Yon lang. Dapat kasi kinuha mo muna bago mo inaway.

Tiningnan ko siya nang masama. "Aso ka ba, brad?"

"Aso? Bakit?"

"Ulol ka eh!"

Ang lakas ng tawa niya! "Pikon ka na naman. Wala na, hindi ka na papansinin no'n kahit kailan. Galit na 'yon sa 'yo. Na-turn off na, 'tol. Tapos magsusumbong 'yon kay Rex, tapos paaalisin ka na nila sa resort."

"Eto ka, o." Tinaasan ko siya ng gitnang daliri. "Ang lakas mo pang manggatong tangina mo ka. Pagkatapos kitang ipagmaneho ro'n sa pupuntahan mo."

"Oy bayad na ako sa 'yo, ah. Pina-gas-an ko na 'to."

Hindi na ako sumagot. Ngumisi na lang ako sabay hithit sa yosi ko at buga ng usok sa labas ng bintana. Naninigarilyo ako habang nagmamaneho. Nakalabas ang kamay ko rito sa bintana. Si Arkhe rin, naninigarilyo sa kabila.

"Kung ako sa 'yo, brad," tuloy niya. "Mag-sorry ka na lang kay Desa. Tutal, kasalanan mo rin naman."
"Oo, alam ko na 'yon. Kaso pa'no nga ako magso-sorry? Iniiwasan nga ako. Hindi ko malapitan kahit saglit."

'"Yan na 'yong gawan mo ng paraan. Kung gusto mo, kargahin mo na lang. Dalhin mo sa bahay mo, itali mo sa kama, tapos tsaka ka mag-sorry."

"Eh hindi mas lalong nagalit sa 'kin 'yon!"

"Ang importante, nakapag-sorry ka."

"Gago ka talaga! Kahit kailan wala sa ayos 'yang mga payo mo. Wag ka na nga lang magsalita! Hindi ka naman nakakatulong."

"Sige, ganito na lang. Sulatan mo na lang din siya ng love letter."

"Tangina ginawa mo pa akong babae. Bumaba ka na nga lang d'yan sa kanto niyo. Ang labo mong kausap hayop ka. Hindi na kita ihahatid sa bahay niyo. Didiretso na ako sa resort."

Tinawanan lang ako ng kumag. "Oh, ba't dadaan ka pa sa resort? Hindi ka na lang dumiretso sa FRANCO. Akala ko may naka-schedule kang kliyente mamayang alas-tres?"

"Mayro'n nga. May kukunin lang ako sa bahay. Nakalimutan kong dalhin kanina."

"Maniwala ako sa 'yo. Ang sabihin mo, gusto mo lang makita si Desa."

Napangiti ako pero pinigilan ko. "Tangina ka talaga. Hindi."

"Hindi raw. Magpakabait ka na kasi 'tol, para hindi ka nakakahanap ng katapat mo. Ayan na sana, oh. Matinong babae na 'yan, kaso ang gago mo talaga. Inayawan ka na naman tuloy."

"Anong pinagsasabi mo d'yan. Bumaba ka na nga."

"Mahal mo na ba, brad?"

"Ano?"

"Mahal na mahal mo na ba siya? Mahal mo na yata, eh."

"Gago."

"Halatang-halata ka kasi, 'tol. Mula Cavite hanggang dumating tayo rito sa Batangas, madalas mong nasisingit pangalan ni Desa. Para kang babae. Nakakatulog ka pa ba? Baka hindi ka na nakakatulog n'yan."

Tinigil ko na 'tong sasakyan sa kanto nila. "Putangina mo, bumaba ka na."

Ang lakas naman ng tawa niya sa 'kin bago niya tinanggal ang seatbelt niya at bumaba. "Sige, salamat! Ingat ka. Wag mo masyadong isipin si Desa. Mahal ka pa rin no'n."

Hindi na ako sumagot. Pinaandar ko na ulit 'tong kotse. Tangina, minsan talaga napapaisip ako kung paano ko naging kaibigan 'yong kupal na 'yon. Walang kaming matinong usapan 'pag siya ang kasama ko, tsk.

Bigla na tuloy akong tinamad dumaan sa resort ngayon. Didiretso na nga lang ako sa shop.


MABUTI NA LANG at maaga-aga akong nakauwi. Wala akong masyadong kliyente sa FRANCO ngayong araw. Mga ala-sais, nakabalik na ako rito sa resort.

Hindi naman muna ako dumiretso sa bahay. Pinarada ko 'yong sasakyan ko tapos pumunta muna ako sa tindahan sa may tabi. Umuulan nga, buti may trapal dito sa tapat.

Tinawag ko 'yong tindera. "Miss."

Nagpa-cute naman agad sa 'kin. Inipit pa ang buhok niya sa likod ng tainga niya.

"Hi! Anong gusto mo? Hindi ako pwede ha, may boyfriend na ako, eh."

Tangina, napangisi ako. "Wag kang mag-alala, hindi kita type. Gusto ko 'yong mga itsurang 12 years old."

Umasim ang mukha niya. Bigla pa akong tinaasan ng kilay. "Ano ba kasing bibilhin mo?"

Natawa ako, ang sungit na. Tumungkod ako rito sa maliit niyang tindahan. "Gusto ko ng chocolate. Ano'ng pinakamasarap niyong chocolate?"

Napaisip siya tapos tsaka dumukot sa isang garapon. Inabutan niya ako ng isang piraso. Tinanggap ko muna para basahin kung anong klaseng tsokolate 'to.

Kumunot ang noo ko. 'Langya ano 'to! "Beng-Beng?"

"Oo, masarap 'yan. May wafer sa loob."

"Anong klaseng pangalan 'to. Pambata naman yata 'to."

"Pambata nga 'yan. Paborito 'yan ng mga batang nagsi-swimming dito. Palagi nga 'yang nauubos, eh."

Tangina, natawa na lang ako. "Sige, pwede na rin. Parang bata rin naman 'yong pagbibigyan ko." Tumingin ulit ako sa tindera. "Bigyan mo nga ako ng isa pa."

Inabutan niya naman ako ng isa pang Beng-Beng, tapos binayaran ko na. "Siguraduhin mo lang na masarap talaga 'to ah."

"Oo, masarap nga 'yan."

"Kapag ito hindi masarap, babalikan kita." 'Yon na lang ang sinabi ko, tapos umalis na.

Binuksan ko 'tong isang Beng-Beng para tikman kung masarap nga talaga, tapos 'yong isa, binulsa ko.

Ibibigay ko 'yon kay Desa para hindi na magalit sa 'kin tsaka para pansinin na ako. Ngayon na lang ulit ako bumili ng chocolate para sa babae. Hindi ko nga alam kung mahilig ba siya sa gano'n, pero bahala na. Basta ibibigay ko 'yon sa kanya. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top