Chapter 24

HINDI AKO MAPAKALI habang papunta sa lumang perya na tinukoy ni Grant.

Nanginginig ako. Hindi ko inakalang mangyayari 'to, tangina para akong binabangungot! Kaninang umaga lang, pareho pa kaming excited ni Desa sa date namin, tapos ngayon nasa masamang lagay na siya.

Tangina, hindi ko mapigilang hindi mapraning sa kaiisip! Nagdidilim na nga ang paningin ko kanina pa. Pakiramdam ko kasi isang minuto lang na mahuli ako, mapapahamak na talaga si Desa. Hindi pwede. Iniisip ko pa lang ngayon na matutuloy ng kupal na 'yon ang balak niya, parang nadudurog na ako. Mapapatay ko talaga siyang hayop siya!

Pagkarating ko rito sa perya, walang katao-tao.

Napansin ko lang 'yong lumang imbakan sa may dulo. Kinutuban ako kaya do'n na ako dumiretso agad. Nanggigigil ang kamao ko, gusto ko nang manapak! Alam kong nangako ako kay Desa na hindi na ulit ako makikipag-away, pero puta iba 'to. Handa akong makipagpatayan sa kahit na sino, mailigtas lang siya.

Tumuloy ako ng pasok sa loob.

Puro nakatambak na mga bakal pati kahoy ang nandito. Sobrang init din tangina kaunti na lang parang impyerno na. Madilim pa, pero kitang-kita ko si Grant na nakapwesto sa isang maliit na mesa at naninigarilyo.

"Ang bilis mo, ah." Sumilip siya sa orasan niya bago tumayo.

Lalo naman akong nanggigil sa angas ng pagmumukha niya. Kupal talaga, nagagawa pang mag-relaks! "Nasa'n si Desa?"

Ngumisi lang siya sabay hithit sa yosi bago 'yon initsa sa sahig.

"Utu-uto ka pala?" Lumapit siya sa akin nang natatawa. "Naniniwala ka ba talagang hawak ko 'yang si Franco? Wala siya dito. Nasa 'kin lang ang cellphone niya. Tatanga-tanga kasi 'yang girlfriend mo. Hindi alerto. Ang bilis ko tuloy nakuhanan ng gamit." Sinuksok niya sa bulsa 'yong pinakita niyang cellphone sa akin.

Pumikit ako nang mariin sabay gigil ng panga.

Tsk. Oo, kahit papa'no nabawasan 'tong bigat ng dibdib ko kasi hindi naman pala talaga niya hawak si Desa. Kaso tangina niyang gago siya, nang dahil sa ginawa niya, hindi tuloy ako makakasipot sa date ko!

"Alam mo, kayang-kaya ko naman talagang dalhin 'yang syota mo dito," dagdag pa niya. "Pero hindi ko ginawa. Mas trip kong ikaw muna ang mapuruhan ko."

Ah. Ako pala ang mapupuruhan, ah. Susugurin ko na sana siya para makabawi na ako agad sa pangse-setup niya sa akin, pero natigilan ako kasi naramdaman kong parang hindi lang kaming dalawa ang tao rito sa lumang imbakan.

Lumingon ako sa likuran.

May tatlong lalaking palapit sa akin. Nagpapatunog pa ng buto sa kamao 'yong isa, samantalang 'yong kasamahan niya, may kapit na bakal na tubo na pinaglalaruan bago hinagis at pinasalo kay Grant.

Nilipat ko ang nanlilisik kong tingin sa kanya. "Duwag ka pala? Ano, hindi mo ako kayang patumbahin nang mag-isa kaya nagbitbit ka ng kasama mo?"

Ngumisi lang siya. "Simulan niyo nang patahimikin 'yan. Masyadong maraming sinasabi."

Bigla nang may sumugod sa akin at sinapak ako sa panga! Hindi ako nakapaghanda, halos mapasubsob ako sa sementadong sahig.

Gumanti agad ako. Sinuntok ko rin siya sa sikmura. Tangina, magagalit sa akin si Desa 'pag nalaman niyang nakikipag-away na naman ako. Pero wala akong magagawa. Mayayari ako 'pag hindi ko dinipensahan ang sarili ko.

May isang sumakal sa akin sa leeg para pigilan akong makalaban. Nagawa tuloy akong masuntok sa tiyan ng kasamahan niya. Napaubo ako sa lakas ng pwersa!

Sinipa ko na lang 'yon sabay sapak sa kupal na nakasakal sa akin mula sa likuran. Dapat nga tatadyakan ko pa sa sikmura nang bumagsak siya sa sahig pero bigla na akong hinigit ng isa pa nilang kasamahan at mabilis ulit akong nasapak sa mukha!

Napaatras ako hanggang sa mapasandal sa maduming pader. Kumuha ako ng suporta sabay pahid sa gilid ng labi ko. Nagdugo. Tsk, mahahalata 'to ni Desa. Magtatampo na naman 'yon kasi pumatol pa ako.

Sumugod na lang agad ako sabay sapak din sa mukha niya para makaganti. Tinadyakan ko pa sa sikmura para bumulagta sa sahig. Lumapit naman agad 'yong kaninang sumakal sa akin. Sinapak ko rin sa panga. Sisipain ko na nga rin dapat pero biglang may humampas sa akin ng bakal na tubo sa likod!

Ako tuloy 'tong bumulagta sa sahig.

Nanghina ako ro'n. Pinilit kong silipin kung sinong humampas sa akin.

Si Grant.

Nagkuyom ako ng kamao sabay pilit na binuhat ang sarili ko patayo. "Duwag ka talaga. Hindi ka marunong lumaban nang patas!"

Pinalo niya lang ulit ako ng tubo sa likod sabay tapak sa mukha ko padiin sa semento. "Gago! Alam mo, Medel, ang mga tarantadong katulad mo, hindi pinatitikim ng patas na laban." Hinampas niya na naman ako.

Doon ako napasigaw. Tangina, nabalian niya na yata ako ng buto.

Sumunod pa 'tong mga kasamahan niya. Pinagpapalo nila ako ng bakal na tubo hanggang sa hindi na talaga ako nakasubok na tumayo. Ni hindi na nga ako makagalaw.

Nakapikit na lang ako habang iniinda ang lahat ng hampas nila. Tumatakbo sa isip ko si Desa. Pakiramdam ko sinisigaw niya ang pangalan ko. Iiyak 'yon kapag nalaman niyang nangyari 'to sa akin. Ayoko siyang umiyak.

Lumuhod si Grant sa ulunan ko. Hinila niya pa ang buhok ko para maiharap ako. "Ano? Kaya mo pa? Wag ka munang susuko. Marami pa kaming hinanda para sa 'yo."

Dinuraan ko siya sa mukha.

Sinapak niya naman ako. "Itali niyo na nga 'yan!" Utos niya sa mga tao niya tapos tumayo na siya.

Hinila naman nila ako kaagad, sabay hawak sa akin. Pinilit kong magpumiglas at kumuwala kahit na alam kong dehado ako. Kumikirot ang likod ko, nahihirapan na akong lumaban. Hindi na ako magtataka kung mapupuruhan talaga nila ako.

Nakatali na ang mga kamay ko pero hawak-hawak pa rin nila ako. Tagaktak na ang pawis ko. Lumapit na naman si Grant sabay suntok sa kaliwa kong mata. Lalong umikot ang paningin ko. Sinuntok niya pa ako ulit, at sinunod-sunod pa. Tangina niya. Hindi na ako makamulat sa sobrang hapdi at maga ng mga mata ko. Bulag na yata ako, ewan ko.

Pagkatapos no'n, sinapak niya pa ulit ako nang malakas sa bibig! Pumutok ang labi ko. Nalasahan ko ang sarili kong dugo. Hindi ko alam pero bigla kong naalala ang halik ni Desa. Mas lumalakas pa ang pag-iyak niya ngayon sa pandinig ko.

"Ano ka ngayon?" Patawa-tawa pa 'tong si Grant s akin. "Mali ka kasi ng taong kinalaban, pare. Ako pa, ha? Ako pa? Ang tigas ng mukha mo. Dayo ka lang dito sa Batangas. Teritoryo namin 'to." Sinapak niya na naman ako sa bibig.

Pinilit ko pa ring ipagtanggol ang sarili ko. Tinadyakan ko siya sa sikmura.

Hindi niya inaasahan 'yon, napaatras siya. Napikon pa siya sa mga tao niya. "Putangina ba't hindi niyo tinali pati mga paa?!"

Humigpit tuloy ang hawak at sakal nila sa akin. Sinugod naman ulit ako ni Grant ng sapak sa kanang mata naman. Tinadyakan ko ulit siya.

"Tangina makulit ka talaga, ah!" May napulot siyang dos por dos. Buong lakas niya 'yong hinampas sa hita ko!

Napasigaw ako sabay hinang-hinang napaluhod dito sa sahig.

Lalong nagblangko ang paningin ko. Binitiwan pa ako ng mga tao niya kaya dumiretso na ako ng subsob sa semento.

Gusto kong hawakan 'tong hita ko na kumikirot pero hindi ko magawa kasi nakatali ang mga kamay ko.

"Tangina mong hayop ka," nasabi ko na lang.

"Mas hayop ka. Dapat sa 'yo nilulumpo eh, baka sakaling mawala 'yang yabang mo." Hinampas niya na naman ako.

At hindi pa ro'n nagtapos. Narinig ko 'yong tatlo niyang tauhan na pinulot ulit 'yong mga bakal nilang tubo at inumpisahan akong paghahampasin sa mga hita.

Tinanggap ko lahat. Tinanggap kong hindi na ako makakalaban at hanggang dito na lang ako. Hindi na ako magtataka kung mawawalan na lang ako bigla nang malay, pero sana wag. Dahil may babae pa akong dapat protektahan.

Bigla akong tinadyakan ni Grant para tumihaya sabay sipa sa akin sa tiyan. Napaubo ako! Sumunod 'tong mga tao niya, pinagsisipa na nila ako sa buong katawan hanggang sa magsawa sila. Namimilipit na ako. Wala na rin ako sa sarili. Kaya nang hinigit ulit nila ako patayo, naging sunod-sunuran na lang ako.

Tinanggap ko nang buong-buo ang suntok sa akin ni Grant sa tiyan. Tangina, dugo na yata at hindi laway 'tong naiubo ko.

"Kung anong panggugulpi ang ginawa mo sa 'kin, doble no'n ang gagawin ko sa 'yo," singhal niya habang pinagsusuntok ako sa katawan at sa mukha.

Nagpalit-palitan pa silang apat at isa-isa nila akong binugbog.

Sobrang labo na ng paningin ko dahil sa namumuong dugo sa mga mata ko, pero nakita ko pa rin nang dumukot siya ng kutsilyo. Inatake niya ako sa balikat. Tangina, hindi ako nakailag!

Doon na ako napabagsak ulit sa sahig. Ramdam na ramdam ko 'tong dugo na tumutulo sa braso at kamay ko.

Lumuhod naman ulit si Grant sa harapan ko sabay higit sa buhok ko para iharap ako sa kanya.

"Mukhang tapos ka na. Tapos ka na nga ba?" Ang yabang ng tawa niya. "Ibig sabihin, pwede ko nang isunod ang syota mo."

Tangina biglang nagpanting ang mga tainga ko! Pinanglisikan ko siya ng tingin. "Putangina mo, gulpihin mo ako hanggang kailan mo gusto, pero wag na wag mong idadamay si Desa!"

Tumawa na naman siya nang mayabang. "Hindi ako kasing uto-uto mo para sumunod sa sinasabi mo. Alam mo, gusto ko talaga si Desa. Gano'n ang mga tipo kong babae, eh. 'Yong inosente. Virgin pa ba 'yon? O nagalaw mo na? Kung nagalaw mo na, ayos lang. Kung hindi pa, mas maganda. Mahilig kasi kaming apat sa virgin." Nagtawanan silang lahat. "Wag kang mag-alala, pare. Paliligayahin naman namin ang girlfriend mo. Bibigyan namin siya ng experience na hindi niya malilimutan."

Nanginig ako sa galit! Para na akong sasabog. Nagpumiglas ako kahit na alam kong wala akong kawala sa pagkakatali ko. Gusto kong paduguin ang bibig niya sa mga pinagsasabi niya. Nanggigigil ako, gusto kong magwala!

Ngayon ko lang naramdaman 'to na parang naiiyak na ako sa takot sa pwedeng mangyari sa mahal ko.

Wag namang ganito. Alam kong gago ako pero wag ganito. Magtitino na ako wag lang 'yon mangyari kay Desa. Tangina, hindi ko kakayanin. Ako na lang, ba't ba kasi dinadamay pa siya.

"Ano 'yang papel na 'yan?" biglang tanong ni Grant sa mga tao niya. "Akin na."

Napansin ko na lang na 'yong hawak niya e, 'yong regalo kong sketch kay Desa.

Binuklat niya.

"Ang sweet ah," pang-aasar niya pa. "Tingnan mo nga naman, monthsary niyo pa pala ngayon. Sakto pala ang timing ko." Sinitsitan niya 'yong isa niyang kasamahan. "Pahiram nga ng lighter."

Sinindihan niya 'yong dulo ng papel, sabay itsa sa sahig malapit sa akin.

Lalo akong gustong magwala habang pinanonood kong nasusunog 'yong regalong pinagpuyatan ko kagabi.

Namilipit na lang ulit ako sa sakit nang sipain niya na naman ako. Dahil hinang-hina na ako, napalumpasay na lang ako sa sahig.

Sinundan niya pa agad ng tadyak sa dibdib ko. Napaubo na naman ako ng laway na may kasamang dugo. Hindi pa ro'n natapos. Kinuha niya na naman 'yong kutsilyo niya at ang tagiliran ko naman ang pinuntirya! Umilag ako pero tangina hindi ako nakaligtas. Nadaplisan pa rin ako.

Tumayo na siya pagkatapos.

Namilipit na lang ako lalo sa sobrang hapdi ng tagiliran ko. Naghahabol na ako ng hinihinga. 'Yong isa pa niyang tao, tinanggal ang pagkakatali ng mga kamay ko pero ang kapalit no'n, sinipa ako mismo sa saksak sa tagiliran ko! Tiniis ko ang kirot. Tangina, dito na yata ako matutuluyan.

Sinilip pa ako ni Grant. "Kung ako sa 'yo, babantayan ko nang maigi si Desa. Wag na wag mo siyang hahayaang mawala sa paningin mo. Kung pwede mo siyang panoorin habang natutulog siya, gawin mo. Dahil alam mo na siguro kung ano'ng kaya naming gawin sa kanya. Oras na makuha ko siya, pagpapasa-pasahan namin siya at sigurado akong hindi mo na siya gugustuhing hawakan pa pagkatapos no'n."

Umatras na siya. "Tara na," tawag niya sa mga tao niya. "Tsaka na natin isunod 'yong babae."

Napapikit ako nang madiin habang nanginginig at pilit na pinipigilan 'tong pagdudugo ng balikat at tagiliran ko. Hindi ko namalayang napaluha na lang ako.

Si Desa. Gusto ko na siyang makita ngayon.

Pinilit kong tumayo pero hindi ko talaga kaya. Sa kada galaw ko, mas lalo akong nanghihina, mas lalong kumikirot 'tong mga saksak sa akin. Sinusubukan kong buhatin ang sarili ko, hanggang sa tuluyan na lang akong bumigay at nagblangko ang paningin.

HINDI KO ALAM kung anong oras na ako nagkaroon ng malay.

Hindi pa nga ako magigising kung hindi ko pa nararamdaman ngayon na parang may kung anong dumidila sa pisngi ko. Dinilat ko ang isa kong mata dahil ito na lang ang kayang makakita. Kuting pala 'tong dumidila sa akin, ginigising ako.

Si Desa agad ang unang pumasok sa isip ko. Kailangan ko nang bumangon para makauwi na ako sa kanya.

Nilabas ko ang natitira kong lakas para mabuhat ko ang sarili ko patayo. Nabalian yata ako ng buto, hindi ko kayang maglakad, pero kailangan kong pilitin.

Malabong naghihintay pa sa akin si Desa sa bangko kaya sa resort na ako didiretso. Hinihiling kong sana ay nandoon lang talaga siya, na nakauwi na siya para hindi siya makita nina Grant. Hanggang ngayon hindi pa rin ako mapakali sa mga narinig ko kanina. Napapraning ako. Ang dami kong naiisip na ayokong mangyari.

NGAYON, HINDI KO alam kung papaano ako nakabalik sa resort at nakapasok sa bahay nila nang humihinga pa. Pasalamat na lang din talaga ako na may kopya ako ng susi ng bahay nila.

Naisip kong tawagan kanina si Arkhe para magpatulong, pero basag na pala ang cellphone ko dahil sa panghahampas ng tubo nila Grant. Wala na lang akong ibang nagawa kundi pilitin na lang ang sarili ko. Ilang beses pa akong natitigilan sa daan habang naglalakad. Akala ko hindi na ako aabot ng buhay dito sa Jupiter.

Sa sobrang panlalabo ng paningin ko, halos gapangin ko na papunta sa kwarto ni Desa.

Mabilis kong binuksan 'tong pinto. Muntik pa nga akong bumigay at bumagsak sa sahig.

Nakita ko siya ro'n sa kama niya na mahimbing lang na natutulog.

Bumagsak ang mga balikat ko sabay ngiti nang mapait. Kahit papaano, para akong natanggalan ng tinik sa dibdib dahil maayos naman pala ang lagay niya.

Pinilit ko ulit ang sarili kong makalapit na sa kanya. Iika-ika pa akong maglakad hanggang sa mapabagsak ako ng upo sa gilid ng kama.

Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha kahit na halos hindi na talaga ako makadilat. Napakainosente niya. Ayokong mawala 'tong kainosentehan niyang 'to nang gano'n-gano'n na lang. Iniingatan ko 'to, hindi pwedeng makuha nina Grant.

Hinaplos ko ang buhok niya. Parang maluluha na naman ako. Mahina na kung mahina, pero sobrang natatakot ako ngayon. Gusto ko palagi akong nasa tabi niya. Gusto ko palagi ko siyang nakikita. Pakiramdam ko bawal akong kumurap dahil baka bigla na lang siyang makuha nina Grant. Kasalanan ko kasi 'to. Humihingi ako sa kanya ng tawad dahil kung hindi dahil sa akin, hindi siya malalagay sa ganitong panganib.

Saglit ko pa siyang tinitigan bago nilapit ang mukha ko sa kanya at hinalikan siya nang madiin sa labi. Sobrang mahal ko siya.

Akala ko hindi pa siya magigising pero bigla na siyang dumilat.

Kumapit siya sa buhok ko at bahagyang bumangon. "B-Baron?"

Dinikit ko na lang agad ang noo ko sa noo niya. Ang laki ng kasalanan ko sa kanya ngayon. Pumikit ako at huminga nang malalim. "Happy monthsary."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top