Chapter 10

"SAAN TAYO?" TANONG ko agad kay Desa pagkarating namin dito sa palengke.

Malapit nga lang talaga 'to. Nabitin tuloy ako sa byahe namin.

"Dito tayo, sama ka lang sa 'kin," sagot niya naman tapos nauna nang maglakad.

Tinawag ko muna siya. "Teka. Halika nga muna rito."

Sumunod siya. Bumalik siya sa 'kin. "Bakit po?"

"Ano, nireplyan mo ba 'yong Grant na 'yon?"

Bigla siyang ngumiti. Nagpa-cute pa talaga. "Opo, nireplyan ko. Sabi ko 'hello'."

"Tanginang 'yan. Talagang nireplyan mo pa rin?"

"Opo. Sabi mo wala ka namang pakialam kung replyan ko?"

"Tsk, bahala ka!"

Wala na, sira na ang araw ko. Bakit kasi nagtanong pa ako.

Iiwanan ko na nga dapat siya pero siya 'tong unang tumalikod. "Joke lang po. Hindi ko talaga nireplyan."

Tapos tumuloy na siyang maglakad.

Napangisi na lang ako. Kung makapagbiro naman siya sa 'kin.

Hindi ko na lang pinahalata na naapektuhan ako. Inunahan ko pa siyang maglakad.

"Buti naman hindi mo nireplyan. Pinakaayoko 'yong may karibal ako, eh."

Napahinto siya. "A-ano po?"

"Wala. Sabi ko bilisan mo. Ayoko ng kasamang babagal-bagal."

Natatawa ako.

Siya naman, humabol na agad sa 'kin

Napakunot na nga lang ako ng noo no'ng mapansin ko siyang tumatakbo habang papasok kami rito sa palengke.

"Tangina ba't ka tumatakbo?"

"Ang bilis mo kasing maglakad, eh. Bagalan mo po, napapagod ako."

"Para ka talagang bata. Dito ka nga sa tabi ko, baka bigla kang mawala d'yan."

Natahimik na lang naman siya.

Binagalan ko na lang ang paglalakad ko para hindi siya mahirapan. Baka matalsikan din kasi ng putik ang legs niya. Ang iksi pa naman ng shorts niya.

Habang naglalakad naman kami ngayon, napapatingin ako sa mukha niya. Bakit parang paganda nang paganda sa paningin ko 'tong babaeng 'to? Wala naman siyang makeup. Parang hindi ko pa nga siya nakikitang nag-gano'n.

Nagulat na lang ako, bigla siyang lumingon sa 'kin. Umiwas agad ako kahit na tangina alam kong huling-huli niya ako.

"Bakit po?" tanong niya pa.

"Anong bakit?"

"Ba't ka po tumitingin sa 'kin?"

Ngumisi ako. "May dumaang seksi. Doon ako nakatingin, hindi sa 'yo."

Sumimangot siya.

Natatawa na lang ako sa loob-loob ko. Biro lang naman 'yon. Wala naman akong nakikitang ibang seksi rito. Siya na ang pinakaseksi at pinakamaganda rito sa palengke.

Tiningnan ko ulit siya. Tutok lang siya sa paglalakad niya. Ang liit niya sa 'kin. Parang kuting talaga siya. Bigla ko tuloy naalala 'yong bago kong wallpaper.

Tinawag ko siya, "hoy kuting."

Ang bilis niyang lumingon. "Po?"

"Anak ng pating ang puta. Tumigil ka na nga sa kaka-'po' mo. Ayoko nang marinig 'yan."

"Sinasabi mo rin kasi palagi na bata ako, eh. Kaya nagpo-po ako. Ba't mo ba ako tinawag?"

"May papakita ako sa 'yo." Dinukot ko 'tong cellphone ko sa bulsa ko. "Bago na wallpaper ko. Tingnan mo." Binigay ko sa kanya.

Tinanggap niya naman tapos pinailaw 'yong screen. Napangiti agad siya pagkakita niya. Ang ganda niya lalo 'pag ngumingiti.

Saglit lang niyang tiningnan tapos binalik niya na rin sa 'kin 'tong cellphone. "Ba't mo pinalitan ng kuting?"

"Wala. Trip ko lang." Sinuksok ko 'tong cellphone sa bulsa ko.

"Pinalitan mo na 'yong magandang babae. Ayaw mo na sa babaeng 'yon?"

Sinadya ko siyang hindi sagutin. Ayoko nang nababanggit at pinag-uusapan ang mga dati kong babae. 'Pag tapos na, tapos na. Tsaka gusto ko, masaya lang ako ngayon na magkasama kaming dalawa na namamamalengke.

Kinuha ko na lang ulit 'tong cellphone ko. Ako naman ang tumingin sa bago kong wallpaper. "Ang cute ng kuting ko, 'no?"

Nahuli ko siyang napangiti.

Siya naman talaga ang tinutukoy kong cute. Kung pwede nga lang na litrato niya na mismo ang gawin kong wallpaper. Kaso wala naman akong picture niya.

"Kailan mo 'yan pinalitan?" tanong niya.

"Kahapon lang."

"Kahapon? Eh ba't hindi mo agad pinakita sa 'kin? Hindi ba binigyan mo ako ng chocolate kagabi?"

Napatingin ako sa kanya. Oo nga, 'no. "Nawala sa isip ko."

Ngumiti siya. "Inggit ako. Magpapalit nga din ako ng wallpaper. Pero do'n na lang sa laptop ko para mas malaki. Maliit kasi ang screen ng cellphone ko, eh."

"Anong ipapalit mo?"

"Secret. Bawal mo malaman." Pangiti-ngiti pa siya.

Sus. Kunyari pa. Alam ko namang picture ko ang ilalagay niya ro'n, ayaw niya pang sabihin. Ayos lang sa 'kin. Hindi naman ako magagalit.

Bigla kong napansin na may nadaanan pala kaming botika. 'Yon, sakto.

Malayo pa naman yata 'yong pagbibilhan namin kaya hinila ko muna 'tong si Desa. "Teka, may titingnan lang ako ro'n. Samahan mo ako." Hinawakan ko siya sa batok.

"Anong titingnan mo?"

"Basta."

Pinapwesto ko lang siya sa gilid nitong botika pagkarating namin. Medyo marami kasing taong bumibili sa unahan. Baka maipit siya.

"Dito ka lang," sabi ko. "Magtatanong lang ako. Baka mamaya bigla kang mawala, ah."

Kumapit siya sa bag niya sabay simangot. "Kabisado ko kaya 'tong palengke. Hindi ako mawawala, 'no."

"Ba't mo ako tinatapangan?"

Bigla siyang ngumiti. Ayan na naman siya sa pagpapa-cute niya.

"Hindi po. Bili ka na ro'n. Dito nga lang ako, eh."

Nginisian ko lang siya tapos lumapit na ako sa unahan.

Naalala ko kasing paubos na 'yong mga gloves namin sa shop. Sinabihan ko na si Rex tungkol do'n pero hindi pa rin siya bumibili.

Malas lang kasi wala rin palang tinitindang gano'n dito sa botikang 'to. Ubos na raw. Tsk, hindi ko alam kung sa'n pa ako pwedeng bumili no'n.

Binalikan ko na si Desa.

Saktong-sakto namang may kinuha siyang naka-display do'n sa unahan para tingnan. Napaisip ako kung ano. Tangina condom pala! Ano na namang pinaggagagawa ng kuting na 'to. Kaya pala bigla siyang pinagtinginan ng mga nasa tabi niya.

Lumapit na ako agad. "Oy."

Nag-angat lang siya ng tingin sa 'kin.

"Alam mo ba kung ano 'yang hawak-hawak mo?"

Binaba niya ang tingin niya ro'n sa kahon ng condom. No'ng nabasa niya na kung ano 'yon, napanguso na lang siya sa 'kin.

Tangina ang cute pa ng itsura, eh. Inagaw ko na lang sa kanya 'tong hawak niya. Binalik ko ro'n sa pinaglalagyan tapos hinila ko na siya paalis. "Halika na. Bawal sa bata 'yong tinitingnan mo. Ikaw, sa dinami-rami ng naka-display do'n, 'yon pa talaga naisip mong pakialaman."

"Sorry."

"Alam mo ba kung ano 'yon?"

"Opo, alam ko."

"Ano?"

Sumimangot siya sa 'kin. "Basta! Secret! Ayaw ko ngang sabihin sa 'yo."

"Tangina sa 'kin mo pa talaga sinicret, ah. Ituro ko pa sa 'yo kung paano gamitin 'yon, gusto mo?

Yumuko lang siya sabay nguso. 'Langya, nahiya yata. Natatawa tuloy ako sa kanya. Asarin ko pa nga.

"Alam mo ba kung sa'n sinusuot 'yon?"

"'Alam ko! Wag mo na sabihin!"

"Alam mo talaga? Bakit, nakahawak ka na ba ng gano'n?"

"Hindi pa."

"Hindi pa pala, eh. Condom tawag do'n. Madulas 'yon, tapos sinusuot 'yon ng babae sa ano ng lalaki kapag nakikipag-ano."

"Baron! Alam ko nga kung para sa'n 'yon!"

Tangina, hindi ko na napigilan tawa ko! Tinakpan ko na lang ang bibig ko gamit 'tong leegan ng T-shirt ko.

"Salbahe ka po." Ang sama na ng tingin niya sa 'kin.

"Ba't mo kasi kinuha. Alam mo naman pala kung ano 'yon."

"Hindi ko naman napansin na 'yon pala 'yon, eh. Akala ko candy lang na naka-box. May flavor kasi."

"Nakita mo? May flavor?"

"Oo. Banana."

Tangina napalakas na ang tawa ko!

"Hala siya!" Huminto siyang maglakad. "Grabe ka naman po makatawa. Niloloko mo naman ako."

"Hindi kita niloloko. Para ka kasing bata. Gusto mo bilhan kita ng gano'n?"

"Ayoko nga! Bastos naman 'yon."

"Hindi 'yon bastos. Pamproteksyon nga 'yon. Bilhan kita, 'yong strawberry. Mas mabango 'yon kaysa sa banana."

"Si Baron!" Iiyak na siya, eh.

Lalo lang tuloy akong natatawa. Binalikan ko na lang siya para hilain na muling maglakad. "Oy, biro lang. Iiyak ka na naman d'yan. Sige na, tsaka na lang kita bibilhan no'n. 'Pag medyo tumanda-tanda ka na nang kaunti. Tapos tuturuan kita kung pa'no isuot 'yon sa ano. Gusto mo?"

Bigla niyang binilisan ang paglalakad niya. Iniwanan ako! Nagtampo na yata. 'Langya ba't kasi ang sarap niyang asarin. Tapos 'pag iiyak na siya, ang sarap niya namang patahanin.

"Oy, kuting." Tinawag ko na lang. "Binibiro lang kita. Ang matampuhin mo naman."

Tumigil siya para lingunin ako. "Hindi ako matampuhin, ah. Ikaw nga d'yan ang matampuhin."

"Ba't ako?"

"Eh mahilig kang mag-walk out, eh. No'ng nakaraang araw nga, nakita mo lang na nag-text sa 'kin 'yong lalaking taga-bangko, nag-walkout ka na agad. Para ka pong babae. Babae ka po ba?"

"Hoy! Sinabi ko bang asarin mo ako?"

Dinaan niya lang naman ulit ako sa pagpapa-cute niya! "Joke lang po. Galit ka na naman agad? Tara na, malapit na nga 'yong tindahan na laging pinagbibilhan ni Mama ng gulay, oh." Pumunta pa talaga siya sa likuran ko para itulak ako. "Bilis! Lakad na, lakad na!"

Anak ng, abnormal talaga. Sa'n ba 'to pinaglihi? Sa kakulitan?

Hinila ko na lang siya sa braso niya. Pinatabi ko siya sa 'kin. "Pumirmis ka nga. Ang likot-likot mo. Tsaka kaya kong maglakad, wag mo akong itulak."

"Sorry," sabi niya lang tapos tumahimik na.

Nagbaba ako ng tingin sa kanya. "Oy. Ayokong makikita ulit kitang humahawak no'ng kinuha mo ro'n sa botika kanina, ah. Bawal pa 'yon sa 'yo. Bata ka pa."

Tumingin siya nang painosente sa 'kin. Tsk, hindi ko malaman ba't ganito siya kung tumingin sa 'kin.

Ano bang tumatakbo sa isip niya?

Nagkunot na lang ako ng noo. "Bakit?"

"Wala lang po. Masaya lang ako ngayon."

Napatitig ako sa labi niyang nakangiti. Tsaka ako umiwas ng tingin.

Ako rin naman. Masaya rin ako ngayon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top