Chapter Two


CHAPTER TWO

FIRST day of school.

Wow. Napangiti ako habang nakatingin sa gate ng BulSU Hagonoy Campus. Binati ako ng guard pagpasok ko sa loob. Ngumiti ako dito saka tumuloy na. I'm third year college student, BEED ang course ko. Bachelor in Elementary Education.

Gusto ko kasing turuan ang mga bata. Ayokong may hindi nakakapag-aral dahil sayang ang oportunidad lalo na kung matalino ito. Sinong nakakaalam na baka isa na sa kanila ang makaka-imbento ng mga gamot sa hindi masolusyunang sakit ngayon.

Pumanik ako sa hagdan saka nagpunta sa classroom kung saan kami naka-talaga. Pagpasok ko sa loob ay mga pamilyar na mukha ang sumalubong sa'kin. Mga dati ko ng kaklase. Lumakad ako sa may dulo at umupo sa pinakamalapit sa may bintana.

Napalingon ako sa nagsalita sa likod. Nakita kong nakatayo do'n si Jerlyn. Kaybigan ko. Hawak-hawak ang bag na kulay pula, tumutulo pa ang tubig sa maitim at curly nitong buhok.

"Ano ba 'yan! Unang araw ng klase pero busangot ka!" nakangising puna niya.

Tipid akong ngumiti sa kanya saka umayos ng upo. Lumakad siya patabi sa'kin at umupo sa kanan ko.

"Hi, aga mo yatang pumasok," tukoy ko.

Nginisihan niya ako. "Syempre naman, Casey. First day eh, antayin mo bukas nag-uumpisa na klase wala pa ako," pagbibiro niya.

Pabiro ko siyang inirapan. Siya si Jerlyn De Luna, kaybigan ko na siya since first year. Nag-iisa lang siyang kaybigan ko, yet, madami akong hindi nasasabi sa kanya. She's my friend but she's not my best friend. Madalas rin kaming maging magka-group sa school works kaya kami ang naging close.

"Alam mo, narinig ko kanina sa classmates natin may bago dawn a transferee," anito.

"Hmm."

"Oo, taga-Manila nga daw tas dito lumipat. Dapat sa Main eh 'di raw tinanggap!" may pagka-exaggerated na wika nito.

"Gano'n naman talaga sa Main, 'di ba, mahirap makapasok mabuti nga't nakapasok pa siya dito sa Extension," sagot ko.

"Kaya nga. Excited ako makita kasi gwapings daw."

Nanunukso akong tumingin sa kanya. "Ayan! Kapag gwapo ang talas ng mata mo pero kapag sa school works palagi kang nahihilo!"

Tinawanan niya ako at inayos ang suot na salamin, may salamin kasi ang babae tapos medyo curly ang buhok kaya naman naka bun palagi ang suot. Para tuloy siyang strict na teacher.

"Shempre nemen pe!" pagpapabebe nito.

Inilingan ko siya.

"Kapag dumating 'yung transferee tabihan mo agad sa upuan para wala ng kawala!" pagpapayo ko.

Namilog ang mata nito.

"Ay! Aggressive ka, sister."

"Di rin naman kasi halata sa'yo ang pagka-dalagang Pilipina!" pang-aasar ko.

Nginusuan niya ako. "At least maganda!"

Nagtawanan kami. Hindi na namin namalayan na dumating na pala ang unang prof namin, nagulat na lang kami ng may nagsusulat na sa white board. Nagsi-ayos ang mga classmates ko. Ngayon ko lang nagawang makita kung gaano kami kadami sa klase at sa tingin ko ay hindi pa kami umabot sa kalahati ng bilang.

Alin lang naman sa dalawa 'yan. Absent 'yung iba or sadyang late.

Lahat kami ay napatingin sa pintuan ng bumukas iyon. Napanganga ang mga babaeng classmate ko ng makita ang taong nakatayo sa labas. Dalawang matangkad na lalaki kasi, may dalang back pack.

Tumaas ang kilay ng guro habang nakatingin sa kanila.

"Sino kayo at anong ginagawa niyo dito?" rinig kong tanong ng teacher namin.

Ngumiti ang dalawang lalaki. Bumaba ang mata ko sa chinito, ang ganda ng hitsura nito. Singkit ang mga mata, makapal ang kilay—wait a minute! Am I checking him out?! Inalog ko ang ulo ko tapos ay inalis na ang tingin sa kanila.

I can't! Hindi pwede. Ang lalaki ay magiging problema ko lang kapag nagkataon. Umiling ako.

"Ma'am kami po 'yung transferees galing sa Manila," rinig kong sagot ng isa.

"Ah gano'n ba? Pasok! Sa susunod na mahuli kayo sa klase ko ay hindi na kayo makakapasok," ani ng guro namin.

Wala na akong narinig pang sagot sa dalawang lalaki. Siguro'y papunta na 'yon sa mga bakanteng pwesto para maupo. Naramdaman ko ang pagkalabit sa'kin ni Jerlyn sa gilid ko. Sinilip ko siya.

'Baket?' I mouthed her.

Ngumuso ito sa likod. Kumunot ang noo ko tapos pasimpleng lumingon. Nasa likod pala namin ang dalawang lalaki. Ibinalik ko ang tingin ko sa harap. Wala akong balak makipagkaybigan sa kanila.

"Sungit."

Namilog ang mata ko sa narinig ko sa likod. Ikinuyom ko ang kamao ko. Huminga ako ng malalim.

Okay lang 'yan Cassandra, huwag kang papa-apekto, paalala ko sa sarili ko. Ayokong magkaroon ng record. Gusto kong maka-graduate nang walang record.

"Ako ang inyong Guro sa Pagtuturo and Filipino sa Elementarya Two Panitikan ng Pilipinas. Ang ngalan ko ay Binibining Clemente."

Napatingin kami sa white board ng isulat nito ang pangalan do'n.

"Madami kayong matututunan sa klase nating ito..." nagpatuloy na ito sa pagtuturo sa mangyayari sa amin buong semester.

Habang nakikinig ay naramdaman kong parang may humihila sa buhok ko. Hinawi ko 'yon at inilagay sa gilid ng leeg ko ang buhok ko, pero mukhang sinasadya na dahil nabalik na naman sa likod ang kalahati.

Kinagat ko ang labi ko. Kung pwede lang lumingon kanina ko pa nalingon 'tong lalaking 'to! Kung ano-anong pinag-gagawang nakaka-irita! Hindi naman kami close.

May baon akong pamusod kaya ang ginawa ko ay tinali ko sa pagka-bun ang buhok ko. Narinig ko ang hagikgikgikan ng dalawa sa likod na mas lalong nakapagpa-inis sa'kin.

*******

NATAPOS ang dalawang unang klase namin. Break time namin ngayon. Bumaba kami ni Jer para kumain sa canteen.

"Anong gusto mong kainin?" humawak si Jerlyn sa tiyan nito.

"Kung ano lang siguro ang magkakasya sa budget ko," sagot ko. Nasa huling baitang na ako ng hagdan ng may bumunggo sa'kin. Namilog ang mata ko dahil muntikan na akong mahulog.

Galit akong humarap dito.

"Ingat naman!"

"Pwede bang mag-ingat kayo!"

Sabay naming sigaw ni Jerlyn. Napatigil sa pagtakbo ang dalawalang lalaki. Tiningnan nila kami. Ngumisi 'yung chinito.

Sarap sampalin ng mukha niya! Ang lakas ng loob niyang ngumisi!

"Sorry," preskong anito. Naglahad ito ng kamay. "I'm Jayson, by the way."

"Jayson, sa susunod mag-iingat ka dahil baka makadisgrasya ka!" mataray kong wika dito pero nakakalokong ngumisi sa'kin ang lalaki.

"Seryoso mo naman, boss, pero sige. Sa susunod mag-iingat na ako para sa'yo," pa-sweet pa niyang ani.

Boss?! Yak.

Gusto kong masuka dahil sa sinabi niya. Inirapan ko siya bago hinila si Jer paalis do'n, narinig naming nagtawanan ang dalawang lalaki. Hindi mga marunong mag-seryoso! Hmp.

Nagpunta kami sa canteen at bumili ng makakakain, sa dating tambayan kami nagpunta para may lilim. Puno kasi do'n at mahirap naman makipagsiksikan. Umupo ako sa damuhan at inumpisahang kainin ang binili kong turon.

"Sungit mo kanina kay Jayson ah," puna ni Jer.

"Paano kasi napaka-harot. College na pero gano'n pa rin ugali," may inis kong wika.

"Lalaki kasi, yaan mo na."

"Eh ano pa nga ba magagawa ko? Talagang hahayaan ko na. Kung 'di lang ako nakahawak sa railings baka nahulog na ako."

Nginuso ni Jerlyn ang likuran. Napalingon ako sa tinuro nito. Sina Jayson pala. Wow so feeling close na ako?

Tumabi sa'min ang dalawa.

"Hi, pasabay na," ani nung lalaking kulay gray ang mata. Mukhang may lahi ang lalaki. Ang ganda ng mata niya.

"Ehem!!"

Napalingon ako kay Jayson, nakakunot ang noo nito at hindi mai-pinta ang mukha. Inirapan ko siya tapos ibinalik ang atensyon ko sa pagkain.

"Jerlyn De Luna nga pala."

"Jayson Bondoc."

"Kyle Fedelin."

"Anong pangalan niyang masungit na 'yan?" rinig kong tanong ni Jayson.

Halatang may mga kaya ang dalawang 'to dahil sa pangalan nila. Nagkibit balikat ako saka tinapos ang pagkain.

"Si Cassandra, pero tawagin niyo na lang siyang Casey."

Pagpapakilala sa'kin ni Jerlyn, tumingin ako sa kanya. Kilig na kilig si Jer habang pasimpleng tumitingin sa dalawa. Parang mapupunit na ang pisnge sa lawak ng ngiti.

"Ah Casey pala... 'yung pangalan pangmabait pero bakit mukhang hanggang pangalan lang?" pang-aasar na tanong ni Jayson.

Tiningnan ko siya ng masama.

"Sinasabi mo bang masama ang ugali ko?" mataray kong tanong.

"Ikaw may sabi niyan, hindi ako ha," ani 'to saka tumawa ng malakas.

"Tangina, nag-uumpisa ka na naman Jayson ah!" ani Kyle na medyo sinuntok ang kaybigan sa braso.

"Wala naman akong ginagawa!"

"Nakahanap ka na naman kamo ng..."

Hindi ko na narinig ang huling sinabi ni Kyle dahil biglang tumunog ang bell tanda na mag-uumpisa na ang susunod na klase.

Ewan ko kung bakit nagkapalit ng upuan sina Jer at Jayson, basta naging katabi ko na lang ang lalaki. Palagi nitong hinihila ang buhok ko o kaya naman ay pinaglalaruan ang dulo nito. Pinitik ko ang kamay niya kasabay ng pagtingin ko ng masama.

"Pwede bang tigilan mo ang kakalaro sa buhok ko!" paasik kong pigil dito.

Nginisihan niya ako. "Anong shampoo mo?" bulong nitong tanong.

"Wala ka ng pake do'n!"

"Meron kaya," bulong nito.

Hindi ko na lang sinagot ang lalaki dahil ayoko ng pahabain pa ang usapan namin. Mas lalo lang akong iinisin nito at ayokong mabuwisit.

Hanggang alas-tres lang ang klase ko at 'yung ibang Prof ay 'di pa dumating kaya wala rin kaming masyadong ginawa ngayong araw. Inayos ko ang mga gamit ko para maka-uwi na.

"Gusto mo bang sabay na tayong umuwi?" tanong ni Jer ng palabas na kami ng Campus. Tumingin ako sa kanya.

"Hindi na siguro. Mapapalayo tayo eh."

"Sige, mag-iingat ka ha." Bilin nito,

Tumango ako saka pumara ng tricycle. Nauna na akong sumakay. Sumakay rin ang ibang ka-schoolmate ko para mapuno ang sinasakyan namin. Bago pa man makasakay ang isang babae para matabihan ako sa loob ay may nanguna na dito.

Parang gusto ko ng lumabas.

"Anong ginagawa mo dito?!" inis kong tanong kay Jayson.

Maloko niya akong tiningnan tapos ay nginisihan. Umayos ng pagkaka-upo ang lalaki.

"Manong tara na!" aya ni Jayson sa driver.

Umandar na kami.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko!" inis kong ani.

"Uuwi syempre!"

"Madaming tricyle bakit dito mo pa naisipan?! Sana sa labas ka na lang! 'Di 'yung babae ang naka-angkas sa likod!"

May ilang buhok ang nahulog sa noo nito na hinawi ng lalaki palikod.

Umayos ako ng upo.

Lumayo ako ng konti sa lalaki dahil nagkakadikit na ang mga braso namin. Masyadong maliit ang espasyo para sa'ming dalawa.

Dahil sabay-sabay ang mga lumalabas ng Hagonoy at ang mga pauwi ay nagkakaroon nang traffic kaya medyo mabagal ang takbo namin. Sa San Miguel kami dumaan dahil parang taga-Tampok lang 'yung kasabay ko.

"Saan ka nakatira?"

Pag-uumpisa ni Jayson ng usapan sa pagitan namin.

"Sa bahay malamang!" pambabara ko.

"Ah, akala ko kasi sa puso ko, ehe!" anito.

Nandidiri akong tumingin sa kanya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa bago inirapan.

Ghad, mahirap matabi sa ganitong lalaki.

Ang corny niya. Ang cringe pa.

Nakalagpas na kami sa may Teodora, kumuha ako ng pambayad sa driver dahil malapit na kong bumaba. Nang bumaba ng tulay ng San Miguel at kumaliwa ang tricycle ay umayos na ako. Bago umakyat ng tulay ay pumara na ako sa tabi.

"Dito na lang po!"

Huminto ang sasakyan. Bumaba si Jayson para bigyan ako ng space makababa. Lumabas ako at tumingin sa driver. Inabot ko ang bayad dito.

"Thank you po." Ngumiti ako sa driver bago binalik ang tingin kay Jayson. Inirapan ko siya. Lumakad na ako pauwi sa'min.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay sumalubong sa'kin si KZ na masama ang tingin sa'kin.

"Magluto ka na, mayamaya ay darating na sila Mama!" mataray nitong utos sa'kin.

Huminga ako ng malalim at naglakad papuntang kwarto. Pagkapasok ay sinarado ko ang pinto saka naghubad ng damit at sapatos. Umupo ako sa kama pansamantala. Ngumiti ako sa picture namin ng parents ko.

"Ma, Pa, konti na lang po at makakatapos na ako. Mas masaya sana kung nandito kayo," pabulong kong kwento.

Tumayo na ako bago pa man ako masigawan ni KZ at mapagalitan ni Tita. Ayoko naman no'n nakakahiya, baka sabihin nilang nagiging tamad na ako. Sila na ngang nag-papaaral sa'kin ta's di ko pa sila masusunod.

Lumabas ako ng kwarto at nagtuloy sa kusina.

Nagsaing ako ng bigas habang naghahanap ng makakakain sa ref. 'Di ko kasi alam kung anong gusto nilang ulam ngayon, baka umuwi si Ate na may dalang pagkain.

Bago pa man ako makapag labas ng isda ay narinig ko na ang pagparada ng kote sa garahe. Lumingon ako do'n at mabilis na tumakbo palabas. Naabutan ko si Ate Clea na palabas ng kotse nito.

Ngumiti siya sa'kin.

"Casey, maaga ka yata ngayon."

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang dala-dala nitong bag. Tipid akong ngumiti.

"Wala naman po kasing masyadong ginawa kaya maaga kaming naka-uwi." Naunang pumasok si Ate sa loob at sumunod ako.

"Nandiyan na sila Mama?"

"Wala pa po. Si KZ lang."

"Eh si Danilo?"

"Di ko pa po nakikita."

Tumango ito at nilingon ako. Kinuha niya ang gamit niya sa'kin.

"Gusto ko ng sinigang. Ikaw na ang bahala kung saan basta maasim," anito bago pumanik sa hagdan. Tumango ako, napatingin ako kay KZ na nang-aasar na nakangisi sa'kin.

Bumalik na ako sa kusina at ginawa ang dapat kong gawin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top