Chapter Thirteen

hi, it's been a while since I last updated this story. I almost forgot this one not until today. I remember her while my heart is heavy. When I started this story, I was a second-year college student . . . but now, I'm already in my third-year. Halos magkasabay na kami ni Casey. And I really hope I can finish this one, too before the year ends.

And when you feel the burden to your heart . . . always remember that someone loves you so much. Someone is out there watching and wishing you to succeed. 

That someone is me . . . good luck my belladonna. I cheer for you. 


CHAPTER THRITEEN

LUMAPIT sa'min ang isang maganda at matangkad na babae. Naka-suot ng dress at nakalugay ang black na buhok na bumagay sa maputing balat nito. Nakaramdam ako ng insecurity sa katawan nang tumayo na siya sa harapan ko. Napa-atras ako sa pag-usad nito sa tabi ni Jayson.

"HI!!! I didn't know na dito lang pala kita matatagpuan! Kung saan-saan pa ako nagpunta!"

"Kaylan ka pa dumating? I thought sa China ka na mag-aaral," ani Jayson.

Tumaas ang kilay ko nang humawak sa braso ni Jayson ang babaeng tinawag nitong 'Jess' kanina. Parang napakalapit nilang magkaybigan dahil nagagawa nito ang mga ganoong bagay sa lalaki. Dahan-dahan kong ikinuyom ang kamao ko...biglang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa nasasaksihan.

"Yes, but I missed you that's why I came back," malambing pang sabi ng babae.

Nakita kung paano malambing na ngumiti si Jayson sa kausap niya, lalo na nang maglapit ang kanilang mga katawan. Tuwang-tuwa ka pa ha.

Gusto kong magalit at mainis pero...wala naman akong karapatan. At saka bakit naman ako makakaramdam ng ganitong emosyon, eh, hindi naman kami. Ayokong maging kami—mariin akong pumikit bago huminga ng malalim. Lumayo ako ng kaunti bago tumingin sa kanila. Natigilan ako dahil nakatingin sa'kin ang babae, mula ulo hanggang paa ang tingin niya.

"Tā shì shéi? Nǐ de xīn wánjù?"

Kumunot ang noo ko. Ano daw?

Nilingon ko si Jayson, nagtatanong akong tumingin sa kanya dahil hindi ko maintindihan ang sinabi ng kausap niya.

"Tā shì kǎi xī, wǒ zài zhuīqiú tā. Bié pèng tā. Wǒ huì dài nǐ huí jiā," sabi ni Jayson bago hinawakan sa braso ang babae at inilayo sa'kin. Ngumiti si Jayson at hinalikan ako sa noo. "Love, she is Jessie, my childhood friend. Jessie, this is Casey, the girl I like," pagpapakilala sa'min ni Jayson sa isa't isa.

Tipid akong ngumiti sa babae at naglahad ng kamay pero hindi man lang siya gumanti ng ngiti. Tumikhim ako. Nagbaba ako ng kamay. Nakakahiya.

Childhood friend pala kaya may pagka-close sila. Akala ko ay dating kasintahan ni Jayson na hanggang ngayon ay naghahabol.

Gusto kong mainggit sa kanya. Sa relationship nila. Dahil wala akong naging childhood friend sa maraming kadahilanan.

Ang hirap din kasing makipag-kaybigan kapag ka iba ka sa kanila.

"I want to go home, Jay-Jay. Take me home?" malambing na ani na naman ni Jessie.

Bakit pakiramdam ko ay may galit sa'kin ang babaeng 'to? O nago-overthink lang ako? O kaya magka-iba ang mga paniniwala namin. Mukha naman kasing yayamanin ang babae sa tindig pa lang nito. Eh, 'di baa ng mayayaman ay hindi nakikipag-shake hands. Beso-beso o kaya naman ay ngitian lang sila.

"Jay-Jay, please, I'm tired. Wǒ xiǎng yǒngbào nǐ."

Malawak na ngumiti si Jayson dahil sa kung ano mang sinabi ng babaeng 'to. Para bang kayang-kaya niya akong iwan—

Tumingin sa'kin si Jayson. Hinawakan niya ang kamay ko at saka hinalikan ang likod no'n. Ngumiti siya.

"Love, okay lang ba kung i-cancel natin ang date natin ngayon? Ihahatid ko lang si Jessie sa bahay dahil hindi pa niya alam ang pasikot-sikot sa lugar na 'to. Bukas na lang tayo magkita, okay. Byle!" humalik siya sa pisnge ko saka walang lingong umalis.

Umawang ang labi ko habang nakatingin sa papalayo nilang bulto.

Napakamot ako sa noo ko nang makita silang sumakay sa tricycle. Hindi man lang niya hinintay ang sagot ko.

Nakayuko akong naglakad patalikod. Pagoda ko at gusto ko ng magpahinga. May pagka-cute silang dalawa. Paano'y talagang may care sila sa isa't isa. Madalang pa naman ang mga kaybigan na totoong may care sa isa't isa.

Sana maging ganun din ako kalapit sa iba pang kaybigan ni Jayson...

Wait—what?

****

UMUWI akong inaapoy na ng lagnat. Halos hindi ko na makita ng maayos ang dinadaanan ko sa bahay. Ilang beses akong bumangga sa pader at kanto ng mesa. Umiikot ang buong paningin ko.

Nang makapasok ako sa kwarto ko ay bumagsak ako sa kama. Hindi ko na nakayanan ang pagod at sakit kaya naman nakatulog ako.

Nagising na lang ako sa pag-iingay sa buong bahay. Sa sobrang lakas ng ingay ay mas lalo lamang akong nahilo.

Tumayo ako sa pagkakahiga, sinapo ko ang mukha ko gamit ang kanang kamay ko tapos yung kaliwa ay ginamit ko pansalat sa leeg ko. Mainit pa rin ako. Bumangon ako. Tumingin ako sa labas ng bintana, madilim na sa labas. Pupunta sana ako sa banyo ko nang padabog na bumukas ang pintuan ng kwarto. Lumingon ako.

"TANGINA!! TUTULOG-TULOG KANG BATA KA ALAM MONG MAY MGA UMAASA SA'YO!! NAPAKA-TAMAD MO TALAGANG BATA KA! TAMAD KA! TAMAD!!" nanggigigil na sigaw niya sa'kin.

Napalunok ako. "A-Auntie, masa...ma po yung pakiramdam ko."

Namewang siyang nakatingin sa'kin, tapos ay kung makatingin pa siya ay parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Dinuro-duro niya ako.

"Sinungalang kang bata ka! Magaling ka talagang gumawa ng istorya! Wala akong pake kahit sumusuka ka pa ng dugo, basta gawin mo ang mga trabaho mo dito sa bahay!! Hindi na libre ang buhay ngayon! Utang na loob mong pinapatira ka namin dito, Cassandra! Kaya matuto kang tumanaw ng utang na loob!!" galit niyang sabi.

Nag-init ang magkabilang mata ko dahil sa tinuran nito. Yumuko ako.

"NAIINTINDIHAN MO BA AKO, CASSANDRA?!"

"O-opo! L-lalabas na po ako sa-sandali lang—"

"Wag kang magtagal, Casey, ha! Malilintikan ka talaga sa'kin!!" banta pa niya.

Nag-unahang tumulo ang luha ko habang hinihintay ang pag-alis ni Auntie. Bumigay ang mga tuhod ko nang marinig kong naglapat ang pinto ng kwarto ko. Mahina akong humikbi. Sobra ang paninikip ang dibdib ko sa sama ng loob. Gustong-gusto kong sabihin lahat ng nasa loob ko sa kanila pero hindi ko man lang magawa dahil sa utang na loob ko sa kanila. Pinipili kong maging tahimik na lang kaysa magsalita kasi pamilya ko sila.

Kumalabog ng ilang beses ang pintuan. Doon ako natauhan. I still have a work.

Mukhang mas magiging mahaba ang gabi ko ngayong gabi dahil sa bisita nina Auntie. Punong-puno ng tao ang loob ng bahay namin dahil sa mga bisita nila.

Nakakaalis lang naman na hindi ko sila napansin kanina nang umuwi ako. Pagtingin ko tuloy sa lababo ay mas lalo lang akong nanlumo. Punong-puno kasi ito ng hugasin, isama mo pa ang sandamakmak na kalat sa may lamesa, lapag at paligid. Napasabunot ako sa buhok ko.

Lumingon ako sa may pinto nang marinig ang boses ng pinsan ko. Nakangisi ito sa'kin.

"Gising na pala ang mahal na prinsesa. Buti naman bumangon ka pa," may pang-uuyam na sabi niya.

"S-sorry, KZ, masama—"

"LIES, Casey. Aminin mo nang tamad kang babae ka! Wala ka talagang kwenta! Bobong 'to!" inis niyang sabi bago kumuha ng baso sa cabinet tapos gatas sa ref. Inirapan niya ko bago umalis ng kusina. Umiling ako.

"Maghugas ka na diyan dahil madami pang parating!" sigaw nito.

Huminga ako ng malalim bago nag-umpisang maglinis ng lamesa. Lahat ng platong marumi ay pinagsama-sama ko tapos dinala sa kusina. Tinapon ko lahat ng basura sa basurahan. Pinunasan ko ang mga maduduming bahagi saka ko hinarap ang urungin. Gusto kong maiyak dahil sa dami pero wala naman akong magagawa.

Tinapos kong urungin lahat ng babasagin na dapat itaob sa patuluan bago ang mga plastic containers at malalaking kaldero.

Naisip ba nilang itanong man lang sa'kin kung nakakain na ko? O kumusta ang pakiramdam ko? Bakit hirap na hirap silang paniwalaang may sakit ako? Bakit ang hirap sa kanilang ituring akong kapamilya? Kahit konti lang ba minahal nila ako bilang isa sa kanila?

Lahat ng katanungang 'yong ay paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Hindi ko na nga nalamayan ang oras. Nagising na lang ako sa reyalidad nang bumagsak ang katawan ko sa lapag.

"ARAY!" nakahawak kong daing sa balakang ko.

Napasabunot ako sa sarili ko.

Kundi ba naman ako tanga. Ang tanga ko talaga. Tanga! Tanga! Tanga!

Ngayon ko lang napansin ang panginginig ng katawan ko. Inangat ko ang kamay ko nginig na nginig ito at kulu-kulubot na sa sobrang pagkababad sa tubig. Napahilamos ako sa mukha ko bago dahan-dahang tumayo. Nagpunas ako ng kamay sa basahan. Lumakad ako pabalik sa kwarto ko at humiga.

Anumang oras ay bibigay nang kusa ang katawan ko pero nilalabanan ko ito dahil sigurado akong papasok si Auntie para pagligpitin ako. Hindi pa tapos ang party nila sa labas. Naririnig ko ang music kahit nakasarado ang pinto ko.

Umupo ako. Sumandal sa may board ng kama tapos kinuha ang cellphone ko. Nag-bukas ako ng facebook. Sunod-sunod ang naging pasok ng notifications, nagpunta ako sa messenger.

Ngayon ko lang naalala. Hinatid nga pala ni Jayson ang kaybigan niyang si Jessie, gusto kong malaman kung naka-uwi ba sila ng ligtas.

Ngumiti ako nang makita ang green light na nasa taas ng picture ni Jayson. Online ito.

Mabilis akong nagtipa ng message para sa kanya.

Casey Perez

Jayson, naka-uwi ba kayo ng ligtas? Anong oras ka papasok bukas?

Hindi kaya sabihan niya akong clingy sa tanong kong 'to? Mukha ba siyang OA?

Hindi lang OA. Saksakan ng OA, Cassandra. Una sa lahat bakit ka magse-send ng message sa kanya? Ayaw mo na ngang magkaroon ng ka-ugnayan sa kanya hindi ba? Ano ka ba naman!

Oo nga.

Mabilis kong binura ang message ko sa kanya tapos ay sinarado na ang app. Binaba ko ang phone ko.

Siguradong ligtas naman sila. Sure 'yon. Dapat ay huwag na kong mag-alala. Tama. Tama.

"CASSANDRA!!! 'YUNG MGA URUNGIN MO DITO!!"

Napapikit ako dahil sa nadinig.

*****

JUST like that, a week have passed.

Magaling na ako sa awa naman ng Diyos. Hindi ko na rin kaylangang magsuot ng longsleeve para lang mapagtakpan ang mga sugat ko. Nag-aayos ako ng mga gamit na dadalhin ko sa school ngayon kasi papasok ako. May exam kami sa GEd or General Education na subject at iyon ang major namin kaya kaylangan kong um-attend kung hindi babagsak ako.

Naka-suot na ko ng uniform ko para ngayong araw. Binigyan ko ng pang huling sulyap ang hitsura ko bago lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Uncle na nasa kusina at umiinom ng kape. Napatingin siya sa'kin.

"Oh, aalis ka na ba?" tanong niya.

Lumapit ako. Nagmano ako sa kamay niya at tumango. "Opo, Uncle. Gusto niyo na po bang mag-almusal? Ipaghahanda ko kayo." Magalang kong alok. Kung hindi kami magkasundo ni Auntie, kabaliktaran naman no'n ang kay Uncle. Madalas niya kasi akong ipinagtgatanggol sa asawa't anak nito lalo na kung dehado ako, minsan lang.

Isinenyas niya ang kamay niya na tumigil at huminto ako.

"Okay lang ako, Casey. May baon ka pa ba?"

"Opo, meron pa naman pong natira mula sa allowance na bigay niyo sa'kin nung nakaraan."

"Mabuti naman. Pagkasyahin mo na lang muna yang baon mo ha, may problem kasi sa pera ang Auntie mo kaya hindi makakapagbigay sa'yo."

Nakaka-intindi akong tumango. "Okay po. Mauuna na ako Uncle, baka ma-late po kasi ako sa trabaho.

Ngumiti siya sa'kin bago ako sineyasang umalis na. Malungkot akong ngumiti bago lumakad paalis. Sa likod ako dumaan dahil ayaw ni Auntie na nakikita ako sa salas nila. Napupunta lang ako do'n at sa ikalawang palapag kapag kaylangan kong maglinis. Okay lang naman sa'king hindi mabigyan nina Auntie at Ate ng baon kasi may trabaho naman ako.

Yung kinikita ko minsan sa pagtra-trabaho ko ang siyang ginagamit ko sa pag-aaral ko, minsan naman ay itinatabi ko kaya nga hindi ako nag-aalala minsan kasi alam ko namang may pagkukuhanan ako.

Nang makalabas ako ng gate ay nag-umpisa na kong maglakad papuntang San Miguel, pero 'di pa ko nakakalagpas sa may tindahan nang may biglang humintong kotse sa tapat ko na muntik pa kong madagil. Tumigil ako sa paglalakad. Tiningnan ko kung sino ang pangahas na iyon. Kumunot ang noo ko. Hindi ko kilala ang sasakyan. Umiling na lamang ako.

Talagang may mga taong hindi dapat binibigyan ng lisensya, hindi naman mga marunong tapos nagdra-drive pa. Hays nako, mga tao nga naman.

Hahakbang na sana ako paalis pero bumaba ang salamin ng kotse. Bumungad sa'kin ang nakangiting mukha ni Jayson.

"Hi!! Buti naabutan kita," sabi nito.

"Ahm..." hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi niya naman kasi ako na-replayan kagabi at kanina kaya hindi ko alam na magkikita kami.

"Hop in! Ihahatid tayo ni Jessie," pagkasabi no'n ng lalaki ay umatras ito. Doon ko lang napansin ang nagmamaneho. Ang kaybigan nitong si Jessie. Nawala ang ngiti ko.

"Hi, sakay na. Tour me sa Campus niyo ha," anito sa maagang tono.

Kahit hindi pa ko nakakasagot ay wala rin akong nagawa kundi ang sumakay. Bumaba kasi si Jayson sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto sa backseat. Umalalay sa bewang ko ang kaliwang kamay nito. Nang makasakay ako ng maayos sinarado na rin ni Jayson ang pinto. Mula sa bintana ay kita ko ang paglakad nito papunta sa front seat. Nakakapanlamig.

Nagkatinginan kami ni Jessie mula sa rearview mirror. Tipid akong ngumiti sa kanya pero inirapan niya lang ako. Kumunot ang noo ko.

Hala siya? Anong ginawa ko? Ba't siya galit?

"OKAY! We're good to good!" masiglang ani Jayson nang makapasok siya sa loob ng sasakyan.

Nag-iwas ako ng tingin sa salamin. Umandar na ang kotse.

Sumandal ako at niyakap ang sarili ko. Sa labas ko tinuon ang atensyon ko.

"So, Jay-Jay, saan mo balak magpunta after ng klase?" rinig kong tanong ni Jessie.

"Ihahatid ko muna si Casey sa bahay nila bago ako dumeretso pauwi. Bakit?"

Yumuko ako dahil ramdam na ramdam ko ang malalamig na tingin sa'kin ni Jessie. Hindi ko alam kung naga-assume lang ba ko o sadyang talagang may galit siya sa'kin.

"Ahh...okay. Need mo pa pala siyang ihatid. I want to ask you kasi para i-tour ako dito kasi syempre, I'm new here lang and I want to spend some times with you before ako bumalik ng Manila. You know, like the old times," she said.

Jayson laugh sexily. Mariin akong pumikit. Bakit kaylangan niyang tumawa ng gano'n? Nakaka-inis. Ang akala ko pa naman ay sa'kin lang siya gano'n pero hindi pala. Nakaka-inis na ginagawa niya 'yon sa ibang babae hindi ba kasi dapat...sa'kin lang?

Wait—ano?! Anong sa'kin lang. Napaayos ako ng upo. Ano bang pinag-iisip ko? Casey! Magtigil ka. Huwag—ano—umiling na lang ako. Nasisiraan na yata ako ng bait.

"Kaya naman na sigurong umuwi ni Casey na mag-isa. Matanda naman na siya."

"Casey, okay lang ba sa'yo?"

"CASEY!"

Limang beses akong kumurap. Nagtatanong akong tumingin sa kanila. Huling-huli ko ang pag-irap sa'kin ng best friend ni Jayson bago tumingin muli sa kalsada. Tumingin ako kay Jayson na ngayon ay nakalingon sa'kin. Nakangiti siya.

"A-ano 'yon ulit? Sorry...hindi ko kayo narinig," nahihiyang ani ko.

Inabot ni Jayson ang kamay ko. "Baby, tinatanong ni Casey kung okay lang sa'yong maunang umuwi mamaya. Baka kasi hindi na kita maihatid dahil gusto niyang mamasyal. Okay lang ba?" malambing niyang tanong.

"Hmm..." saan naman sila pupunta pagkatapos? Anong gagawin nila? Anong oras sila uuwi—"Oo naman. Okay lang sa'kin," sagot ko.

Hinalikan nito ang likod ng palad ko bago matamis na ngumiti. Binitawan niya ako at nilingon ang kaybigan niya.

"Jess, get ready to stay up later dahil hindi tayo uuwi hanggang hindi ka nasisiyahan sa mga nakita mo!"

"Oh, Jayson, don't dare me. You know that staying up late at night is my hobby."

Habang pinagmamasdan ko silang magtinginan ay kapansin-pansin ang affection sa mga iyon. Natural ba sa mag-best friend ang gano'n tingin? 



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top