Chapter One

CHAPTER ONE

MAAGA akong gumising kinabukasan para maka-uwi sa bayan. Ubos na ang stocks namin ng pagkain at gusto ni Tito-ng ako ang mamili gaya ng dati. Napabuntonghininga ako. Kinuha ko ang mga shopping bags nila para mapaglagyan ng grocery.

Lumabas ako ng kwarto at dumeretso palabas ng bahay. Walang tao. Umalis sila para magpunta sa isang birthday kung saan sila imbitado. Naiwan ako dahil hindi naman ako inimbita. Hindi rin kasi kapamilya. Pumara ako ng tricycle, may huminto sa harapan ko.

"Oy Casey, sa'n ka punta?!" rinig kong sigaw ni Ka-Atong.

Lumingon ako sa kanya at tipid na ngumiti.

"Sa bayan po, mamimili na. Una na po ako." Pumasok ako sa loob ng tricycle. "Sa bayan po."

Umandar ang sinasakyan ko paalis. Naging mahaba ang byahe dahil traffic sa may bandang tampok, may ginagawa kasing bahay at sa gilid ng kalsada naka-baba ang mga buhangin saka bato.

Huminto ang sinasakyan ko sa tapat ng isang pasahero rin. Umusad ako sa gilid, umayos ng upo. Pagkatapos ng kinse minutos ay nakarating na ako sa palengke. Nagbayad ako ng thirty pesos sa driver saka pumasok sa looban.

Nagkakagulong mga tao ang sumalubong sa'kin. Nakipag-siksikan ako papasok sa loob para makapunta kina Ate Ganda, sa bilihan ng gulay.

Ngumiti ito sa'kin ng makita ako.

"Ngayon ka lang yata nakabalik ah!" puna ni Ate Ganda sa'kin.

Gumanti ako ng ngiti. "Opo, busy po kasi sa trabaho." Bumaba ang tingin ko sa paninda nitong gulay.

"Ano ba ang gusto mo?"

"Kalahating kilong sibuyas at bawang, kamatis. Luya one fourth. Kalamansi kalahating kilo." Habang namimili ako ng bibilhin ay kinikilo naman ni Ate Ganda. Kumuha ako ng tatlong pipino at inilagay sa kiluhan, pati na rin sayote, kalabasa, at iba pang gulay.

"Two thousand pesos lahat," ani Ate at inabot sa'kin ang plastic ng mga binili ko.

Kumuha ako ng pera sa wallet tapos ay nagbayad na. Inabot ko ang mga pinamili ko at ngumiti dito.

"Thank you po."

"Sa uulitin, Casey!"

Tumalikod na ako at naglakad papunta sa pwesto nila Lola Sinang.

"Ineng, tulad ba ng dati?" nakangiting salubong sa'kin.

"Opo. Tig-iisang kilo pong, hita, pakpak saka po pitsu."

"Osige, one forty ang kilo."

"Wala na po bang tawad?"

"Nako, todo na 'yon, Ineng."

Tumango ako sa sagot nito at pinanood siya sa ginagawa niya hanggang sa matapos siya sa ginagawa niya. Nagbayad ako saka umalis. Ang dalawang kamay ko ay parehong may hawak na mabibigat na supot. Nagpunta ako sa bilihan ng mg isda at lumakad sa suki ko. Medyo dahan-dahan ako sa paglalakad dahil madulas sa pwestong 'to.

"Hello po."

"Andiyan ka na pala!"

"Opo. Kukuha po akong dalawang kilong tilapia." Tinuro ko 'yung malalaki na pwedeng gamiting pang-ihaw.

"Gigilitan ko ba?" kumuha ito ng tilapia at nilagay sa kiluhan.

"'Yung isang kilo po pero 'yung isa pang-ihaw."

"Two hundred twenty lang lahat," wika niyo habang naglilinis ng isda. Ibinaba ko muna ang hawak kong mga supot para makakuha ng pera sa bag ko.

Ngumiti ako sa tindera habang hawak ang pera, pinanood ko lang siya.

Mabilis natapos si Suki dahil gamay na gamay na niya ang paglilinis. Inabot ko ang bayad.

"Salamat po." Ngumiti ako tapos ay lumakad na paalis. Lumabas ako ng palengke. Sa may paradahan ako ng tricycle nagpunta. Hinanap ng mata ko si ka-Ford, ang presidente ng Toda sa'min.

Nakita naman agad ako ng hinahanap ko at inabot sa'kin 'yung mga pinamili kong halos apat na supot na.

"Paki-iwan ko po muna dito 'yung mga binili ko. Tapos babalikan ko na lang mamaya," pagpapaalam ko.

"Okay, saan ka pa ba pupunta?"

"Sa grocery po."

Pagka-abot ko sa kanya ng mga plastic ay sinunod kong i-abot ang malaking eco bag para do'n ilagay ang mga pinamili ko. Tumalikod na ako at naglakad papunta sa may Super 8 sa loob ng Puso Mall. Binati ako ng guard pagkapasok ko.

Kumuha ako ng isang cart at dalawang basket. Inilagay ko ang isa sa itaas at 'yung isa naman sa ibaba.

Tinulak ko ang cart sa may canned good area.

Nag-angat ako ng tingin. Kumuha ako ng tig-tatatlong piraso ng bawat canned goods. Sumuod naman ako sa noodles at canton. Kumuha ako ng limang maanghang, dalawang hindi gaanong ma-anghang, tatlong with kalamansi. Kumuha rin ako ng limang noodles.

Next sa mga tinapay. Kumuha lang ako ng ilang mga supot tapos ay sa mga chocolate na ako, dalawang box ang inilagay ko sa cart. Nagpunta ako sa mga junk foods, kumuha ng mga gusto ng pinsan ko at natapos na sawakas do'n.

Nagpunta ako sa mga frozen foods. Tig-dadalawang pack lang tapos ay ilang seasonings. Nang matapos sa mga pagkain ay sa mga panlinis at sabon naman akong nagpunta. Kumuha ako ng zonrox, tide, joy, downy, shampoo, tapos baygon. Tissues. Body soap. Safeguard. Colgate.

Tumingin ako sa cart ko na halos hindi ko na maitulak sa bigat. Punong puno ito at mukhang okay na. Tiningnan ko ang listahan ko. Mukhang na-kompleto ko naman yata lahat. De bale, kung may kulang ay bibilhin ko na lang after ng shift ko sa trabaho.

Lumakad na ako papunta sa may cashier. Nakangiti sa'kin ang cashier habang inilalagay ko ang mga pinamili ko sa taas at nang madali nitong ma-check. Habang panay ang tunog ng machine ay kinuha ko gamit ang kaliwang kamay ang suki card ko para may bawas.

Inabot ko dito ang card, kinuha naman niya.

"Five thousand five hundred and sixty cent lahat," wika nito habang hinihintay ang resibo. Kumuha ako ng five thousand sa wallet ko. Inabot ko lahat sa kanya.

Lumabas na ako ng makuha ko ang mga pinamili ko. Sa sobrang bigat ay naibaba ko na ang plastic at isang kahon 'di pa man ako nakakalabas. Lumapit ako kay Kuyang Guard at ngumiti dito.

"Kuya, pwede po bang paki-iwan ko muna dito 'yung mga pinamili ko? Babalikan ko na lang po. Kuha lang akong tricycle do'n sa paradahan."

"Osige, pero bilisan mo ha."

Tinanguan ko siya saka tinuro ang mga pinamili ko. Lumapit naman do'n ang Guard at saka ako tumakbo paalis do'n. Gaya ng sinabi ko ay nagpunta ako sa Toda, kinuha ko ang mga pinamili ko. Inabutan ko ng twenty pesos si Ka-Ford.

"Kuya, punta po muna tayo do'n sa may super 8 kunin ko lang mga pinamili ko," ani ko sa Driver.

"Osige." Sumakay ito tapos pinaandar na. Dumaan kami sa tapat ng Gabaldon para makapunta sa super 8. One way lang kasi 'yung isang daan.

Mabilis naman kaming nakarating kami sa tapat ng Puso Mall. Bumaba ako at lumapit sa may Guard. Ngumiti ako sa kanya.

"Thank you po."

Magkatulong naming inilagay sa loob ng sasakyan ang mga pinamili ko bago ako sumakay. Ngumiti ako sa guard na tumango naman sa'kin. Sumandal ako sa likod at pumikit. Napagod ako sa pamilili ko.

Hindi katulad kanina ay medyo naging mabilis ang byahe ko. Nang malapit na ako sa Purok Uno ng San Isidro ay umayos na ako. Kumuha ako ng fifty pesos para matulungan ako sa pagbubuhat papasok ng bahay.

"Sa tabi na lang po."

Para ko, tapos ilang sandali pa ay tumigil sa mismong tapat ng bahay namin. Napatingin ako sa labas ng makita si Danilo na naghihintay sa labas. Bumaba ako tapos tumingin sa driver.

"Kuya, paki pasok na lang po do'n sa may terrace 'yung mga malalaking box," paki-usap ko habang ibinababa 'yung mga pinamili ko. Tumulong naman ang driver. Humarap ako kay Danilo pagkatapos.

"Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko. Sumilip ako sa loob ng bahay. "Nandiyan na sila Tito?" umakbay ako sa kanya.

"Wala pa, Ate. Nauna lang akong umuwi kasi maglalaro kami ng basketball ng mga kaybigan ko."

Pumasok kami sa loob, nandoon na lahat ng pinamili ko. Inabutan ko ng bayad ang driver saka hinintay makalabas ng gate 'yung driver. Sinarado ko ang gate tapos ini-lock. Pumasok na ako kasunod ni Danilo.

Kinuha ko 'yung mabigat na kahon at pinasok sa loob. Ipinatong ko 'to sa lamesa. Sinunod-sunod na namin ang ibang mga binili. Tapos ay ipinatong rin sa lamesa. Kinuha ko ang mga malalansang pagkain at inilagay sa lababo.

Huminga ako ng malalim ng humarap sa mga gagawin ko. Hindi naman masyadong marami pero mukhang nakakapagod sa dami.

"Ate, tulungan kita," ani Danilo na nag-uumpisa ng magbuklat ng mga pinamili ko.

"Okay. Tulungan mo si Ate." Tinuro ko 'yung mga dry na pagkain at 'yung mg sabon. "Ilagay mo na sa mga lalagyan nila."

Hinarap ko ang lababo. Unang nilinis ang isda dahil malansa 'to.

MGA hapon na ng matapos ako sa mga gawain ko. Nai-ligpit ko na rin lahat ng mga dapat ligpitin lalo na 'yung mga napamili ko. Nasa kwarto na ako at nagpapahinga sandali. Nakapag-handa na rin ako ng tanghalian, kung gusto kumain ni Danilo ay meron do'n.

Tumitig ako sa pader kung saan nakasabit ang huling family picture ako kasama ng mga magulang ko. Twelfth birthday ko 'yon, tapos nabangga ng bus ang sinasakyan naming SUV pauwi ng Hagonoy. Apat ang namatay no'n kasama ang mga magulang ko, at lahat ng natira ay sugatan.

Umiling ako. Hindi pwedeng maging malungkot ka na ganito Cassandra Elina Perez. Madami ka panggagawin. Kagaya na lang ng mga activities mo na naiwan, tapos ay maglilinis pa ako ng bahay.

Sa eight years na pagtira ko sa bahay nila Uncle Carlito ay nangatulong ako. Hindi nila ako kasabay kumain, malapit sa kusina ang kwarto ko para daw hindi ako mahirapan pa kapag magluluto at maglilinis ako.

Lahat ng ibinigay nila sa'kin ay kaylangan kong paghirapan, kaylangan kong bayaran sabi na rin ni Auntie Lita.

Napahigab ako tapos ay tumingin sa orasan na nakasabit sa pader. Medyo inaantok ako. Iidlip lang ako sandali, bago dumating sina Tita ay gigising na lang ako para maipag-hain sila kung gutom sila.

Nagising ako sa sunod-sunod na katok galing sa pintuan ng kwarto ko. Bumalikwas ako ng bangon saka nag-aalalang tumingin do'n. Mabilis akong tumayo at nagkukumahog na binuksan ang pintuan.

Sumalubong sa'kin ang umuusok na ulo ni Tita Lita.

"Anong oras na Casey?! Gabi na pero hindi ka pa rin nakakapaghain!" pagalit nitong puna.

Inilagay ko sa likod ang buhok ko. "S-susunod na po," medyo mahina kong sagot.

Inirapan ako ni Tita bago ako malditang tinalikuran. Napasandal ako sa pintuan ng wala na ito. Humugot ako ng malalim na hininga. Mukhang napasarap ang tulog ko, 'di ko na namalayan ang oras. Hindi na ako naghintay pa, nagpunta na ako sa kusina para maipaghanda sila ng pagkain.

Nang matapos akong maghain ng pagkain sa mesa ay bumalik ako sa kusina para kumuhang juice. Dumalo naman ang mag-anak sa hapag at nag-umpisa ng kumain. Sinalinan ko sila ng juice sa kanya-kanyang baso.

Apat lang ang kumakain sa mesa ngayon dahil wala si Ate Clea. Nang matapos ko silang paglagyan ng inumin ay bumalik na ako sa likod, ayoko namang tumanghod do'n at mangasim sa pagkain nila.

Hindi kasi nila ako sinasabay sa pagkain dahil hindi naman daw ako parte ng pamilya nila. Malungkot akong bumuntonghininga. Nung una, okay lang naman sila sa'kin kasabay nila akong kumain pero nung nagka-isip na ako ay bigla na lang akong hindi pwedeng sumabay.

Hanggang ngayon, ang kakainin ko lang ay tira nila o kaya naman minsan hindi na lang ako kakain dahil nakakahiya at mapapagalitan ako kapag nagluto ako ng panibagong pagkain. Sayang daw sa pera.

"Sa susunod ay agahan mo ang paghahain ng pagkain, Casey. Hindi 'yung kaylangan ka pang gisingin."

Napayuko ako sa sinabi ni Auntie.

"O-opo."

Binilisan ko ang pagliligpit ng pinagkainan nila para naman makapagpahinga na ako. Aalis pa ako bukas para pumunta sa University para mag-enroll.

****

MAAGA akong gumising para makapag-luto ng almusal nila. Nagluto ako ng pork-chop at nag-saing para sa baon ni Danilo sa school. Pati na rin kay Ate at Uncle na nagtra-trabaho na. Iniluto ko rin ang tocino at ilang hotdog para naman kay KZ at Tita.

Nagmamadali akong naghain sa lamesa dahil malapit na mag-alas sais y medya. Kakain na sila. Nagtimpla ako ng kape para sa matatanda, gatas at milo naman para sa dalaga at bata. Nang matapos ako sa oras ay do'n lang ako nakahinga.

Hindi na ako nakapaghintay na matapos sila. Lumapit ako kay Uncle.

"Uncle, mauuna na po sana ako." Pagpapaalam ko.

Nanunuring tumingin sa'kin si Tita samantalang si Tito ay nginitian lang ako.

"Osige, kumain ka na ba?"

Tipid akong ngumiti. "Sa daan na lang po siguro. Nagmamadali rin po kasi ako."

Tumango ito. "O siya. Mag-iingat ka, Casey." Bilin niya.

Tumango ako sa matanda bago tumingin kay Tita na masama ang tingin sa'kin. Nagmamadali akong umalis ng bahay dahil baka magbago pa ang isip ng babae at pigilan akong umalis.

Naglakad ako papunta ng San Miguel, malapit lang naman kaya ba't pa ako mamasahe. Sayang lang sa pera, kelangan ko pa naman 'yon. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top