Chapter Eleven
Good morning!!! Merry Christmas and Happy Holidays to everyone!! I will slowly get back to updating my stories kasi maluwag na po ang schedule ko like what I promised. So I hope you enjoy this one!
CHAPTER ELEVEN
PARANG walang nangyari sa'min ni Jayson ng magsipasok ang mga classmates namin. Magkatabi pa rin kami sa upuan pero naka-upo lang kami. Walang ginawa si Jayson na ikakainis ko na ipinagpasalamat ko. Nagpatuloy ako sa mga lesson plan na kaylangan kong tapusin dahil malapit na ang pasahan nito.
Ang daming lesson plan na kaylangang gawin. May semi at may detailed pa.
Kaya sa mga nagsasabing madali lang daw ang Educ, lumapit ka't maihampas sa'yo 'tong mga lesson plan na pinagpupuyatan namin, chariz. Pero sa totoo lang nakakapagod maging Educ Student, kaya ngayon, mas lalo lang tumaas ang respeto ko sa lahat ng guro dahil pinagdaanan nila 'tong hirap na 'to tapos hinaharap pa nila yung mga hamon ngayon.
"Pagkatapos mo mamaya saan ka pupunta?" pabulong na tanong ni Jayson.
"Uuwi na siguro ako. Hindi ko naman duty sa work ngayon," sagot ko ng hindi tumintingin sa kanya.
Kumunot ang pakiramdam ko. Para kasing may mariing nakatingin sa'kin kaya nag-angat ako ng tingin. Nasalubong ko ang mga mata ni Jayson na nakatingin sa'kin. Kinunutan ko siya ng noo tapos ay nagtatanong na tiningnan pero umiling lang siya. Ipinagkibit balikat ko 'yon saka bumalik sa ginagawa kong LP.
Ina-outline ko kasi ang Detailed Lesson Plan na gagawin ko, tapos mamayang pag-uwi ko sa bahay ay saka ko palang sila ita-type para type na lang. Nanghihiram lang kasi ako ng laptop kay Danilo dahil wala naman akong gano'n. Hindi naman required na hand-written kaya ipapa-print ko mamayang gabi.
Kalahating oras siguro ang lumipas bago ako nataposa sa ginagawa ko. Nag-aayos na ko ng mga gamit ko ng magsalita si Jayson sa tabi ko.
"Sabay tayong umuwi mamaya," anito.
"Huwag na. Mahal lang ibabayad mo sa driver," pagtanggi ko.
"Okay lang 'yon. Mas mahal naman kita," banat nito.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya saka siya binigyan ng 'disgusting look'. Ang corny niya ha. Ilang babae na kaya ang nasabihan niya noon? Tss.
"Ewan ko sa'yong lalaki ka. Napaka mo."
Tinawanan lang ako ng lalaki na lihim kong ikina-inis. Tawanan ba naman ako na para akong nakikipag-joke, amp.
Pagkalagay ko ng lahat ng gamit ko sa loob ng bag ay tumayo na 'ko at isinukbit iyon. Mabilis akong hinawakan ni Jayson sa kamay. Bumaba ang tingin ko sa kanya.
"Saan ka pupunta?"
"Bibili ng pagkain. Nagugutom ako. Bakit?"
Hindi siya kumibo, bagkus ay tumayo lang din siya saka isinukbit ang bag.
"Teka!" pigil ko. "Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ko.
"Bibili ng pagkain, 'di ba? Ano ka ba? Malilimutin ka na, mahal. Joke," biro nito.
Inirapan ko lang siya pagkatapos ay binawi ang kamay ko pero hawak ko ang kamay niya. Hindi ko namalayang 'di ko pa pala nabibitawan dahil kina-usap na naman niya ako.
"Sama ako. Syempre, ikaw lang ba may karapatang magutom? Nagugutom din ako," parang batang sabi nito sabay nguso ng labi. Inilingan ko siya bago tumango. Lumawak naman ang ngiti ng loko dahil sa pagsang-ayon ko.
Magkasabay kaming lumabas ng classroom at bumaba ng hagdan. Sa 'Encantandia' kami bumili ng makakain namin. Kumain na din kami ng kanin do'n kasi super sarap ng amoy ng kanilang Kare-Kare. Yums.
****
"Alam mo, ang ganda mo lalo kung nag-aayos ka," ani Jayson, isang beses ng sinasabayan niya ko maglakad hanggang sa may amin.
Nilingon ko siya. "Talaga ba? Walang kasamang echos 'yan ha," pabirong sabi ko pa.
Nginitian niya ko. "Walang echos, Casey. Maganda ka. Sobra, lalo na kung maaalagaan mo ang sarili mo. Ngayon kasi kulang ka pa sa alaga."
"Hmm...talaga?"
"Oo nga. Promise. Pero kung gusto mo ako na lang mag-alaga sa'yo. Ituturing pa kitang prinsesa ko," dagdag nito. Tumawa ako saka siya hinampas sa braso dahil sa pinaghalong gigil na may saya.
"Aray!"
"Ituturing na prinsesa pero sasaktan naman," parinig ko.
"Ako nga 'tong sinaktan mo may narinig ka bang sinabi 'ko? And totoo naman 'yon, hindi kita sasaktan, Casey. Bigyan mo lang ako ng chance," seryosong sabi nito.
Napahinto ako sa paglalakad samantalang patuloy lang na nagsasalita ang lalaki. Pinagmasdan ko ang likod nito habang naglalakd siya palayo sa'kin. Napapa-isip ako.
What if totoo lahat ng sinasabi niya? What if hindi niya talaga ako saktan? What if siya na pala yung pinadala nina Mama at Papa sa'kin para alagaan ako? Sobrang daming what if na pumapasok sa isip ko...ang gulo-gulo pero unti-unti nahuhulog...
Bumalik lang ako sa reyalidad ng may humawak sa'kin sa braso. Napatingin ako sa kung sino 'yon. Si Jayson, nasa tabi ko at nagtatakang nakatingin sa'kin.
"Ayos ka ah. Kanina pa ko salita ng salita wala naman pala akong kausap habang naglalakad. Okay ka lang ba? Why did you stop?" tanong niya.
Ngumiti ako sa kanya bago umiling.
"Sure?"
"Opo."
"Okay. Kapag gutom o nauuhaw ka sasabihin mo ha. Hahanap tayo ng mabibilhan," aniya.
Tumango lang ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Tahimik akong nakikinig kay Jayson habang nagkwe-kwento siya kung paano siya nagsalitang mag-isang nagsasalita kanina doon. Natatawa na lang ako dahil kung hindi pa daw siya nalingon sa'kin ay hindi pa niya mamamalayang wala na pala ako sa tabi niya. Siraulo.
Nang dumating kami sa tapat ng bahay namin ay agad akong nagpaalam sa kanya. Inantay niya muna akong makapasok sa loob ng gate bago siya sumakay ng tricycle. Nakangiti akong pumasok sa loob ng kabahayan ngunit tahimik na bahay lamang ang aking nadatnan. Mukhag wala pang tao. Pumasok ako sa kwarto ko at binaba ang mga gamit ko sa isang tabi. Siguro ay maglilinis muna ako ng katawan bago mag-umpisang gumawa ng gawaing bahay.
Saktong paglabas ko ng kwarto ko ay ang siyang pagpasok ni KZ sa kusina. Nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa'kin.
"Aba, ang senyorita ngayon lang lalabas ng kwarto. Ano? Wala pa ding pagkain?" mataray niyang tanong sa'kin, nag-cross arm din ang babae.
Napa-irap ako sa isip ko.
"Ahm...n-nagbihis muna ako saka nag-ayos ng sarili para kapag ka pinaghanda ko kayo ng hapunan ay walang magiging sagabal," mahinahon kong sagot sa babae.
Mukhang hindi yata naniniwala sa'kin si KZ dahil imbis na iwan na ko ay mas lalo lamang siyang lumapit saka mapang-asar na ngumisi.
"Bakit ka nauutal? May kasalanan ka noh?" mapang-akusang anito.
Sunod-sunod ang naging pag-iling ko at kusang umatras, "ano bang pinagsasabi mo? B-bakit ako magkakaroon ng kasalanan? Hindi ba pwedeng mautal kahit matanda na?" palaban kong ani dito.
Mas lalo lamang lumawak ang ngisi niya dahil sa ginawa ko. Lumayo na ito sa'kin saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Napatikhim ako sa paraan niya ng pagtingin sa'kin. Ilang sandaling ganuon hanggang sa umalis na ng kusina ang pinsan ko. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib dahil do'n.
Bakit kaya andito na agad siya? Hindi ba't may pasok ito sa trabaho at mga bandang gabi na ang uwi pero maaga siya ngayon. Nakita niya ba 'kong kasama si Jayson sa labas kanina? Pero imposible kasi naman walang katao-tao. Tama, baka dumating lang ito nung nagbibihis ako kaya hindi ko siya agad napansin. Pilit kong pinasigla ang sarili ko dahil 'yun ang tamang gawin sa mga ganitong sitwasyon. Baka mamaya mag-isip ng kung anong masasasma 'yon kapag nakita akong apektado.
Ginawa ko na ang mga dapat kong gawin sa kusina. Nagluto, nag-saing, nag-urong at saka nag-ayos-ayos. Patapos na ko sa paghahain ko nang marinig ang ibang boses ng kasamahan namin sa bahay. Bigla tuloy umingay ang sala na nadidinig ko hanggang dito sa kusina. Ibinaba ko ang hawak na plato saka sumilip sa may pinto nang makita ang nangyayari sa loob.
Nakatayo sa may gitna si Ate habang nakatingin kina Uncle at Auntie. Galing silang Robinsons dahil nakakalat sa lapag ang mga plastic na may tatak nito.
Bumuntonghininga ako.
Ano kayang feeling ng mapag-shopping? Hindi naman na nila ako sinasama kasi sa ganiyang gala. Madalas nasa bahay or work lang ako. Anon feeling ng may nag-aalaga at nakakaalala ng mga bagay na gusto mo?
Sa ganuong isipin ay parang may kumurot sa dibdib ko. Tumalikod na ko't bumalik sa'kin ginagawa pero bigla-bigla na lang ay tumalon ang pusang alaga ni Auntie sa mesang puno ng mga plato. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang bumagsak ang tatlong bagong plato nito. Naka-awang ang bibig ko hanggang sa makaalis ang pusa.
Anak ng tinapa!
Siguradong yari ako sa kanila—bago ko pa matapos ang sasabihin ko'y narinig ko na ang malakas na boses ng Auntie. Mariin akong napapikit.
"ANAK KA NAMAN NG TETENG, CASSANDRA!!!" dumadagungdong na sigaw ni Auntie sa buong kabahayan.
Nanginginig akong napalingon sa kanya at kitang-kita ko ang mga galit sa mata nito. Sina Uncle pati ang mga pinsan ko ay nakiki-usyoso sa nangyari sa kusina. Mas lalo akong kinabahan at bago ko pa man nga ako makapagsalita ay dumapo na ang palad ni Auntie sa kanang pisnge ko dahilan kung bat ako napa-atras.
Pinaghalong gulat at sakit ang naramdaman ko. Nag-init ang magkabilang gilid ng mga mata ko nang tumingin ako dito. nakaduro sa'kin ang daliri nito.
"BOBA KA!! ALAM MO BA KUNG GAANO KAMAHAL ANG MGA IYAN TAPOS BABASAGIN MO LANG PUTANGINA KA!!!!!" nanggagalaiti niyang sigaw.
Ilang bees akong umatras dahil malalaking hakbang ang ginawa niya palapit sa mga nabasag na plato. Sa hindi naman inaasahan ay bigla akong natisod sa pusa ni Auntie. Bumagsak ako sa lapag katabi ng mga basag na plato. In one swift moment, I can feel my blood running out from my arms. No one. I just noticed that the blood is dripping.
My mouth parted when I saw my blood.
Napatingin ako kay Uncle para manghingi ng tulong pero nag-iwas lang siya ng tingin saka bumalik sa loob ng sala sumunod ang pinsan ko dito dahil inaya niya, ang naiwan lang na kasama ko ay si Auntie. Ang munting pag-asa sa puso ko na may tutulong sa'kin ay unti-unting namatay. Sinarili ko ang sakit na nadarama bago tumayo at humarap kay Auntie.
"Au-Auntie—"
"WAG KA NANG MAGSALITANG PUTANGINA KA! NAPAKA-TANGA MO TALAGA! NASAAN BA YANG UTAK MO HA?! ALAM MONG MGA BAGO 'TONG PLATO KO!! MAHAL SILA TAPOS NGAYON BABASAGIN MO LANG! HA! MAY PAMPAYAD KA BANG PUTA KA?!!" hindi pa pala siya tapos sa mga pananakit niya sa'kin dahil pagkatapos niya kong sampalin ng dalawang beses ay sinabunutan niya naman ako. Napa-igik ako sa sakit.
"A-Auntie...s-sorry po! Hindi ko k-kasalanan—aray!" nag-uunahan ang mga luha ko sa pagtulo, "hindi po talaga ako 'yon, Auntie—yung pusa po—"
"At talagang sisisihin mo pa yung nananahimik kong pusa?! Ingrata ka! Tanga kang putangina ka! Wala ka nang dinala sa bahay na 'to kundi kamalasan! Tanga! Estupida! Napaka-bobo mong putangina ka! Ano ngayon ang gagawin sa ko sa mga 'yan ha?!" halos isubsub na niya ang mukha ko sa mga basag na bubug sa lapag.
"S-sorry po! Sorry, Auntie! Sorry!" paulit-ulit kong inusal ang mga salitang iyon pero para siyang bingi dahil mas lalo lamang lumakas ang galit nitong tinig at mas lalong matatalim ang mga salitang lumabas sa bibig nito.
Nakababa ang tingin ko sa mga bubug. Nanginig ang katawan ko sa takot dahil may isang bahagi ng plato ang matulis na nakatayo. Ilang dipa lang ang layo nito sa kanang mata ko. Lord, save me please. I was crying for help pero mukhang lahat ng tao sa bahay na 'to ay bingi.
"Wala kang kwenta talagang bata ka! Kaya siguro maagang namatay ang mga magulang mo dahil alam ng Diyos na walang kwentang bata ang papalakihin nila kaya tinakbuhan ang responsiibilidad tapos ngayon gaganyan ka sa'min! Walanghiya ka talagang bata ka!" gigil na gigil siya na para bang handa na niyang kitilin ang buhay ko dahil lamang sa mga plato.
Akala ko mamatay na ako sa ginagawa niyang pambubugbug pero sa awa ng Diyos ay pumasok sa kusina si Ate Clea.
"Mama, tama na po 'yan." Nilapitan pa niya si Auntie para mapakawalan ang buhok kong hawak-hawak nito saka siya hinila palayo sa'kin. Iyak ako ng iyak habang nakatingin sa kanila. Halos hindi na ko makakita dahil sa luhang kanina pa panay labas, nagsisikip na din ang paghinga 'ko dahil sa sobrang pag-iyak.
"Cassandra, linisin mo na 'yan. Mamaya tayo mag-uusap," aniya sa'kin bago humarap sa Ina nito. "Mama, let's go inside. Inii-stress mo na naman ang sarili mo alam mo namang hindi pwede sa'yo 'yon."
"Eh, napaka-bobo naman kasi niyang putanginang 'yan! Ke tanga-tanga. Ganiyan ba yung nag-aaral ng Education?! Ano ituturo niyan sa estudyante niya? Kabobohan?! Ang tanga-tanga!!" gigil pa din nitong sabi sa'kin. Nanlalaki ang mata niya sa galit. "Linisin mo 'yang kalat na 'yan dahil kapag ako may nakitang isang bubug na natira ipapakain ko talaga 'yan sa'yo!" pagbabanta pa niya.
Ate Clea never stopped her from badmouthing me. She just looked at me like I'm a big disappointment and I deserved what Auntie did to me.
Nang mawala sila sa kusina ay do'n ko lang pinakawalan ang mas maraming hikbing kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko alam kung anong mas masakit. Yung bang sugat ko na patuloy lang ang pagdudugo, yung muntikang pagkasira ng mukha ko at pagka-bulag dahil muntik na niya kong isubsub sa bubug o dahil sa sinabi niya tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ko.
I choose the last one.
That hurts me more. Ang kaisipang namatay ang mga magulang ko para iwanan ang responsibilidad nila. The topic over my parents are so sensitive to me dahil napakabata ko pa nung nawala sila at hindi ako ready no'n; hanggang ngayon naman. Pero kaylangan pa ba niyang ipamukha sa'kin 'yon? Kaylangan pa bang isampal sa'kin ang ganung isipin? Mariin akong napapikit.
Huminga ako ng malalim bago pinakawalan ang isang malalim at mahabang hininga. Pagkatapos no'n ay tumayo para magligpit ng kalat na hindi ko naman ginawa. Kumuha ako ng dustpan at walis sa labas para mawalis ang mga bubug. Dalawang beses akong nagpasada ng pagwawalis bago lumabas. Nang tapos na ko'y bumalik ako sa kusina, tumigil na ang mga luha ko kakabagsak pero hindi pa rin tumitigil ang malakas na kabog ng dibdib ko.
Magang-maga ang mga mata ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit no'n habang kumukurap sa paghahanda sa lamesa. Mabilisan kong tinapos lahat para makapasok na ko sa sarili kong kwarto at nang naisarado ko ang pintuan ay doon ako napadausdos paupo. Isinandal ko ang ulo ko sa saradong pintuan at saka impit na umiyak.
Anong kasalanan ko sa huling buhay ko para pahirapan ako ng Diyos ng ganito? Anong klaseng pagkakamali ba 'yon at hanggang ngayon ay kaylangan ko pang magdusa? Hindi ko naman ginustong mapunta sa sitwasyong 'to. Hindi ko naman ginustong mabuhay pero bakit ako ang sinisisi nila? Kung alam ko lang na ganito ang magiging buhay ko edi sana sumama na lang akong mamatay sa mga magulang ko.
Bakit mo pa kasi ako binuhay? Sana hinayaan niyo na lang din akong mamatay. Sana namatay na lang din ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top