Chapter Eight

CHAPTTER EIGHT

BAGO ako pumasok sa eskwela ay inabot ko kay Ate ang cellphone ko. Grabeng pang-aasar ang natanggap ko kay KZ. Matamlay akong pumasok sa loob ng classroom namin. Gusto kong huwag na lang pumasok eskuwela at pumasok na lang sa trabaho.

Umupo ako sa pwesto ko. Hindi ko binigyan ng pansin ang kahit sinong nasa loob, miski si Jerlyn na binati ako ay hindi ko rin pinansin.

Yumukyuk ako sa ibabaw ng table ko.

May umupo sa tabi ko.

"Umalis ka at wala akong panahon para sa'yo," malamig kong saad sa lalaki.

"Ha? Bakit?" takang tanong nito pero hindi sumunod.

Pumikit ako ng mariin.

"Nasaan ang phone mo? 'Di na kita ma-contact."

Nagbingi-bingihan ako. Iiwas na ako sa lalaking 'to, puro pasakit lang 'yung dala niya sa buhay ko. Nape-perwisyo ako dahil sa kanya. Patuloy lang ang pagsasalita nito na hindi ko pinansin.

Dumating ang Prof namin kaya natigil siya sa pagsasalita. Umayos ako ng upo at walang emosyong tumingin sa harapan. Ramdam ko ang maiinit na tingin sa'kin ng walangyang lalaking 'to. Kumuha ako ng notebook para mag-take down notes. May exam kami next week.

"May kasalanan ba ako sa'yo? Nasabing hindi maganda?" pagtatanong ni Jayson.

Hindi ako sumagot at nagsulat lang. Bahala siyang matuyuan ng laway kakasalita, bwisit siya! Sa sobrang gigil ko ay hindi ko na namalayang ang diin na pala ng paraan ko ng pagsusulat. Natigilan na lang ako nang agawin ni Jayson ang ballpen ko. Masama ko siyang tiningnan.

"Ano ba?!" inis kong asik. Inabot ko ang ballpen pero inilayo niya lang 'yon. Pinandilatan ko siya.

Seryoso niya akong tiningnan sa mga mata. "Ano munang kasalanan ko sa'yo? Kanina mo pa ako hindi pinapansin, pati cellphone mo hindi ko ma-contact!"

"Wala ka ng pake do'n! Pwede ba! Tigilan mo ang pangungulit! Kung gusto mo 'yang ballpen isaksak mo sa baga mo! Madami ako!" pabulong kong asik bago siya tinalikuran. Inilayo ko ang upuan ko pero hinila nito pabalik na gumawa ng malakas na ingay.

"PEOPLE AT THE BACK! KANINA PA KAYO!" sigaw ni Ma'am Venus.

Napalingon ako sa harap, nakatayo na si Ma'am at galit ang hitsura. Napalunok ako.

"Leave my class!! Mga walang respeto!" galit nitong sigaw habang nakaturo sa pinto. Umawang ang labi ko.

"B-but Ma'am—"

"Leave, Perez! Huwag mong hintaying ipatawag ko pa ang mga magulang niyo!"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko, nag-iinit ang dalawang gilid ng mata ko. Nilibot ko ang tingin ko. Lahat sila ay masama ang tingin sa'kin. Inipon ko ang gamit ko at patakbong lumabas ng classroom. Nang nasa malayo na ko ay saka ko lang pinakawalan ang luhang kanina pa gustong lumabas.

Nagtuloy ako sa roof top ng building namin. Doon ako umiyak ng umiyak. Tatlong oras ang klase namin kay Ma'am Venus. Paniguradong madami silang maaaral na hindi ako makakasali tapos hindi ako makakapag exam!

Umupo ako sa pinakadulo ng rooftop at yumukyuk sa mga tuhod ko. May tumabi sa'kin. Amoy pa lang niya ay kilala ko na.

"P-please lang...umalis ka na!"

Instead na pakinggan ang paki-usap ko, hinila niya ang katawan ko sa isang mahigpit na yakap. Mas lalo akong napa-iyak.

"Sorry na...hindi ko naman alam na mapapalabas tayo. Ikaw kasi, hindi mo sinasagot ang tanong ko."

Inis ko siyang tinulak. Tiningnan ko siya sa mata.

"So, kasalanan ko pa?! Ayokong kausap kaya hindi kita sinasagot! Kung hindi ka kasi feeling close, edi sana nasa classroom pa ako at nag-aaral!" sigaw ko.

"Bakit kasi ayaw mo kong kausap?! Nag-usap naman tayo kagabi sa phone, ah! Akala ko ba okay na tayo?"

Madiin kong pinunasan ang luha sa pisnge ko.

"Ikaw 'yung rason! Narinig ng pinsan ko ang sinabi mong manliligaw ka! Nagalit sila sa'kin! Akala nila maglalandi ako ng maaga! Kinuha pati cellphone ko! Kasalanan mo lahat ng 'to! Kasalanan mo!" paninisi ko sa kaniya.

Hindi ito nakapagsalita at nakatingin lang sa mukha ko. Wala akong guilt na nararamdaman. Totoo naman kasing kasalanan niya.

Muli akong napa-iyak. "T-tapos ngayon n...napalabas ako ng classroom. Pag n-nalaman nila A-Auntie m-magagalit na naman sila sa'kin. H-hindi tayo magkatulad ng buhay, k-kung sa inyo pwede kang makipag-relasyon, a-ako hindi."

Akma nitong hahawakan ang pisnge ko nang tabigin ko ang kamay n'ya. Nagmamakaawa ko siyang tiningnan.

"P-please lang, J-Jayson...tumigil ka na sa panliligaw mo sa'kin. Ayoko rin namang mag-boyfriend...tumigil ka na," paki-usap ko.

Hindi siya nagsalita. Tumayo ako at inilagay ang mga gamit ko sa bag. Umalis ako ng rooftop at iniwan do'n ang lalaki. Sana malinaw na sa kanya ang lahat. Ayoko. Gusto ko munang makapag-tapos ng pag-aaral para kay Mama at Papa.

At walang puwang ang pag-ibig sa buhay ko ngayon.

*****

ISANG buwan na ako walang telepono. Tinotoo nila Ate 'yung pagkuha sa cellphone ko. Nanghihiram lang tuloy ako ng laptop kay Danilo kapag may kaylangan akong i-search.

Ngayon araw ay exam namin. Ang daming kaylangang aralin kaya sa library na ko dumeretso. Kinuha ko ang mga librong kaylangan ko at umupo sa isang table na walang tao.

"Kung saan-saan na kita hinanap nandito ka lang pala."

Napalingon ako sa nagsalita. Si Jerlyn. Nakatayo sa likuran ko at may hawak ring libro. Tinabihan niya ako ng upo.

"Hindi ka nago-online, anyare?" tanong nito habang nagbubukas ng libro.

Nagbuntonghininga ako at pinagpatuloy ang pagsusulat ko. "Kinuha sa'kin 'yung cellphone ko," puno ng pait kong sabi.

Namilog ang mata nito. "Kelan pa?!" gulat niyang tanong.

"Isang buwan na rin."

"Anyare? Grabe, gurl, baka naman gusto mo nang layasan 'yang tiyahin mo. Kung apihin ka—"

"Kasalanan ko rin naman kung bakit nakuha 'yung cellphone ko. Okay lang 'yon," saad ko.

Hindi makapaniwalang tumingin sa'kin ang kaybigan ko.

"Pwede ka nang maging Santa sa kabaitan mo! Inaalila ka na—"

"Hindi ako inaalila, Jer. Kelangan ko lang talagang makisama. Sila nagpapaaral sa'kin, eh. Saka wag mo naman silang pagsalitaan ng masakit, sila nag-aalaga sa'kin."

Kahit gano'n sina Auntie sa'kin ayoko pa ring maririnig na pinagsasalitaan sila ng masama. Sila na lang kasi ang pamilya ko...kahit 'di pamilya turing nila sa'kin.

"Alaga pa ba 'yang ginagawa sa'yo?! Grabeng alaga 'yan, ha!" anito.

Nginitian ko na lang siya at nagpatuloy sa ginagawa ko. Narinig kong bumukas ang pinto nang library kaya nag-angat ako ng tingin. Nagsalubong ang mata namin ni Jayson. Nanlaki ang mata ko sandali bago ako nag-iwas ng tingin.

Isang buwan ko na rin palang iniiwasan ang lalaki. Ina-approach niya ako pero ayoko na talagang magkaroon ng connection sa kanya. Nakipagpalit na naman nga ako ng upuan para hindi niya na ako masundan.

"Ayun sina Jayson, oh! Jayson dito!" ani Jerlyn.

Pinanlakihan ko siya ng mata at sumenyas akong huwag tawagin pero makulit ang babae. Nakita ko na lang na papalapit na sila sa pwesto namin. Mabilis kong inipon ang gamit ko at inilagay ko sa bag. Tumayo ako at walang paalam na umalis.

"Uy, Casey—"

Paglabas ko ng library ay nakahinga ako ng maluwag. Naglakad ako papunta sa classroom namin nang may humawak sa braso ko. Kumabog ang dibdib ko nang maramdaman ang pamilyar na electricity. Hinila niya ako papunta sa ilalim ng hagdan.

"Anong—"

"Napipikon na ako sa'yo, ha! Isang buwan na kitang pinagpapasensyahan, tapos ngayong sasamahan lang namin kayong mag-aral, lalayasan mo ko?! Ano bang gusto mo?! 'Yung mabaliw na akong tuluyan kaka-isip sa'yo?!" inis niyang tanong. Napa-atras ako. Tumama ang katawan ko sa bato.

"Ano 'di ka makapagsalita? Sagutin mo ko, bago pa maubos ang pasensya ko, Cassandra!" may pagbabantang wika nito.

Napalunok ako. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Para akong kinakapos ng hininga kapag malapit sa'kin katulad na lang ngayon. Inirapan ko siya at akmang aalis nang iharang nito sa magkabilang gilid ko ang braso niya.

Mariin akong napapikit.

"Sa tingin mo matatakasan mo ko?" malanding bulong nito na nakapagpataas ng balahibo ko sa batok.

"A-ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! G-gusto mong m-mapunta sa D-Dean?!" kunwang matapang kong tanong pero sa totoo lang ay nanginginig na ang mga tuhod ko.

Nginisihan niya ako.

"Hindi ako natatakot sa Dean mo, Casey...ang gusto ko'y sagutin mo ang tanong ko."

"W-wala naman akong isasagot sa'yo!"

"Meron! Dapat mayroon, Cassandra, kung hindi magagalit talaga ako."

Nag-iwas ako ng tingin. "Nasabi ko naman na sa'yo noon ang gusto ko. Tigilan mo na ako."

"Tinigilan nga kita," prenteng sagot niya.

Inirapan ko siya. "Nang isang buwan! Gusto ko wag mo na ulit akong kausapin lalo na kung hindi naman tungkol a school." Sinubukan ko siyang itulak pero hindi man siya naano.

"Ayoko."

"Anong ayoko?" kunot noong tanong ko.

Tiningnan niya ako sa mga mata. Hinawakan ang pisnge ko at inilapit pa ang mga mukha namin. Nanuyo ang lalamunan ko. Nginisihan niya ako.

"Hindi mo ko pwedeng iwasan simula ngayon. Liligawan kita. I will show you na totoo ang nararamdaman ko," seryosong sabi nito.

Nag-init ang pisnge ko sa sinabi niya. Yumuko ako.

"B-basted—"

"Pag binasted mo ko ngayon hahalikan kita!" madiin nitong banta na nagpatigil sa'kin. Nanlalaki ang matang tumingin ako sa kaniya.

"Naglo—"

Inilapit niya ang mukha niya sa'kin. Ngayon ay mas amoy na amoy ko na ang bibig nitong amoy mint. Sa sobrang lapit ng mukha niya ay isang maling galaw maglalapat ang mga labi namin.

Huminto yata ang pagtibok ng puso ko sandali.

Ngumisi ang lalaki.

"Manliligaw ako sa'yo kahit anong tutol mo. Tatabi ka na ulit sa'kin sa upuan at hindi mo na ako iiwasan. Kapag iniwasan mo ko sa bahay ninyo ako pupunta, maliwanag?"

"Hindi ka pwedeng magpunta sa bahay!" natatarantang ani ko.

"Kung gano'n sundin mo ko kung hindi magpapakilala ako sa Tita mo, okay?"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Ano bang kamalasan 'to? Nambla-blackmail ang gagong 'to.

"Paano kung magsumbong ako sa Dean na hinaharass mo ko? O kaya sa mga kamag-anak ko. Ipapakulong ka nila!" pananakot ko.

Ngumisi ito sa'kin. "Sa tingin mo natatakot ako?" maangas niyang tanong. Umiling ang lalaki. "Kahit magsumbong ka wala akong pake. Madali lang sabihin sa kanilang girlfriend na kita—"

"Gago ka!" pagalit kong sigaw dito.

Pero imbis na matakot ay nginitian pa niya ako. Inipit niya ang nahulog na buhok sa likod ng tenga ko.

"Basta sundin mo lang ako, ha. Punta na ulit tayo sa library. Alam kong aral na aral ka na dahil may exam," nakangising anito saka ako inakbayan. Hinila niya ako pabalik ng library.

Kahit ayoko ay wala akong magawa. Natatakot akong magsumbong siya kina Auntie o kaya magpunta talaga sa bahay. Maliit ang chance na maniwala sa'kin ang mang-Auntie lalo na't narinig nilang may nanliligaw na nag sa'kin.

Nakangisi rin sina Kyle at Jerlyn nang makita kaming magkasama ni Jayson. Ipinaghila niya ako ng upuan katapat ni Jerlyn, umupo ako. Tumabi sa'kin ang lalaki. Nagbuntonghininga ako. Ang malas malas ko talaga.

"Anong page ka na dito?" malambing na tanong ni Jayson at itinaas ang libro.

Inabot ko ito. "Ako na," walangbuhay kong sagot saka binuklat ang page.

NATAPOS ang exam na lahat kami'y nagrereklamo. Ang hirap-hirap naman kasi ng exam! Kung hindi ka talaga nag-review ay wala kang maisasagot. Wala ring choices.

Kasama ko si Jerlyn, pababa kami ng hagdan para bumili ng pagkain sa labas. May bananaque kasi na nagtitinda do'n. 'Yun lang ang kaya ng budget ko para sa ngayon.

"Grabe si Sir Louie, ang tindi magpa-exam," reklamo ni Jerlyn.

"Akala ko nga madali lang exam kasi mabait naman siya sa'tin," ani ko pa dito.

Ngumuso ang babae. "Nako, lesson learned. Kapag mabait ang teacher, ingat-ingat."

"Tama."

Lumabas kami ng gate at tumabi ng kalsada. Pinayagan kami ni Kuyang Guard kasi alam naman nilang bibili lang kaming pagkain sa tapat. Lumapit kami sa nagtitinda ng kakanin.

"Pabili nga po ng bananaque, dalawa," ani Jer.

"Trenta pesos, iha," ani ng tindera.

Kumuha ako ng kinse sa bulsa ko at limang piso para sa palamig. Napalunok ako nang makita ang laman ng wallet ko. Wala ng isang daan, kakasya pa ba 'to sa isang linggo? Next week pa ang sweldo namin.

Pikit mata kong kinuha ang bente pesos at inabot kay Jerlyn na nakataas ang kilay na nakatingin sa'kin. Pilit akong ngumiti.

"Limang piso ring samalamig, ha," paalala ko dito.

Hindi siya sumagot. Lumapit ako sa may waiting shed ng mga tricycle driver. Wala namang nakaparada kaya pwede nang dito muna kami. Hinintay ko si Jerlyn na dala-dala ang pagkain namin.

Sinalubong ko siya. Kinuha ko ang bananaque ko. Kumunot ang noo ko nang i-abot nito sa'kin ang buko juice na tig-ten pesos.

"Kunin mo na, gurl. Alam ko namang wala kang budget ngayon. Libre ko na 'yan," nakangiti anito.

Ngumiti ako sa kanya bago umupo. Nakakahiya.

"S-salamat ha."

"Wala 'yon. Ano ka ba! Parang sisteret na kita kaya, keri bells lang!"

Huminga ako ng malalim at nag-umpisa ng kumain. Tahimik lang kami habang pinapanood ang mga trike na dumadaan, pati kotse, jeep, at miminsang bus.

"Anong pinag-usapan niyo kanina ni Jayson nang mawala kayo?" curious nitong tanong.

Tiningnan ko siya. "Wala naman."

"Huuu," hindi naniniwalang anito. "Bakit naka-akbay sa'yo? Bati na kayo?" tanong pa niya ulit.

"Nag-away ba kami?"

"Aba'y hindi ba away sa'yo 'yon? Alam mo bang usap-usapan na kayo sa classroom. The more you hate daw, the more you love! Pakipot ka pa nga daw," pagkwe-kwento nito.

Tumaas ang kilay ko. Uminom ako ng buko juice.

"Anong pakipot?! Hindi ko naman kasi gusto ang lalaking 'yon. Napaka-kulit lang talaga at ayaw tumigil, kahit anong pahinto ko!" asik ko.

"Knows ko naman 'yon kaya lang alam mo naman ang classmates natin at ang ibang tao. Judgemental," aniya.

Napabuntonghininga na lang ako at tinapos ang pagkain ko. Nabusog naman ako ng bananaque. Pumasok na kami sa loob ng school pagkatapos kumain. Nakasalubong namin ang iba naming classmate na masama ang tingin sa'kin kahit wala naman akong ginagawa.

"Andiyan na pala, eh."

'Yun ang una kong narinig pagkapasok ko sa loob ng classroom namin. Lumingon ako sa kung saan nang galing ang boses, sa likod pala. Nakatambay sina Jayson at Kyle kasama ang kaybigan nitong si Kiel.

Inalis ko ang tingin sa kanila at pumasok sa classroom. Umupo ako sa upuan ko, sa may gitnang part ng room. Magre-review sana ako para sa susunod na exam nang may tumabi sa'kin. Hindi ko na tiningnan, kilala ko naman kung sino 'yon.

"Saan ka galing, mahal?" malambing nitong tanong.

Umirap ako.

"Sige, wag mo kong—"

"Kumain kami ni Jerlyn! Masaya ka na?!" inis at madiin kong ani.

Matamis itong ngumiti sa'kin at ipinatong ang braso sa sandalang ng upuan ko. Inirapan ko siya. Kapal.

"Sa susunod sasabay na kami sa inyo. May ginawa kasi kami kanina kaya hindi kami nakasunod," pagpapaliwanag nito.

Tinaasan ko siya ng kilay pero inalis ko rin ang tingin ko.

"Sabay tayong umuwi mamaya, ha. Wag mo kong tatakasan kundi yari ka," pagbabanta nito.

"Sa work ako dederetso mamaya," pagsisinungaling ko.

"Saan ba work mo?"

"Diyan lang."

"Saan ngang diyan lang?"

"Basta! Wag ka nang makulit!" inis kong pagpapatigil sa kanya. Ayoko ng maingay kapag nag-aaral.

Ngumiti ang lalaki sa'kin na kakaiba naman. Umirap ako at nag-aral na.

Wag lang sana akong malasin dahil sa pagsasama sa lalaking 'to. Kaylangan kong mag-ingat dahil baka may makakating dila ang magsabi kay Auntie, yari talaga ako. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top