Chapter 7
CHAPTER SEVEN
GABI na, sa mga oras na 'to dapat nasa bahay na ko at ipinaghahanda ng hapunan ang pamilyang kumupkop sa'kin pero hindi. Nandito pa rin ako sa birthday ng Mama ni Jayson, naka-alis na ang ibang bisita pero ako hindi pa rin. Ayaw niya kong paalisin.
Ni hindi ko magawang tingnan sa mata ang Mama nito, nakakatakot tumingin. Para ba akong kakainin na kukulamin. May sinasabi pa 'to sa Chinese na mukhang 'di magandang salita dahil na rin sa naging akto nito sa harapan ko.
Kanina nga habang kumakain ay di ko malunok ang kinakain ko dahil ramdam ko ang mga tingin nito sa'kin. Nakakahiya. Sobra. Gusto ko ng umuwi pero ayaw pa kong paalisin ni Jayson, mayamaya na daw dahil nandito pa rin ang mga kaybigan nito.
Nang tumungtong sa alas-syete ang kamay ng malaki nilang orasan ay dali-dali na kong tumayo. Napatingin sa'kin ang mga lalaki.
"Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Kiel.
"Maya ka na umuwi, maaga pa naman," gatong ni Jayson, umiling ako sa kanila saka sinuot sa balikat ko ang bag.
"Hindi pwede. Papagalitan na ko sa'min neto eh," may halong kabang wika ko.
Nakaka-intinding tumayo si Jayson bago ko hinawakan ako sa braso. Lumingon kami sa Mother nito na hanggang ngayon ay nakatingin ng masama sa'kin.
"Ma, ihahatid ko lang si Casey sa labas," pagpapaalam ni Jayson pero hindi naman ito pinansin ng Mother niya. Tipid ko siyang nginitian pero walang naging tugon. Napatango ako.
Bumuntonghininga ako bago lumakad paalis.
Huni ng mga kuliglig ang namagitan sa'min ni Jayson, tahimik 'tong naglalakad sa tabi ko habang naka-pasok ang kamay sa bulsa ng suot na pang-ibaba.
Lumabas kami ng gate.
Walang masyadong tricycle dahil gabi na rin.
Tumingin ako sa kanya, tipid siyang nginitian.
"Thank you sa pagsama sa'kin dito."
"No, thank you for coming kahit na pinilit lang kita," he wore his playboy smile. I gulp.
"Bale, kita na lang tayo bukas sa school?"
"Bukas na lang."
Nagtama ang mata namin sandali pero kaagad rin akong naunang nag-iwas. Tumingin ako sa kalsada at tiningnan kung may trike bang dumadaan, nang meron ay kaagad akong pumara.
Hinarap ko ulit ang lalaki.
I wave my hand.
"Thank you ulit."
Tumango siya. "Ingat ka."
Sumakay ako sa loob ng trike at nagpahatid sa'min. Kabado ako habang palapit ako ng palapit dahil paniguradong malalagot ako. Hindi pa naman ako nagpaalam na gagabihin ako ng uwi. Sana lang talaga ay maganda ang mood ni Auntie para 'di ako napagalitan.
Nang makita ko na ang pagbaba ng tulay ay halos panawan ako ng ulirat. Nakita ko kasing nakatayo sa labas ng gate si Auntie habang may hawak na pamalo. Gusto ko sanang isiping para kay Danilo 'yon pero imposible.
Mariin akong pumikit ng huminto sa harap mismo ni Auntie ang trike. Napalunok ako kasabay ng pagdilat ko. Nanlilisik ang mata nito habang nakatingin sa'kin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang kumukuha ng pambayad.
Napayuko ako paglabas.
"Anong oras na?" istriktong tanong ng matanda.
"S-seven po."
Kung makakalabas lang ang puso ko baka siguro patay na ako sa oras na 'to.
"Uwi ba 'yan ng matinong babae?! Anong akala mo sa sarili mo't uuwi ka ng ganitong oras?! Senyorita ka ba dito?! Ni wala kang iniwan pagkain dito para sa'min! Anong balak mong gawin ha?!"
Sa lakas ng boses ni Auntie ay rinig na rinig na ng mg akapit bahay ang nangyayari dito sa labas.
Napayuko ako sa kahihiyan.
Bakit hindi na lang ako hinintay makapasok sa loob ng bahay bago niya ako pinagalitan? Nakakahiya lalo na sa mga kapit bahay namin. Mamaya ay ako na naman ang sentro ng usapan dito sa Purok namin.
Napa-igik ako ng hampasin ako ni Auntie ng hawak nitong pamalo.
"Hala! Pumasok ka sa loob at 'wag na 'wag kang lalabas! Maghugas ka na ng plato!" pagalit nitong utos sa'kin saka ako hinampas ng dalawa pang beses.
Naglakad ako papasok sa loob ng bahay. Nakasalubong ko si KZ na nakangisi sa'kin.
"Pagabi ka pa ha! Feeling kasi neto." Inirapan ako ng babae bago binunggo ang braso kong may sugat.
Naluha ako sa sakit. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para hindi umalpas ang hikbing pinipigilan ko. Gusto kong maglupasay. Sumandal ako sa may pader malapit sa pinto na para bang do'n ako kumukuha ng lakas.
Napatingala ako.
Ano bang kasalanan ko't binibigyan ako ng Diyos ng ganitong pagsubok sa buhay? Gusto ko lang naman ng payapang buhay.
Napa-pitlag ako ng marinig ang malakas na boses ni Tita na nasa loob na ng bahay. Mabilis kong binitawan ang bag ko sa may upuan para patakbong lumapit sa lababo. Punong-puno ng hugasin.
Itinagilid ko ang ulo ko't tiningnan ng mabuti ang hugasin ko. Bakit sa tuwing maghuhugas ako ng plato ay napakadaming baso't plato? Iilan lang naman silang kumakain pero nadaig pa ang nagpakain ng apat na pamilya.
Itinaas ko ang nakababad na kaldero.
'Yung ilalim sunog na sunog.
"Sa susunod na mahuli ka ng uwi, Cassandra sa labas ng bahay ka pupulutin!!" sigaw na banta ni Tita sa may pinto.
"O-opo, sorry po..."
"Nako!!! Pasalamat ka't sinabihan ako ni Clea na huwag kang bugbugin kung hindi yari ka sa'kin!!"
Napa-pikit ako.
"Ang ingay mo, Lita! Gabing-gabi na!!"
Pumasok si Tito sa kusina habang naka kunot ang noong nakatingin kay Tita. Inirapan lang 'to ng asawa.
"Pwes, pagsabihan mo 'yang pamangkin mo! Gabing-gabi na kung umuwi! Walang delakadesa!"
"Huuu! Gawain mo rin 'yan noong kabataan mo!"
"At least ako magulang ko lang talaga ang nape-perwisyo ko! Hindi katulad niyang pamangkin mo nandadamay pa!"
Nagbingi-bingihan ako sa lahat ng masasakit na salitang binitawan pa ni Tita, pasok sa kabilang tenga at lalabas sa kabila. Malungkot akong tumingin sa kanila.
Talaga bang pamilya ko sila? Hindi ko kasi nararamdaman.
Mapait akong ngumiti.
Blood is not thicker than water anymore... kung sino pa kasi ang kapamilya mo sila pa ang hihila sa'yo pababa.
TWELVE midnight na pero heto ko't gising na gising pa habang nakatitig sa kisame. Wala naman akong ginagawa pero nakatitig lang talaga ako do'n. Nag-iisip ng mga bagay-bagay na nangyayari sa buhay ko. Kagaya na lang kanina, grabe nila akong pagsalitaan.
Paano kaya kung hindi namatay ang mga magulang ko? Mararanasan ko ba lahat ng 'to? Gano'n pa rin ba ang magiging galit sa'kin ni Tita kung hindi ako sa kanila tumira?
Nag-umpisang mabuo ang luha sa mga mata ko.
Gusto ko lang naman ng pamilya... nang magmamahal sa'kin... mahirap na ba 'yon?
Paano kung wala na lang ako dito?
Iiyak sila?
Doon pa lang ba sila hihingi ng sorry sa'kin....
Why life do is so unfair to me?!
I lost my parents in a young age... I experience hell in my so called family house... why?
Bakit ako pa sa dami naman ng taong nakagawa ng kasalanan.
Nag-uumpisa ng manikip ang dibdib ko. Hindi na ako makahinga. Ihinahanda ko na ang sarili kong umiyak pero napigil lahat 'yon ng tumunog ang cellphone ko. Dumilat ako at kinapa ang phone sa ilalim ng unan ko.
Hindi ko tiningnan kung sino 'yon at basta na lang sinagot.
"Casey!"
Kumunot ang noo ko. Bahagya akong napabangon. Kinilala ko ang boses sa kabilang linya.
"Hello? Casey? Naririnig mo ko?" pag-uulit pa ng lalaki.
"Jayson?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Tumingin ako sa maliit na orasan sa may gilid ng kama ko. Madaling araw na bakit gising pa ang lalaki? P-para ring lasing ang boses nito.
Tumikhim ako. "Bakit ka napatawag? Malalim na ang gabi," tanong ko.
Rinig ko ang pagtawa niya ng mahina sa kabilang linya. Na-imagine ko kaagad ang mukha nito habang nakapikit na nakangisi, hawak ang cellphone sa kaliwang tenga.
Napangiti ako.
"Na-miss kasi kita... saka sinubukan ko kung talagang number mo 'yung ibinigay 'to."
Nagising ako dahil sa sinabi nito.
Shemay!
Napakamot ako sa batok ko.
"Ah, gano'n ba?"
"Yes."
"Ah okay..."
Silence...
Tumikhim ako saka umayos ng upo. Sumandal ako sa may headrest.
Walang nagsasalita sa'min sa lumipas na minuto. Huminga ako ng malalim bago naghigab. Inaantok na ako.
Wala bang balak magsalita ang lalaking 'to?
"May sasabihin ka ba? Kasi kung wala ibababa ko na 'to, kaylangan ko pang matulog," mataray kong tanong.
Tumawa na naman ito.
"Sungit mo talaga."
Napa-irap ako.
"Paanong hindi eh kanina ka pa diyan tapos ayaw mong magsalita. Nag-aaksaya ka lang ng load at battery!"
"Sorry na, sungit. Gusto ko kasing marinig 'yung boses mo," paos nitong wika.
Namula ang pisnge ko.
Parang nawalan yata ako ng lakas para magsalita.
Anong idudugtong ko do'n?
Dapat ba akong sumagot?
"Ikaw naman 'yung nawala," puna nito.
Napalabi ako. "W-wala naman kasi akong i-isasagot do'n..."
"Hahaha... my innocent Cassandra," he said in his bedroom voice.
Nanlaki ang mga mata ko. Siya talaga 'yon?!
"Kwento ka," ani 'to.
"Ano namang iku-kwento ko?" tanong ko sabay higa sa kama. Ipinatong ko ang cellphone sa kaliwang tenga ko dahil nakatagilid ako sa kanan.
"About sa buhay mo? I really want to know you better, Casey..." pabulong nitong wika. "I'm serious about courting you," seryosong dagdag nito.
Natigilan ako.
Ninety percent ng pagkatao ko ang nagsasabing huwag, ayaw, delikado, warning pero 'yung makulit na ten percent ay kusa na lang nagsalita.
"Hindi ko alam 'yung isasagot ko sa sinabi mo pero sige, magkwe—kwento na lang ako." Tumihaya ako ng higa. Kampante akong nagsalita dahil alam kong tulog na ang mga tao dito sa bahay. Walang makakarinig sa'kin.
Kung si KZ naman ay 'di madalas lumabas ng kwarto ang isang 'yon, lalo na kapag gabi.
Huminga muna ako ng malalim.
"Ulila na ako. Namatay 'yung mga magulang ko dahil sa aksidente..." pag-uumpisa ko.
"What?! I'm sorry to hear that," malungkot na boses ni Jayson.
Tumayo ako kahit hindi nito nakikita.
"Okay lang. Sanay naman na ako. Nakikitira ako ngayon sa kapatid ng Papa ko para may mag-alaga sa'kin. Mabait naman sila minsan kaya lang... minsan sobra na rin."
Hindi ko napigilag maging emosyonal. Naalala ko lahat ng pinagdaanan ko sa kanila simula nung bata pa ako. Sa murang edad naturuan kaagad ako ng mabibigat na gawain na hindi naman dapat bata ang gumagawa.
"And then? Ituloy mo lang makikinig ako."
"Ayun, minsan kasi mabait sila sa'kin... madalas hindi, hahahaha."
"What do you mean?" naguguluhang tanong ni Jayson.
Napangiti ako. Dapat ay inasahan ko na 'to, laki sa layaw ang lalaking 'to kaya imposibleng maintindihan niya ang pinagdadanana ko.
Napawi ang ngiti ko.
May favoritism talaga si lord... pili lang 'yung masaya ang pamilya.
"'Yung Auntie ko kasi saka 'yung pangalawa nilang anak, masama ang trato sa'kin. Hindi pamilya ang tingin nila sa'kin dito kung hindi katulong na gagawa ng mga gusto nilang ipagawa."
"Hindi ba child abuse na 'yon?"
Child abuse nga ba?
Ewan ko. Hindi ko alam.
Gusto kong um-oo pero, ewan—hindi ko magawa.
"Hindi naman siguro..."
Nanahimik ang lalaki sa kabilang linya. Nag-umpisa ng bumigat ang talukap ng mga mata ko.
"Wala bang may mabait sa'yo diyan?" rinig kong tanong nito.
Napapikit ako,
"Meron naman. 'Yung Uncle at dalawa kong pinsan... pero minsan ramdam kong ilag rin sila sa'kin lalo na si Ate Clea, e-ewan... b-baka nago-overthink lang ako," mahinang saad ko. "Pero minsan sobra na rin eh. Ang sakit-sakit na pero wala akong karapatang mag-reklamo kasi kinupkup lang nila ako."
"Goods na rin 'yon at least meron kesa wala, 'di ba?"
"Hmmm..."
Dahil sa antok na nararamdaman ko ay 'di ko na namalayang nakabukas pala ang pintuan ng kwarto ko. May narinig pa akong sinabi niya na hindi ko na maintindihan dahil humihiwalay na ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko.
Natulog akong may ngiti sa labi...
KINABUKASAN ay gumising ako ng mas maaga kesa sa nakagawian para bumawi sa mag-anak dahil sa late kong pagkaka-uwi kagabi. Matutuwa sila nito panigurado lalo na si Uncle dahil niluto ko ang paborito nitong gisadong pansit.
Kumuha ako ng isang malaking plato sa may cabinet saka nagsalin ng pansit do'n. Ginawa kong topings 'yung iniwan kong sahog sa may tabi. Nang matuwa na sa hitsura ng plating ko ay lumabas na ko ng dirty kitchen, pumasok ako sa kusina at inilagay sa dining table ang pansit.
Naglagay na rin ako ng juice sa mga baso nila, ipinagtimpla ko ng kape sina Uncle, Auntie at ate Clea dahil 'yun naman talaga 'yung iniinom nila tuwing umaga.
"Good morning, ate," bati sa'kin ni Danilo ng makapasok siya sa kusina.
Malawak akong ngumiti sa kanya. "Good morning din, Danny"
Tumakap ang bata sa likuran ko. Ramdam kong nakapikit ito. Si Danny ang pinaka-close kong pinsan, siguro dahil ako rin ang nag-alaga sa kanya noong bata pa siya. Napangiti ako at hinalikan ang lalaki sa noo tapos inilayo siya sa katawan ko.
"Kakagising mo lang?" malambing kong tanong.
Nakangusong tumango ang lalaki. Hinila ko siya paupo sa pwesto nito.
"Ate, napagalitan ka kagabi ni Mama?" tanong nito.
Tumango ako.
"Oo."
"Bakit ka ba na-late umuwi, ate? Hindi ka naman ganito minsan eh."
Bago ko siya sinagot ay bumalik ako sa dirty kitchen at kinuha ang iba pang pagkain. Bumalik ako sa dining table. Ipinatong ko sa mesa ang mga pagkain.
"May nagyaya kasi sa'king kaybigan para pumunta sa birthday ng Mama niya. Nakaligtaan ko 'yung oras kaya na-late ako."
Pagpapaliwanag ko habang naghahanda ng kakainin. Tumalikod ako at naglagay ng plato't kubyertos sa mesa, napangiti ako ng matapos ako.
"Sinong kaybigan naman 'yung tinutukoy mo Cassandra?"
Napalingon ako sa likuran. Nakatayo do'n si KZ na may kaka-ibang ngiti sa labi. Ewan ko pero bigla akong kinabahan dahil do'n... wala naman akong dapat iakakaba dahil wala naman akong kasalanan...
"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong.
Lumapit siya sa'kin at tinaasan ako ng kilay. "Narinig kita kagabi... hindi mo kaybigan ang kausap mo kundi ang manliligaw mo."
Natigilan ako.
Manliligaw?
Kay—umawang ang labi ko.
"Mali ka ng—"
"Mama!! Papa!! Si Cassandra may manliligaw na!" biglang sigaw nito na kinalaki ng mata ko.
Narinig ko ang mabilis na paghangos ng yapak papuntang kusina. Pumasok si Auntie habang nakakunot ang noo. Nakapamewang pa ito.
"Anong sabi mo KZ?! Sino may manliligaw?!"
Namilog ang mata ko.
"Auntie—"
"Si Cassandra, Ma! Kagabi ko, narinig kong may kausap kagabi. Liligawan daw siya!" panggagatong nito.
"Totoo ba 'yon, Cassandra?"
Umiling ako sa nakakatakot ng story ni Auntie.
"H-hindi po... o-opo manliligaw daw siya pero pinatigil ko na po," kabado kong sagot.
Disappointed itong umiling sa'kin. Dinuro niya ako.
"Kami nagpapa-aral sa'yo, Cassandra! Huwag kang magboypren-boypren habang nag-aaral ka pa! Wala kang kaparatan!" dagdag pa nito.
Napayuko ako ng padabog itong umupo sa may pwesto nito. Sumunod na pumasok sina Uncle at Ate Clea na may hawak na cellphone.
"Oh, bakit ang aga-aga busangot ka na naman, Ma?" nagtatakang tanong ni Ate.
Nagsi-upo na silang lahat.
"Paano, sinabi ni KZ-ng may boypren na 'yang magaling niyong pinsan! Pagsabihan mo't hindi 'yang maagang lumalandi!"
"Mama! Baka nga hindi nga 'yan ang una at tinatago lang niya..." sulsul ni KZ.
Seryosong tumingin sa'kin si Ate Clea, humawak ako sa kamay ko't pinaglaruan ang mga daliri ko. Ayokong magalit din sa'kin si Ate Clea.
"A-ate... w-wala naman po..."
Ibinaba nito ang cellphone saka seryosong tumingin sa'kin. Kinuha niya ang kape saka uminom.
"Hindi naman sa pinagbabawalan ka namin pero sana tapusin mo muna 'yung pag-aaral mo. Ang boyfriend makikita mo pa 'yan after mong mag-aral pero kapag ikaw hindi nakapag-tapos wala na."
Gusto kong maiyak sa kaseryosohan ng boses ni Ate.
"Kukunin ko ang phone mo bilang pagdidisiplina sa'yo. Bahay at school ka lang. Kung may pasok ka sa trabaho kaylangan bago mag eight pm nasa bahay ka na dahil alam kong nago-ot ka." Malamig ang mga tingin nito ng humarap sa'kin.
"Ayokong mababalitaang buntis ka, Cassandra."
Sunod-sunod akong tumango dito. Binigyan niya ako ng tingin para umalis na. Tumalikod ako at nagpunta sa kwarto ko.
Napa-iyak ako.
Dapat talaga'y iniwasan ko na ang lalaking 'yon. Magkakaroon ako ng problema dahil sa kanya eh.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top