Chapter 12
CHAPTER TWELVE
NAGISING AKONG nakahiga sa malamig na sahig at napapalibutan ng mga sari-saring gamot pati na gasa. Dahan-dahan a'kong bumangon Masakit lahat sa'kin. Ulo, braso, katawan pati na puso 'ko masakit. Gamit ang isang kamay ay napahimalos a'ko sa mukha 'ko pagkatingin 'ko sa may bintana. Mataas na pala ang sikat ng araw. Paniguradong yari na naman a'ko kapag nagkataon.
Pumasok a'ko sa banyo at naglinis ng katawan para maghanda nang pumasok sa trabaho 'ko. Walang pasok sa University so makakapasok a'ko sa trabaho. Mas gugustuhin 'ko pang mag-overtime kesa mag-stay sa lugar na 'to.
Lumabas a'ko sa kwarto 'ko. Walang ingay sa labas pero parang binagyo ang kusina sa sobrang kalat. Bumagsak ang magkabilang balikat 'ko bago ibinaba ang bag sa may gilid. Hindi nga nila a'ko ginambala sa pagtulog 'ko iniwanan naman nila a'ko ng madaming kalat. Lumakad a'ko palapit sa may lababo at tiningnang mabuti ang mga hugasing nakababad.
Napabuga a'ko ng hangin. Kinamot 'ko ang kilay 'ko bago binuhay ang tubig. Inalis 'ko muna ang mga mumu sa plato bago a'ko nag-umpisang maghugas ng plato. Inabot a'ko ng trenta minutos sa paghuhugas bago natapos lahat sa lababo. Sinunod 'kong walisan ang lapag dahil puro laglag ng mumu at magalas na din sa paa.
Mamaya na lang siguro a'ko maglalampaso pagka-uwi 'ko galing trabaho.
Napangiti a'ko ng makitang malinis na ang kusina. Kinuha 'ko ang bag 'ko tapos lumabas sa sala. Wala namang masyadong kalat kaya okay nang umalis a'ko. Tumingin a'ko sa itaas ng hagdan, baka kasi andon sina Auntie tapos kapag ka umalis a'ko ng walang paalam magalit sila sa'kin. Napalunok a'ko.
"Auntie...aalis na ho a'ko!" paalam 'ko.
Naghintay a'ko ng ilang minuto pero wala namang sagot kaya nagkibit balikat a'ko. Aalis na 'ko. Ini-lock 'ko muna ang pinto sa harapan bago lumabas sa may li'kod. Sinarado 'ko din ang sa loob ng bahay para hindi ma-lock yung taong maiwan kung meron man. Napanguso a'ko ng makitang makulimlim ang langit.
"Ano ba naman 'yan. Mukhang uulan pa yata," mahina 'kong reklamo bago lumabas.
Sa may tulay a'ko naghintay ng tricycle kasi wala na sa pilahan. Five minutes siguro a'kong naghintay bago dumaan ang isang SITODA na papuntang bayan. Pumasok a'ko sa loob ng tricycle, sumandal a'ko sa li'kod ng upuan para maging 'komportable ang upo 'ko. Naka-sabit kasi sa li'kod ang kasabay 'ko kaya a'ko lang mag-isa sa loob.
Kinuah 'ko ang cellphone 'ko para i-inform ang manager naming papasok a'ko ngayon.
Casey Perez
Good morning, Ma'am Aiseen. Inform 'ko lang po na du-duty po a'ko ngayong araw. Thank you!
Ilang minuto lang ay nag-seen na din si Ma'am sa'kin.
Aiseen
Okay. Wala a'ko do'n ngayon. Kayo ni Aron ang maiiwan.
Babalik naman a'ko sa hapon pero baka sa closing na.
Casey Perez
Sige po. Thank you!
Pagkatapos no'n ay nag-log out na 'ko, ini-sleep 'ko rin ang phone 'ko bago inilagay ang phone sa loob ng bag 'ko. Tumingin a'ko sa labas ng tricycle. Nasa San Agustin na kami ng may hinintuan ang driver namin. Sumakay ang isang babae at mukhang papunta ring bayan. Umusad a'ko sa may gilid para maka-upo siya.
Tahimik ang naging byahe 'ko, wala namang bago. Bu'kod na lang sa ino-overthink 'ko kung anong sasabihin sa'kin ni Ate Clea. Hindi nga pala kami nakapag-usap kagabi dahil nakatulog na 'ko kakaiyak.
Papagalitan ba niya a'ko?
Eh bakit naman, hindi ba? 'Di 'ko naman kasalanang tumalon ang pusa nila.
*****
"KUNG A'KO sa'yo aalis na 'ko sa bahay na 'yon lalo na kung ganyan naman ang ginagawa sa'yo," ani Aron habang nag-aayos kami ng mga gamit dito sa li'kod.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga kasama 'ko ang nangyayari sa'kin sa bahay ng mang-Auntie 'ko. Alam na alam nila dahil palagi nila a'kong nakikitang may pasa, kundi pasa sugat. Naalala 'ko pa nung unang beses a'kong pumasok na may pasa sa katawan, sobrang nag-alala sila sa'kin dahil nakita nilang puno ng pasa ang braso 'ko. Wala naman kaso sa'kin 'yon noon dahil kasalanan 'ko talaga pero ngayon...ang sakit lang kasi 'di man lang sila nakinig sa explanation 'ko.
"Kung aalis a'ko saan naman a'ko pupunta, Ron? Alam mo namang umaasa pa din a'ko sa kanila kahit papaano," sagot 'ko.
Pinandilatan niya 'ko.
"May sarili ka namang pera, Casey. Kung talagang gusto mong umalis magagawa mo. Andami namang apartment diyan or bed space."
"Oo nga pero kasi naman may utang na loob pa din a'ko kina Auntie, noh. Sila na nagpalaki sa'kin—"
"Beh! Bayad na bayad na yung utang na loob na sinasabi mo. Tingnan mo nga 'yang braso mo." Tinuro nito ang braso 'kong nakabalot sa gauze, bumaba ang tingin 'ko don sandali bago tumingin ulit sa kanya. "'Yan ang prove na bayad na bayad ka na! Bugbug sarado ka na nga, kinakatulong ka pa nila. Pamilya ba 'yang ganiyan?!"
Napayu'ko a'ko dahil sa sinabi nito.
Pamilya ba 'yang ganiyan?!
Pamilya pa nga ba?
Kelan 'ko pa naramdaman na pamilya ang turing nila sa'kin? Natigil tuloy a'ko sa pag-aayos 'ko dahil sa sinabi ni Aron.
"Alam mo, gurl. Okay lang naman magkaroon ng utang na loob at bayaran 'to pero wag ka namang maging martyr." Tinalikuran a'ko ng lalaki pagkatapos no'n. Naiwan a'kong tulala dahil sa mga sinabi niya.
May tama din naman siya, eh. Alam 'ko 'yon at naiintindihan 'ko kaya lang ayaw 'kong sundin ang payo nila kasi matigas ang ulo 'ko. Kahit na anong pilit 'ko sa sarili 'ko hindi 'ko naman magawang huwag pansinin ang sariling 'konsensya. Sila na ang bumuhay sa'kin ng mawala ang mga magulang 'ko. Sa isip 'ko hindi pa din sapat lahat ng tulong 'ko para mabayaran ang utang na loob 'ko sa kanila.
Tinapos 'ko na ang pagsasalansan ng mga brush sa lalagyan nito, tapos sinundan 'ko si Aron sa may counter. Nag-aayos naman ito ng mga bagong dating ballpen.
Tinaasan niya 'ko ng kilay pagkalapit 'ko sa kanya. "Ano, baks? Nakapag-isip-isip ka na? Nalinawan na ba yang utak mo?" medyo mataray niyang tanong.
Dahan-dahan a'kong tumango.
"Oo...pero kasi baks...habang iniisip 'ko lahat ng binigay nila sa'kin parang hindi pa din sapat yung pagbabalik 'ko ng utang na loob. Parang kulang pa," mahina 'kong ani.
Napa-ungol sa frustration si Aron dahil sa sinabi 'ko. Umarte pa 'to na parang gusto a'kong sabunutan sa inis.
"Alam mo. Matalino ka, Casey, pero tanga ka. Antanga mo. Naloloka a'ko sa'yo. Lumayo ka muna sa'kin at nag-iinit ang ulo 'ko sa'yo," aniya sa inis na boses.
Tinawanan 'ko na lang siya.
Maraming tao ang hindi makakaintindi sa'kin at iisiping ang tanga 'ko dahil sa choices na pinili 'ko pero hindi ka kasi pwedeng magsalita hanggang hindi ikaw ang nasa posisyon na 'yon. Madali lang sabihing layasan 'ko ang pamilya 'ko dahil sinasaktan nila a'ko, pero ang hirap sa'kin kasi kahit gusto 'kong gawin hindi 'ko magawa dahil sa dami ng pumipigil sa'kin. Mahirap kalaban ang sarili.
Pagdating ng hapon ay bigla a'kong sinamaan ng katawan. Parang umii'kot ang paningin 'ko. Humawak a'ko sa counter bago hinilot ang noo 'ko.
"Hoy, Cassandra. Okay ka lang?" rinig 'kong tanong ni Aron.
"O-Oo..."
Saglit a'kong yumu'ko. Inipon 'ko lahat ng lakas 'ko bago dumeretso ng tayo. Nilingon 'ko siya.
"Bibili lang a'ko sa baba, baks. Saglit lang," paalam 'ko. Tinanguan niya 'ko. Ngumiti a'ko at saka lumakad palabas. Dahil malapit lang naman ang Mercury sa Pandayan ay mabilis lang a'kong nakapunta doon. Binati a'ko ni Kuyang Guard bago ipinapasok. Nagtuloy a'ko sa counter kung saan makakabili ng gamot.
"Good afternoon, ma'am. Ano pong kanila?" tanong ng Pharmacist.
"Good afternoon din po. Ahm...bioflu po isang banig tapos alaxan isang banig din," ani 'ko.
"Okay. One hundred and sixty-nine po."
Kumuha a'ko ng pambayad sa wallet 'ko. Nag-abot a'ko ng two hundred pesos. Naghintay lang a'ko ng 'konti dahil kinuha pa nito sa loob ang gamot 'ko. Huminga a'ko ng malalim. Mas mabuti ng mainuman ng gamot 'tong nararamdaman 'ko kesa naman magtuloy sa lagnat. Nang makuha 'ko ang gamot ay lumabas na din a'ko. Sa tapat ng Mercury ay merong nagtitinda ng turo-turo kaya naman bumili a'ko twenty pesos na kwek-kwek tapos ten pesos na bu'ko juice.
PAGKATAPOS 'kong mag-lunch ay bumalik na 'ko sa trabaho ko kasi si Aron naman ang magla-lunch. Nag-aayos naman ako ng kita ngayong araw ng bumukas ang pinto. Hindi 'ko na pinagkaabalahang tingnan kung sinong dumating. Kundi naman si Aron ang papasok, customer iyon.
Habang inaayos ko ang pera ay nakarinig ako ng tikhim. Kunot-noo akong nag-angat ng tingin. Nanlaki pa ang mata ko ng makitang si Jayson iyon.
Matamis siyang ngumiti sa'kin.
"Good afternoon, Mahal ko," bati nito.
Umawang ang labi ko. Tumingin ako sa paligid namin. Wala namang ibang tao bukod sa'ming dalawa.
"Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko.
Malambing niya akong nginitian pagkatapos ay itinaas ang kamay. Ipinakita sa'kin ang bungkos ng bulaklak na hawak niya.
"A—"
"Flowers for you, Mahal. Binili ko 'yan para sa'yo," dagdag nito.
Parang may kumikiliti sa tiyan ko. Palit-palit ang tingin ko sa bulaklak at mukha nito. Hinahanap ang katotohanan doon. Hindi ko na inintindi ang pagtawag niya sa'king 'Mahal'.
"Si...gurado ka?"
Hindi ako makapaniwala. Bibigyan niya talaga ako ng bulaklak...kasi...unang beses din 'tong may magbigay sa'kin ng ganuon. Napalunok ako nang sumeryoso ang mukha nito.
"Yes, I'm serious as fuck here, Casey. This flowers are for you. Sa tingin mo ba mag-aaksaya ako ng halos one thousand pesos para lang sa iilang bungkos na rosas kung hindi ako siguradong sa'yo 'ko ibibigay?" may halong sarcasm niyang sabi.
Napatikhim ako.
Yes, tama nga naman siya.
Nahihiya kong kinuha ang bulaklak. Dahan-dahan kong dinala sa ilong ko at nilanghap ang mahalimuyak nitong amoy. Lihim akong napangiti. May pagkakataon din palang sweet talaga si Jayson. Ibinaba ko na ang bulaklak sa ibabaw ng counter. Baka mamaya isipin pa ng lalaki na kilig na kilig ako sa ginawa niya. Bakit? Hindi nga ba?
Tiningnan ko siya ulit.
"Ahm...may balak ka pa bang puntahan pagkatapos mo kong bigyan ng bulaklak?" mahinang tanong ko.
Nginisihan niya ako.
"Aantayin kita tapos ihahatid sa inyo."
"Ha?"
"You heard me, love. Ihahatid kita sa—" Hindi na niya natapos ang sinasabi niya ng bumaba ang tingin niya sa braso ko.
Consciously, itinago ko sa likod ko ang brasong may sugat at nag-iwas ng tingin. Nahihiya ako. Nakakahiya at ayokong gawing issue ang sugat 'kong ito.
"What happened to that?"
Awkward akong natawa. Seryoso na kasi ang tingin nito. Wala na ang mapaglarong mga ngisi.
"W-wala. Maghintay ka muna sa labas. Aantayin ko lang bumalik yung kasamahan 'ko para makapag-out na 'ko," utos ko bago ibinaling ang tingin sa monitor ng computer para magpanggap na busy.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil hindi pa din sumusunod ang lalaki sa'kin. Nanatili siyang nakatayo sa harapan ng counter, nagpanggap akong may ginagawa sa computer para hindi na niya ako abalahin pa. Hanggang sa narinig kong nagbuntong hininga ang lalaki at lumakad na nga paalis. Napabunga ako ng hangin.
Tumingin ako sa labas. Nakita kong umupo sa may waiting area si Jayson. Nakahinga ako ng maluwag.
*****
"HOY, accla. Sino 'yong nasa labas?" bungad na tanong ni Aron sa'kin pagkapasok na pagkapasok sa loob.
Nilingon ko siya bago tumingin sa labas. Nandoon pa din si Jayson kahit na halos isang oras yata siyang naghihintay.
"Kaybigan ko," tipid kong sagot saka umalis sa pwesto ko. Mage-early out na lang ako ngayon. Nilingon ko si Aron na may nakakalokong ngisi. "Aalis na ko, 'Ron. Bukas na lang tayo magkita."
Nginisihan ako ng lalaki, mas malaki kaysa kanina.
"Ay...osige kahit na sa susunod ka na bumalik basta galingan mo ang pag-duty sa dyowa mo," maharot na anito.
Pinanlakihan ko siya ng mata kasabay ng pamumula ng magkabila kong pisnge.
"M-magtigil ka! P-puro kaharutan 'yang nasa isip mo!" Tumalikod ako at lumapit sa locker ko. Kinuha ko ang mga gamit ko. Hindi na ko lumingon pa nang lumabas ako dahil alam kong malokong nakangisi si Aron at patuloy niya lang akong aasarin. Mabuti nang maka-iwas agad.
Paglabas ko'y siya ring pagtayo ni Jayson. Nilapitan niya ako saka inabot ang bag na dala-dala ko. Nakangiti siyang tumingin sa'kin.
"Alis na tayo?"
Tumango ako. Bumaba kami sa may hagdan.
"Uuwi ka na ba?"
Napalingon ako sa kanya. Uuwi na nga ba ako? Sa isiping uuwi ako ng bahay ay parang hindi na ako makahinga. Nanghihina ako. Umiling ako.
Lumawak ang ngiti ni Jayson dahil sa sagot ko. Bumaba ang kamay niya sa'kin at pinagsaklop iyon. Hinila niya ako paalis doon. Nagpunta kami sa tapat ng simbahan. Kahit puno ng pagtataka ay nagpatianod ako. Sinalubong kami ng katahimikan pagpasok namin sa loob. Umupo kami sa may dulo.
Kinalabit ko ang lalaki.
"Anong ginagawa natin dito?" mahinang tanong ko.
Kahit kasi kakaunti ang nasa loob ay mga tao pa din 'yong nagdadasal. Nakakahiya naman kung malakas ang boses kong magsasalita lalo na't sila'y mataimtim na nananalangin.
Nilingon niya ako.
"Magdadasal tayo," mahinahon niyang sabi. Kumunot ang noo ko. Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya.
"Jayson, sabihin mo nga? May sakit ka ba? Hindi ka naman mainit." Sinalat ko ang leeg at noo nito para tingnan ang temperature niya.
Tinawanan niya ako at inilingan. Inabot niya pa ang kamay ko at saka hinawakan ng mahigpit. Ang likod ng palad ko'y hinalikan niya na hindi humihiwalay ang tingin sa'kin. Eto na naman po ang mga paru-parung naglalaro sa'king sikmura. Siguro'y dapat na kong uminom ng gamot para hindi ganitong palaging kinikiliti ang buong kalamnan ko.
"Ipagdadasal ko lang sa Diyos na sana palagi ka niyang alagaan, protektahan at mahalin lalo kapag wala ako sa tabi mo," aniya saka lumuhod sa luhuran.
Nanlaki ang mga mata ko. Pinanood ko lang ang lalaki habang tahimik na nagdadasal. Tumingin ako sa harap.
Kaylan ang huling pasok ko sa Simbahan? Hindi ko na matandaan.
Hindi naman ako Atheist, hindi rin ako agnostic, wala din naman akong galit sa Kanya basta, isang beses ay hindi ako nagsimba hanggang sa masundan at hindi na nga naulit. Siguro napagod lang ako. Napagod lang akong magdasal sa kanya dahil nung kaylangang-kaylangan ko siya doon ko siya hindi maramadaman.
Mapait akong natawa.
Nakakapagod palang maniwala kapag ka puro masasamang bagay ang nangyayari sa buhay mo. Kasi ilang ulit kong naitanong sa sarili ko kung ano bang mali na nagawa ko patra pahirapan niya ako ng ganito. Anong kasalanan ko sa past life ko na hanggang ngayon ay sinusundan ako ng kamalasan.
Tumingin ako sa Krus.
Anong kasalanan ko, Lord, para ganituhin niyo ko? Hindi ko po ba deserve na makaranas ng genuine love?
Umiling ako. Tahimik ko lang pinagmasdan si Jayson.
Naka-luhod siya at nakapatong ang mga braso sa patungan. Kung titingnan mo siya sa ganitong sitwasyon, nagmumukha siyang mabait. Ang mga kilay niya kasi hindi nagsasalubong. Hindi mo rin kita yung mga mata niyang nakakatakot kung tumingin. Wala ding lumalabas na kabulastuhan sa bunganga niya dahil do'n. Lihim akong napangiti.
Pinanood ko lang siya hanggang sa matapos niya. Umupo siya sa tabi ko.
"Anong ipinagdasal mo?" tanong niya sa'kin.
Nag-iwas ako ng tingin bago sumagot. "Wala." Bago pa siya magtanong ulit at tumayo na ko. "Alis na tayo," yaya ko.
Nauna akong lumabas sa kanya. Sa gilid lang naman ako nagpunta para maka-iwas sa mga taong papasok. Nakita kong lumabas si Jayson. Nakangiti siya sa'kin kahit na nakasimangot ako, pero bago pa man siya makahakbang palapit sa'kin ay may tumawag na sa kanya.
"JESS?!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top