Chapter 20
Chapter 20
I was late
2024.
Eight years since dad came home with a bad news he heard from somebody he calls. Naalala ko pa iyon dahil bawat araw ay hindi ko kinakalimutan ang mga paalala niya sa akin. Bumalik man siya ng army ay hindi na siya nawawalan ng communication sa amin. Sabi ko na nga dahil hindi naman talaga totoo ang mga nalaman niya noon.
Wala naman kasing mangyayaring masama sa akin. At iyong panaginip ko noon, fresh pa rin siya sa isip ko hanggang ngayon dahil minsan ay napapaniginipan ko iyon pero dinadaan ko na lang din naman sa dasal dahil alam kong mas magagabayan ako doon.
Hanggang ngayon ay wala pa rin naman akong idea kung sino 'yong lalaki na nakayakap sa akin. Hindi iyon si papa dahil ang layo naman sa hulma ng katawan nito. Medyo malaki si papa pero iyon ay katamtaman lamang ang laki. May ibubuga, siguro nagwo-work out 'yon.
I graduated 2019 with the course of Marketing Management and I just took my masteral degree a year after. Weekdays ay nasa office ako at tuwing Saturday naman ay nasa university ako para magturo. Hindi naman naging sagabal sa akin ang ginagawa ko dahil masaya naman siya. Hindi ko nga akalain na ganito ang mangyayari sa akin.
Dad will come home soon kaya excited na ako, kahit 30 years old na ako ay hindi pa rin nawawala ang fatherly figure niya sa amin. At ang lagi ko namang nami-miss ay ang bonding naming dalawa.
These past few months, I receive some flowers and letters from my officemates. Iyon nga lang ay hindi ko kilala kung sino. Wala sigurong balak magpakilala.
Hindi ko na rin masyadong nakakasama sina Chanya at Saki dahil may kanya kanya na silang trabaho. Sobrang busy din kasi nila kaya kung yayayain ko man sila ay hindi sila pwede, vice versa.
Noong nakaraang buwan ko rin nalaman na nililigawan pala ni Lyke si Saki. Somehow, noon ay ramdam ko na naman 'yon. Kahit noong college days pa namin ay feel na feel ko na kahit parating lumalapit si Lyke sa akin. He has still eyes on her. Chanya was fond of writing a book too, next month ay balita kong may ilalabas siyang novel. How come we didn't even know na nagsusulat pala siya? Hidden talent, I guess?
Nga pala, these past few days... nanaginip akong nagta-time travel daw ako. Ang weird diba? Well, panaginip lang naman kasi eh.
2025.
I stopped working at the office at naging full time na ako sa pagtuturo dahil nahihirapan lang din ako sa mga ginagawa ko doon lalo na't kung under pressure, ay taranta kung taranta eh. Mas nag-eenjoy din ako dahil nagagamit ko ang pagiging MBA ko. Kinuha rin naman akong partner ni Chanya sa kanyang tinatayong coffee shop, syempre para magkaroon daw siya ng katuwang.
We both graduated with the same degree pero ako lang sa aming tatlo ang nagpursigi sa masteral dahil naging busy na rin sila agad.
Nabalitaan ko next year ay magkakaroon kami ng alumni homecoming, tutal 10 years na rin naman simula nang grumaduate kami. Marami na rin akong nami-miss na schoolmate ko noon. Ang daming alala ala na gusto mong balikan noon.
Later this year ay nag-retire na si papa sa military. Hindi namin alam kung anong reason pero siguro dahil sa age niya. Para sa akin ay ayos na iyon dahil sa ngayon ay sila naman ang pagsisilbihan ko after a lot of years they sacrificed for me. Ayokong mauwi sa wala ang lahat ng pinaghirapan nila.
But then on the other hand, muli na naman niyang binalik ang mga sinabi niya sa akin noon, nine years ago. Napakatagal na 'yon at kinalimutan ko na nga iyon pero muling binalik ni papa ang topic na iyon. Hindi ko alam kung bakit. Iyon na naman ba ang rason kung bakit nag-retire na siya sa military?
Sa tuwing matutulog ay hindi ko tuloy makalimutan ang mga pinagsasabi ni papa dahil lagi ko siyang naalala at bumabalik lahat ng mga senaryo sa isipan ko. Minsan naluluha na lang ako kapag tulala ako. Hindi ko alam pero parang sakit sa pangyayari ang lahat ng iyon. Ayoko na sanang balikan pa ang nakaraan pero mukhang hinahabol naman ako nito ngayon.
Other than the negative thoughts, there's only one person who makes me happy right now. From being a secret admirer ay nagpakilala na siya sa akin. And knowing that his name seems familiar to me, anyway he is Darell Laster.
2026.
The most awaited year for me dahil mangyayari na ang alumni homecoming namin. Parang ngayon lang ulit kami magkakasama ng kaibigan ko ngayon dahil sa sobrang busy namin sa mga trabaho namin. Sa tuwing inisiip ko kasi ang kabundok kong papers ay tila hinahatak ka na lang ng kama at gusto mo nang matulog pero sa tuwing gusto kong gawin iyon ay hindi ko alam kung matatakot ba ako sa tuwing napapaginipan ko.
Boses lagi ng lalaki ang naririnig ko, blurd ang mukha nito. Hindi ko alam kung anong intensyon ng mga pinagsasabi niya sa akin. Madalas niyang sabihin sa panaginip ko ay 'I'll keep you safe, I'll protect you.' Nakakahibang din dahil hindi ko naman kilala iyon pero siya ang gumugulo ng isipan ko ngayon.
Susundin naman ako ni Darell papunta sa alumni homecoming. Hindi ko siya schoolmate pero niyaya ko na rin siya dahil para may makasama rin ako. Gusto ko lang. Bago man umalis ay paulit ulit na sinabihan ako ni papa na 'wag na lang tumuloy pero hindi naman ako pumapayag dahil one time event lang naman ito at hindi ko na papalampasin.
Ang gusto pa nga niya ay sumama siya pero syempre, hindi ko na gagawin iyon. Mas maganda kung mag-stay na lang siya sa bahay at magpahinga. I asked him, what's wrong naman pero hindi niya ako sinagot kundi sinabihan niya lang akong mag-ingat sa mga gagawin ko.
Nang dumating kami sa university ay halo halong mukha na ang nakita ko. Karamihan ay hindi ko na matandaan ang pangalan pero naaalala ko sila sa mukha. Nakakatuwa dahil ang laki na talaga ng pinagbago ng lahat. The event is good, lahat naman ay nag-eenjoy lalo na sa food. Nakailang balik nga ako sa buffet stand dahil hindi nakakasawa ang mga pagkain doon. Lalo na 'yong mga seafoods.
Malapit na magmidnight at inilabas na ang mga hard liquor, pinigilan naman ako ni Darell na uminom dahil ayaw niya, simple. Pero nagulat na lang din naman ako ng mayamaya lamang ay biglang may humila kay Darell palayo at binugbog ito.
Gate crasher!
Pumunta naman ako sa kanila para awatin sila pero hindi ako makalapit dahil baka ako naman ang tamaan sa kanilang dalawa kaya napaatras na lang din naman ako palayo sa kanila. Ilang security ang lumapit sa kanila para awatin at inilayo rin naman sila kaagad pero huli na nang gawin ni Darell ang ayokong mangyari.
Ang pagkakamaling nagawa niya ay hindi sa lalaking iyon bumanda ang bala kundi tumama iyon sa akin. Wala akong naramdaman sa una pero nang maramdaman ko ang dugong dumadaloy sa damit ko ay hindi na tama iyon.
"Calia... shit, I'm late!"
Napaupo na lang din naman dahil biglang nanghina ang sistema ko. Lahat ng mga tao sa paligid ay natulala at nagulat sa nangyari. Bigla na lamang akong natumba pero ramdam ko agad na may sumalo sa akin.
Nagkatinginan kaming dalawa, mata sa mata at hindi ko maiwasang isipin ang nangyayari sa aming dalawa.
Pamilyar siya para sa akin.
"I'm sorry, I was late..."
Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya. Mas nangingibabaw ang tama ng bala sa aking tiyan.
"I can't reset the timeline..."
"You..."
"Do you remember me, Calia? I've been with you all the time..."
Ten years ago, I saw myself lifeless in his arms and I don't want that to happen.
"Will I be gone?"
"That's not gonna happen..." he whisper as tears fall from his eyes. "I won't let you go, again..."
But someone pushed him away from me pero agad din naman siyang hinawakan ng mga guards at inilayo sa aming dalawa. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Ayaw niya akong bitawan. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya dito pero may rason... sa mga salitang sinabi niya sa akin.
Kilala ko na siya.
"Morley..." halos pabulong ko na iyon sinabi.
"I'm sorry Calia... I can't do anything..." he said.
And in a sudden moment, I went blank.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top