Chapter 18
Chapter 18
Somebody
"Ang tagal naman ng dalawang iyon!" kanina pa ako nababagot kakahintay kina Chanya at Saki. Nakabili na nga ako ng ticket namin dahil magkakaubusan kapag hihintayin ko pa silang dalawa. Mayamaya lamang ay napansin ko ang lalaki na umalis sa isang bench. Nang mapansin kong may naiwan ito ay pupuntahan ko sana para tawagin pero bigla namang dumating ang dalawa kong kaibigan at hinila na ako papasok sa loob ng sinehan.
Hindi naman naalis ang pag-iisip ko 'don sa lalaking may naiwan na kung ano sa upuan. Nawala rin naman ang atensyon ko doon dahil sa pinapanood naming tatlo. Nang matapos ang movie ay doon namin nakita si Lyke.
Agad naman akong nilapitan nito.
"Uuwi ka na ba, Calia?" tanong naman nito sa akin.
"Hindi ko alam sa mga kasama ko kung uuwi na rin sila, kapag hindi sila. Hindi pa rin ako." Ngiti ko pa sa kanya. "Ikaw, sino pala 'yong kasama mo?"
"Ah, wala 'yon!" ngiti pa nito sa akin. "Kaibigan ko lang 'yon."
"Really?" ngisi ko pa. "Or nililigawan?"
"Tss." Aniya, "alam mo namang wala akong ibang nililigawan diba? Ikaw lang."
Napangiwi na lang din naman ako sa sinabi niya at bumalik na lang din ako kina Chanya at Saki. Nagkaroon naman ng yayaan na pupunta kami sa isang bar para magsaya kuno daw. Ayoko sana pero treat naman daw ni Chanya kaya wala rin naman akong magagawa.
Nang umalis kami sa sinehan ay feeling ko para may gusto akong balikan doon. Nang muli kong maalala ang lalaki kanina sa bench ay paniguradong iyon nga ang inaalala ko. Habang nasa bar kami ay iyon pa rin ang tumatakbo sa isipan ko. Parang may connection na hindi ko alam.
Pagkagising ko kasi kaninag umaga, nakakapagtaka nga dahil may asul na papel ang hawak hawak ko na pagkakantanda ko ay hindi ko naman iyon hinawakan kagabi. Mas lalo lang nakakapagtaka ay ang nakasulat doon.
Don't come near the bench. Don't make stupid things again. Wish you well, Calia. –Morley
Some more like that name reminds me of someone whom I didn't even meet before.
Club soda lang ang iniinom ko habang ang iniinom nila ay ang mga hard liquor. Pansin ko rin ang pagiging clingy ni Lyke sa akin. Lumalayo naman ako sa kanya dahil amoy alak na siya. Ayoko namang kapag umuwi ako ay pagalitan ako ni mama, kesyo sabihing naglalasing ako. Duh, kitang soda lang ang iniinom ko.
"Lyke, please stop..." nilalayo ko naman siya sa akin dahil pilit niyang inaabot ang labi ko. "You're drunk and I'm not liking it."
"I love you Calia, why can't you see that?"
Napailing naman ako sa sinabi niya, "please, stop drinking."
Pero bago ko pa man siya mailayo sa akin ay kanya na akong nasukahan. Natigilan naman ako dahil amoy suka na rin ako. May lalaki namang naglayo kay Lyke palayo sa amin. Hindi ko na lang din iyon pinansin kundi nagpasama na lang din ako kila Chanya at Saki sa wash room, para na rin makapagpalit ng damit.
"Gosh naman, ang baho ko na!" iritado kong usal.
"Hindi mo pa kasi nilayuan." Tawa pa ni Saki, "ayan tuloy nangyari sa'yo."
"Siya kaya 'yong mapilit!" irap ko pa.
"Teka, sino bang humila 'don?" tanong naman ni Chanya. "Puntahan mo na Saki si Lyke doon, baka kung napano na 'yon. Ako nang bahala kay Calia."
Naiwan naman si Chanya sa akin. Iniwan niya muna ako saglit para magtanong kung may mga extra shirt ba 'yong ilang kilala niya dito. Luckily pagkabalik ni Chanya ay may dala itong damit.
"Sa'n mo nakuha 'yan?"
"May nagbigay lang, di ko kilala."
"Ha? Baka naman, uy Chanya. Balik mo na lang 'to."
"Anong ibalik?" taka niyang tugon sa akin. "Ba't ko ibabalik kung sayo talaga binibigay? Nakakagulat nga dahil may lalaking nakahood ang lumapit sa akin at ibigay ko daw 'to sayo. Hindi ko na natanong kung anong pangalan dahil umalis na lang siya bigla."
Hindi naman maalis ang pagtataka kung sino ang nagbigay nito.
Nang magbihis ako ay mas lalong nakakapagtaka dahil sakto iyon sa akin at pangbabae rin ang design nito. Hindi na ako uuwing amoy suka. Thanks to this stranger. Inayos ko muna ang sarili ko sa salamin bago tuluyang bumalik sa table namin kanina. Nililinis na rin naman ang floor pagkadating namin doon kanina.
Napansin ko rin naman ang phone sa table namin. Kinuha ko naman iyon at sinuri kung kanino. Nang tanungin ko kung kanino ay walang alam kung sino nagmamay-ari pero nang buksan ko ang phone ay lumabas ang mukha ko sa wallpaper.
"Wait, ako 'to ah?" pagtukoy ko sa wallpaper ng phone.
"Kay Lyke nga siguro 'yan." Ani Chanya. "Ako na magbibigay sa kanya, keep your distance muna to him, okay?"
Kinuha naman niya ang phone at siya na daw ang magbibigay no'n. Hindi na rin naman ako nagtagal sa bar dahil kailangan ko na ring umuwi. Nag-stay pa sina Chanya at Saki dahil nandoon daw ang iba nilang friends.
Habang naglalakad naman ako pauwi ay pansin ko na may sumusunod sa akin. Hindi ako komportable kaya sa bawat liko ko ay tinitingnan ko kung sino ang sumusunod sa akin pero wala naman. Nakakapagtaka na nakakatakot.
When I arrived safe and sound at home, kinapagtaka ko rin na madilim ang bahay. Hindi pa ba umuuwi si mama? Binuksan ko naman ang ilaw at sinarado ang pinto. Mabuti nang safe, diba. Nang tawagin ko naman si mama ay walang sumasagot sa akin pero nang pumunta ako sa kusina ay halos himatayin ako sa gulat ng bumulaga sa akin si mama doon.
"Ma, ano 'tong pakulo mo?" Hindi naman ako sinagot ni mama. Pansin ko ang mga pagkain sa lamesa. "Ang dami mo naman pong niluto? Tayo lang naman po ang kakain niyan eh."
"Mauubos naman natin 'yan." Ngiti pa nito sa akin.
Ilang saglit lang ay biglang may kumatok sa pinto. Bigla ko namang naalala ang sumusunod sa akin kanina. Inutusan pa ako ni mama na tingnan ko kung sino iyon. Kung pwede lang umatras ay gagawin ko na. No choice kundi ako ang sumalubong doon. Nagtaka pa si mama dahil bakit kailangan ko pa daw magdala ng pamalo.
Ayos na rin 'yong handa.
Pagkabukas ko naman ng pinto ay hinanda ko naman ang hawak kong walis. Nang bumungad sa akin ang lalaking matagal ko nang hinihintay ay natigilan na lang din naman ako. Hindi ako makapaniwalang babalik siya... ngayong gabi.
Agad ko naman siyang niyakap at hindi ako makapaniwala na magagawa ko 'to ngayon.
"Papa, nakakagulat naman 'to!"
"That's what surprised are for, Calia." Ani mama.
Halos hindi maalis ang tuwa sa aking puso at labi. Ito na siguro ang best night ko. Hindi man maganda ang nangyari kanina ay iba naman ang kapalit noon. He's home now from the military.
"I have something to tell you Calia."
"Ano po 'yon, pa?"
"Sige, hintayin ko kayo sa kusina ha?" ani mama.
Niyakap naman ako ng mahigpit ni papa at hindi naman ako makapaniwala na mangyayari 'tong gabing ito. Nang umalis siya sa pagkakayakap sa akin ay hinawakan nito ang magkabilang braso ko.
"Hindi pa talaga ngayon ang uwi ko, Calia but someone force me to do it." Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. "Somebody tells me that something bad will happen to you and that's what that person afraid of. You'd be gone soon..."
"Pa, hindi ko maintindihan?"
Napailing naman ito, "hindi ko rin alam but my dreams tells it too... Calia, I'm here to protect you, okay? You're my daughter and you'll be safe here."
Niyakap ko na lamang si papa. "I know pa, I know.
But somehow, someone triggered papa to get home from some bad news. Credible ba 'yon? How does he know? Nakita ba niya ang future? Duh, hindi naman kasi totoo 'yon.
There's no such thing as time travel.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top