Chapter 16

Chapter 16

Chief Master


Acalia's POV

I still don't get what Morley said to me. Parang sasabog ang utak ko sa mga sinabi niya pero kung totoo man iyon ay may posibilidad ngang hindi na ako makabalik sa sarili kong timeline? Kaya ba atras abante si Morley sa pagtulong sa akin dahil kahit gustong gusto niyang tulungan ako ay hindi niya rin naman magagawa. Gano'n ba 'yon? Nakatadhana nga ba talagang mangyari 'to sa akin?

Parte nga ba talaga ng future ko na mapunta ako dito?

Naiwan ako sa bahay niya kasama si Jones. Naupo lang ako sa sofa at iniisip kung ano pang pwedeng mangyari sa akin. Dahil lahat pala ng iplinano ko noon ay hindi rin pala mangyayari para mabago ko ang future dahil iyon ang timeline ng future na iyon.

Lumapit naman ako kay Jones para kausapin ito pero dumiretsyo naman ito sa kusina at naghagilap ng pagkain sa ref. Nakakita naman siya ng tinapay sa ibabaw ng ref at kumuha ng palaman at hinanda iyon sa lamesa.

Lumingon naman ito sa akin, "gusto mo ba, Calia?"

Tumango naman ako sa sinabi niya at humigit ng upuan at naupo doon.

"Jones, bakit pinatawag si Morley ng Time Ministry?" tanong ko naman sa kanya.

Napakibit balikat naman ito sa akin, "hindi ko alam, pinatawag lang naman siya sa akin eh."

"Gano'n ba?" aniko saka siya tumango. Pinanood ko naman siyang maglagay ng palaman sa tinapay. "Ano nang rank mo Jones?"

"Pioneer, katulad ni Morley. Bakit mo natanong?" kunot noo niya pa at inabot sa akin ang ginawa niyang tinapay.

"Thanks," and I took a bit. "This is good, anyway I just wanna know if you can help me too."

Napangisi naman ito sa akin, "I know your case, Calia. I can't help you, I'm just a time traveler which goes through past and the future. Maybe soon if I get my test, I can help you."

"What test?" I asked.

"A test which you can excel your rank, halimbawa ang rank ko. I'm a Pioneer and when I reach thirty years old, I can take the test to get my Elite rank, which—"

"You can travel multiverse." Pagdurogtong ko naman sa sinabi niya kaya medyo nagulat pa siya doon. "Morley told that to me before kaya alam ko ang rankings niyo dito... but wait, Morley is a Pioneer, paano siya nakakapag-travel through multiverse. That will cause him a punishment right?"

"You're right, Calia!" pagsang-ayon naman nito sa akin. "Siguro dahil may connection siya sa Time Ministry kaya pinapalampas minsan iyon pero syempre hindi pa rin siya makakaligtas sa ibang miyembro ng Time Ministry." Kinuha naman niya ang pitchel ng juice sa ref, pagkakuha niya ng dalawang baso ay nabitawan niya ang isa doon.

Tatayo sana ako at lalapit para tulungan ko siya pero agad naman niya akong pinigilan.

"Akong bahala, Calia." He set up his wristwatch and the he smiled.

He placed the pitcher of juice, nagtaka naman ako ng tingnan niya ako at pinakuha sa akin ang dalawang baso. Sumundo din naman ako sa sinabi niya at kinuha ang mga baso at muling naupo.

"Para kang baliw, Jones." Ngisi ko pa.

"That's what you call time travel." Aniya habang nagsasalin naman ng juice sa baso. Nang tingnan naman niya ako ay napataas ang kilay niya siguro dahil sa reaksyon kong nagtataka sa kilos niya. Pinag-uusapan lang namin kanina si Morley dahil may connection daw ito sa Time Ministry, ang weird niya tuloy. "You don't remember?"

Dahan dahan naman akong umiling sa tanong niya.

"Ano bang ginawa mo?" Natawa naman ito kaya naman napakamot na lang din ako ng ulo. "Ano ba kasi 'yon, Jones?"

"I traveled back two minutes in time." Aniya, "kaya ko nga sayo pinakuha 'yong mga baso dahil kapag ako ang kumuha no'n ay mababasag 'yon, just like what happen before. You can change the timeline by not having you interfere with it, you will make it change by the people or things around you."

Napaanga naman ako sa sinabi niya.

"Anong ibigsabihin no'n?"

Napakamot naman siya sa tanong ko, "basta gano'n 'yon Calia. The timeline itself is complicated. If you do such things, it will turn out so much complicated in the future kaya kung kaya mo namang baguhin in terms of not changing the future, you can." Aniya, "teka nga, pa'nong hindi mo alam 'yong nangyari sa atin? You should know that dahil isa kang time traveler."

"Like hello, I'm a newbie." Pagtama ko pa sa kanya.

He smirked, "the ranking doesn't even matter, dapat alam mo 'yon eh."

Napakibit balikat na lang din naman ako at inisip nga kung bakit nga ba hindi ko alam 'yon. Pero naalala ko minsan sa sinabi ni Morley sa akin noon iyon. Hindi ko lang matandaan na kapag binago mo ang isang senaryo ay ikaw lamang ang makakaalam na nabago iyon, except syempre sa mga time travelers na alam kung ano talaga ang nangyayari. Kaya nagtataka rin ako, I traveled time but why I can't remember that?

"Anong oras ba babalik si Morley?" tanong ko naman.

Muli naman siyang napakibit balikat, "hindi ko alam, siguro hanggang mamaya pa 'yon."

"How can I upgrade my rank?" naging interesado naman ako bigla doon.

Napatingin naman si Jones sa akin. "Why you asked that, may balak ka?"

I nodded, "ayoko namang mag-stay na lang as a newbie and committing the same mistakes of the law. If my rank is higher than what my ability can do, siguro makakabalik balik na ako ng multiverse ano?"

He shrugged, "hindi ko pa nararanasan ang mag-travel out of the multi-verse."

"Eh? Kahit isang beses?" tumango naman siya sa tanong ko. "So, ang nagagawa mo pa lang talaga ay ang magtravel through past and future?"

He nodded, "oo pero madalas ay sa past ako bumabalik. Nakakatakot din kasi minsan ang future."

Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya, "pa'no mo naman nasabing nakakatakot? Mas okay nga 'yon diba dahil makikita mo kung anong mangyayari sayo. So kapag nangyari iyon ay magagawan mo ng paraan para baguhin siya sa present at maayos ang kakabalasan sa future, diba?"

"Tama ka naman pero minsan kasi hindi mo mapipigilan ang future kahit anong gawin mong pagpigil dito. Mapupunta ka talaga sa sitwayson na kahit ayaw mong mangyari, kailangan mong pagdaanan." Napabuntong hininga din naman ito. "Gaya ng nangyayari sayo ngayon."

"Ano 'yon, Jones?" muling kong tanong sa kanya.

"Anong nangyayari sa akin ngayon?"

"Wala!" sabay iling nito sa akin at iwas ng tingin.

Sakto naman na may narinig kaming nagbukas ng pinto.

"Nandiyan na si Morley!" aniya at nagmadaling pumunta sa sala.

Sinundan ko naman siya papunta doon pero pagdating ko doon ay wala akong idea sa nangyayari. Natigilan si Jones at parang nabato na lang sa kanyang kinatatayuan. Isang lalaki ang pormadong nakatingin sa akin ng diretsyo. Napansin ko naman sa likod nito ang ilang Time Enforcers.

"Stop!" napalingon naman ako kay Morley na pumasok ng pinto, para naman akong nabuhayan ng makita ko siya pero bakas naman sa mukha niya ang takot. "Leave her alone."

"Get her." utos ng lalaki sa mga Time Enforcers.

Lalapit pa sana ako kay Jones pero hindi ko na nagawa iyon nang hawakan nila ang magkabilang braso ko. Napansin ko naman ang paggalaw ni Morley sa kanyang wristwatch pero tila wala namang nagbabago.

"Give me her phone." Utos nito.

Nagmatigas naman si Morley, "I won't."

"Give it to me." muli nitong utos. "Or you won't get your Elite rank."

"I don't care." Ngisi pa nito.

"Get it to him." Ani ng lalaki. Sapilitan namang kinuha ng mga Time Enforcers ang phone ko kay Morley. Wala siyang nagawa nang kuhain na iyon sa kanyang bulsa at ibigay sa lalaking iyon. "Thank you..."

"Ano bang kailangan niyo?"

Pero nalipat ang tingin ng lalaki sa likod kung nasaan si Jones. Nagbukas naman ito ng wormhole at umalis. Hindi ko maintindihan.

"This phone, it wasn't registered and you illegally used it. Provision of Morley, you used it."

"Because that's how it supposed to happen!" sigaw ni Morley.

"Shut your mouth, Morley. I don't need your explanation here." Ngisi pa nito.

"On the presence of the Time Ministry, and as the Chief Master of the timeline, you will—"

"No!" sigaw ni Morley.

"Take him away," utos nito sa mga Time Enforcers. "Don't worry son, she won't be harmed."

"Son?" halos bulong na iyong mga salita ko.

He looks at me again, "You will be punished as for what you did." He said straight. "You're going to deal with this Miss Acalia Backiton, you messed up."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top