Chapter 8 • Elevator
"OPEN your eyes now."
Pola's eyes flashed wide open upon hearing Phillip's voice. She felt his chest vibrate nervously against hers as he spoke. Tila natauhang napasinghap siya't inipon lahat ng lakas para itulak ang binata. Kumalas ang mga bisig nitong nakapalibot sa kaniyang baywang. Pola absentmindedly touched her slightly parted mouth. Ni hindi niya maalalang ipinikit niya ang mga mata.
Phillip Dev Grecco kissed me! He took my first kiss—and I allowed it! She bent her head low in embarrassment and focused her eyes on the ground. Daig pa'ng sinisilaban ang magkabila niyang pisngi. Lupa, kainin mo ako!
Narinig niya ang pagbuntonghininga ni Phillip. "I'm . . . I'm sorry. I shouldn't have done that . . ."
Pola slowly lifted her gaze as she listened to him. Her eyes met his, asking questions her lips could not.
" . . . but I don't regret it," he finished.
Pinakiramdaman ni Pola ang sarili. Kalabisan ba kung sasabihin niyang . . . hindi rin niya pinagsisisihan ang halik na iyon? Ngunit napakaraming 'bakit' ang naglilipana sa kaniyang isip.
Dahil hindi pa rin umiimik ang dalaga, ginagap ni Phillip ang kaniyang mga kamay. "Pola, sorry na. If you want to slap me, go ahead. Kahit dalawa o tatlong sampal pa, tatanggapin ko."
Nasa ganoon silang tagpo nang maabutan ni Cheska.
"Ate Pola! Ayaw ni—Kuya Phillip?" Kunot ang noong bumaba ang mga mata nito sa kamay nila. Tila naman napasong binawi iyon ni Pola at saka umatras nang ilang hakbang palayo kay Phillip. "What's happening? Bakit . . . bakit kayo magkasama? Why are you two holding hands?"
"Pola and I are just talking. Nakita ko siyang nakatambay rito kaya nilapitan ko," maagap na sagot ni Phillip.
Cheska propped her hands on her hips and arched one brow. "Habang magka-holding hands?"
"We weren't. I was the one holding her hand, she wasn't. Magkaiba 'yon," Phillip defended coolly as he thrust his hands into his pockets.
Cheska eyed her cousin, tila ba tinitimbang ang ekspreyon ng mukha nito. "Hindi ko alam na ganiyan pala kayo ka-close ni Ate Pola?" Napatutop ito sa bibig kapagkuwan na tila ba may napagtantong kung ano. "Oh, my gosh!" Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa. "Are you two . . ." Cheska's eyes settled on Pola, "secretly dating?!"
"Lower your voice, Cheska," mariing sita ni Phillip sa nakababatang pinsan. Hissing, he scanned their surroundings. "Mapapahamak silang magkapatid sa ka-oa-yan mo."
Cheska pursed her lips, then in a hushed voice, spoke, "You two are not denying it, so nagde-date nga kayo."
Doon lang tila nahanap ni Pola ang kaniyang boses. "Phillip and I are not dating," she uttered. "We're just . . ." mabilis niyang tinapunan ng tingin si Phillip na tila inaabangan din ang kaniyang sasabihin, "acquaintances, that's all." Not sure if she really heard him scoff or her ears were just deceiving her. Pola decided to settle on the latter and chose to ignore whatever she thought she heard. "But you can't tell this to anyone, Cheska."
Kinagat ni Cheska ang ibabang labi at saka pinaglaruan ang mga daliri. Hindi naman lingid sa kaalam nito kung gaano kahigpit at ka-terror ang kanilang mga magulang. She's Pomee's one and only confidante. "K-kahit kay Pomee?"
"Kahit kay Pomee."
"But—"
"You heard her, Dia. 'Wag ka nang makulit," interrupted Phillip. There was a hint of disappointment in his voice, but he was able to conceal it quickly it with authority. Just like how Pola had known him for years from afar—full of authority. Then, as if nothing had happened, Phillip walked past Pola and started up the stairs. "I heard about what happened. I actually came here to check up on Pomee. How is she?"
Kahit si Cheska lang ang malapit na kaibigan ni Pomee, alam ni Pola na kahit papaano ay nakakausap-kausap ng kapatid niya ang iilan sa mga Grecco. Nagkukuwento kasi minsan si Pomee sa kaniya sa tuwing pupunta ito kina Cheska, ngunit ina-allow lamang iyon ng mga magulang nila kapag naroon din sina Don Javier at Dona Olivia—the twins' parents. Bukod din kasi sa napakalapit lamang ng mansion ng mga ito sa kanila, matalik na magkakaibigan din ang mga magulang nila mula pa pagkabata.
"Speaking of." Nakangusong bumaling si Cheska sa kaniya. "Ate Pola, ayaw bumaba ni Pomee."
She straightened her back. "Bakit?"
"Nahihiya na raw siyang bumaba kasi marami raw nakakita n'ong nangyari—also, she told me that Tita Karen was fuming." Bumadha ang pag-aalala sa maamong mukha ni Cheska. "Kaya pinuntahan kita para kausapin siya sa taas. Ayaw gumana ng convincing powers ko, Ate Pola, e."
Masuwerte ang kapatid niya dahil mayroon itong kaibigang nasasandalan, naasahan, at napagsasabihan ng hinanakit. Siya kasi . . . maliban sa diary niya, sinasarili niya na lang ang lahat.
Tumango si Pola. "S-sige, kakausapin ko si Pomee."
Sumunod sila kay Phillip na tumigil sa kalagitnaan ng hagdanan para hintayin sila. Pola's cheeks flushed hotly when the memory of the kiss washed over her. Pakiramdam ni Pola, nakalapat pa rin ang mga labi ni Phillip sa kaniya. Ganoon ba talaga iyon?
Focus on your sister, Pola, she reminded herself as she pushed the thought aside.
Pagkapasok nila sa kuwarto ni Cheska, hindi maiwasan ni Pola na suyurin iyon ng tingin. Para siyang nakapasok sa kuwarto ni Barbie doll. Too much of pink. Pink dresser, pink closet, pink bed with loads of pink pillow and stuffed toys. Maski ang malaking sofa set sa gilid ng bintana ng silid ay kulay pink din. Nakaka-overwhelm para sa katulad ni Pola na minimalist.
Napatayo si Pomee mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ni Cheska nang makita sila. May yakap-yakap itong dolphin na stuffed toy, pero siyempre, kulay pink din. Brows furrowed, Pomee asked the guy behind them, "Kuya Phillip? W-what are you doing here?"
"Silly, you're asking me kung ano'ng ginagawa ko sa sarili naming hacienda?" Phillip replied as he strode across the room. Lumapit ito sa bintana at hinawi ang mga kurtina. "I wanna check on you. Sakto, nakita ko ang ate mo at si Cheska sa baba. How are you feeling?"
"N-not okay." Muling sumalampak ng upo si Pomee. Her pale face contorted into a frown. "I made a scene, Kuya Phillip. I'm sorry for ruining your family's event."
Lumapit si Phillip kay Pomee at saka nag-squat upang pantayan ang mukha nito. "What are you saying? You didn't ruin anything. Maraming hindi nakakita." He looked at Cheska over his shoulder. "Nasaksihan mo ba, Dia?"
Mabilis na umiling ang tinanong. "No."
Binalik nito ang tingin kay Pomee. "Neither did I and the boys. The party wasn't even interrupted, so don't worry about it." Phillip gave Pomee's shoulder a little squeeze. Bumaba ang tingin nito sa palapulsuhan ni Pomee. "You'll be needing an ointment for that."
Itinago ni Pomee ang magkabilang kamay sa likod nito kahit pa nakita na iyon ni Phillip. "I-it's nothing."
Yes, that faint bruise was indeed nothing. Walang-wala iyon kumpara sa pagpaparusa sa kanila ng mga magulang nila lalo na kapag may nagawa silang mali o taliwas sa gusto ng mga ito. Kaya makita pa lang nilang nakataas na ang kilay ng kanilang ina, manginginig na sila ni Pomee sa takot.
Umayos ng tayo si Phillip at saka muling pumamulsa. "Kung gusto n'yo nang umuwi, I can give you both a ride home."
"As if their parents will allow you," hindi napigilang sambit ni Cheska. "You don't know Tita Karen and Tito Paul, Kuya."
Bumuntonghininga si Pola at saka tumabi kay Pomee. Hinagod-hagod niya ang likod nito. "Kumalma ka muna bago tayo bumaba." Pola cupped her sister's face and run her thumbs over her cheeks. Halatang may natuyong mga luha roon. "People can't see you like this."
"Ate, ayoko nang bumalik do'n. Can we go home now? Please?"
"As much as I want to, alam mong hindi pa puwede. Marami pa silang kinakausap."
A bitter scowl balled up in Pomee's face. "Bakit ba mas importante para sa kanila ang business kaysa sa atin?" Nagtaas-baba ang dibdib nito. "I'm sorry, Ate. I hope I did not ruin their deal with Mr. Aguirre."
Pola tapped Pomee's cheek. "Mr. Aguirre seems to be a nice guy. Baka nga kalmado na rin sina Mama at Papa pagbaba natin."
Matigas ang ginawa nitong pag-iling. "Pero ayaw ko na talagang bumalik, Ate."
"Puwede ka namang mag-stay rito sa room ni Cheska for the meantime," Phillip chimed in, glancing at his wristwatch. "Two hours na lang naman, tapos na ang event."
Sumingit na rin si Cheska. "Y-yeah, dito ka na lang muna, boo. Sasamahan na lang kita. I don't mind naman. Puwede nating idahilan na . . ." Tapping her chin, she scanned her room. Ilang segundo pa ay nasa tapat na ito ng dresser nito at kinukuha lahat ng nga nakasabit na damit doon.
"What the hell are you doing, Cheska?" Si Phillip.
"Helping my best friend out, duh. Puwede nating ipalabas na wala akong ibang mapapahiram na damit kundi pambahay lang." Hinagisan nito si Pomee ng t-shirt. "Wear that para kung akyatin ka man nila rito, kapani-paniwala ang excuse natin."
"At kapag hinanap nila ang mga damit mo?" Si Pomee.
Inangat ni Cheska ang mattress ng sofa na nagsisilbi rin palang storage at isiniksik doon lahat ng mga magagandang damit nito. "Sasabihin ko na dinala ko na lahat sa bahay. Hindi naman ako pumupunta rito sa hacienda—ngayon lang ulit." Binalingan nito si Pomee nang matapos itong ibalik sa dating ayos ang sofa. "There. I'm sure naman hindi ka nila hahayaang bumalik ro'n nang ganiyan ang suot mo."
Lahat sila ay tumingin kay Pola kapagkuwan, hinihintay ang pagsang-ayon niya. Tiningnan niya si Cheska, ang sofa na hindi paghihinalaang storage pala, si Phillip na prenteng nakapamulsa pa rin sa harap nila, at si Pomee na mukhang bubunghalit ng iyak kapag hindi siya pumayag.
Pola turned to her sister. "Ayaw mo na ba talagang bumaba?"
Mabilis pa sa alas-kuwatrong tumango ito.
"Fine," Pola decided despite the bright red warning signs flashing in her mind.
Niyakap naman siya ng kapatid at saka pinasalamatan. Lumabas na si Pola sa kuwarto ni Cheska, pero makalipas lang ang ilang segundo, sumunod agad si Phillip. Pola doubled her pace, but he sauntered alongside her effortlessly. Pagdating sa hagdan, saktong kakaakyat lang ni Chase.
"Ate Pola! Hi!" gulat na bati ni Chase pagkakita sa kaniya.
"Where are you going?" agad na usisa ni Phillip dito.
Chase waved a hand in the general direction of the rooms. "Cheska's room."
"Nandoon si Pomee," ani Phillip.
"Exactly the reason why I'm going there." Binalingan ni Chase si Pola at saka nginitian na para bang sapat na iyong permiso para puntahan nito ang kapatid niya. He didn't even wait for her response. Agad na itong tumalikod at patakbong dumiretso sa kuwarto ni Cheska.
Susundan sana ni Pola si Chase, ngunit mabilis na hinarang ni Phillip ang katawan nito sa daraanan niya.
"Don't." Umiling-iling ang binata.
"Why not?" Umiba siya ng direksyon ngunit humarang ulit ito. "Phillip."
"They're not gonna do anything stupid, trust me." He took her arm and held her still. "Your sister is already having a bad day. Kung ayaw mong sumaya ang sarili mo, hayaan mong sumaya si Pomee. If you don't want to live your life, at least let your sister live hers—even just a little."
—
Tatlong araw na ang dumaan, pero nakatatak pa rin sa isipan ni Pola ang huling sinabi ni Phillip. It rang in her mind endlessly. Gusto niya itong kontrahin at itama. He made her sound selfish! Siyempre, gusto naman nila sumayang magkapatid, but that decision wasn't theirs to make.
Pasado alas-dos na ng hapon nang makarating si Pola sa school. Wala gaanong mga estudyanteng naglalakad sa hallway dahil halos lahat, mga nasa klase pa. Tinungo niya ang elevator at pinindot ang 10th floor. Magsasara na sana ang mga pinto, ngunit may isang bisig na mabilis pumagitna roon. The doors flew open again and revealed Phillip.
Heto na naman ang pamilyar na pagbilis ng tibok ng kaniyang puso. Pola dragged her eyes back to the elevator keys. Tahimik namang tumabi sa kaniya si Phillip. None of them dared to speak. Para nilang pinakikiramdaman ang isa't isa. Pagkarating nila sa 4th floor, saka lamang binasag ng binata ang nakabibinging katahimikan na nakapagitna sila.
"So . . . acquaintance, huh?"
Patlang.
Bumuga ito ng hangin. "Welcome to the invisible life of Phillip Dev Grecco." Pumalatak ito kapagkuwan. "What, are you really gonna ignore me forever?"
Pola kept her mouth shut.
In her peripheral vision, she could see Phillip folding his arms over his chest. He was muttering something under his breath as he tapped his foot impatiently against the carpeted floor of the lift, but Pola did not catch that anymore. Maya-maya, mayroon itong pinindot sa elevator panel dahilan para tumigil sila sa 9th floor.
"What are you doing?" tanong ni Pola.
"Finally, nagsalita ka rin."
"Phillip, may klase ako," she said, keeping her voice tight.
"Ako rin, pero puwede bang mag-usap muna tayo?" He gestured his hands in the air. "Nasa elevator naman tayo, e, at walang ibang tao."
Pasimple niyang tinapunan ng tingin ang maliit na cctv na naka-install sa kaliwang bahagi ng lift.
Phillip quickly followed the line of her gaze, then huffed. "You're paranoid."
"I'm just careful."
"I can handle that thing, so don't worry about it."
Pumikit si Pola at saka bumuntonghininga. "Phillip, I . . ." I can't afford any distractions. "I-I'm really busy."
"You are avoiding me. Nagagalit ka pa rin ba sa akin kasi hinalikan kita?"
Hindi naitago ni Pola ang pagpula ng mga pisngi nang banggitin iyon ng binata. Isa pa iyon sa ilang araw nang pumupuyat sa kaniya. She kept on remembering the kiss and how good it made her feel.
"So it is about the kiss?" ani Phillip nang makita ang pagbabago ng ekspresyon sa kaniyang mukha. "Patawarin mo na ako, o."
Nag-iwas siya ng tingin. "I-I forgave you already. Can I, uhm, go to my class now?" She pressed the button for the 10th floor, but it did nothing. "P-paano ba 'to?"
Banayad siya nitong hinawakan sa braso at pinihit paharap. "Look at me, please?" The lightness of his tone somehow calmed the erratic beat of her heart. "Sorry na. Hindi na 'yon mauulit . . . unless you'll ask for it, I don't mind."
Once again, tickling heat rose from her neck to her ears. "P-Phillip!"
He grinned. "Okay, I'll stop, I'll stop." Kinuha nito ang isa niyang kamay na nakapayakap sa tangan-tangan niyang mga libro at saka ipinagsalikop sa palad nito. His expression softened. "Live a little, Pola. Hindi ko naman sinasabing pabayaan mo ang mga responsibilidad mo." Inangat nito iyon sa mga labi nito at dinampian ng halik. "My point is, you're more than just a trophy daughter, you have emotions, you got a life, so let yourself feel and experience things."
"Sila ang may kontrol sa buhay ko."
"Because you're letting them control you. Bakit 'yong kapatid mo, nakakapunta kina Cheska? Baka ayaw mo lang din kasi. You know, living a little includes breaking a couple of rules."
"You don't know our parents," aniya sa maliit na tinig. "A-alam mo, naisip ko nga noon, siguro kung . . . kung may ate lang din sina Cheska at Chase na kaedad ko, baka nagkaroon din ako ng kaibigan." Umiling siya at sinubukang bawiin ang kamay, but he refused, so she continued. "B-but even so, I doubt if that will change my current situation. Maraming beses na akong pinaalam ni Cheska at ini-invite sa kanila, pero kahit pa si Tita Olivia na ang kumausap sa parents namin, hindi pa rin ako pinapayagan. Si Pomee lang ang puwede. I'm not holding it against my sister, though. Alam ko naman kung bakit gano'n, e."
"You are a responsible person, Pola, no doubt about that. But you can still do something about it."
Pola clicked her tongue. Sa impit na tinig, aniya, "Hindi nga ako papayagan."
"Then sneak if you have to. Lie if you need to."
Hindi ba't iyon na nga ang ginagawa niya nitong mga nakaraang araw?
Hindi soundproof ang elevators ng school kaya nang tumunog ang bell, naputol ang pag-uusap nila.
"Hindi ako puwedeng ma-late sa klase," usal ni Pola sabay hatak ng kaniyang kamay, hinayaan naman na siyang makawala ng binata.
He reached for the panel and pressed a couple of keys, the elevator jolted back to life. Nang bumukas ang elevator sa 10th floor, kapwa sila nagkagulatan nang makita si Seth na nakatayo roon. Sa isang kamay ng binata ay may hawak itong bacon sandwich habang sa kabila naman ay chocolate shake. Mayroon din kasing mini cafe sa 10th floor para sa mga estudyanteng tinatamad bumaba at may maiikling break.
Luminga-linga si Seth sa paligid. "Pambihira, kayo lang pala laman nito. Don't tell me nag-makeout kayo kaya ang tagal na-stuck ng elevator sa 9th floor?"
"Nag-usap lang kami," sagot ni Phillip.
"Nothing more? Tiningnan ni Seth ang kapatid, tila inaarok ang katotohanan sa sinabi nito. "Fine, I believe you—wait, kailan ka pa nagkaro'n ng klase rito sa 10th floor?"
"Ihahatid ko si Pola sa klase niya."
Nanlaki ang mga mata niya. "N-no, hindi na kailangan."
"Wala pa namang lumalabas na mga estudyante, sa 2nd bell pa maglalabasan mga 'yan." Nilingon ni Phillip ang kapatid. "Ikaw, ano'ng ginagawa mo rito? Wala ka rin namang klase rito, a."
Sukat doon ay tila natigilan ang binata. Nabitin sa ere ang tangkang pagkagat nito sa sandwich. Alanganing tumingin ito kay Pola, 'tapos kay Phillip. "N-nagpasama kasi si ano . . ."
"Si?"
"S-si Champagne."
Hindi nakaligtas kay Pola ang pagkapatda ni Phillip. "S-she's back?"
Muli siyang tiningnan ni Seth bago sinagot ang huli. "Unfortunately . . . alangan namang multo 'yong hinatid ko, 'di ba?" Nagpakawala ito ng disimuladong tawa, ngunit nanatiling seryoso ang anyo ni Phillip. Halos mag-isang guhit ang mga kilay nito.
"What's your classroom number, Pola?" Phillip asked sternly. Halos masugatan siya sa talim ng boses nito.
"Uhm, 1017."
Phillip turned to Seth. "Sa'ng classroom mo hinatid si Champagne?"
"1017."
"Shit."
Hindi tuloy maiwasang ma-curious ni Pola. Sino ba iyong Champagne?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top