Chapter 7 • Almost

NOOK?

     Iyon lang naman ang nilalaman ng text message na natanggap ni Pola mula kay Phillip, ngunit mahigit isang oras na niya iyong paulit-ulit na binabasa. Wala na siyang susunod na klase at naglalakad na siya ngayon papunta sa parking lot kung saan naghihintay si Kuya Manuel, ngunit may isang bahagi ng pagkatao ni Pola ang gustong kitain si Phillip.

     Sadyang binagalan ng dalaga ang paglalakad nang lumapit na siya sa sasakyan. Kagat-kagat ang ibabang labi na luminga-linga siya sa paligid kahit wala naman siyang partikular na hinahanap. She was tempted to come up with an alibi, ngunit hindi siya sanay gumawa ng excuse sa mga magulang—at natatakot siya na kung susubukan niya, malalaman din ng mga ito eventually.

     Pola hissed inwardly. Ano ba'ng nangyayari sa kaniya? Why would she even do that in the first place? Nahihibang na ba siya?

     "Nariyan ka na pala, hija." Nakangiting lumabas ng sasakyan si Kuya Manuel para pagbuksan si Pola.

     Ginantihan niya ito ng isang kiming ngiti. "M-magandang hapon po." Get a grip on yourself, Pola. Priorities, priorities.

     Nang masara ni Kuya Manuel ang pinto sa passenger seat ay patakbo itong umikot pabalik sa harap. Mabilis itong nagsuot ng seat belt. "Didiretso na tayo ng uwi, ha."

     Tiningnan niya ito sa rearview mirror. "Si Pomee po?"

     "Hindi na natin dadaanan ang kapatid mo. Sumama kina Cheska, may project daw na gagawin." Binuhay nito ang makina.

     Sukat doon ay may ideyang pumasok sa isip niya. Hindi iyon maganda, but it was tempting. "K-Kuya Manuel?"

     He glanced over his shoulder. "Bakit, may nakalimutan ka ba?"

     "N-nasaan po sina Mama at Papa?"

     "Ah, kalilipad lang nila kaninang tanghali. Hindi ko lang alam kung saang bansa sila nagtungo. Hindi ako ang naghatid sa kanila sa airport, e." Muli na nitong binalik ang tingin sa harap. Akmang paandarin na nito ang sasakyan ngunit mabilis niya itong pinigilan.

     "Wait, Kuya!" Napalunok siya. May mumunting butil ng mga pawis na namumuo sa kaniyang noo. Bago sa kaniya ang ganitong pakiramdam kaya hindi niya alam kung paano aakto nang tama, ngunit pinilit niyang magpakakaswal. "M-may nakalimutan po akong gawing assignment sa library."

     "Sa library?"

     "Opo. N-nandoon po kasi karamihan sa mga librong k-kailangan doon sa assignment." Ang lakas-lakas ng tahip ng dibdib niya nang mga sandaling iyon. Nananalangin na lang siya na sana ay hindi nito marinig iyon kundi . . . lagot siya.

     "Gano'n ba?" Saglit itong nag-isip, kapagkuwa'y tumango. "O, sige, pumaroon ka na't hihintayin na lang kita rito." Muling lumabas si Kuya Manuel para pagbuksan siya ng pinto.

     Bahagyang nabawasan ang kaba ni Pola. Akala niya kasi, baka pati rito ay mahirapan siyang makalusot. Mabuti pa si Kuya Manuel, may tiwala sa kaniya. Bata pa lang ay ito na ang personal driver nilang magkapatid at alam naman nito na wala sa bokabularyo ni Pola ang pagsisinungaling . . . noon.

     Pero ngayon lang ko lang naman ito gagawin, e. Isang beses lang.

     "Hindi ka maaring gabihin ha, hija? Parehas tayong malalagot sa mga magulang mo," paalala ni Kuya Manuel sa dalaga.

     Pola alighted from the vehicle. "O-opo, salamat po. Bibilisan ko na lang po matapos. D-dalawang topic lang naman po."

     Malalaki ang mga hakbang na bumalik siya sa loob ng campus. Her heart was throbbing in her ears so loud that the noise of the students echoing all over the campus was temporarily defeated. Umakyat siya sa library, pero para lamang i-tap ang kaniyang ID. Sa isang exit na bihirang gamitin ng mga estudyante dumaan si Pola papunta sa Nook.

      Ngayon, totoong mayroon na siyang ginagawang labag sa kagustuhan ng mga magulang . . . but oddly, it felt liberating. Kinabahan siya, pero may isang bahagi ng pagkatao niya ang tila nabubuhayan. Pagkarating niya sa Nook, maliban sa barista, ni anino ni Phillip o ng kahit na sino sa mga Grecco ay hindi niya nakita. Laglag ang mga balikat na naglakad siya sa palagi niyang pinupuwestuhan at saka umupo.

     Muli niyang binasa ang text message ni Phillip. Sabagay kasi, kanina pa ito nag-text sa kaniya. Hindi naman din niya ni-reply-an ang binata. Siguro ay umuwi na ito.

     "Hi, would you like something to drink or eat?"

     Nag-angat si Pola ng tingin sa nakangiting barista. Pola hesitantly bit her lower lip, but still went on. "Miss, m-may, uhm, k-kilala mo ba sina . . . Phillip?"

     "Of course," magiliw nitong sagot. "Hinihintay mo ba si Sir Phillip?"

     Mabilis pa sa alas-kuwatrong winasiwas niya ang dalawang kamay. "No, no, I'm not waiting for him." She sounded defensive, she's aware of that. "N-natanong ko lang."

     "Kumain silang magpipinsan dito kaninang lunch, pero hindi pa sila bumabalik ulit."

     Oh, so baka hindi pa siya umuuwi . . . she thought to herself.

     "So, would you like to get something while waiting for him?" muling untag sa kaniya ng barista nang hindi siya umimik.

     Nag-iinit ang magkabilang pisngi na napahawi siya sa kaniyang buhok. "I-I'm not really waiting for him . . ." But it probably won't hurt kung hihintayin ko saglit. "Iced coffee na lang, please."

     Naglabas siya ng ilang libro at notebook. Tinotoo niya ang paggawa ng isa sa mga homework niya habang naghihintay kay Phillip. Panaka-naka siyang nag-aangat ng tingin sa pintuan para tingnan kung dumating na ito, ngunit lumipas ang halos kalahating oras, wala pa ito. Nangangati na siyang i-text ang binata, ngunit ayaw niya naman magmukhang desperada.

     Sinipat niya ang suot na wristwatch at saka bumulong ng, "Twenty minutes na lang, kapag wala pa rin, uuwi na ako."

     Saktong pagkasabi niya niyon, lumitaw ang pinakahihintay niya. Mabilis niyang ibinaba ang tingin sa sinusulatang notebook at saka nagpanggap na abala sa ginagawa. Pola "tried" to focus, but Phillip towered over her, so close that she could smell his signature musky cologne, and so close her senses scrambled, drowning out everything else . . . but him.

     "You came," Phillip said, his voice rumbled softly.

     Kahit nakita naman na ito ni Pola sa pintuan pa lang, nahigit pa rin niya ang hininga nang tingnan ito. He donned a black baseball cap, a gray pullover, and a pair of faded blue jeans. A black bag slung over his shoulder coolly. Kahit ang simple-simple lang ng porma ni Phillip, he still looked intimidating and breathtakingly handsome.

     "Hi," anito ulit nang nakangiti.

     "Hi—I mean, hello," pigil-pigil ang paghingang ganti ni Pola.

     Natigilan si Phillip. Umupo ito at tahasang tumunghay sa kaniya.

     Biglang na-conscious si Pola. "May, uhm, may problem ba?"

     Unti-unting sumilay ang isang ngiti sa mga labi ni Phillip. "Lalo kang gumaganda kapag nakatawa. You should laugh more."

     Mabilis na kumalat ang init sa magkabila niyang pisngi. Her face was turning scarlet for sure, but she didn't say anything. As much as she wanted to, her lips only quivered. She didn't know how to properly respond to a compliment!

     "I'm really glad you came. Sana lang ay hindi dumating ang mga unggoy rito, although, feeling ko naman ay hindi since maaga ang uwian ng iba."

     Kunwa'y ibinalik niya ang tingin sa libro at saka nilipat-lipat ang mga pahina. "Why not?"

     She wasn't looking at him, but she could feel the weight of his gaze boring into her face. Maya-maya'y nagsalita ito. "Para solo kita."

     Pola squirmed a little, but did her best to hide it. "I-I see."

     "Never kitang nakita na may kasama sa campus—ever. Palagi kang mag-isa." Kinuha nito ang notebook na sinusulatan ng dalaga at isinara. "Bakit hindi ka makipag-socialize sa mga kaklase mo?"

     Sa mahinang boses, sabi ni Pola, "Hindi puwede. Bawal."

     Nilingon nito ang paligid nila bago ibinalik sa kaniya ang tingin. "I don't see your strict parents anywhere. You can relax and loosen up a bit, Pola. Come on."

     In-adjust niya ang suot na salamin. "I-I don't know how to."

     "You don't know how to relax?" Tatawa-tawang tumayo si Phillip at pumunta sa likuran niya.

     "W-what are you doing?"

     "Stay still." Maingat nitong nilapat ang dalawang kamay sa magkabila niyang balikat.

     Nanlaki ang mga mata ng dalaga. "P-Phillip, w-what are you—"

     "I'm untensing your shoulders, if there's such term." Idiniin nito mga palad at bahagyang pinisil-pisil ang kaniyang balikat. "Masyadong tuwid ang likod mo pati mga balikat, puwede nang gawing ruler." Napasinghap si Pola nang paraanan nito nang marahang haplos ang likod niya. "Your back is so stiff. Relax, Pola. Walang nagbabantay sa iyo rito."

     "Force of habit, I guess."

     Iiling-iling na bumalik ito sa harap niya. "Malapit na akong mag-birthday. Well, months pa naman, but I want to confirm your attendance ngayon pa lang. Pupunta naman siguro kayo ng family n'yo, right?"

     Sumimsim siya sa iced coffee na halos tubig na lang dahil natunaw na ang mga yelo. "I-I don't know—well, madalas naman silang present sa mga gathering n'yo, but dumadalas kasi ang pangingibang bansa nila."

     "They're always out of the country," anito na para mas mas alam pa ang nagaganap sa mga magulang niya. "Yet bantay-sarado pa rin kayong magkapatid."

     Bahagyang natawa si Pola. "Yeah . . . that's true."

     "I bet you haven't even had a crush."

     Lumihis ang tingin ni Pola rito. I do now. Nilaro-laro niya sa kaniyang kamay ang plastic cup na pinaglagyan ng kaniyang iced coffee. "Wala nga akong friends, e, crush pa kaya?"

     "Wrong."

     Tumigil siya para salubungin ang mga tingin nito and for a moment, gusto niya iyong pagsisihan dahil pakiwari niya'y malulunod na naman siya sa abo nitong mga mata. "W-wrong?"

     "Flame, Seth, Game, Chase, and Reiford . . . they are now your friends."

     Tumahimik siya at hinintay na banggitin din ng binata ang pangalan nito, ngunit lumipas ang ilang sandali, tanging hangin na lamang ang namagitan sa kanila.

     "How about you?" hindi napigilang tanong ni Pola.

     "Me . . . I don't wanna be just friends."


Kasalukuyang may idinadaos na event sa hacienda ng mga Grecco. Mayroon kasing binuksang panibagong korporasyon ang mga ito. Napupuno ng media at kung sino-sino pang kilalang mga tao mula sa corporate industry ang naroon.

     Pumamulsa ang kaniyang ama. "We'd like to introduce our youngest to you as well, Aguirre. Isa rin siya sa magma-manage ng Fuentez holdings someday. She's just, ah,"—mabilis nitong iginala ang tingin sa paligid—"somewhere. Medyo makulit kasi ang isang iyon. Bata pa kasi. Hindi katulad nitong panganay naming si Pola. She's gonna be the next president. Kaunting panahon na lang ang hihintayin namin."

     Tumango-tango ang matandang lalaki at saka tumingin kay Pola. "And so I heard. What an ideal and perfect daughter. Napakasuwerte ninyo. I wish my eldest is like her."

     Gumuhit ang pride sa mukha ni Don Paul. "We raised Pola right."

     "Where's your sister?" pasimpleng tanong ni Doña Karen kay Pola. Nakangiti ito dahil kaharap si Mr. Aguirre, pero alam niyang sa loob-loob nito'y nagngingitngit na ang kalooban nito dahil hindi nila mahagilap si Pomee. "Look for your sister and bring her here." Muli itong humarap sa kausap at disimuladong tumawa. "Sorry about that. Miracle will be here in a few."

     Tila may tinik na nabunot sa kaniyang lalamunan nang pansamantalang malayo sa kaniyang mga magulang. It was just too heavy for her. Napapagod na rin siyang ngumiti nang ngumiti.

     Naglakad-lakad siya sa palibot ng malawak na hacienda para hanapin ang kapatid. Matapos ang halos sampung minuto, nakita niya ito sa garden sa likod kasama ang kaibigang si Cheska. Kapwa kumakain ng ice cream ang dalawa.

     "Baliw ka talaga, Che! Kamuntikan na akong malaglag do'n!"

     Humalakhak si Cheska. "Magpasalamat ka, biglang pumasok 'yong cheese sa utak ko. Mabuti nga't nalusutan natin, e! Nag-rhyme naman, a? Someone's in love with . . ." makahulugang tumingin ito kay Pomee.

     Hinampas ito ng kapatid niya. "Huwag kang maingay! Mamaya'y may makarinig pa sa atin. Lagot na talaga ako nito."

     "Cheese ang sasabihin ko, loka. Mukha namang naniwala 'yong kakambal ko, e. Okay lang 'yon. Safe ka pa. Tayo pa lang ang nakakaalam na you like Chase—I mean, cheese." Pagkatapos ay muli itong humagalpak ng tawa.

     "Pomee?"

     Pomee's body froze upon hearing Pola's voice behind them.

     Si Cheska ang unang nakahuma. "A-Ate Pola, hi! Uhm, y-you look gorgeous today." Ito pa ang nagpihit kay Pomee na tila nawalan ng kulay ang mukha. "Pomee and I are just talking about, you know, ice cream flavors."

     Hindi pinansin ni Pola ang sinabi ng huli at nanatili lang nakatingin sa kapatid. "Hinahanap ka nina Mama at Papa."

     Tila nananaklolokong tumingin si Pomee kay Cheska ngunit alam naman nitong walang magagawa ang kaibigan. Pinisil na lamang nito ang dalaga sa kamay bago lumapit sa kaniya. "S-see you later, Che."

     "What was that?" ani Pola nang magsimula na silang maglakad pabalik. Mabagal at maliliit ang kanilang mga hakbang, tila pinatatagal ang bawat sandali.

     "Pomee," untag muli Pola sa kapatid nang hindi ito sumagot. "Do you like Chase?"

     Pinuno ni Pomee ng hangin ang dibdib. Fear flashed evidently over her face. "Ate, don't tell our parents." Malalamig ang mga palad na humawak sa kaniyang braso. "Please, Ate?"

     "I won't tell them."

     "C-crush lang naman and alam ko rin namang bawal, Ate."

     "So 'yong . . ." Gusto niya sanang ikumpirma kung 'yong sinigang na nakita niya last time na kinain ni Chase ay galing kay Pomee, ngunit itinikom niya na lamang ang bibig. Magsasanga pa kasi iyon ng maraming tanong, at ayaw niyang isipin nino man na may koneksyon sila ni Phillip.

     "Iyong alin, Ate?"

     Diniretso niya ang tingin sa kanilang nilalakaran. "Nothing."

     "Ano nga, Ate?"

     "We're not allowed to have distractions, Pomee," Pola reminded her sister, but it was as if she was also reminding herself.

     Mapait na tumawa si Pomee. "I know, Ate." Bumuntonghininga ito at saka halos pabulong na nagpatuloy. "I promise I won't let this blossom into something else. Hanggang crush lang 'to."

     "Good." Ibinalik niya ang tingin dito. "Our parents are going to kill us." Biglang lumitaw ang imahe ni Phillip sa kaniyang balintataw, ngunit mabilis niya iyong winaksi. "Focus, Pomee."

     Focus, too, Pola.

     Ilang oras nang nakatayo si Pola sa tabi ng mga magulang at nangangalay na ang kaniyang mga paa. Hindi na rin niya mabilang kung ilang tao na ang nakausap nila. Nauuhaw na rin si Pomee. Nang may dumaang waitress sa kanila na may bitbit na mga juice, dali-daling kumuha si Pomee roon, ngunit dahil may pagka-clumsy ang kaniyang kapatid, nagkamali ito ng kalkula sa kilos. Pagkakuha nito sa inumin ay nagdire-diretso tapon iyon sa puting-puti nitong bestida. Lahat yata sa paligid namin ay napasinghap.

     "Pomee, what are you doing?!" their mother shrieked in horror.

     Lumapit si Doña Karen kay Pomee, hinablot ang dalaga sa palapulsuhan, at saka hinatak papunta sa isang sulok. Dumagundong ang kaba sa dibdib ni Pola dahil alam niya ang tendencies ng kanilang ina. Patakbo siyang sumunod sa mga ito.

     "Mama," pigil ni Pola sa ina. Sinubukan niyang alisin ang kamay nitong mahigpit na nakahawak kay Pomee ngunit initsa lamang siya nito.

     "Bumalik ka roon sa daddy mo, Pola, at makipag-meeting."

     But Pola didn't want to. Pomee was wincing in pain, ngunit hindi naman ito makaimik. Hinawakan niya sa braso ang ina. "M-Mama, nasasaktan na po si Pomee."

     Doña Karen ignored her. "Why can't you be like your sister, ha, Pomee? Hindi ko alam kung saan kami nagkulang sa iyo. Nakita mo nang malalaking investors 'yong kinakausap namin, magpapapansin ka?"

     Pomee hissed quietly despite the sharp nails digging painfully into her skin. "I didn't mean to, Mama, I'm just really thirsty."

     "Mama, please. May mga nakatingin na sa atin," ani pa ni Pola.

     Ayaw na ayaw ng mga magulang niyang natitintahan ang "napakaganda" nilang mga imahe kaya kahit wala naman talagang nakatingin sa kanila dahil nasa tagong bahagi sila, sinabi iyon ni Pola upang bitiwan na nito ang kapatid.

     "Magpasalamat ka at wala tayo sa bahay," Doña Karen muttered under her breath, teeth gritting. Binitiwan nito si Pomee at agad naman itong pinaloob ni Pola sa kaniyang mga bisig. "Magpalit ka, Miracle. Gawan mo ng paraan 'yan. Huwag kang lalabas dito na ganiyan ang hitsura mo. Mahiya ka naman sa mga Grecco." Pumamaywang ito. "Pola, let's go." Pinandilatan siya nito ng mga mata nang hindi siya pumunta sa tabi nito. "Pola, I said, let's go."

     Lalong hinigpitan ni Pola ang yakap kay Pomee. "Sasamahan ko po muna siyang magpalit, Mama."

     Doña Karen shot her a stern glare, but Pola didn't budge.

     "Fine, ayusin mo 'yang kapatid mo, Larra." Pagkatapos ay naglakad na ito palayo.

     Marahang hinaplos-haplos ni Pola ang namumulang palapulsuhan ni Pomee. Baon na baon din doon ang mga kuko ng ina at halos magsugat na. "Why are you so clumsy kasi?"

     "I'm sorry, Ate," humikhikbing sagot nito.

     "Shh, it's okay, it's okay," pang-aalo niya rito. "May kuwarto ba si Cheska rito?"

     Tumango-tango si Pomee habang pinupunasan ang mga mata. "Lahat silang magpipinsan ay may kani-kaniyang kuwarto rito sa hacienda nila."

     "Good, siguro naman may mga damit siya ro'n." Tinuyo niya ang namamasa pa ring mga pisngi ng kapatid gamit ang kaniyang palad. "Call her. Mukhang magka-size naman kayo. Hiram ka muna ng damit sa kaniya."

     Agad namang dumating si Cheska nang marinig ang nangyari. Nasa dulong bahagi na ng hacienda ang kuwarto ni Cheska at hindi na iyon napupuntahan ng mga bisita gawa ng malaking harang. Gusto pa sanang umakyat ni Pola ngunit nagpaiwan na lamang siya sa baba dahil nasa fourth floor pa ang kuwarto ni Cheska at hindi na kaya ng mga paa niya.

     Nagpasya si Pola na hintayin ang kapatid sa open area na may maliit na fountain sa gitna. Walang ibang tao roon kundi siya. Hindi na rin gaanong abot ang ingay sa harapan kaya medyo payapa. May kadiliman din ang bahaging iyon, pero mabuti na lamang at may mumunting ilaw sa fountain kaya kahit papaano ay may tumatanglaw na liwanag doon. Tahimik lamang siyang nakaupo sa gilid ng fountain habang pinanonood ang pag-agos ng tubig.

     "Pola?"

     Halos mapatalon siya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Mabuti na lamang at mabilis niyang nabalanse ang sarili kundi tiyak na nabuwal siya pagkatayo niya. Baka pati siya ay magpalit nang wala sa oras.

     "Phillip."

     He looked handsome and crisp as usual. Ilang beses naman na niya itong nakikitang nakasuot ng suit, pero parang parati pa ring bago sa kaniyang paningin ang hitsura nito.

     "Kanina pa kita hinahanap." Nakapamulsang lumapit ang binata sa kaniya. He smiled coolly.

     "Hinahanap mo ako?" ulit ni Pola.

     Saglit itong tumingin sa fountain. "Yup, pero sobrang daming bisita rin kasi hindi agad kita nakita. I heard what happened. Sinabi sa akin ni Cheska. How's Pomee?"

     "Medyo okay na. Sanay naman na kami kay Mama." Muli siyang umupo sa gilid ng fountain. "Nagbibihis lang si Pomee sa taas."

     Lumapit ito at umupo rin sa tabi niya. "Ikaw, are you okay?"

     Isang alanganing ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Pola. "Pagod nang kaunti, pero okay lang."

     Pinakatitigan nito ang fountain. "Have you thought of running away?"

     Pola winced. "From my family?"

     "Yeah?"

     Ilang segundong namayani ang katahimikan bago muling umimik si Pola.

     "A lot. I've thought of it a lot," malat niyang sagot sa tanong ng binata. "Pero ayaw kong iwanan ang kapatid ko."

     Patlang.

     "Hindi ako makapaniwala," Phillip uttered, breaking the silence.

     "Sa parents namin?"

     "Yeah, but maliban doon, I can't believe you're here."

     Pola's brows furrowed in confusion. "W-what?"

     He chuckled. Pinaraan pa nito ang kamay sa baba na wari bang pinoproseso pa ang sitwasyon. "Alam mo kasi . . . matagal na kitang gustong lapitan kapag ganitong may gathering, pero napakailap mo at saka parang hindi ka willing makipag-usap. Lagi ka ring nakabuntot sa parents n'yo. But now"—lumawak ang pagkakangiti nito—"you're in front of me and we're talking."

     Pola unconsciously tucked a few strands of hair behind her ear, then looked at the fountain. The golden glow of the light coming from it complemented her brown eyes. "Well . . ." Tinapunan niya ng tingin si Phillip, ngunit nang makitang titig na titig din ito sa kaniya ay tila pahiyang ibinalik niya ang tingin sa tuktok ng fountain. "That's because, well, I'm not sure if I'm allowed to tell you this, but . . . uhm, lagi akong ino-orient ng parents ko sa lahat ng dos and don'ts tuwing may event or gathering. I should always stick beside them—that's their number one rule." 

     "That's unfortunate," anito.

     Ibubuka na sana ni Pola ang bibig para magsalita nang marinig ang boses ng . . . kaniyang ina?

     "Oh, my gosh," usal niya sabay tutop sa bibig. Eyes, almost popping out of its sockets, she mouthed, "That's my mother!"

     Nagpa-panic na tumayo siya. Ngunit bago pa man siya humakbang o magsusuot sa kung saan, dali-dali siyang hinatak ni Phillip at itinulak sa isang pillar na hindi niya alam na naroon pala. Nasa sulok kasi at pinakamadilim na bahagi ng lugar kaya hindi niya naaninag kanina. Nanaig ang pagkataranta niya nang lalong lumapit ang boses ng kaniyang ina at tumigil pa sa mismong fountain! Kung ano-anong dasal na yata ang nausal niya sa kaniyang isip.

     Ilang minuto ring nanatili roon si Doña Karen bago tuluyang umalis. Doon lang napagtanto ni Pola na pigil-pigil pala niya ang kaniyang paghinga. Doon lang din siya naging aware na magkadikit pala ang mga katawan nila ni Phillip—at hindi lang basta dikit, his body was pressed against hers! Gahibla na lamang ang nakapagitan sa kanilang distansya. The rational side of her mind rallied against her thundering heart.

     Her supposed to be initial reaction was to push him as hard as she could—that's what her mind was telling her to do—but that did not happen. In fact, none of them dared to move. Pola's feet became rooted to the ground. Pola tipped her head low because it seemed like that was all she could ever muster to do, but Phillip held her chin, then slowly lifted her face again.

     Breath ragged, he mumbled, "I'm not supposed to do this because you might not forgive me after this . . . but I want to kiss you so, so bad, Pola," hinuli nito ang kaniyang mga tingin bago tuluyang binaba ang mukha, "so help me, God."

     Without waiting for Pola's response, Phillip's warm lips touched hers. She didn't know if her vision just became blurry and hazy or she just closed her eyes to savor the kiss—her first kiss. She felt a rush of helplessness which usually never felt good, but at this moment . . . it felt wonderful and she just wanted to drown herself with that feeling along with the surging warmth rushing all over her body. She didn't know danger could feel this safe.

     His lips elicited sensations she never knew she was capable of feeling . . . and for the first time, nothing else mattered but that kiss.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top