Chapter 6 • Home
Manila
MOST of her life, Pola's time had been charily planned, each of her guarded actions were deliberately executed. Dala ng nakasanayaan, nabitbit iyon ni Pola hanggang ngayon, pero itong pag-uwi lamang nilang mag-iina ang hindi niya gaanong napag-isipan at natimbang.
Handa na nga ba talaga siya? Hindi niya alam.
Kung si Pola lang ang masusunod, hindi na niya ipakikilala pa si Phillip kina Xyler at Zyler. Hindi na niya gugustuhin pang magkaroon ng koneksyon ang mga bata sa lalaki. Yes, she was that selfish. She gave everything to her children para hindi na kailanganin pa ng mga ito ng ama, pero hahanapin pa rin pala ng mga ito iyon sa kaniya.
Hell and Chaos gave her a temporary car that she could use while staying here in Manila. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung gaano siya katagal dito sa bansa, wala rin siyang matinong plano pa, pero sigurado siyang si Pomee ang una niyang kikitain.
"Are you okay?"
Binalingan ni Pola si Hero, kapatid ni Hell at ang personal driver nilang mag-iina habang naririto sila sa Manila. Sa totoo lang, nahihiya siya na si Hero pa rin ang magiging driver slash bodyguard niya knowing how busy he was, ngunit ito mismo ang nagprisinta nang malamang pupunta ulit siya sa Pilipinas.
Marahang tumango si Pola. "Yeah, okay lang naman."
Panaka-naka nitong sinisilip sa rearview mirror ang mga bata na abala sa likod bago siya muling tinapunan ng tingin. "Hindi ko natanong noon—well, ngayon ko lang naman kasi nalaman na you got kids pala—kanino mo sila iniwan when you went here?"
Pola shifted in her seat. "Iniwan ko sila kay Sebastian, sa business partner ko. Para na rin kasi 'yong daddy ng mga bata. Isa pa, nando'n naman ang mga yaya nila. Hindi rin naman kasi ako nagtagal dito that time."
"Pero mukhang ngayon mo lang sila dinala rito sa Pilipinas. The kids look so happy and excited," magiliw pang puna ni Hero.
Pumihit si Pola sa kinauupuan para pagmasdan ang mga anak. To say that they were excited was an understatement. They were absolutely ecstatic! Hindi magkamaway ang mga ito sa pagdutdot sa bintana at katuturo ng kung ano-anong lugar. Isabel and Maya patiently answered all the kids' silly queries.
"It's so makulay here, Yaya," rinig niyang konyong komento ni Xyler habang nakaupo sa kandungan ni Isabel.
Tumanaw si Pola sa bintana. Hindi niya gaanong napansin ang pagbabago sa mga lugar at daan noong pumunta siya rito noon. Papaano'y bukod sa abala siyang magtago, wala na rin naman siyang interes pa sa bansa. Hindi naman niya aakalaing babalik din pala siya rito matapos lang ang ilang taon.
"Are you planning to stay here for good?" ani Hero.
Sunod-sunod ang ginawang pag-iling ni Pola. "N-no, no. May importante lang akong gagawin dito. Baka ito na rin ang huli . . ."
He snickered. "Nasabi mo na rin iyan dati bago kita ihatid pabalik sa airport. Lo and behold, couple years later, nandito ka ulit."
Bumuntonghininga siya. "E, wala naman na kasi talaga akong balak na." Hininaan niya ang boses. "Para lang talaga sa mga bata kaya ko ito ginagawa."
Inabot nito ang kamay niya at saka marahang pinisil. "Whatever it is you need to do, I am one hundred percent sure that you can pull it off."
Isang kiming ngiti lang ang iginanti ni Pola sa huli. She focused her gaze outside. Tila unti-unting humihina sa pandinig niya ang ingay ng mga tao sa sasakyan habang dahan-dahan siyang tinatangay ng mga aalalaa niya sa lugar. A strange familiarity grew warm in the pit of her stomach. Kahit saan niya idako ang mga mata, puro mga nagtatayugang gusali na lang ang natatanaw niya, at mukhang mas magiging crowded pa iyon dahil napakarami pang building at establishment ang kasalukuyang ginagawa. May mga naglipana ring mga highway at footbridge sa kung saan-saan.
The city had changed tremendously in almost a decade, but she still knew it all so well.
"Hero," kapagkuwa'y tawag niya sa lalaki, nagmistula iyong bulong sa sobrang hina ng boses niya, ngunit mukhang hindi naman iyon nakaligtas sa pandinig nito.
"Yep?" Hero beamed at Pola.
Sandaling kumibot-kibot ang mga labi ni Pola. For a brief moment, she thought of going home—and by that she meant, going to her parents' house. But Pola decided to block the thought off. No, hindi pa sa ngayon.
Pola shook her head, making her long, honey-colored hair bounce. Isinandal niya na lamang ang pagal na likod sa backrest. "Nothing . . . nevermind."
He maneuvered the stirring wheel coolly. "Hindi nga, ano nga?"
"Wala . . . may naalala lang ako," aniya sabay muling tanaw sa labas.
"Sasabihin mo o . . . sasabihin mo?"
Pola forced a faint smile. "It's nothing, really."
"Mom, I'm gutom na," maya-maya'y rinig niyang ungot ni Zyler na sinegundahan naman ni Xyler. Nakatigil kasi sila dahil sa stoplight at saktong puro restaurants ang nasa paligid nila.
"Paanong hindi kayo magugutom, e, ang ha-hyper ninyo," tatawa-tawang usal ni Pola sabay pihit muli paharap sa mga ito. "All throughout our flight, you two kept on bouncing! Hanggang dito sa kotse."
"Bili na tayo food, Mom. Please po," nakangusong pamimilit ni Zyler.
Siyempre ay hindi naman makakatanggi si Pola sa mga anak niya kaya nang magsimula na ulit silang umusad, pinadiretso niya si Hero sa pinakamalapit na fast food restaurant na may drive-thru. She ordered food for everyone. Pola was about to hand her credit card to the cashier when she stopped dead in her tracks. Siyempre dahil nandito siya sa Pilipinas, nagbigay ng ibang set ng cards sina Hell at Chaos, pero sa pagkakataong ito, hindi ibang pangalan ang nakaukit . . . kundi ang kaniya na.
Portia Larra Fuentez.
"What?" nagtataka niyang bulalas. Muli niyang pinasok ang kamay sa loob ng sasakyan. "Miss, wait lang, ha." Binasa niya ulit ang nakaukit doon. "Bakit pangalan ko ang nandito?" Kinuha niya ang wallet at binuhos lahat ng laman niyon sa kandungan niya. Mabilis niyang sinipat lahat ng cards. "I don't understand!"
Hinawakan siya ni Hero sa braso nang maansin ang pagbadha ng pagkabahala sa mukha niya. "Hey, why? May problema ba?"
"Wait lang. Hero, sabihin mo sa cashier teka lang." Dali-dali niyang d-in-ial ang number ni Hell. Agad naman nito iyong sinagot.
"O, Pola, nasa condo—"
"Ano 'tong mga 'to, Impyerna?" nagugulumihanan niyang putol dito. Lumabas siya ng kotse upang hindi marinig ng mga anak ang usapan nila.
"Wait, ano ang alin? Ba't ang ingay? Nasaan si Hero?"
"Bakit pangalan ko ang nakasulat sa lahat ng cards na nandito?" pag-iignora niya sa sunod-sunod nitong tanong. Lalo pa siyang nag-panic nang sunod-sunod na bumusina ang mga sasakyang nakapila rin sa drive-thru. "Damn it, Impyerna, nilalaglag mo ako!"
"Can you calm down first, Pola? Anong nilalaglag? Sa iyo na nakapangalan lahat ng cards kasi nandito ka na sa Pilipinas! Don't tell me na magtatago ka pa rin, e, you're here na nga to finally show yourself? Nasaan ang logic mo ro'n?"
"But I don't mean sa lahat! Sa selected people lang! You know I don't like spotlight."
"I know that! Everybody knows that. Kaya nga doon tayo sa private airline namin, 'di ba? We had to cover your arrival para hindi kayo dumuging mag-iina because, let's admit it, malaki ang chance na mangyari 'yon because your father used to be a renowned politician and your mother is an international media mogul. Tingin mo ba hindi kami nag-iisip?"
"Given na 'yon, but I'm talking about my cards here!"
"Ikalma mo nga. Nagpa-panic ka, Pola. 'Yang mga magsu-swipe ng cards mo, most of them are ordinary people na for sure ay hindi alam kung sino ka. Pakialam ba nila kung sino si Portia Larra Fuentez?" Kahit hindi niya nakikita ang kaibigan, alam niyang naglalakad-lakad ito paikot sa kung nasaan man ito ngayon. Kung posible nga lang na lumusot ito sa screen ng kaniyang phone, paniguradong kanina pa siya nito sinasakal. "Now, if your parents are tracking you or sabihin na nating tina-track ka ni Phillip, sila lang ang makakaalam na nandito ka na."
"Kahit na, you should've told me first!" giit ni Pola. "Ni hindi mo ako kinonsulta tungkol dito!"
"Wala na ngang point kung gagawin mo pa 'yon, Pola. Hindi katulad no'ng dati na ang goal mo lang, e, sunduin si Pomee nang walang nakakaalam na nandito ka sa Pilipinas," Ekspaheradong bumuga ng hangin si Hell. "Wala ka naman kailangang sunduin ngayon nang palihim. Paulit-ulit naman tayo."
"Paano kung bigla na lang lumitaw si Phillip? I don't have a definite plan yet!" paghihisterya pa rin ni Pola habang nakahawak sa pumipintig na ulo. "I mean, not that I'm expecting 'cause I don't even know kung naaalala ba niyang may mga anak kami."
Saying that hurt, but that's the painful truth that she had been trying to swallow for years.
Dumungaw ang cashier sa bintana. "Miss, I'm sorry, pero mahaba na po ang—"
"Didn't I tell you to wait?" pagtataray ni Pola sa huli.
"E di harapin mo. Isn't that the main reason why you're here in the Philippines, Pola?" Hell clapped back. "Para ipakilala sa mga anak mo ang tatay nila? Again, there's no need for you to hide anymore. Hinanap ka man o hindi, alam man niya o hindi, ang importante rito ay ang mga anak mo."
Magsasalita pa sana si Pola ngunit nagsilabasan na ang mga driver mula sa mga sasakyang nasa likuran nila. Galit na galit na ang mga ito. Grunting in frustration, Pola immediately dropped the call. Hindi na siya nakapagpaalam pa sa kausap.
Pola gripped the card hard it almost cut through her delicate skin. Anxiously, she opened her mouth and breathed in. She held the heavy air deep in her lungs for several seconds, then slowly released it. Her grip loosened up as she reasserted her decision a couple of nights ago to endure the outcome of her going back here—and of her bringing the twins and introducing them to everyone she had turned her back on.
Inabot niya ang card sa cashier. Bahala na.
__
NILIBOT ni Pola ng tingin ang kabuuan ng penthouse na siyang magsisilbing tirahan nilang mag-iina habang nandito sila sa Manila. The whole place was huge. Doon sana ulit siya sa dati niyang pinag-stay-an dahil okay naman doon, ngunit may kaliitan. Hindi na sila gaanong makakagalaw roon, malilikot pa man din sina Xyler at Zyler, they loved running around.
The whole unit looked like it was designed for a woman, too. Despite being huge, it looked extremely cozy and very homey. The walls were cream and the curtains were sheer enough to soften the harsh sunlight passing through it. There were lots of flowers and different plants, too. Unfortunately, Pola didn't know much about plants, so she would just let Isabel and Maya take care of those instead.
Kani-kaniyang takbo sina Xyler at Zyler habang ikinukumpara ang apat na bakanteng silid. The two had never slept in a separate room before kaya naman sobrang excited ng mga itong mamili ng gagawing kuwarto. Sinamantala ni Pola ang pagkakataong iyon para tawagan ang kapatid. Nakausap na niya ito kanina habang nagpapa-gas sila. Pola gave her address to Pomee so they could talk privately.
"Ate, malapit na ako," bungad nito sa kaniya pagkasagot na pagkasagot nito sa tawag niya.
"What?!" Pola shrieked, then covered her mouth so she could speak in a hushed voice. "What do you mean malapit ka na? Sabi ko huwag ngayon kasi gusto ko pang magpahinga!"
"Na-excite ako! I want to see you and your kids! Hindi ko nga alam sa iyo kung bakit ayaw mo silang ipakita sa akin kahit sa picture. Hindi naman siguro sila anak ni Chase, 'no?"
"Ew, Pomee, gross! You can keep Chase to yourself." Ibinagsak ni Pola ang sarili sa round love seat na nakapuwesto sa tabi ng floor-to-ceiling na bintana. Nasa 48th floor ang penthouse kaya naman tanaw na tanaw niya ang buong siyudad. "Mahilig ka talagang gumawa ng sarili mong desisyon, e, 'no?"
"Uuwi na kasi si Chase bukas—sila ni Cheska, actually. May inasikaso lang sila sa Italy saglit. E, praning iyon si Chase, Ate. Hindi ko alam kung kailan ulit siya aalis. Unless, okay lang naman sa iyo na isama ko si Chase riyan."
"Fine, fine . . . mukhang wala naman na akong mgagawa. Just . . . just promise me one thing, Portia Miracle."
"Promise what?"
Pola was fidgeting and her heart was beating like a trip-hammer. "Na . . . kapag nakita mo sina Xyler at Zyler . . . wala ka munang itatanong na kahit ano, like, 'paano nangyari' . . . 'bakit hindi ko sinabi', stuff like that. Huwag muna . . . pero puwede kang mag-react, huwag mo lang muna akong usisain."
"But why?" Pomee asked in a high-pitched voice.
Pola snorted. "Kasasabi ko lang na huwag mo muna akong tatanungin, e."
Narinig niya ang malakas na pagtampal nito sa noo. "Oo nga pala. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero sige, I promise—teka, ito na yata 'yon. Ito na nga! Ate, bababa na ako ng taxi."
Tumriple ang kabog ng dibdib ni Pola. She had to remind herself that it was just Pomee. Kapatid niya lang ito at sigurado siyang hindi ito mag-iisip nang masama sa kaniya. Pola jumped to her feet and paced around the house nervously. Kung kay Pomee pa lang ay ganito na ang nararamdaman niya, paano pa kung mga magulang na niya ang nakaharap niya? At baka bigla na lang siyang bumulagta kapag si Phillip na ang haharapin niya.
Makalipas ang ilang minuto ay tumawag si Pomee sa kaniya. Hindi raw ito makaakyat. Ganoon kahigpit ang security ng building. Walang choice si Pola kundi sunduin ang kapatid sa lobby.
Still wearing her favorite red spaghetti strap dress and heels, Pola made a beeline for the lobby. It wasn't that hard to spot her sister. Nakasuot ito ng dilaw na sundress at malapad na puting headband na may ribbon sa ibaba. Agad na nagliwanag ang kaninang nakasimagot nitong mukha pagkakita sa kaniya.
"Ate!" Sinugod siya nito ng mahigpit na yakap. "I can't believe you're really here! I missed you!" Humiwalay ito sa kaniya at mabilis siyang pinasadahan ng tingin. "Lalo kang sume-sexy! What's your secret?"
"Be single." Tila yelong natunaw ang kabang dumadagundong sa dibdib ni Pola.
"Ibig sabihin ba nito ay makakapunta ka na sa birthday party ni Rush?" Pomee yelped with glee.
"Pag-usapan natin 'yan sa taas." She made her voice carefully neutral.
"Portia Larra!"
Naestatwa ang buong katawan ni Pola nang mag-echo sa buong lobby ang pagtawag sa kaniya ng isang lalaki. Nearly a decade had passed, still every inch of her being recognized that voice.
Pumihit si Pomee para harapin ang tumawag kay Pola, samantalang siya ay nanatiling nakatalikod. As much as she wanted to move, her feet were rooted to the ground.
Narinig niya ang malakas na pagsinghap ni Pola, pati ang pagtataka sa boses nito. "K-Kuya Phillip? W-what are you doing here?"
"Pola . . ." he called again, softly and gently this time—as if pleading. Tila hindi rin nito alintana ang presensya ni Pomee. "You're really here."
Lumapit ang boses nito kaya mas lalong nagrigodon ang tibok ng puso niya. Before she could think of anything, his warm and strong arms circled around her waist, turning her to face him. Tila siya isang puppet na sumunod lang sa galaw nito. For a timeless moment, his gaze held hers. Once again, images, hundreds of them, raced into her mind as she stared at those gray depths.
"Phillip . . ." Pola muttered.
"It took you nine damn years to finally show up, huh?" Pagkatapos ay tuluyan na siyang pinaloob ni Phillip sa mga bisig nito. "Nine long years. I looked for you everywhere, Pola . . ."
And as much Pola hated to admit it, being in his arms . . . still felt so right.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top