Chapter 4 • Sneak

HANGGANG ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Pola na hindi nalaman ng mga magulang ang tungkol sa mga Grecco noong isang araw. She's still a little nervous . . . and guilty—as if any moment, her parents could find out about it—but, weirdly, it felt liberating. Somehow. For the first time, it was as if she broke a rule, but there would be no consequences because she didn't get caught.

     Gano'n pala ang pakiramdam no'n? sa isip-isip niya.

     Wala sa loob ding hinugot ni Pola ang cellphone mula sa bag. Her fingers moved, almost of its own accord, and found herself rereading Phillip's text message for the nth time. Isa pa ring hiwaga sa kaniya kung papaano nito nakuha ang number niya, pero hindi niya ni-reply-an ang pagpapakilala nito. Ni hindi nga rin niya s-in-ave ang number ng lalaki.

     "Thank you, students. Class dismissed."

     Nag-angat ng tingin si Pola nang marinig ang sinabing iyon ng kanilang professor. Voices roared in unison.

     Wait, the class is over? she thought, panicking a bit. Tumalon ba ang oras o sadyang okupado lang ng ibang bagay ang isip niya?

     Napakurap siya at iginala ang tingin sa paligid. Her classmates for that subject were already fixing their stuff, some were already leaving the room. Kani-kaniyang pulasan na ang mga ito. The class was only an hour and a half, but the last thing she could remember was the beginning of the lesson . . .

     "I'm so dead," bubulong-bulong niyang saad habang inaayos ang sariling mga gamit. Wala pa man din siyang kaibigan na maaring mapaghiraman ng notes. Ni hindi nga siya sigurado kung alam din ba ng mga nagiging kaklase niya ang kaniyang pangalan.

     What to do, what to do . . . Napasinghap siya nang makita ang professor na nakaupo pa rin sa lamesa at tila may tsine-check na mga papel. Dali-dali siyang lumapit dito.

     "S-Sir . . ." panimula ni Pola sabay tikhim.

     Mula sa binabasang papel, nag-angat ito ng tingin sa kaniya. "Yes, Ms. Fuentez?"

     Anxiously, Pola adjusted her glasses, tucked her hair behind her ear, and cleared her throat. Did he notice that I wasn't paying attention earlier? I hope not.

     "Ms. Fuentez, what is it?" muling untag nito sa kaniya.

     "A-ahm, may I get a copy of our lecture today, Sir?" turan ni Pola.

     "The whole presentation?"

     Tumango-tango siya. "Yes po. Magre-review lang po ako for the exam next, next week." Pola then placed her hands behind her and crossed her fingers, praying that her professor would believe her excuse and that he didn't notice her spacing out.  

     Ngumiti ito, tila natuwa sa kaniyang initiative. "You parents must be really proud of you, Ms. Fuentez—and they're lucky, too, for having a smart and hardworking heiress."

     Sanay na si Pola na makarinig niyon mula sa iba't ibang mga tao. And that was one of the things she had to maintain—o mas tamang sabihin na pinapa-maintain ng mga magulang niya sa kaniya—ang tingin ng lahat sa kanilang pamilya.

     "Hang on, I'll send it to your e-mail," the professor continued. Relieved, Pola watched as he opened his laptop once more and clicked several folders before finding the one he just presented to the class earlier. "Alright . . . sent!" He clasped his hands then looked at her. "Keep up the good work, hija. Send my regards to Don Paul and Doña Karen."

     Nagpasalamat siya rito at saka bumalik sa upuan niya sa bandang gilid. She continued folding her books and slid everything that she could inside her mint green backpack. As she strode off across the room, towards the door, she castigated herself. Bahagya pa niyang hinahampas-hampas ang ulo gamit ang iilang libro na bitbit niya dahil hindi nagkasya sa kaniyang bag. She was getting distracted, and she didn't like it.

     Paglabas ni Pola sa classroom, kamuntikan nang tumalon ang puso niya nang makita kung sino ang nasa hallway at nakasandal sa pillar. Her eyes widened with feigned shock as she stared at the guy dressed in white loose jogger pants and brown button-down polo with its sleeves rolled up to his elbows. Nakatingin ito sa suot nitong puting-puting sneakers habang nagpapa-balloon ng bubble gum sa bibig. He looked so laid back. Pola took that opportunity to walk faster, itinabing niya rin ang mga libro sa kaniyang mukha as if that would make a huge difference.

     Mayamaya'y natigilan si Pola. She quickly assessed herself. Bakit ba siya nagpa-panic at nagpapakataranta? Umayos siya ng tayo at tumikhim, as if composing herself. Hindi naman siguro siya ang dahilan kung bakit naroon si Phillip. Baka mayroon din itong klase roon o ano.

     Have you lost it, Portia Larra? aniya, ngunit sa isip-isip niya lang. Muling tinuktukan ng dalaga ang sarili gamit ang mga libro. Focus, Pola. Come on.

     Nasa ganoong tagpo siya nang biglang may humatak ng mga libro mula sa kaniya. Napasinghap siya sa gulat at agad na bumaling sa gumawa niyon.

     "Phillip!" she squealed in surprise, then held her breath. Awtomatikong napaurong siya nang ilang hakbang dahil napakalapit na naman nila sa isa't isa kulang na lang ay dumikit na siya sa dibdib nito.

     "Why are you hurting yourself?" Phillip sounded half amused and half worried. "Is everything okay?"

     Pola's heart pounded. Dismissal ng ibang mga klase ngayon kaya maraming nasa hallway. They should not be seen together! Mahirap na. Without answering any of Phillip's questions, Pola snatched her books from his grip, then turned her back on him. Was he there because of me? Pero bakit?

     May pagmamadaling nilayasan niya si Phillip, pero sa kaniyang peripheral vision sa tuwing bahagya siyang lilingon, nakikita niyang nakasunod ito sa kaniya.

     What are you doing, Phillip? sa loob-loob niya. Nakakailang liko na siya pero nakabuntot pa rin ito sa kaniya. Because she badly wanted to ask him without getting near him, she fished out her phone from the pocket of her navy wide-legged pants, then began fumbling its keypad. Panaka-naka siyang nag-aangat ng tingin dahil baka mabangga siya.

     "Why are you following me?" mahinang basa ni Pola sa text message na c-in-ompose niya bago ipinadala sa numerong ginamit ni Phillip.

     Muli niyang sinilip ang binata sa kaniyang peripheral vision, kita niya ang pagsipat nito sa cellphone pati ang—kung hindi siya nagkakamali—pinaghalong amusement at gulat na rumehistro sa mukha nito. He didn't even attempt to hide it in public, baka may mag-akalang magka-text sila. Nahigit ni Pola ang mga libro sa dibdib. Mabilis niyang ibinawi ang tingin nang mag-angat ito ng mukha. Mabuti na lang at agad din niyang nai-focus ang mga mata sa dinaraanan dahil kamuntikan na siyang makabangga. Ang sama tuloy ng tingin sa kaniya ng isang studyante.

     Even though she was already expecting a response from Phillip, she couldn't help but still jolt upon seeing that he did. Kinakabahang binuksan at binasa niya iyon.

     "I'll wait for you at the Nook," anang mensahe nito na ang tinutukoy ay ang cafe kung saan siya natagpuan ng mga Grecco noong isang araw.

     Pola could easily understand a message even without reading the whole text, but this time, she felt like an idiot—she had to reread Phillip's reply thrice to make sure it was what she thought he meant.

     He didn't answer my question, sa loob-loob niya. Isa pa, bakit niya ako pinapupunta ro'n?

     Bumagal ang paglalakad ni Pola. She attempted to compose another reply, but Phillip quickly walked past her without stopping nor glancing her way, leaving the scent of his signature cologne trailing behind him. He tucked both his hands into his side pockets and coolly graced the hallway like a model. Nakita niya kung papaano ito sundan ng tingin ng mga kababaihan. Some even stopped rummaging their lockers just to ogle at him, some even giggled and squeaked, but Phillip didn't even look at any of them.

     "My goodness, ang guwapo-guwapo talaga ni Phillip—actually nilang lahat magpipinsan!" anang isang babae sa kaliwa niya. May kalakasan ang boses nito, tila hindi nahihiya kung marinig man ni Phillip ang sinasabi nito. "Mine sa lahat!"

     "Agree! But Phillip Dev Grecco hits different. Sobrang nakaka-in love 'yong pagiging mysterious niya," said girl number two. "He looks like a protective, yet possessive boyfriend. Feeling ko lang, ha?"

     "But ang weird kasi his other cousins are so makalat—except sa kanila ni Flame. Hay, paano ba makabingwit ng isang Grecco?" muling sabi ng unang babae.

     Napakurap si Pola nang ma-realize ang ginagawa. Why on earth was she eavesdropping?

    Sa kabilang banda, hindi niya alam na may pagka-snob pala ang binata. May mga ikinukwento sa kaniya si Pomee tungkol dito, pero hindi naman niya iyon gaano pinapansin dahil hindi siya interesado. Nanatili lang nakatayo roon si Pola habang tangan-tangan pa rin sa isang kamay ang cellphone. Mayamaya'y muli iyong nag-vibrate.

     Silly, don't just stand there. Pumunta ka na sa café, piping basa ni Pola sa panibagong text ni Phillip.

     Pola perked up and scanned her surroundings, pero ni anino ni Phillip, hindi niya makita. Muli niyang ibinulsa ang cellphone at nagpatuloy sa paglalakad. Mabagal. Meron pa siyang susunod na klase, pero in an hour pa. For the nth time, Pola adjusted her glasses and bit her lower lip. Nagtatalo ang isip niya, pero namalayan niya na lamang ang sarili na lumalabas ng campus at tinutunton ang tagong daan papunta sa café. Nasa entrance na siya ng café nang muling mapagtanto ang nagawa. Ba't naman siya sumunod sa lalaki?

     Nahihibang ka na yata talaga, Pola, anang isang bahagi ng kaniyang isip. Your parents will kill you!

     But despite the warnings flashing in her head, she still continued. Mayamaya lang ay nakatayo na siya sa harapan ni Phillip na prenteng nakadekuwatro habang binubuklat ang isang notebook. Ikiniling ni Pola ang ulo. Wait, that notebook looks familiar . . .

     Pola opened her mouth in attempt to mutter something, but her shyness got the best of her. Gusto niya munang siguruhin na kaniya talaga ang notebook na hawak nito.

     "Mangangalay ka, why don't you sit down?" said Phillip. Nag-angat ito ng tingin sa kaniya at itiniklop ang notebook. Doon niya nakumpirmang kaniya nga iyon dahil lahat ng notebook niya ay may initials niya. PLF. Pola got intimidated by his piercing stare she could feel her knees wobbling, so she obliged. Sinundan ni Phillip ng tingin ang pag-upo niya.

     "I ordered iced coffee for us," Phillip began. Ipinatong nito ang notebook niya sa bilog na lamesang nakapagitna sa kanila.

     "B-bakit nasa iyo ang . . . ang dia—I mean, notebook ko?" ani Pola ngunit sa papahinang boses. Hindi siya sigurado kung narinig ba ni Phillip ang huling mga katagang binitiwan niya.

     Phillip grinned, revealing his perfect set of teeth. Prerequisite rin yata sa mga Grecco ang pagkakaroon ng ganoong ngiti at mga ngipin—mala-toothpaste commercial. "Para kang nakikipag-usap sa daga. Speak a little louder. Tayo lang naman nandito."

     Pola smoothed her sweating palms over her pants, inexplicably shy. Totoo naman, walang ibang taong naroroon sa cafe maliban sa kanila ni Phillip at saka sa barista sa counter.

     May kino-compose siyang words sa isip niya, pero ang tanging lumabas lang sak aniyang bibig ay, "M-my notebook . . ."

     Phillip carefully slid the notebook across the table. "Naiwan mo rito the other day. Nalaglag sa sahig. Siguro no'ng bigla kang tumayo nang makita ako. You're lucky I'm the one who found it." Pinagkrus nito ang mga kamay sa tapat ng dibdib. "I don't think your parents would like the content of your diary."

     "You read it," she stated, her voice filled with dread.

     He brushed his hair using his own fingers. "I'm sorry," he said in a sincere tone, "but my curiosity took over. Just a few pages, though. Alam kong ayaw mong may ibang makahawak o makabasa niyan."

     Lalong nanlamig ang mga kamay ni Pola. She couldn't imagine anyone reading any of her rebellious thoughts. Bakit ba kasi nag-decide siyang magsulat din sa diary noong araw na iyon? Ibig lumubog ni Pola sa kinauupuan. Hiyang-hiya siya sa mga pinaglalalagay niya roon.

     Phillip chuckled, but it wasn't the kind of laugh meant to discomfort her, it was reasurring of some sort. "Relax, it's just me. No judgements here. In fact, I feel you. Parehas may nakaabang na malaking responsibilidad sa atin. It's just that . . ." saglit nitong tinapunan ng tingin ang notebook niyang mariin niya pa ring kapit, "your parents are different."

     "They are," sambit ni Pola sabay pasok ng kaniyang diary sa bag. Kulang na lang ay ibaon niya iyon sa pinakailalim na bahagi, as if that would erase whatever impression she had left on Phillip.

     "I won't tell anyone, Pola. My mouth is zipped," paniniguro nito at nagmuwestra pa na parang itinikom ang bibig. "Promise."

     Saglit niyang tinitigan ang binata, tila tinitimbang ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi naman niya inaalala na baka may pagsabihan ito tungkol sa mga isinulat niya sa diary niya—hindi man niya gaanong kilala ang binata, tingin naman niya ay hindi iyon gagawin ni Phillip. He seemed dependable and trustworthy even before. Mas nagpi-fret siya roon sa pagbabasa nito sa mga entry niya.

     "O-okay," aniya kapagkuwan. Akmang tatayo na ulit siya nang mabilis siya nitong inagapan.

     "Wait, saan ka pupunta?"

     Nagtatakang tiningnan niya ito at saka ang kamay nitong nakahawak sa palapulsuhan niya. Tila naman natauhang bumitiw ito.

     "B-babalik na ako sa school," naasiwang untad ni Pola.

     "Breaktime ngayon ng lahat ng klase. It's 12 noon."

     Wala sa loob na nakagat ni Pola ang ibabang labi. "M-may gagawin pa ako."

     He gestured the chair that she had just vacated. "You can do it here. Hindi kita guguluhin."

     Tinitigan lang iyon ni Pomee. "I'm sorry . . . I don't think it's a good idea."

     Tila nanunubok na humalukipkip ito't tinaasan siya ng kilay. "Did you parents find out about our secret place?"

     Something about the way he said "our" made Pola's insides turn to mush.

     "Did they?" muling untag ni Phillip sa kaniya nang wala itong makuhang sagot mula sa dalaga makalipas ang ilang segundo.

     "No . . ." kimi niyang sagot.

     Ikinumpas ng binata ang isang kamay sa ere. "Told you, tago ito. Walang makakahanap sa atin dito. There's nothing to worry about. You can relax."

     As if on cue, the barista walked up to them. May bitbit itong dalawang iced coffee—one black and one that looked extra creamy. Ngumiti ang lalaki sa kaniya bago inilapag ang basong malapit nang magmukhang gatas sa dami ng cream, samantalang binigay naman nito ang isa kay Phillip.

     How did he . . .

     "Your sister said you like your coffee like that—super creamy and milky," ani Phillip na para bang nababasa ang kaniyang isip.

     Dahan-dahan ang ginawa ni Pola na pagbalik sa kinauupuan. "Sabi ni Pomee?"

     Tinanong niya ang kapatid ko? she thought to herself. Pinamulahan siya ng mukha. So alam na ni Pomee na may komunikasyon sila ni Phillip?

     "Nabanggit niya lang noong pumunta ako sa bahay nina Cheska. Nandoon ang kapatid mo. They were talking about coffee and stuff," kaswal nitong saad sabay simsim sa kape.

     Pola sighed in relief.

     "Taste it. Actually, hindi ko pa natitikman ang creamy coffee nila, wala si Seth, e, kaya hindi ko alam kung masarap ba siya o ano."

     "H-how much is this?" Kinuha ni Pola ang wallet ang mag-aabot na sana ng pera kay Phillip nang humalakhak ito.

     "You're really something else," he simpered. "What are you doing?"

     Nabitin tuloy sa ere ang kamay ni Pola. "Paying you?"

     "Am I charging you for it?" Instead of sounding offended, he seemed amused. "Treat ko 'to sa iyo. No need to pay me. Coffee lang naman 'yan."

     Bantulot na in-extend pa rin niya ang kamay na may hawak na tatlong tig-iisang daan. "B-but—"

     "Did someone say my name?"

     Kapwa sila napalingon ni Phillip nang makarinig ng isang pamilyar na boses. Kakapasok lang ng cafe ni Seth. Nasa likod nito si Game at si Chase na may bitbit na tupperware. Narinig niya ang malakas na pagbuga ni Phillip ng hangin. He even uttered a curse.

     "What are you, guys, doing here?" iritableng tanong pa ni Phillip.

     Kung noong isang araw, si Game lang ang nakasuot ng varsity jacket, ngayon ay pati na rin si Seth. Si Chase naman ay nagulat nang makita siya. Saglit na nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila ni Phillip.

     "Ba't kapag nandito si Pola palaging bawal kami pumunta rito?" nakangusong sabi ni Seth. "Kahit pa rentahan mo 'tong cafe, pupunta pa rin ako."

     "She's older than you, Seth. Call her Ate Pola," mariing giit ni Phillip.

     Umingos lamang ang kapatid nito. "Ikaw nga hindi ko kinu-kuya. I'm sure Pola won't mind." Bumaling ito sa kaniya, ngiting-ngiti. "Right?"

     Napalabi muna siya saglit. "Y-yeah."

     Lumapit naman si Game sa kaniya at basta na lamang hinablot ang perang inaabot niya kanina kay Phillip. "'Wag mong binibigyan ng pera si Phillip, Pola. Hindi niya kailangan 'yan. Dami nang pera niyan. Akin na lang, ah. Thanks!" anito't kinindatan pa siya.

     Hindi na siya nakatutol pa dahil sumunod na ito kay Seth sa counter at umakbay sa huli.

     "Game, give it back to Pola!" utos ni Phillip sa pinsan, ngunit ikinumpas lang ng huli ang pera at dali-daling ibinayad sa counter kahit na mukhang hindi pa ito nakakapili ng kahit ano. Umiling-iling na lang si Phillip. "Buraot ka kahit kailan. Use your allowance for once!"

     "Are you two dating?" curious na tanong naman ng high school student na si Chase. Ni walang kagusot-gusot ang unipormeng suot nito habang nakasukbit naman sa balikat ang kulay dark blue blazer nito.

     Kahit hindi pa iniinom ni Pola ang iced coffee, nasamid siya nang marining ang tanong na iyon ni Chase Dri Grecco.

     "Hey, hey, are you okay?" nag-aalalang alo sa kaniya ni Phillip. Tumayo pa ito at lumapit sa kaniya. Akmang hahagurin na nito ang likod niya, pero mabilis niyang itinaas ang magkabilang palad sa ere.

     "I'm—I'm okay," awat niya rito.

     "So you two are dating," ani ulit ni Chase na parang may kinumpirma silang kahit ano ni Phillip.

     "No, Chase. W-we're not dating," bahagya pa ring nauubo na pagtatama rito ni Pola.

     Tumingin naman ito kay Phillip na tila hinihintay rin ang sagot nito.

     Ikinibit ni Phillip ang mga balikat. "Pola said we're not dating."

     "If that's the case, dito na lang ako sa table n'yo." Walang kaabog-abog na humila si Chase ng upuan at dinala sa lamesa nila ni Phillip. Nang mag-settle roon ay binuksan nito ang kulay puting tupperware. Kumalat ang amoy ng sinigang sa buong cafe. Agad namang kumunot ang noo ni Pola. Hindi niya alam kung bakit si Pomee ang pumasok sa isip niya. Baka dahil kakaaral lang nito magluto ng sinigang.

     "Pagpasensyahan mo na si Chase, Pola," kapagkuwa'y sabi ni Phillip sa kaniya. "Favorite kasi niyan ang sinigang. He'd go nuts for it."

     Gustuhin man niyang itanong kung sino ang nagbigay niyon kay Chase, minabuti na lamang ni Pola manahimik. Baka mapag-isipan pa siya na nangingialam.

     "I'm sorry, too, because I don't share," dagdag pa ni Chase at nagsimula na itong kumain.

     Napakamot na lang sa ulo si Phillip. "Mukhang hindi mo magagawa ang kailangan mong gawin. Kahit sabayan mo na lang kami mag-lunch, 'tapos ihahatid na kita pabalik sa school."

     "You don't have to do that," alarmed, Pola quipped.

     Napakurap si Phillip, tila natauhan. "Oh, oo nga pala. Go drink your coffee. I'm sure may binili si Seth na something for you." Iyon lang at tumayo ito. "I'll be right back."

     Ngunit lumipas ang mahigit sampung minuto, walang Phillip Dev Grecco na bumalik. Pero bakit naman niya hinihintay ang binata? Hindi naman niya ito kailangan para makabalik siya sa school. She could walk.

     Focus, Pola. Focus.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top