KUNG ano-anong senaryo ang naglaro sa isip ni Pola habang bumabiyahe sila pauwi. Kung tutuusin ay mayroon pa siyang susunod na klase, pero kapag inutos ng mga magulang niyang umuwi siya—kasehodang nasa kalagitnaan siya ng recitation o exam—kailangan niyang umuwi. Nilang magkapatid, in fact. Lagi lang naman ding nakaabang ang personal driver nila ni Pomee sa kanilang school para sa mga ganitong biglaang pagpapatawag.
Pagkapasok nila sa malalaking gate ng mansion, hindi na hinintay pa ni Pola na mag-park si Kuya Manuel sa mismong garahe, pinatigil na niya ang sasakyan doon.
"Bakit? May nakalimutan ka ba sa school ninyo?" anito at tila handa nang umikot muli palabas.
"Ay, wala po, wala po. Dito na lang po ako bababa."
"Dito ka lang?" ulit ni Kuya Manuel.
Napalabi ang dalaga at tumango-tango. "Opo, Kuya. Maglalakad na lang po ako."
"Naku, baka mapagod ka niyan, Pola. Ako pa ang mapagagalitan nina Don Paul at Doña Karen." Nakatingin ito sa kaniya sa rearview mirror.
Mahaba-haba pa ang lalakarin niya mula sa gate patungo sa mismong mansion, pero gusto ni Pola na maikalma muna ang sarili bago harapin ang mga magulang. Usually, she wouldn't get this nervous, but her gut feeling told her it had something to do with the Greccos.
Kimi siyang ngumiti sa lalaki. "Mayroon naman pong nag-iikot na mga golf cart in case mapagod ako. Saglit lang naman po."
Kakamot-kamot na in-unlock nito ang mga pinto. "O s'ya, sige, ikaw ang bahala. Iwan mo na lang ang mga gamit mo d'yan, ipapaakyat na lang sa kwarto mo."
"Salamat, Kuya Manuel." Iyon lang at umibis na si Pola ng sasakyan.
Hinintay pa muna ng dalaga na mawala sa paningin niya ang kotse bago siya kumilos sa kinatatayuan. It's only past two in the afternoon. The air felt dense and the sun burned her skin, but Pola didn't mind. Kahit papaano naman ay medyo presko pa rin sa paligid dahil sa napalilibutan ng mga puno at kung ano-anong mga halaman ang daan patungo sa mansion. Lahat ng ito ay parte ng hardin ng mommy niya, pero sa bandang likuran naman ng mansion ay may malawak na mga taniman. Takot na baka madumihan ang puting paldang halos sumayad na sa lupa sa haba, bahagya niya iyong inangat.
Once again, thoughts rolled around Pola's mind as she began to walk on the dry, cracked ground. Nag-iisip siya ng mga rason na maari niyang sabihin sa mga magulang. Not that she was planning to lie, she's going to tell them everything, she just wanted to be able to defend herself against whatever accusations they would be throwing at her.
Amidst the internal conversation she was having in her head, image of Phillip popped out—of how she almost kissed him earlier. She remembered how he stood so close to her he almost dominated her personal space. That thought made Pola uncomfortable . . . and blush at the same time. She had been ignoring it, but for some reason, she could still feel the weight of his presence lingering like an expensive cologne. Mabuti na lang at walang ibang tao sa paligid niya, walang makakapansin sa pamumula niya.
Pola shook her head in attempt to get the thought off her mind, to get him off her mind rather, but it did nothing. Sa sobrang lalim ng iniisip niya, hindi niya napansin na ilang minuto na rin pala siyang naglalakad at malapit na siya sa mansion.
"Sina Mama at Papa po?" tanong niya sa kawaksing nabungaran pagkapasok niya sa loob.
"Nasa study room ninyo," sagot nito. Kumunot ang noo nito at concerned na humawak sa magkabila niyang siko. "Okay ka lang ba, hija? Ba't pulang-pula ka?"
Nahihiyang yumuko si Pola. "A-ahm, d-dahil po siguro sa araw. Naglakad lang po kasi ako mula sa gate." Her cheeks burned even more. "S-sige po, aakyat na po ako."
Tinalikuran niya ang ginang at mabilis ang mga hakbang na tinungo ang study room. Napatigil siya nang mapadaan sa kusina. Naroon si Pomee at saka ang kababata nitong si Cheska. Kapwa nakasuot ang mga ito ng apron at may hawak na sandok. Sabado kasi at walang pasok ang mga high school student. Lumabas mula sa isang bahagi ng kusina ang isa nilang kawaksi na nakatoka sa kusina at nilapag ang kung ano-anong mga sangkap sa harap ng dalawa. Lately, napapansin niya na nagiging hobby iyon ng kapatid niya—ang mag-aral magluto.
Minsan ay hindi niya maiwasang mainggit sa kapatid. Bagamat parehas mahigpit sa kanila ang mga magulang, kahit papaano ay nakakakilos pa rin si Pomee. Hindi katulad niya na bawat kibot ay may mga matang nakamasid at may mga bibig na agad uusig sa lahat ng kilos niya. Naiintindihan niya naman iyon, pero minsan . . . mabigat pa rin sa loob na may mga bagay siyang hindi magawa.
Nagpapasalamat na lang din si Pola na siya ang nagtitiis ng lahat ng iyon kaysa kay Pomee. Mas gugustuhin niya na kahit papaano, ma-enjoy pa rin ng kapatid niya ang buhay nito. Kaya kapag niyayaya ito ni Cheska na pumunta sa bahay nito o sa kung saan, bina-back up-an niya si Pomee sa mga magulang. Pero sobrang bihira lang naman. Siyempre ay kung gaano katakot si Pola sa mga magulang, ganoon din si Pomee. Pola, too, wanted to protect Pomee at all cost.
Bumuntonghininga siya at hindi na sana papansinin ang dalawa sa ginagawa sa kusina, ngunit agad siyang nakita ng kapatid.
"Ate!" gulat na tawag ni Pomee sa kaniya sabay hubad ng apron na suot nito.
Lumingon naman din si Cheska sa kaniya at kumaway. "Oh, hi, Ate Pola!"
Nginitian niya ang huli at saka hinarap ang kapatid na agad na nakalapit sa kaniya. Tsinek nito ang suot na wristwatch at kunot ang noong nag-angat ng tingin sa kaniya. "W-what happened, Ate?"
Muling binundol ng kaba ang dibdib ni Pola. Kabisado ng kapatid niya ang oras ng kaniyang uwi at kapag ganitong sa kalagitnaan ng araw ay sumusulpot siya sa mansion, alam na nito na may hindi magandang nangyayari o mangyayari.
Minabuti na muna ni Pola na huwag sabihin dito ang nasa isip. "H-hindi ko pa alam, pero ang sabi ni Mama, I need to explain myself."
Pomee tsk-ed. Hinawakan nito ang mga kamay niya at ginagap. Bumadha rin ang pagkabahala sa maamong mukha ni Pomee. "Update me, Ate, okay? It's gonna be alright."
Isang disimuladong ngiti ang umalpas sa mga labi ni Pola at saka hinaplos sa bumbunan ang kapatid. "Sige na, go back to what you're doing."
Malakas ang kabog ng dibdib ni Pola habang binabaybay ang marmol na sahig ng mansion patungo sa study room. The whole third floor was dark and cold. Para siyang nasa isang eksena ng horror movie. Apart from her careful footsteps, distant voices echoed the hallway.
Nagpakawala muna ng buntonghininga si Pola bago kumatok nang marahan sa pinto ng study room. Mayamaya'y narinig niya ang pagpihit ng doorknob, tumambad doon ang kaniyang ina. Doña Karen donned a muted brown suede dress. Her mother's microbladed brows arched upon seeing Pola. Tila naninindak din ang pulang-pula nitong lipstick. Bagay na bagay talaga itong kontrabida sa mga pelikula.
"Where have you been?" agad nitong tanong nang hindi muna siya pinapapasok.
Napalunok siya. "S-sa school, Mama."
"School, huh." Nag-isang guhit ang mga labi nito at saka niluwagan ang pagkakabukas ng pinto upang makadaan siya. Bumaling ito sa kaliwa. "Nandito na ang magaling mong panganay."
"Afternoon, Dad," mahinang bati ni Pola sa lalaking nakadekuwatro sa itim na leather couch. The harsh yellow light coming from the chandelier illuminated her father's sharp profile. His firm lips looked like it hadn't smiled in years. Napalunok siya.
Nang bumaling siya sa kanan, nakita niya naman doon ang kaniyang abuela sa ama, si Lola Portia. Ito ang pinagkuhaan ng unang pangalan nilang magkapatid. Pomee's full name was Portia Miracle and hers was Portia Larra, but Dona Karen didn't like their grandmother's name on theirs, so she gave them nicknames instead, hence "Pomee" and "Pola".
Given a chance, Pola would probably be a lola's girl. Mabait ang kaniyang abuela, ngunit hindi nito kasundo ang kanilang ina kaya minsan lang ito magawi sa mansion. Plus, Lola Portia lived in Rome. Once or twice a year lang kung bumisita ito. Sandaling nabawasan ang kabang nararamdaman ni Pola nang malamang naroon din ang ang matanda.
"Good afternoon, Lola," nakangiti niyang bati rito sabay lapit. "I missed you po."
Lola Portia opened her arms and gave Pola a tight hug. "I missed you, too, apo." Nang maghiwalay sila ay pinasadahan siya nito ng tingin. "Are you eating properly, Portia Larra? Namamayat ka." Tinapunan nito ng tingin ang anak na si Don Paul. "Hijo, bakit nagsisipayatayan sina Miracle at Larra? Are you serving foods on time?"
Sasagot na sana ito ngunit agad na umentra si Doña Karen. "Yes, Doña Portia, I am feeding my daughters on time. Hindi ako nagkukulang sa kanila, if that's your point. And you," tumingin ito sa kaniya, "hindi kita pinasundo para makipag-catch up sa iyong abuela, Pola." Pinagdiinan pa nito ang kaniyang pangalan para iparating kay Lola Portia na iyon ang dapat na itawag sa kaniya.
Umayos ng tayo si Pola at bahagyang yumuko. "I'm sorry, Mama."
"Care to explain why you did that, Pola?" panimula ni Don Paul at ipinagdaop ang dalawang palad sa tapat ng dibdib. "Portia Larra."
Handa na sanang magkuwento at magpaliwanag si Pola tungkol sa biglaang pagkasama niya sa mga Grecco kanina, ngunit muli na naman siyang pinutol ng ina.
"Bakit mo 'yon ginawa nang hindi muna kami kinokonsulta?"
Kumunot ang noo ni Pola. Huh?
Tumayo si Don Paul at pumamulsa. "Bakit mo pina-move ang schedule mo nang hindi kami tinatanong?"
Napakurap si Pola, saglit na nag-isip, pilit na inalala kung ano ang tinutukoy ng mga ito, 'tapos ay manlalaki ang mga mata. Wait, ibig sabihin ay hindi ito tungkol sa mga Grecco?
"Pola," untag sa kaniya ng ama.
"I-is t-this about my two advanced programs po?" Inilagay niya ang dalawang palad sa kaniyang likod.
"Yes, your lectures," anang mommy niya. "Your professors said you requested to move your hours."
Was she not allowed to do that? "I . . . I did po."
Pinagkrus ni Doña Karen ang mga kamay sa dibdib. "Did you know how many strings your father and I had to pull to get those professors teach you, Pola? They are from Harvard."
Nakagat ni Pola ang pang-ibabang labi. "Ma, pero kasi—"
"Who told you that you're allowed to do that?" ani pa ulit ni Dona Karen.
"Hear her out, Karen," singit ni Lola Portia. "I'm pretty sure valid ang reason ni Larra kaya niya iyon ginawa."
"But without letting us know, first?" sagot naman ng kaniyang ama.
"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan n'yo siyang pagkuhain ng sandamakmak na advanced lectures. She's already doing great in school. May kulang pa ba?"
"And I don't understand why you still have to be included in this conversation, Doña Portia," prangkang saad naman ng mommy niya sa huli. "Kami ang nagpapaaral kay Pola. Kami ang gumagastos at nagbabanat ng buto para mabigyan siya ng mas magandang quality ng edukasyon. Siya ang mamamahala sa lahat ng negosyo namin, dapat lang na gawin namin iyon to make sure she'll handle it all well. She'll make use of all those credentials someday."
Saglit na tumalim ang tingin ni Lola Portia, ngunit agad din naman iyong nawala. Her abuela remained poised and composed.
"Mama," tila napapagod na usal ng kaniyang ama kay Lola Portia, "ang point lang naman namin kung bakit kami nagagalit, nag-withdraw ang dalawang professor niya when we already paid them huge checks. Contacting them was already hard enough for us."
"Pola, I'm waiting for your explanation," ani Doña Karen pagkatapos na pagkatapos magsalita ng daddy niya.
Ibig manikip ng dibdib ni Pola. "I'm sorry, Mama at Papa. I . . . I didn't know that—it's just that . . . a-ano po kasi, hindi po tugma sa schedule ko sa school. Iyong isa pong lecture, tumama sa isang subject ko. Kasunod niya rin po 'yong tanging breaktime ko, so I thought i-it wouldn't hurt to move them for a couple of hours." I just want to rest . . .
"Irregular student ka, Pola," pagpapaalala sa kaniya ng ina.
"Yes po . . ." halos pabulong niyang sagot dito.
"Meaning, kami ang gumawa ng schedule mo sa school, correct?"
Lalo siyang yumuko. Matalim ang tono ng pananalita ng kaniyang ina na para bang may ginawa siyang isang karumaldumal na krimen. "Y-yes po."
"Meaning din, magagawan ng paraan ang schedule mo sa school," naninising dagdag pa ni Doña Karen. "Kung kinausap mo muna kami bago ka nagdesisyon on your own, e di sana iyong schedule mo sa school ang in-adjust namin."
"H-hindi ko po alam na possible pa po siya since nasa kalagitnaan na po ng sem," Pola mumbled. Her hands were cold already.
"That's a common knowledge, Pola." Lumagatok ang heels ng mommy niya. "Besides, there's nothing your father and I couldn't fix. Would it hurt to inform us?"
"Iyon naman pala, e," hindi napigilang sambit ni Lola Portia. Hinawakan siya nito sa braso. "There's nothing your money can't fix, so bakit kailangan pang isisi sa bata ang isang bagay na nagawa na? Gawan ninyo ng paraan then. Why are you two scolding her as if she did something horrible?"
"Deciding without letting her parents know is," her mother insisted sharply. "We're just teaching her a lesson."
"What's done is done, Karen," rinig niyang dagdag pa ni Lola Portia. Now, even her grandmother sounded stern. Nanlalabo na ang kaniyang mga mata gawa ng luhang nagpupumilit sumingaw sa kaniyang mga mata ngunit pinipigilan niya. "Baka nga kaya namamayat ang apo ko dahil hindi na nakakapagpahinga nang maayos kakapilit ninyong pagkasyahin lahat sa oras niya."
The discussion went on for almost two hours, pero halos hindi na siya nagsalita dahil ang kaniyang Lola Portia at mommy na lang ang nagtatalo. Natapos iyon dahil pumagitna na ang kaniyang ama para sabihing pumasok na siya sa kuwarto para makapag-log in sa isa pa niyang virtual class sa isang ring professor sa ibang bansa. Hindi na rin kasi niya mababalikan ang klase niya dahil kanina pa iyon tapos.
Nanghihinang ibinagsak ni Pola ang katawan sa kaniyang kama. Initsa niya sa kung saan ang kaniyang salamin, 'tapos ay saglit na pumikit. It had always been like that. Every time na mag-a-argue sila ng mga magulang niya, it would drain her energy. Sa totoo lang, wala pa siyang matinong tulog dahil ang dami niyang hinabol na assignments at projects. Pakiramdam niya, ipinagkakasya niya ang load ng tatlong academic year sa iisang taon.
Three soft knocks interrupted Pola's reverie.
"Come in," she murmured, her voice already hoarse. Hindi siya sigurado kung narinig ba siya ng nasa kabilang pinto, pero wala na siyang lakas pa para ulitin at lakasan ang sinabi.
"H-hi, Ate."
It was Pomee.
Idinilat niya ang mga mata at dahan-dahang umayos ng upo sa kama.
Pola gave her a small smile. "Where's Cheska?"
"She already left kanina, Ate," maingat nitong sabi sabay kagat ng ibabang labi. "I cooked something for you. I know you're exhausted already. Kahit bukas mo na ikuwento ang nangyari, but, please, eat first. Baka hindi ka na naman kumain."
"What's that?" aniya habang pinapanood ang kapatid na isalansan ang laman ng bitbit nitong serving tray.
"Sinigang," ngingiti-ngiti nitong sagot sabay hila ng isang upuan papunta sa lamesa na pinag-ayusan nito. "Actually, hindi pa rin ako kumakain, pero mukhang matagal pa silang mag-uusap-usap sa taas, so sabay na tayo. Nagdamay na rin ako ng para sa akin."
"I thought you don't like sinigang?"
For some reason, Pomee's cheeks flushed. "I do now. Well, I'm still practicing pa naman. Tinuturuan pa lang ako nina Ate Celeste magluto. 'Lika na, try it!"
Saglit siyang nag-inat-inat bago tinabihan ang kapatid. Kinuha niya ang inaabot nitong kutsara at saka humigop ng sabaw. Tumango-tango siya kapagkuwan. "This tastes good. You do have a knack for cooking, 'no?"
Tila nahihiyang ikinibit nito ang balikat. "Gusto ko talagang mag-culinary pagdating ko sa college, Ate." Lumamlam ang ekspresyon ng mukha nito. "But I know—we both know, it's not for me to decide . . ."
Bumuntonghininga si Pola at aaluhin na sana ang kapatid nang bigla niyang marinig ang pagtunog ng kaniyang phone. Who would text her? Mayroon pa naman siyang 30 minutes para magpahinga saglit bago ang kaniyang lecture.
Unregistered number? sa isip-isip niya nang makita ang numero na nag-flash sa screen ng phone niya. And when Pola opened the message, she gasped for air as if her lungs had just collapsed.
Hi, Pola. Phillip here.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top