Chapter 2 • Wrong

INALIS ni Pola ang suot na antipara at sinipat-sipat. Pinunasan niya ang mga salamin niyon at saka muling isinuot. She blinked her eyes, then glanced at her surroundings—squinting. Napailing siya. That did not do anything. Malabo pa rin. Baka nga talagang tumaas na naman ang grado ng kaniyang mga mata. Pola heaved a sigh, then shrugged her shoulders. Ibinalik niya ang atensiyon sa sinasagutang assignment.

     Ganoon parati ang ginagawa ni Pola sa tuwing may mahaba siyang breaktime—sasagutan na niya lahat ng assignent para pag-uwi niya, wala na siyang ibang aatupagin kundi pag-a-advance study na lang.  

     Pola never considered herself smart—or at least that was what her parents had indelibly etched in her mind. Despite her best efforts, she was never good enough for them; they were never contented and never proud of her achievements. Buong buhay niya, wala siyang ibang ginawa kundi i-please ang mga ito.

     "That's wrong," uttered a baritone voice behind Pola.

     Kunot-noong bumaling si Pola para harapin ang nagsalita, pero nahigit niya ang hininga nang kamuntikan nang dumapi ang mga labi niya sa pisngi ng lalaking nakadukwang sa kaniyang tabi at matamang nakatitig sa kaniyang notebook. His face was just too close she had to lean backwards to be able to recognize him. And when she did, her breath whooshed out of her lungs she almost choked herself to death.

     Ano'ng ginagawa ng nag-iisang Phillip Dev Grecco rito? Pola's eyes blinked rapidly.

     Nilukob ng panic at takot ang isip ng dalaga. Baka may makakita sa kanila na puwedeng pag-ugatan ng tsismis o ano pa man na makakarating sa kaniyang mga magulang. Pola hastily scooted to the other of the table, leaving at least two feet distance between her and Phillip.

     Oblivious to her reaction, Phillip casually occupied the seat that she had just vacated. Hindi nito inaalis ang tingin sa notebook niya. He was murmuring as he read what Pola had written. His expression had always been stern and gruff, she noticed, giving off an intimidating vibe. Pola's right hand flew to her chest and was about to check if there were prying eyes watching them, when she heard another familiar voice across the cafe.

     "Don't worry, we're not going to tell your anyone that you almost kissed Phillip."

     Halos mabali ang leeg ni Pola sa ginawa niyang pagbaling sa direksiyon ng pinanggalingan ng boses na iyon. Pola's eyes widened even more. Si Flame! Flame Sev Grecco's lips curled into a playful grin which, even from afar, revealed deep dimples she never knew he had. Pero hindi lang ito ang naroon sa counter, katabi rin nito si Seth—Phillip's younger brother!

     Ibubuka na sana niya ang bibig para magsalita ngunit muli iyong naudlot nang mahagip ng kaniyang mga mata ang lalaking iniluwa ng pintuan. Si Game! Parang ayaw mag-process ng utak niya.

     "'Langya naman, Seth, nagbanyo na ako't lahat, hindi ka pa rin tapos mamili ng kakainin?" asik ni Game sa pinsan nito habang pinapagpag ang suot na varsity jacket na may nakasulat na Grecco at may numerong fifteen sa magkabilang sleeves. Kaswal siyang tinanguan nito na para bang sanay itong makita siya roon at tila ba close sila. "Hey, Pola. 'Sup?"

     Kumibot-kibot lang ang mga labi ni Pola bilang sagot.

     "'Can't decide what to buy. I'm craving something different," tugon ni Seth habang iiling-iling pa ring nakatingin sa menu.

     "Baka naman kasi wala talaga d'yan sa menu 'yong gusto mong kainin?" tudyo ni Flame sabay dunggol sa braso ni Seth. "Why don't you just call one of your girls, huh, Seth? O nagsawa ka na sa kanila?"

     Game snorted. Lumapit ito kay Seth at pabirong sinuntok ito sa dibdib. "It's the latter, I'll bet."

     "Language, boys. May nakakarinig sa inyong babae," sita ni Phillip sa mga ito, ngunit nakatitig pa rin sa pahina ng notebook niya.

     Sabay-sabay na nilingon siya ng tatlong Grecco. Flame mouthed, "Sorry". Game flashed a peace sign, then Seth just asked if she wanted something off the menu.

     Pola, for the nth time, blinked—hard. Ano'ng ginagawa ng mga magpipinsan dito sa bago niyang hideout? Bakit siya nilalapitan at kinakausap ng mga ito? Nao-overwhelm siya sa presensya ng mga Grecco. It's their thing. Even without uttering a word, each of their presence alone demanded power and influence—enough to make someone feel so small and vulnerable. Plus, besides her father, she had never been alone with boys before, so she's not exactly sure how to respond to her current situation.

     Iginala niya ang paningin. Sila-sila lang ang naroon. Kahit papaano, nabawasan nang kaunti ang kaba niya na baka makarating iyon sa magulang niya, pero naroon pa rin ang uneasiness.

     "So," untag sa kaniya ni Phillip.

     Dahan-dahang ibinalik ni Pola ang tingin dito. But she was caught even more off guard with his gaze. Mataman itong nakatitig sa kaniya na wari bang kinakabisa bawat detalye ng kaniyang mukha. Phillip's gray eyes were mesmerizing, as if there were hundreds of lightnings blazing all together inside two crystal orbs. The Greccos were known for having such rare and striking eye color, but his was a different shade of gray.

     "Why do you look so surprised? Daig mo pa'ng nakakita ng multo, ah?" mused Phillip, the side of his lips curling upwards.

     To say that she was surprised was an understatement. Tila napahiyang inalis ni Pola ang tingin dito. Her head tipped down in attempt to hide the blush that she could feel creeping on her cheeks.

     Hindi naman kasi ito ang unang pagkakataon na nakasama niya ang mga Grecco. Sa katunayan, dahil malapit ang mga magulang niya sa mga Grecco, maraming beses na niyang nakadaupang palad ang mga magpipinsan sa kung anu-anong social events. She's supposed to be used to having the Greccos around, but she didn't really grew up being friends with any of them—even the girls—that's why she's distant toward them. Bawal siyang magkaroon ng distraction, at naniniwala ang mga magulang niya na isa roon ang social life sa maaring makasira ng buhay niya. Kaya nakakasama lamang niya ang mga Grecco kapag nariyan ang pamilya niya. For formality, kumbaga.

     "Bigla ba akong naging invisible?" Phillip said once more.

     Pola bit her lower lip, then lifted her head a bit. Sa kaniyang peripheral vision, kita niya ang pagtukod ni Phillip ng magkabila nitong siko sa ibabaw ng lamesa. Ipinatong din nito ang baba sa nakadaop nitong mga palad habang tahasang nakatunghay sa kaniya. Maliban sa nararamdamang pagkaasiwa, may kung anong nagkakagulo sa kaniyang tiyan.

     "Portia Larra Fuentez, you don't really talk that much, do you?" Phillip continued.

     "Unless ayaw mo sa amin kaya hindi mo kami kinakausap," saad naman ng lalaking sumalampak ng upo sa silyang katapat niya. Dala ng gulat ay napaangat siya ng tingin dito. Si Game. Prenteng inunat nito ang dalawang kamay sa ere at dinala sa likod ng ulo nito. "Do you?"

     "'Been wondering about that, too. But what's not to like about us? Mababait naman kami," segunda pa ni Seth sabay lapag ng bowl ng banana sundae sa harapan niya. "This is yours. Their desserts are to die for, Pola. Trust me."

     Naguguluhan pa ring nagpalipat-lipat ng tingin si Pola sa magpipinsan. Nakapalibot ang mga ito sa kaniya at tila hinihintay na magsalita siya. Pakiwari niya'y nasa hot seat siya.

     Napahaplos siya sa kaniyang leeg. Ano ba'ng sasabihin niya? "I . . . well, I-I don't—I didn't mean to make you, guys, f-feel that w-way, I don't hate any of you . . . I'm just, uhm," anxious na ginalaw-galaw niya ang kaniyang salamin, "not used t-to talking to people in . . . in general. And," kuming lumingon siya kay Seth, "thank you for the offer, b-but I-I don't eat ice cream. I'm . . . I'm sorry."

     Hindi niya sigurado kung naintindihan ba siya ng mga ito kahit pautal-utal siya, pero nais lumubog ni Pola nang mga sandaling iyon sa paraan ng pagkakatitig ng mga ito sa kaniya. They looked genuinely amazed, though.

     "Woah," bulalas ni Flame mayamaya. "So you do talk! Puro 'hi' or 'hello' lang kasi narinig ko sa iyo noon."

     "Isa pa, Isa pa," namimilog ang matang usal naman ni Game.

     "Alright, now that it's clear that she doesn't hate us, lumipat na kayo sa ibang lamesa. Iniistorbo n'yo siya," utos ni Phillip sa mga pinsan nitong sabay-sabay siyang tinatanong ng kung anu-ano. Nag-angat ito ng tingin sa kapatid. "And take that ice cream with you, Seth. You heard Pola."

     Base sa ekspresyon ng mukha ni Seth, hindi nito matanggap ang ginawa niyang pagtanggi sa dessert. "Pero masarap ang ice cream nila, swear! And it will make you talk even more, Pola, you should taste it."

     "I don't care," Phillip deadpanned. Kinuha nito ang ice cream at pabagsak na ipinatong sa palad ni Seth. "Sige na, lumipat na kayo sa ibang lamesa."

     "Ikaw ba si Pola? Hindi naman ikaw inaalok ko, e," parang batang gagad ni Seth sabay balik ng panghimagas sa kaniyang harapan. "Tikman mo lang, you'll thank me later."

     Phillip hissed. "Seth Sin Grecco, huwag kang makulit."

     "Bakit ka ba nangingialam? Gusto mo rin ba ng ice cream? Bawasan mo libo-libo mong allowance mo at bumili ka!" Pumalatak si Seth.

     Shaking his head, Flame leaned over. "Friendly tip. Next time Seth offers you something, just accept it. Mataas pride niyan, hindi niya kayang tanggapin na tinanggihan mo siya. Tingnan mo, isang buong linggo masama loob niyan."

     Sinubukan ni Pola magsalita ngunit hindi siya makasingit sa sagutan ng magkapatid. Malapit na rin siyang mahilo sa pagpapalipat-lipat ng ice cream sa harapan niya. Si Game lang ang tahimik at tila aligagang naghahanap ng kung ano.

     "Pero kasasabi niya lang nga na hindi siya kumakain ng ice cream," giit pa ni Phillip sabay haklit ulit sa lalagyan. Sa pagkakataong ito, kay Flame na nito iyon inabot. "Dalhin mo na nga 'yan do'n. Doon na kayo."

     Seth grunted and snatched the glass bowl from Flame. "Fine. Give me that." 

     "Hay, ang sarap na ng upo ko, e," angal ni Flame, ngunit tumayo rin naman. Susunod na sana ito sa nagdadabog at wala nang magawang si Seth, pero tumigil si Flame sa tapat ni Phillip. "What about you? D'yan ka lang?"

     Akmang sasagutin na ni Phillip ang pinsan nang biglang dambahin ni Game ang huli.

     "Flame, pare, pahiram nga ng phone mo. Ngayon lang. I think I lost mine," ani Game habang kinakapa-kapa pa rin ang nakabulatlat nang mga bulsa ng suot nitong pantalon.

     "Na naman?!" Walang kaabog-abog na binatukan ni Flame si Game. "Saan mo na naman iniwan cellphone mo? Dude, pang-ilang palit mo na 'yan. Asa ka, hindi kita pahihiramin. Last time you borrowed Chase's phone, you moron left it at some random chick's dorm! Nawala mo rin 'yong kay Reiford at Seth. Bumili ka na lang ngayon, ano'ng silbi ng credit card mo?"

     Napangiwi si Game at napahaplos sa batok. "Nakaipit do'n sa likod ng case ng phone ko 'yong credit card ko."

      "E di bahala ka sa buhay mo." Iyon lang at malalaki ang mga hakbang na pumunta na si Flame sa lamesang napili ng nagmamarkulyong si Seth.

     "Hindi ko naman sisilipin mga porn mo!" habol pa ni Game. "Hindi rin kita aagawan ng chicks!"

     Pola's shoulders tensed. Even hearing such vulgar words felt like a huge mistake. Napaigtad siya nang bigla siyang suotan ni Phillip ng headphone. Pola's initial reaction was to remove it, but Phillip's palms were still pressed, ever so gently, on each ear pad, preventing her from doing so. Nagtatanong ang mga matang sinalubong niya ang tingin nito. Umiling-iling lamang ito, indikasyon na hayaan muna. She figured it was a noise-cancelling headphone. Nakikita niya kasing nagbabangayan sina Flame, Game, at Seth, ngunit wala siyang marinig ni isa sa mga pinagsasabi ng tatlo dahil may kalakasan din ang kantang pumapainlang doon.

     Tapos na ang paghihintay nandito ka na't oras ay naiinip magdahan-dahan. Sinasamsam bawat gunita na para bang tayo'y 'di na tatanda . . .

     Phillip Dev Grecco never struck her as someone who enjoyed listening to music, especially OPM. Masyado kasi itong seryoso. Alam din kasi niya na malaki rin ang naghihintay na responsibilidad dito bilang susunod na mamamahala ng Grecco Corporation. Napatingin siya kay Phillip na hanggang ngayon ay nakahawak pa rin sa magkabilang ear pad at titig na titig pa rin sa kaniya. For a moment, his expression softened. Saglit na nag-usap ang kanilang mga mata habang ninamnam ni Pola ang lyrics.

     Nagkita rin ang ating landas. Wala nang iba akong hinihiling kundi ika'y pagmasdan. Mundo ko ay 'yong niyanig. Oh, anong ligaya ika'y sumama sa akin. Nais ko lang humimbing sa saliw ng iyong tinig.

     Matapos ang ilang segundo, muling nilingon ni Phillip ang tatlo. Nang makumpirmang tapos nang magbangayan ang mga ito ay inalis na nito ang headphone kahit hindi pa tapos ang kanta.  

     Phillip smiled sheepishly and slid the headphone back inside his bag. "I figured you're not used to hearing obscene words and I know their conversation will get worse, so I had to cover your ears. Wala kasi silang filter magsalita. Sorry about that."

     She felt something warm touch her heart. Gusto niya itong pasalamatan, ngunit mula siyang napipilan.

      Awkward silence engulfed them. Mayamaya's sabay silang nagsalita, pero kapwa rin naman tumigil.

     "You first. Bihira ka lang magsalita," natatawang saad ni Phillip.

      Tila wala sa loob na hinawi ni Pola ang iilang hibla ng buhok na humalagpos mula sa pagkaka-braid niya at saka inipit sa likod ng kaniyang tainga. "H-hindi—"

      "Don't," sansala nito sa kaniya.

      Kumunot ang kaniyang noo. Don't?

      "You're talking to me, so I expect you to look at me . . . not on the floor nor the table, unless you are talking to these inanimate objects, then, by all means, stare at them," Phillip commanded carefully.

     May pag-aalinlangan siyang tumalima at tumingin dito. "I-I'm sorry. I, uhm, I didn't know that this was your spot. I just found this cafe two days ago and..and it's far from our school so . . . so I thought it's . . . uhm, safe to be my nook." Ikinurap niya ang mga mata nang agad ma-realize na parang hindi maganda ang dating ng huli niyang sinabi. "N-no, no, sorry! I mean, it is safe here. A-akala ko lang, walang ibang nakakalam nitong cafe sa school maliban sa akin."

      Tumango-tango ito. "Alam ko kung ano'ng iniiwasan mo. Just like you, we all share the same reason why we go to this cafe. Well, maliban sa gusto ni Seth mga pagkain dito—" tinapunan nila ng tingin si Seth na nakatitig sa natutunaw nang banana sundae at halatang masama pa rin ang loob "—don't mind him, this place is hidden, too, which makes it peaceful. Malayo sa maiinit na mga mata, correct?"

      Kimi siyang tumango.

      "Don't worry, treat this as your hideout all you want. Ako bahala kina Seth kapag ginulo ka nila. You'll be safe here." He squared his shoulders, then pointed at her notebook. "Now, going back to the real reason why I approached you. Mali 'yong sagot mo sa number 5."

     Kunot ang noong bahagya niyang ikiniling ang ulo. "I'm sorry?"

     Ibinaba nito ang tingin sa nakabukas pa rin niyang notebook. "Dito, sa sinasagutan mong activity. Mali 'yong sagot mo."

     Napasapo siya sa kaniyang noo. Dahil nabulabog ang isip niya ng mga Grecco, saglit niyang nakalimutan na mayroon nga pala siyang sinasagutan. Ibinalik niya ang tingin doon at akmang kukunin na, ngunit mabilis pa sa alas kuwatrong dinampot ni Phillip ang kaniyang ballpen at walang anu-anong ginuhitan ng ekis ang sinasabi nitong mali niyang sagot.

     Napasinghap si Pola. "W-wait, a-ano'ng ginagawa mo?"

     "Writing the correct answer, obviously," kibit-balikat nitong sagot.

     "T-teka," awat niya rito kahit nasa kalagitnaan na ito ng pagsusulat. "I can't be wrong. I mean . . . twice kong ni-review ang notes ko." Urong sulong ang kamay niya. Gusto niyang kunin mula rito ang kaniyang ballpen at notebook, pero hindi niya magawa.

     "But I can't be wrong either. Mali talaga ang sagot mo," ani Phillip, tila amuse na amuse sa kaniya. "But don't worry, isa lang naman. The rest, tama na."

     "M-may I?" nahihiya niyang anas sabay umang ng nanlalamig niyang palad sa notebook.

     Ibinaba nito ang pen. "It's yours, of course."

     "Thanks," she murmured.

      Ilang ulit binasa ni Pola ang part na sinasabi ni Phillip na mali. Sa huli, kinuha niya ang libro at tsineck ang sagot. At tama nga ito, mali nga ang isinulat niyang sagot doon. Kagat ang ibabang labi na umiling-iling siya. She should be disappointed in herself. Her parents reminder—which sounded more like a warning—echoed in her head. "There's no room for a small or single mistake here, Pola. Everything you do should be perfect. You represent us. Bitbit mo ang imahe ng mga Fuentez at bilang tagapagmana namin, you should be mindful. Remember that."

     With the thought, her stomach tied in knots. She began questioning herself. Did she not listen to the lecture enough?

     "Look, don't fret over it," agap ni Phillip nang makita ang pagkabahala sa kaniyang mukha. "It's okay. Hindi mo pa naman napapasa, e."

     "Y-you don't understand," anas ni Pola. At oo, nagpa-panic siya sa iisang maling sagot niya. Bawat resulta ng kaniyang exam o ano pa man ay naka-report sa kaniyang mga magulang. They would immediately assume she's not studying hard enough.

     Napapitlag si Pola nang maramdaman ang pag-vibrate ng phone sa kaniyang bulsa. Parang humagis palabas ng cafe ang puso niya sa kaba. Hindi na niya kailangan pang tingnan para malaman kung sino ang tumatawag. Tatayo na sana siya para sagutin iyon nang biglang maglapag si Seth ng cupcake sa harapan niya.

      Takang nilingon niya ito.

      "Mango cupcake," Seth prompted. "Don't tell me ayaw mo rin ng pastries?"

      Umawang ang bibig ng dalaga. Mukhang hindi ito susuko hangga't hindi niya tinatanggap ang inaalok nito.

      "Ang kulit talaga." Phillip tsked. Dinampot nito ang cupcake at walang anu-anong isinubo nang buo! Kandamuwal-muwal ito habang nakikipagpalitan ng matalim na tingin sa kapatid.

     Wala nang oras si Pola para intindihin pa ang dalawa, kailangan na niyang sagutin ang tawag ng ina.

      "I-I'm so sorry. I have to go." Nagmamadali siyang tumayo at tumalilis palabas ng cafe, kasehadong nagkakandalaglagan ang mga gamit niya dahil hindi pa niya naizi-zipper nang maayos ang bag niya. Pagkatapak na pagkatapak sa labas ay agad niyang sinagot ang tawag.

      "Pola."

      Despite her palpitating heart, her back straightened upon hearing Doña Karen's voice. Sunod-sunod siyang napalunok habang hinahaplos-haplos ang dibdib. "Y-yes, Ma?"    

      "Go home now and explain yourself."

      Mariing nakagat ni Pola ang ibabang labi. Ito na nga ba ang sinasabi niya.

      She knew Phillip Dev Grecco and his cousins were bad news.

     So help me, God.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top