Chapter 16
Pinuntahan ni Jun si Satoshi sa kwarto nito ayaw kasing lumabas nito sa kwarto nya dahil sa nang yari naguguluhan si Satoshi dahil mahal nya na si Ji Woo at hindi naman nya masuway ang kagustuhan ng kanyang Papa dahil alam nyang siya na lang ang nag iisang kasama nito sa buhay at mahalaga sa Papa niya ang Bakery dahil simula ng mabuksan ang Bakery na yun naging abala na ang Papa niya at nakalimutan na ang sakit ginawa ng Mama niya ng sumama ito sa ibang lalaki.
Kwarto ni Satoshi
Jun: Oh-chan Busy ka ba ?
Satoshi: Hindi naman nag dradrawing lang naman ako dito. Bakit may kailangan ka ba ?
Jun: Pwede ba tayong mag usap about sa inyo ni Ji Woo ?
Satoshi: Sige ayos lang naman sa akin. Nakausap mo na ba sya simula kasi kaninang umaga tinatawagan ko siya pero hindi nya ako sinasagot.
Jun: Baka galit pa din siya sayo. Ano pala ang balak mo ?
Satoshi: Gusto kong mag paliwanag sa kanya pero hindi ko alam kung pano ?
Jun: Tutulungan kita kung galit siya sayo tiyak naman siguro na hindi sya parang bata na idadamay kami
Satoshi: Pero paniniwalaan nya kaya ako sa sasabihin ko ?
Jun: Kung mahal ka talaga nya maniniwala sya sayo
Satoshi: Pero naguguluhan ako Jun
Jun: Saan ?
Satoshi: Si Papa ang dahilan kung bakit andito si Ryoko kapalit ng lahat ng utang ni Papa sa Banko nila Ryoko kailangan kong pakasalan si Ryoko para wag nilang ilitin ang Bakery ni Papa alam mo naman kung gaanong kahalaga kay Papa ang Bakery na yun.
Jun: Ano !!! ( Gulat na pag sagot kay Satoshi ) Hindi manlang ba naisip ng Papa mo ang kaligayahan mo ?
Satoshi: Ako na lang ang kasama ni Papa simula ng iwan kami ni Mama ayoko naman na masaktan ko si Papa kung susuwayin ko sya sa kagustuhan nya isa pa ayaw nya kay Ji Woo mababa ang tingin nya kay Ji Woo
Jun: Alam nya na ang tungkol kay Ji Woo? ( Nagtatakang tanong nito kay Satoshi )
Satoshi: Alam nya na may babae akong nagugustohan dito pero hindi niya alam kung sino yun. Kaya nalaman ni Ryoko kung asan tayo dahil sinabi nya kay Ryoko na may nagugustohan akong babae dito kaya pumunta dito si Ryoko.
Jun: Hindi ko akalain na ganyan ang problema mo pero alam namin na ayaw mo kay Ryoko.
Satoshi: Sinabi ko na yan kay Papa pero ang sabi nya matututunan ko ding mahalin si Ryoko. Alam ko sa sarili ko na talagang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya kaya nahihirapan akong mamili. Kung susundin ko ba ang puso ko O susundin ko si Papa
Jun: Kung ako ang tatanongin mo hirap din akong sagutin yan pero kung ano man ang desisyon mo tutulungan ka namin. Siguro dapat makausap mo muna si Ji Woo
Satoshi: Siguro nga gusto ko talagang makausap muna sya bago ako mag desisyon
Cappuccino
Kinausap naman ni Masaki si Yeong Seung sa labas ng Coffee Shop
Yeong Seung: Masaki ano ba ang kailangan mo oras ng trabaho namin ngayon mapapagalitan ako nito
Masaki: Kailangan ko ang tulong mo bukas dalhan mo kami ng pagkain sa Arena
Yeong Seung: Yun lang naman pala inabala mo pa ako dahil lang dyan pwede mo naman sabihin na lang yan sa text o kaya sa call
Masaki: Importante ito hindi mo pa ba alam na hindi natuloy ang dinner date nila Ji Woo at Satoshi
Yeong Seung: Ano ?? Panong hindi na tuloy ?? ( Gulat na tanong )
Masaki: ( Kinuwento ang lahat ng nangyari kay Yeong Seung ) Kaya kailangan nilang mag usap na dalawa
Yeong Seung: Sige Okay sa akin yan bukas na bukas darating kami ni Ji Woo at hindi ko sasabihin ang plano kay Ji Woo
Masaki: Aasahan ko yan pano mauna na ako
Yeong SeunG: Sige ingat ka
Umalis na si Masaki. At bumalik naman na sa pag tratrabaho si Yeong Seung.
Gaya naman ng inutos ni Sho kay Kazunari nakipagkita ito kay Ryoko para alamin ang plano ni Ryoko.
Restaurant
Ryoko: Oh Kazunari bakit naman gusto mo akong makausap may nangyari bang masama sa Darling Satoshi ko ?
Kazunari: Wala naman nagulat lang kasi ako ng makita ka namin kagabi sa Garden. Bakit ka pala pumunta dito ?
Ryoko: Nalaman ko kasi kay Mr. Ohno na may lumalandi ka future husband ko kaya pumunta ako dito para alisin ang babaeng umaaligid kay Darling Satoshi
Kazunari: Ano ba yang sinasabi mo Ryoko hindi mO naman Boyfriend si Satoshi pano mo syang magiging future husband ?
Ryoko: Hindi pa ba nya nasasabi sayo inyo na ikakasal na kaming dalawa
Kazunari: Ikakasal ? Kayo ? Paano nang yari yun ?
Ryoko: ( pinaliwanag kay Kazunari ang lahat ) Kaya sa ayaw at gusto nya ako ang future wife nya hindi ang babaeng waitress na yun
Kazunari: Pero hindi ka mahal ni Satoshi alam mo yun
Ryoko: Alam ko kaya nga hiniling ko kay Papa na si Satoshi ang na lang ang kabayaran ng lahat ng utang ni Mr. Ohno sa amin. Alam mo naman na ako lang ang anak sa pamilya namin kaya nakukuha ko ang lahat ng gusto ko.
Flashback
Japan
Nag uusap si Mr. Ohno at si Mr. Kobayashi tungkol sa utang ni Mr. Ohno sa Banko nila ng bigla naman pumasok sa Office ni Mr. Kobayashi si Ryoko dahil sa narinig nya ang pinag uusapan ng dalawa.
Ryoko: Papa pasensya na kung makikialam ako sa usapan ninyo.
Mr. Kobayashi: Bakit may suggestion ka ba tungkol sa usapan namin ?
Ryoko: Meron po Papa alam mo naman na simula Highschool pa lang kami ni Satoshi gusto ko na po sya kaya naman pwede po ba na siya na lang pang bayad sa lahat ng utang ni Mr. Ohno sa atin ?
Mr. Kobayashi: Mr. Ohno ano sa tingin mo mukhang okay naman sa akin yun maganda ang naisip ni Ryoko pwede pa tayong mag sama sa negosyo natin at tiyak na din natin ang future ng mga anak natin
Mr. Ohno: Pero Mr. Kobayashi hindi ako ang mag dedesisyon kung sino ang papakasalan ng anak ko.
Mr. Kobayashi: Kung hindi mo gusto ang gusto ni Ryoko siguro tingin ko wala na akong magagawa kundi kunin ang pinakamamahal mong Bakery.
Mr. Ohno: Pero magagawa ko pa naman bayaran ang utang ko sayo
Ryoko: Magagawa mo nga pero yun kung bumebenta pa ang Bakery nyo kaso lang wala na hindi na ito bumebenta dahil ang sikat na Bakery na ay yung Bakery ni Mrs. Kowenma yung bagong bukas lang na Bakery
Mr. Ohno: Alam ko pero hindi madali yang gusto ninyo
Ryoko: Isa lang naman ang magagawa mo ang ibenta ang Bakery mo para mabayaran mo kami O kaya naman iilitin na lang namin yun. Pero kung ako sayo pumayag ka na sa gusto ko aalagaan ko si Satoshi.
Mr. Ohno: Pag iisipan ko
Mr. Kobayashi: Sige bibigyan kita ng 2 araw para pag isipan yang bagay na yan
Umalis na si Mr. Ohno sa Office ni Mr. Kobayashi.
End Of Flashback
Kazunari: Pero Ryoko hindi mo dapat ginawa ang bagay na yan
Ryoko: Kazunari ano ang gusto mo ang makita ko na ang pinaka mamahal kong lalaki ay mapunta sa iba. No way akin si Satoshi sya lang ang lalaking gusto kong makasama sa pag tanda ko. Isa pa kaya ko ginawa yun para wag mawala sa kanila ang Bakery nila yun lang ang tanging paraan para hindi kunin ni Papa ang Bakery
Kazunari: Yun lang ba talaga ang paraan o baka naman yun ang gusto mong paraan. Ryoko masasaktan ka lang sa ginagawa mo iba ang mahal ni Satoshi at hindi ikaw yun
Ryoko: Wala akong pake alam sa mga sinasabi mo. Matutunan akong mahalin ni Satoshi kaya nag sasayang ka lang ng oras. At tinitiyak ko kung sino man yang gusto ni Satoshi hindi sila mag kakatuluyan. Mauna na ako may pupuntahan pa ako ( Tumayo na ito sa kinauupuan niya )
Umalis na si Ryoko at tahimik naman na nag iisip si Kazunari tungkol sa sinabi ni Ryoko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top