Chapter 15
Nag uusap sina Sho,Masaki,Jun at Kazunari sa Kwarto ni Sho samantalang si Satoshi naman ay nag dradrawing sa kwarto nya.
Kwarto ni Sho
Masaki: Sho bakit ka pumayag kagabi na yung Hyun Joong na yun ang mag uwi kay Ji Woo
Kazunari: Oo nga dapat si Satoshi ang nag uwi sa kanya para nakapag usap silang dalawa
Sho: Ano ba naman kayo nakikita nyo na nga na nasaktan ni Oh-chan ang Loob ni Ji Woo ang hindi ko maintindihan sino ba ang babaeng sinasabi ni Ji Woo ?
Jun: Si Kobayashi Ryoko yung tinutukoy nya
Sho: Si Ryoko yung Highschool Friend nya na gustong gusto sya 0_0 ( Gulat na pag sagot nito ) Anong ginagawa nya dito ?
Jun: Ewan namin nagulat din naman kami ni Masaki at Kazunari ng makita namin siya at sa ganun pang senaryo na kasama nya si Oh-chan
Kazunari: Pero alam naman natin na hindi gusto ni Oh-chan si Ryoko. Dahil alam natin na si Ji Woo ang gusto nya
Masaki: Tama ka dyan kaya nga pumayag si Oh-chan na gawin dinner date na lang ang araw na dapat 1st date nila
Flashback
Habang kumakain sina Jun, Masaki, Kazunari at Satoshi ng agahan napag usapan nila ang tungkol sa 1st date ni Ji Woo at Satoshi.
Kazunari: Oh-chan saan ba kayo pupunta ni Ji Woo ?
Satoshi: Ewan ko pano naman kasi gusto ko sana maging special ang lakad namin ngayon dahil makakasama ko siya ngayon
Masaki: Halata naman sayo na masaya ka pero may naisip kami ni Jun na idea
Satoshi: Ano naman yun? (nagtatakang tanong nito)
Jun: Mag dinner date na lang kayo may nakita akong magandang garden akong bahala sa mag ayos
Masaki: Ako naman ang bahalang mag luto ng kakainin ninyong dalawa
Kazunari: Ako naman ang bahalang mag ayos sayo Oh-chan
Satoshi: Ayos yang plano na naisip ninyo ^_^ salamat sa pag tulong sa akin. ( napansin na kanina pa wala si Sho ) Asan si Sakurai Sho?
Masaki: Naku simula nung nalaman nya ang location ng hotel kung saan matatagpuan ang batang babae ayon palagi siyang busy sa pag kuha ng impormasyon.
Kazunari: Matanong ko lang Oh-chan pano kung mahanap ni Sho yung batang babae paano si Ji Woo ?
Satoshi: Ewan ko ang hirap naman nyang tanong mo nagutom lang ulit ako
Masaki: Naku ikaw talaga Oh-chan makaiwas ka lang sa tanong
Satoshi: Siguro titignan ko lang kung kamusta na sya kapag nahanap natin sya tiyak naman na hindi na kami pwede ng batang yun dahil sa tagal ng panahon tiyak may sariling pamilya na yun. Isa pa masaya akong kasama si Ji Woo
Jun: Ano yan nawalan agad ng pag asa pano kung single pa din siya ngayon ?
Satoshi: ( natahimik ito ng sandali ) Buti pa sa susunod na lang natin pag usapan ito ang isipin na lang natin yung mangyayari mamaya
Hindi na nila kinulit pa si Satoshi at kumain na ito.
End Of Flashback
Sho: Pero ano ba talaga ang pakay ni Ryoko bakit siya andito dapat malaman natin
Jun: Ano plano mo Sho ?
Sho: Kazunari makipag kita ka kay Ryoko at alamin mo ang dahila kung bakit siya andito.
Kazunari: Sige ba
Sho: Jun kausapin mo si Oh-chan sabihin mo sa kanyang wag syang sumuko kay Ji Woo
Jun: Sige ako na ang bahala kay Oh-chan
Sho: Masaki kausapin mo si Yeong Seung na bukas isama nya si Ji Woo sa Arena para makapag usap si Oh-chan at Ji Woo
Masaki: Okay madali lang yan. Pero matanong ko lang Sho bakit parang ang serious mo naman na tulungan si Ji Woo at Oh-chan ?
Kazunari,Jun: Oo nga
Sho: Dahil sila ang tadhana para sa isat isa
Jun: Huh !! ( naguguluhan )
Sho: Dahil si Ji Woo ang batang babae na hinahanap ni Oh-chan ay iisa lang si Hyun Joong kaya siya palaging kasama ni Ji Woo dahil magkapatid sila siya ang nawawalang anak ni Mr. Kim
Laking Gulat nina Jun,Kazunari at Masaki sa sinabi ni Sho
Jun,Kazunari,Masaki: ANO !!!!!
Sho: Kahapon ko lang ito nalaman nakita ko si Hyun Joong sa Hotel.
Kinuwento ni Sho ang nangyari nung pumunta sya sa Hotel.
Jun: Kung ganun matagal na pala nating kasama ang hinahanap ni Oh-chan
Kazunari: At nagkagustuhan silang dalawa kahit hindi nila alam na hinahanap nila ang isat isa
Masaki: Tama ka dyan Kazunari pero dapat malaman ito si Oh-chan
Sho: Hindi muna dapat malaman ni Oh-chan hanggang hindi natin nalalaman ang plano ni Ryoko
Jun: Bakit naman ?
Sho: Dapat kasi maialis natin si Ryoko para wag na syang makagulo pa kay Oh-chan at Ji Woo kaya sundin nyo lang ang plano ko at matutulungan natin si Ji Woo
Pumayag naman ang tatlo sa plano ni Sho.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top