Just the beginning

"Kaya mo 'to Jane"

Kasalukuyan akong nandito sa rooftop.  Wow ang ganda ng rooftop dito. Kita mo halos lahat.

Tumungtong na ako sa may simento. Tumayo ako ng tuwid at huminga ng malalim.

"Omg!  Girl diba siya yung ex daw ni Terrence"

"Oo nga 'no. Gosh!  Anong ginagawa niya dun?"

"Eww bitter yata kaya ayan"

Kailan ba nila itatahimik yung mga bunganga nila. Yeah right bunganga 'di kasi bagay sa kanila yung term na bibig. Psssh!

Hanggang dito ba naman lahat pinapansin nila. -.-

Terrence, bakit? Bakit mo nagawa sa'kin 'to? Ginawa ko naman lahat. Kulang pa ba lahat 'yon? Kapag ba ginawa ko 'to sasaya kana... kayo?

"Hala mukhang tatalon na siya"

"Omg!  Oo nga"

Bakit ba rinig na rinig ko pa din sila kahit na nasa rooftop na ako. Kailangan talaga may mga audience ako sa gagawin ko?  Haaays. Napatigil ako saglit ng makita ko si Terrence sa baba kasama yung bago niyang gf. 'Di ko masyado makita mukha niya pero nakatingin lang siya. 'Di ko napansin na may tumutulo na palang luha sa pisngi ko.

Terrence...

I step forward as I breath so deep.

Eto na...

1...

2...

"Sige talon"

"Waaaaaaaaaah!" napasigaw ako sa gulat nang may biglang nagsalita. Whew!  Buti nakabalanse ako. Lumingon ako at nakita ko ang isang lalaki na nakatayo at nakasandal lang sa pader. "Nakita mo ba?  Muntik na ako mahulog diba?  May balak ka bang patayin ako, ha?" inis na sabi ko.

Sinubukan kong tumingin sa baba at kitang-kita mo na maraming nanunuod ang nagulat. Kahit ako sobrang kinabahan ng bongga. Hinanap ko si Terrence pero ni anino niya 'di ko makita.

"Tsk. Diba yun naman balak mong gawin kanina. Ako pa ngayon sinisisi mo" sabi niya ng naka-poker face.

"Hindi ah. Nagpapahangin lang ako dito. Ikaw lang naman itong istorbo" sabi ko ng nakatalikod sa kanya.

"Alam mo 'di yan magandang solusyon sa mga brokenhearted na kagaya mo" sabi niya habang nararamdaman kong papalapit siya sakin. "O swiss knife" sabi niya sabay abot sakin ng swiss knife.

"Anong gagawin ko dyan?"

"Kainin mo"

"Eh kung ikaw kaya pakainin ko nito sa tingin mo ba makakain mo 'to?"

"Hindi" tipid niyang sabi.

"Hindi naman pala e. Tapos ipapakain mo pa sakin.  Ano ako engot?"

"Pwede rin" aba iniinis ako nito ah.

"Whaaaat!?" umuusok na ilong ko sa galit. Brokenhearted na nga ako tapos dadagdag pa siya. Naku naman!

"E kung bumaba ka kaya muna dyan bago ka tuluyan na mahulog dyan"

"Hala oo nga" sabi ko sabay baba sa may semento at agad na tumayo sa tabi niya.

"Kapag ba nagpakamatay ka sa tingin mo matatapos na lahat? Kapag nagsisi ka mababawi mo pa kaya buhay mo?"

Bigla ako napaisip dun ah. Kasi naman e hays. "Hmm... Hindi" sabi ko ng nakayuko.

"Sa tingin ko hindi mo pa alam yung legend ng babaeng brokenhearted dito sa rooftop noong matagal na panahon. Gusto mo ba mala--"  naputol ang sasabihin niya ng may bigla kaming narinig na tumatakbo.

"Terrence?" gulat na sabi ko.

Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sakin at niyakap ako.

"Jane, ok ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya. Terrence bakit mo ba 'to ginagawa?  Pakiramdam ko maiiyak nananaman ako nito.

Mas ikinagulat ko nang bigla akong hinila palabas nung lalaki kanina. Kahit 'di ko siya kilala hinayaan ko muna siya nang makalayo ako kay Terrence.

"O panyo" sabi niya nang may inabot siya sakin na panyo.

"Ano gagawin ko dyan?"

"Kakainin mo siguro. Tsk" bigla nalang ako napangiti nang sabihin niya yun. "Ako na nga lang" nagulat ako ng pinunasan niya ang mukha ko ng panyo niya.

Bakit niya ba 'to ginagawa?  'Di naman namin kilala ang isa't isa. Pero bakit sobra naman yata ang concern niya sakin.

"Ang gwapo ko ba?" sabi niya sabay smirk. Hala 'di ko napansin nakatulala na ako sa kanya.

"Kapal ah" natatawa kong sabi. Bakit ganun?  Bakit nakukuha ko padin maging masaya kahit na nasaktan na ako? Abnormal na yata ako.

"Sige mauna na ako. Ingat ka ah"

'Hmm. Sige"

Late ko na narealize na hawak ko pala panyo niya. Hala!  Kailangan ko 'to ibalik sa kaniya. Paglingon ko kung san siya naglakad, bigla nalang siya nawala. Alien ba yun?  Bakit parang ang bilis naman niya maglakad. Nga pala yung legend na sinasabi niya kanina hays nacurious tuloy ako tungkol dun. Tiningnan ko yung panyo niya at may nakita akong 'JD' na nakaburda.

JD hmm.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top