I am Jane Usher

Bakit niya ba'to ginagawa? Lahat naman ginawa ko para sa kanya. Hanggang ngayon naka-tulala pa din ako sa dalawang tao na naglalakad palayo. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Panaginip lang ba'to? Oo tama baka nga nananaginip ako. "Aray!" sigaw ko ng pasikreto kong kinurot ang balat ko.

"Kawawa naman yung babae"

"Siya yun diba?"

"Grabe nakakahiya yung nangyari sa kanya kanina"

'Di ako sanay sa mga ganito. Akala ko sa mga palabas at mga libro lang may mga ganito. Pero nangyayari din pala ito sa totoong buhay. Sa bagay, 'di rin naman nawawala ang mga tsismosang unggoy sa mundo. Ay! Masyado yatang lugi mga unggoy sa kanila hahahah.

Sabihin na nila gusto nilang sabihin wala na akong pakielam. 'Di ko lang talaga kayang tanggapin mga nangyayari sa ngayon. Tama sila dapat 'di ko muna pinasok ang ganitong relasyon. Anim na buwan pa lang kami ni Terrence. Sobrang sakit talaga minahal ko sya ng sobra-sobra na halos wala akong tinira sa sarili ko. Paulit-ulit ko man sabihin 'di pa din mawawala yung sakit e.

Ngayon, pinagtitinginan ako ng mga tao dito. Problema nila? Mapa-babae o mapa-lalaki my goodness tsismosa't tsismoso -_- Unang araw pa lang pero sirang-sira na araw ko pati yata pangalan ko sira na huhu.

Tulala kong tinitingnan ang rooftop ng building na nasa harap ko ngayon.

"Siya yung ex ni Terrence, tama ba?"

"Kaibigan nga lang daw 'di mo ba narinig?"

"Oo nga pala tsaka imposible dahil monthsary nila ngayon, right?"

"Yes, girl you're right"

Say whaaaat!?? Ibig sabihin isang buwan na niya ako niloloko kaya pala napaka-cold niya, tsk.

"What a pity"

Nakakapikon na ah. Kailangan ba talaga iparinig sa'kin?

"Ang swerte ni Mitch may Terrence siya"

Sige  tuloy nyo lang -_____-

"Hahaha yah 'di sila bagay nung gir---"

"TITIGIL KAYONG DALAWA O IPAPATAPON KO KAYO SA PACIFIC OCEAN!? KUNG GUSTO NIYO MAG-USAP 'WAG DITO SA HARAPAN KO DUN KAYO SA MT. EVEREST, MGA TSONGGO!!"

"Eww what did she just call us?"

"Tsonggo na nga bingi pa tsk"

"What!?"

"See? Both of you are a freaking deaf"

"What did you say!? "

Ayan na napipikon na sila hahahaha.

"So you do want me to say it again, am I right?"

"Arrgh! You're wrong"

"Nope. I am Jane Usher"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top