First Day/Worst Day

"Kuya, malapit na po ba tayo?"

"Naku miss mukhang malayo pa"

"Ah sige salamat po kuya. Dito nalang po ako"

Agad na nagbayad ako at bumaba ng tricycle. Ang haggard na ng lola mo, kaloka. Late na nga nagising tapos traffic pa. Takbo lang ako ng takbo nang may nakabangga akong babae.

"Hala, sorry po miss. Ok ka lang ba?"

"Ah..eh..Oo ok lang ako" whew. Agad ko naman siyang tinulungan na tumayo.

"Sa SWU ka din ba mag-aaral?" Tanong niya. Teka, parehas kami ng uniform ang galing! Tumango ako bilang sagot.

"Tara sabay ka na sa'kin sa paglalakad"

'Di ko alam kung bakit ako sumama pero atleast may kakilala na ako na sa SWU din nag-aaral.

"Ako nga pala si Miyami Star. But you can call me Star if you want since mukha ka namang mabait" natatawa niyang sabi.

"Hmm I'm Jane Reneigh. Nice to meet you" Oh taray! Inenglish ko din sya nakaka-nosebleed haha.

"Anong grade mo na?"

"Senior high po"

"Oh same. Apir! Haha" 'di din sya kalog 'no? 'Di ko namalayan nandito na pala kami sa tapat ng Star Wilson University. Wow.

"Tara hatid na kita. Anong section mo ba?"

"12-B po"

"Hahaha 'wag mo na ako i-'po'. Nagmumukha akong lola. Tara laka--" natigil ang pagsasalita niya nang biglang tumunog yung phone niya.

"Naku naman. Jane, emergency lang ah. Wait for me here ihahatid pa kita. 'Wag kang aalis ah baka maligaw ka" sabi nya ng natatawa.

"Okay" sabi ko ng nakangiti.

Sa totoo lang masaya ako na may kakilala na kaagad ako dito. She's so pretty and nice. Teka, advance pala yung oras sa relo ko. Huhu. Akala ko male-late na ako e.

I'm Jane Reneigh Usher. I'm 17 and I am a proud working student. Nagta-trabaho ako bilang waitress sa isang mini bar. Nagtrabaho ako para makaipon makapag-aral lang ako dito sa SWU. Si Terrence ang dahilan kaya ko 'to ginagawa. I want to surprise him. Gusto ko na sabay kami grumaduate ng senior high.

Ang saya ko dahil makakasama ko na siya sa wakas sa iisang paaralan. Ang bongga, diba? Yun nga lang Class-B ako Class-A siya. Matalino naman ako kaya lang ang mga sikat lang naman ang mga nasa Class-A. Nandun ang mga artista, model, players, etc.

Ako? Haha simple lang naman ako.

"Wait, siya na ba 'yun?"

Kyaaaa! Siya nga. Agad naman ako pumunta ng masaya sa kanila-- huh? Kanila? Bakit dalawa sila? Sino yung kasama niya? Hmm babae siya. Bakit ang saya nila? Agad naman ako nakaramdam ng inis na may kasamang lungkot. Pero 'di pwede. Kailangan ko muna malaman kung ano nangyayari.

"Terrence!" masayang bati ko sa kanya. Kitang-kita ko ang pagkagulat ng mukha niya.

"Oh bakit parang gulat na gulat ka ng makita mo ako? 'Di ka ba masaya?" malungkot na tanong ko.

"Babe, sino siya? Why is she bothering us?" biglang tanong nung babae.

Babe? -_- BAAAAAABE!?? Tinawag niya bang 'babe' si Terrence ko? Oo 'Terrence ko' dahil akin lang siya at nangako siyang ako lang ang mamahalin niya.

"Terrence, wala na akong maintindihan. Bakit ka niya tinawag na 'babe'? Sagutin mo ako please!" Medyo napalakas yata pagkakasabi ko kaya pati atensyon ng iba nasa amina na. "Terrence please"

Naiiyak na ako dahil sa sobrang sakit. Pero 'di ko dapat ipakita sa kanila.

"Babe, sino ba kasi 'yang babae na 'yan?" sabi ulit nung babae. Ang sungit 'kala mo naman maganda, tsk. Oo maganda nga siya pero mas maganda naman ako.

"Jane, I'm sorry nawawalan ka na kasi ng oras sakin e." paliwanag ni Terrence.

"Pero ginawa ko lahat yun para sa'yo. Pwede naman natin pag-usapan to e. Please naman Terrence 'wag mo gawin 'to" naluluha na sabi ko.

"Sorry talaga, Jane. Babe kaibigan ko nga pala" pakilala sa'kin ni Terrence.

Ouch! KAIBIGAN daw? BIG WORD. Nanghihina 'yung mga tuhod ko. Ang sakit! Sorry? 'Yun lang? SERIOUSLY!??

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top